SINIGURADO NI ALIA na kalmado at natural lang ang boses niya na hinahanap sila nang sagutin nito ang tawag. Baka mamaya, sila naman ang mag-panic gayong wala naman dapat kapanic-panic. Ayaw niyang mag-cause ng pagkataranta nila lalo at kaya naman niyang tiisin ang lahat. Mayroon din siyang plano na.
SINIKAP NI ALIA na kumalma kahit na hindi na kakalma-kalma ang mga nangyayari sa kanya ngayon na alam niya ang maaaring patunguhan kung hindi siya agad mabibigyan ng madaliang medical na atensyon. Buntis siya at masama sa buntis ang duguin kahit na ano pa man ang maging dahilan noon. Dugo iyon, ibig
WALANG HABAS AT tunog na bumuhos na ang mga luha ni Oliver habang patungo pa lang sila ng hospital. Hindi siya pinuna ni Geoff na nag-focus na lang sa kanyang pagmamaneho. Pagdating nila ng hospital ay halos hindi na ito makalakad nang dahil sa panginginig ng kanyang buong katawan ng dahil sa panic.
NAGING MALUNGKOT PARA kay Oliver ang naging ngiti ni Doctor Cabral nang makapasok siya ng opisina nito. Hindi magawang maupo ni Oliver sa upuang itinuro nito sa kanya nang dahil sa labis niyang pag-aalala sa kalagayan ng kanyang mag-iina. Iniisip pa lang na masamang balita iyon, pakiramdam ni Oliver
GANUN NA LANG ang iling ni Oliver na nakatanggap na ng batok mula kay Alia na napapahiya na sa pagiging OA ng kanyang asawa. Malinaw na sinabi ng doctor na magaling na siya tapos gusto pa siya nitong buruhin sa hospital? Eh, gusto na nga niyang makalabas doon nang masikatan man lang siya ng araw. Si
SA GITNA NG mahimbing na pagtulog ng gabing iyon ay naalimpungatan si Oliver nang marinig na parang may umiiyak sa kanyang tabi. Malakas iyon ngunit sa kanyang pandinig ay mahina. Kinapa niya ang tabi kung saan naramdaman niyang galaw nang galaw ang katawan ng kanyang asawang si Alia na parang namim
HABOL ANG HINGA at nanlalabo ang mga matang nagising si Alia habang nasa loob ng emergency room at kasalukuyang nilalapatan ng paunang lunas. Alam niyang nasa hospital na siya dahil sa mga unipormadong nurse sa paligid niya na paroo’t-parito na kanyang nakikita sa malabong imahe ng paningin. Hindi n
NAPALUHOD NA SI Oliver sa gilid ng kama ni Alia pagpasok niya ng silid bago ito dalhin sa operating room. Ganun na lang ang lakas ng hagulhol niya habang niyayakap ang walang malay na asawa. Kinuha niya ang isang kamay nito at minasahe iyon. Malamig ang pakiramdam niya sa mga palad nito na kanina la
SA NARINIG AY mas nadurog pa ang puso ni Addison. Paano kung hindi nga niya sukuan tapos napagod siya? Hindi pa rin iyon pwede? Lalo na kung makakasama nila ang biyenan na hindi malabong mangyari. Iniisip pa lang niya na gigising siya araw-araw at makikita ang mukha ni Loraine, sa mga sandaling iyon
UMIGTING NA ANG panga ni Landon sa pagsigaw na ginawa ni Addison. Biglang sumeryoso ang kanyang expression na sa pagkakataong iyon ay parang mas hindi na siya kilala ni Addison. Bigla itong naging another version ng kanyang asawa. Naghahamon na ang mga paninitig nito sa kanya. Saktong dumating naman
LUMAKAS PA ANG hagulhol ni Addison habang yakap ang kanyang ina. Sobrang bigat ng dibdib niya na hindi niya alam kung kakayanin niya pa ba. Alam niya sa kanyang sarili na malaki ang ambag niya kung bakit naroon ang asawa at walang malay na nakaratay sa kama ng hospital. In-denial lang ang mga magula
PUNO NG AWANG PINAGMASDAN pa ni Addison ang mukha ng asawang mahimbing pa rin ang tulog. Sigurado siya na kung maririnig lang ni Landon iyon, o malalaman na hindi man lang siya magawang bantayan at dalawin ng ina ay labis na masasaktan ang asawa niya. Ina niya pa rin ito kahit anong mangyari at iyon
MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA ang mag-asawa. Mula ng magkaroon ng physical na away sina Alyson at Loraine ay hindi na ulit nagtangka pang makipag-usap ang mag-asawa sa babae. Nakikibalita na lang sila ng kung anong nangyayari kay Landon mula sa doctor nitong nag-aalaga sa lalaki. Araw-araw iyon kun
MASAKIT ANG BUO niyang katawan, iyon ang unang rumihistro sa isipan ni Addison nang idilat niya ang mga mata. Bahagya siyang umingit at napangiwi nang dahil sa pananakit na iyon na para siyang ginulpi. Namamaga ang kanyang kamay na kung saan ay may nakapasak na karayom ng kanyang dextrose. May oxyge
MALAYO PA LANG ay iyon na agad ang tanong ng paninita ni Alyson na nagawa ng iduro ang mukha ni Loraine na napaahon naman sa kanyang upuan. Makikita rin sa mukha niya ang pagmamaang-maangan. “Bakit gising na ba ang anak mo at iyon agad ang isinumbong sa’yo, ha?” matapang pang sagot ni Loraine na ha
WALANG EMOSYON NA nilingon lang siya ng mag-asawa ngunit hindi pa rin nila siya nilapitan upang kausapin. Ayaw nilang makipagtalo o pagsimulan iyon ng panibagong gulo an paniguradong mangyayari. Hindi tanga ang mag-asawa para mag-aksaya ng laway. Binawi rin nila agad ang tingin sa kanilang banda. Ip
NAGMANI-OBRA NA ANG sasakyan kung saan nakalulan sina Addison at Landon upang mag-u-turn at baybayin na ang daan patungo ng kanilang condo. Hindi na sila matutuloy pa sa bar na nais puntahan. Naging mabilis ang mga pangyayari na segundo lang ang lumipas at bigla na lang silang sinalpok ng malakas ng