NAGPALIPAS MUNA NG ilang sandali si Oliver bago bumalik sa loob ng silid ng kanyang asawa. Tumayo si Manang Elsa na nakaupo malapit sa kama ni Alia nang makita niya ang pagpasok ng among lalaki. Hindi na niya pinansin ang pamamaga at pamumula ng mga mata ng lalaki na paniguradong nag-breakdown haban
PINANOOD NI OLIVER ang pag-alis ng kanyang secretary upang gawin ang ipinag-uutos niya. Matapos na humugot nang malalim na hininga ay muli siyang bumalik sa loob ng silid ng asawa na wala pa ‘ring pagbabago ang kalagayan. Nanatili itong nakahiga sa kanyang kama. Nanghihina at walang lakas na bumango
BUMALIK SA LOOB ng silid si Oliver na parang walang nangyari. Inaantok na noon si Alia nang dahil sa ininom na gamot. Sa halip na mahiga sa tabi nito ay naupo lang si Oliver sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ng asawa. Ilang beses niyang masuyong hinaplos-haplos iyon. Hindi naman nakaligtas kay
NAPAHAWAK NA LANG sa kanyang noo si Alyson at sinundan na lang ng tingin ang likod ng kapatid na tumalikod at nag-walked out habang kausap niya. Hindi pwede ang gusto nito. Kailangan niyang mahadlangan ang plano nito bago pa mas lalong lumala ang problema ng kanyang kapatid. Nang makauwi sila ni Geo
NAPAKUNOT NA ANG noo ni Alia nang bahagyang marinig ang malabong boses ni Alyson na puno ng pag-aalala. Kinuha na ni Oliver ang kanyang cellphone. Kung sisigawan niya lang din ito pabalik, hindi rin siya nito maririnig. “Alyson, hindi mo kailangang mag-alala. Aalagaan ko siya doon. Babalik din kami
SA UNANG GABI nina Oliver at Alia sa panibagong hospital na iyon sa Cavite ay malakas na bumuhos ang ulan halos magdamag. Tipong nakikisimpatya ang panahon sa pinagdadaanan ng mag-asawa. Nagising si Alia sa sobrang lamig ng panahon, nanginginig ang katawan niya kahit na nakabalot iyon sa kumot. Gayu
BAGO SUMIKAT ANG haring araw kinabukasan ay dumating sa hospital si Doctor Hansen kasama ang kanyang team lulan ng private plane. Ito ang isa sa pinakasikat na doctor na nagmamay-ari ng advanced na medical equipment na proven na. Marami na ang nagtestify ng galing nito, iyon nga lang ay aaray ang si
GULANTANG NA NATUTOP na ang bibig ni Manang Elsa nang biglang lumuhod sa kanyang harapan si Victor. Hindi niya iyon inaasahan. Pinagsalikop pa ng lalaki ang dalawa niyang palad habang walang tunog na namalisbis ang kanyang mga luha upang patuloy na magmakaawa sa matandang hayaan siya nitong makalapi
PUNO NG AWANG PINAGMASDAN pa ni Addison ang mukha ng asawang mahimbing pa rin ang tulog. Sigurado siya na kung maririnig lang ni Landon iyon, o malalaman na hindi man lang siya magawang bantayan at dalawin ng ina ay labis na masasaktan ang asawa niya. Ina niya pa rin ito kahit anong mangyari at iyon
MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA ang mag-asawa. Mula ng magkaroon ng physical na away sina Alyson at Loraine ay hindi na ulit nagtangka pang makipag-usap ang mag-asawa sa babae. Nakikibalita na lang sila ng kung anong nangyayari kay Landon mula sa doctor nitong nag-aalaga sa lalaki. Araw-araw iyon kun
MASAKIT ANG BUO niyang katawan, iyon ang unang rumihistro sa isipan ni Addison nang idilat niya ang mga mata. Bahagya siyang umingit at napangiwi nang dahil sa pananakit na iyon na para siyang ginulpi. Namamaga ang kanyang kamay na kung saan ay may nakapasak na karayom ng kanyang dextrose. May oxyge
MALAYO PA LANG ay iyon na agad ang tanong ng paninita ni Alyson na nagawa ng iduro ang mukha ni Loraine na napaahon naman sa kanyang upuan. Makikita rin sa mukha niya ang pagmamaang-maangan. “Bakit gising na ba ang anak mo at iyon agad ang isinumbong sa’yo, ha?” matapang pang sagot ni Loraine na ha
WALANG EMOSYON NA nilingon lang siya ng mag-asawa ngunit hindi pa rin nila siya nilapitan upang kausapin. Ayaw nilang makipagtalo o pagsimulan iyon ng panibagong gulo an paniguradong mangyayari. Hindi tanga ang mag-asawa para mag-aksaya ng laway. Binawi rin nila agad ang tingin sa kanilang banda. Ip
NAGMANI-OBRA NA ANG sasakyan kung saan nakalulan sina Addison at Landon upang mag-u-turn at baybayin na ang daan patungo ng kanilang condo. Hindi na sila matutuloy pa sa bar na nais puntahan. Naging mabilis ang mga pangyayari na segundo lang ang lumipas at bigla na lang silang sinalpok ng malakas ng
NAMASA NA ANG mga mata ni Addison at hindi na napigilang mamula rin iyon sa narinig na sinabi ng asawa. Mas sumama ang loob niya at naasiwa. Hindi na niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang reaction niya na kung dati ay agad na niyang titigilan ang pakikipagtalo, tatahimik na lang siya at ipa
NAPAKURAP NA ANG mga mata ni Landon at binasa ang kanyang laway. Mahaba ang kanyang pasensya ngunit sa pinapakita ngayon ng kanyang asawa, parang mapipigtas yata ang pisi ng kanyang pasensya. Napatingala na siya sa langit, nameywang at makailang beses na ipinikit ang mga mata upang doon din ibunton
NAUMID NA ANG dila ni Loraine sa mahabang litanya ng anak sa pasigaw na paraan na hindi niya inaasahan. Hindi niya suka’t-akalain na magagawa siya nitong sigawan upang ipagtanggol lang ang kaartehan ng kanyang manugang na halatang ginagawa lang iyon upang pagkasirain silang mag-ina. Pinagtaasan na n