Kinabukasan,
Awtomatikong napabalikwas ng bangon si Tamara ng magising, agad siyang namula nang makita ang imahe nang kaniyang sarili na pinapaligaya ni Galvin gamit ang mga haplos at mainit na halik!
Napasuklay siya sa kaniyang buhok upang iwasiwas ang panaginip. Nilingon niya si Baby Gavin na naglilikha ng sounds na animo'y enjoy sa paglalaro ng telang hawak nito!
“Good morning, Love! Love ni Mommy...”
Hinalikan ni Tamara ang anak at nagtatakang tiningnan ang hawak nito. Kumunot ang noo ni Tamara nang makitang necktie iyon ni Galvin!
“Paano naman napunta sa'yo itong necktie ng Daddy mo? Hm?” Pinisil niya ang tungki ng ilong ni Baby Gavin at nagpalinga-linga sa buong silid upang tingnan kung naroon si Galvin.
Wala siyang natagpuang Galvin ngunit agaw pansin ang maliit na kahon na nakapatong sa bedside table, sa tabi ng kaniyang phone.
Kinuha niya ang maliit na kahon at binuksan. Bumungad sa kaniya ang silver necklace with diamond crescent moon pendant!
Nanlaki ang mata ni Tamara at hindi maiwasang mapahanga sa sobrang ganda ng kuwintas!
“Para sa akin ba 'to?”
Sa iisipin na regalo 'yon ni Galvin sa kaniya, para sa kanilang anniversary ay hindi niya maiwasang matuwa at kiligin. First time niyang makatanggap no'n mula sa asawa!
Nakangiting nilisan ni Tamara ang kama upang hanapin si Galvin. Sumilip sa banyo bago lumabas ng silid at dumiretso sa master bedroom!
“Galvin? Gal—
Natigilan si Tamara nang bumungad sa kaniya ang king size bed na hindi man lang nagusot! Binuksan niya ang banyo, walang Galvin. Tinungo niya ang walk-in closet nito ngunit wala rin doon ang asawa.
Nilisan ni Tamara ang master bedroom, sa iisipin na nasa ibaba si Galvin at kumakain ng almusal. Nakasalubong niya si Yaya Leng na may dala itong gatas para sa kaniya at cereal para kay Baby Gavin.
“Good morning, Ma'am!” Bati nito sa kaniya.
“Good morning din po, Yaya Leng. Nasa ibaba po ba si Galvin?”
Nagtaka naman si Yaya Leng. “Wala, Ma'am. Maaga po akong gumising pero hindi ko nakita si Sir, wala rin ang sasakyan niya sa garahe. Isa pa, dapat nakahain na sila Manang Luz ng breakfast ni Sir. Kaya hindi po talaga umuwi si Sir,”
Kung hindi umuwi si Galvin, kanino galing ang kuwintas at paano napunta kay Baby Gavin ang necktie nito?
”Ganu'n po ba... Sige, Yaya Leng ako na po ang bahala kay Baby Gavin.”
Ibinalik ni Tamara ang kahon ng kuwintas kung saan niya 'yon nakalagay at inisip na hindi 'yon para sa kaniya. Marahil kalimutan lamang 'yon ni Manang Luz, kung saan dapat na iligpit sa gamit ni Galvin.
Maghapong nagkulong si Tamara sa silid nila ni Baby Gavin at siya ang nag-alaga sa anak. Wala siyang ganang kumain, dahil punong-puno siya ng sama ng loob sa asawa.
Hindi na nga ito umuwi, hindi pa magawang mag-text o tumawag kung bakit hindi nakauwi.
Iniisip niya pa rin na galing kay Galvin ang kuwintas ngunit sa pagkakakilala niya kay Galvin, hindi ito ganu'n sa kaniya. Kung umuuwi man ito, katawan niya lang ang hanap nito at pagsasawan pagkatapos ay aalis na.
Nanginginig ang mga kamay niyang hawak ang phone niya habang nakatitig sa larawan ni Galvin na nakahalik sa noo ni Maris.
Sa iisipin na hindi umuwi si Galvin dahil hindi nito maiwan-iwan si Maris dahil nagdadalang tao ito, mas lalo siyang nasasaktan. Malinaw na mas mahalaga ito kasya sa kanila ni Gavin.
Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Tamara habang nakatingin sa anak niyang mahimbing na natutulog sa kaniyang bisig.
Tinuyo ni Tamara ang kaniyang pisngi nang marinig ang katok mula sa pinto. Nakita niya ang pagpasok ni Yaya Leng at animo'y hinahanap siya.
“Yaya, nandito po kami ni Gavin sa balkonahe.” Pagbibigay alam niya dito.
Agad namang lumapit sa kanila si Yaya Leng, nakangiti nitong sinabi, “Ma’am, nakahanda na po ang hapunan ninyo.”
“Wala po akong ganang kumain.” Mahinahon niyang tugon.
“Eh, Ma'am, kanina ka pa po walang kain. Baka po magkasakit na kayo niyan. Gusto niyo ba dalhan na lang kita dito ng pagkain?”
“I'm fine, Yaya. Magpahinga na po kayo, ako na ang bahala kay Baby Gavin.”
Napipilitang umalis si Yaya Leng na animo'y nag-aalala sa kaniya. Nanatili silang mag-ina sa balkonahe habang nakatingin si Tamara sa madilim na kalangitan at nagbabadyang bumuhos ang ulan.
Bumuhos ang malakas na ulan dahilan para awtomatikong tumayo si Tamara upang ipasok sa loob ang anak. Inilapag ni Tamara si Baby Gavin at tinabihan habang hinahaplos ang pisngi nito.
Nakarinig siya ng katok sa pinto, napapikit siya, sa iisipin na si Yaya Leng 'yon at may dalang pagkain. “Yaya, ayoko sabing —
“Ayos ah! Alas otso na nakahilata ka pa rin diyan! Masyado mo namang ine-enjoy ang pagtira mo sa mansion ko!”
Natigilan si Tamara dahil sa bumungad sa kaniya ang seryoso at gwapong mukha ni Galvin. Nakapamulsa itong nakasandal sa nakasarang pinto.
Napakurap-kurap siya dahil hindi niya napansin ang pagdating ng sasakyan nito. Hindi niya maikakaila na natutuwa siya na makita ito lalo pa't hindi niya inaasahan na nasa bahay ang asawa nang ganu'ng oras. Ngunit nang maalala ang nakita niya sa balita ay sumama ang loob niya dito, umusbong ang galit at sakit sa puso ni Tamara.
“A-anong ginagawa mo dito?” Walang emosyong tanong ni Tamara na bago sa pandinig ni Galvin.
Pinukol ni Galvin nang masamang tingin si Tamara dahil naiinsulto siya sa tanong nito! Wala ba siyang karapatan na umuwi? Eh, mansion niya ito!
“This is my fucking mansion! Do you have any problem that I am fucking here?” Iritadong tanong ni Galvin.
“Iwasan mo nga 'yang pagmura sa harap ni Baby! Doon man lang maipakita mo na nagpapaka-ama ka sa anak ko!”
Natigilan si Galvin dahil sa unang pagkakataong nakatanggap siya ng sigaw kay Tamara. She was always sweet and carrying when it comes to him. She's soft-spoken and very demure, ni hindi ito umiimik kapag nagagalit siya!
Binuhat ni Tamara si Baby Gavin at lumabas ng silid pero hinawakan ni Galvin ang kaniyang braso. “We're not yet done talking!”
Winaksi ni Tamara ang kamay nito. “Bitawan mo 'ko!”
Lumabas siya ng silid at binigay kay Yaya Leng si Baby Gavin bago siya bumalik sa loob ng silid. Nagulat si Tamara ng bigla siyang hilain ni Galvin at isinandal sa nakasarang pinto.
“Galvino! Ano ba!” Protesta ni Tamara, pagkatapos nang nalaman niya hahayaan niya itong maglambing? Hindi!
Natigilan si Galvin nang sampal ang tumama sa pisngi niya. Nagulat siya dahil ito ang unang beses na dumapo sa kaniyang pisngi ang malambot nitong mga kamay at ang may ikinagulat niya ay tinawag siya nito sa pangalan niya!
Binasa ni Galvin ang pang-ibabang labi at sinubukang halikan si Tamara ngunit agad siyang natigilan ng marinig ang muling sinabi nito.
“Sa'yo ba?” Deritsahang tanong ni Tamara habang nakatingin ng deritso kay Galvin.
Kahit na masasaktan siya sa magiging sagot nito ay pinanatili niyang matapang at malakas ang kaniyang sarili.
“Kailan pa, Galvino?”
Itinukod ni Galvin ang kamay sa nakasarang pinto bago walang emosyong sinalubong niya ang mga titig ni Tamara. Nababakas sa mukha nito ang galit bagay na ngayon niya lamang nakita sa mukha ni Tamara. Kahit na madalas may ginagawa siyang kalokohan, kaunting lambing niya bibigay si Tamara.
Sa pagkakataong 'yon, naisip ni Galvin na ang pinagmumulan ng matinding galit ni Tamara ay tungkol sa kanila ng ex-girlfriend niyang si Maris Keenly.
Mas uminit ang ulo ni Tamara nang mawalang marinig na sagot kay Galvin. “Magsalita ka! Tinatanong kita, Galvino! Bakit hindi ka makapagsalita ah? So... Totoo nga?!”
Titig na titig si Galvin sa namumulang, galit na asawa ni Tamara. Hindi ito kumukurap na nakatingin sa kaniya ng matalim at bakas ang galit.
Umigting ang panga ni Galvin. “What do you want me to fucking say, Tamara?”
“The answers I deserve, Galvino!” Tamara shout her husband.
Pain, anger is eating her whole system. Walang pagsisisi sa gwapong mukha ni Galvin, kahit kaunting awa sa kaniya, wala! His confident!
“Let her go! Damn it, Maris!” Bulyaw ni Galvino. Kilakaladkad ni Maris si Tamara palabas ng kwarto. Halos humiwalay sa leeg ni Tamara ang kaniya ulo sa lakas ng pagkakahila ni Maris sa kaniyang buhok. “Sa mga malanding katulad mo dapat lang sa'yo na mapahiya! Tingnan na lang natin kung may mukha ka pang maihaharap sa publiko kapag sinampahan kita ng kaso!” Hinahawakan ni Tamara ang pulsuhan ni Maris habang ang isang kamay ay nakahawak sa kumot na parang long dress sa kaniya. “Bitawan mo ‘ko!” sigaw ni Tamara. Madilim ang mukha, marahas ang mga mata at nagtitimpi ng galit si Galvino sa pinaggagawa ni Maris kay Tamara. “I said let her go!” Hinablot ni Galvino ang braso ni Maris, sa sobrang higpit ng kapit ni Galvino awtomatikong nabitawan ni Maris ang buhok ni Tamara at sumalampak sa sahig. “Ino, nasasaktan ako!” Bumalatay ang sakit sa mukha ni Maris habang binabawi ang braso kay Galvino. Itinulak ni Galvino si Maris kung kaya't natumpa rin ito sa sahig hindi kalayuan kay Tamara
Walang ingay na pinihit ni Maris ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto nilang mag-asawa. Napako si Maris sa kaniyang kinatatayuan, ang magandang mukha na puno ng magandang make-up ay nababakas ang galit at kumuyom ang kamao ng bumungad sa kaniya ang eksena. Nakaupo si Galvino sa gilid ng kama habang nakaupo si Tamara sa kandungan ni Galvino. Itinatali ni Galvino ang kumot sa batok ni Tamara na parang ribon upang magsilbi itong damit tulad ng gusto nito; halter dress. Nakayakap ang isang braso ni Tamara sa batok ni Galvino habang ang mukha ay nakapatong sa balikat nito. “You look hot more hot in white comforter. ” Puri ni Galvino habang pinapatakan ng halik sa balikat si Tamara. “Does it caught your attention hm?” Binigyang distansya ni Tamara ang pagitan nila ni Galvino. Bahagyang nagulat si Tamara nang mahagip ng kaniyang paningin ang babaeng nakatayo sa labas ng kwarto. It was Maris Kenly. . . Galvino’s wife! Nilukob ng matinding kaba si Tamara na makita
Kakalapag pa lamang ng eroplanong sinasakyan ni Maris sa Philippines Airport. Kaliwa't kanan ang kumukuha ng larawan o video kay Maris dahil nga kilalang-kilala na ito. Todo alaylay ang mga bodyguard ni Maris na huwag siyang malapitan ng mga tao. Madaming nais magpa-picture kung kaya't natatagalan siyang makalabas sa airport. Magmamadali si Maris habang ang assistant nito ay hirap na hirap na humabol sa kaniya sapagkat napakadami nitong dalang gamit ni Maris. Nakahinga ng maluwag si Maris nang makasakay sa loob ng van. Tinanggal niya ang suot niyang aviator at sumandal sa backrest. Wala pang ilang minuto tumutunog na ang cellphone ni Maris. Kinuha sa loob ng kaniyang mamahaling purse. Umirap si Maris ng makita ang pangalan ng kaniyang manager sa screen. “Ms—” [“Where the hell are you, Maris?!”] Bulaslas nito na halatang kanina pa nai-stress sa kakahanap sa kaniya. “Bumalik na ako ng Pilipinas.” Mahinahon niyang tugon. Alam ni Maris na magagalit ito ng husto sa kaniya dahil umali
Hating gabi ng makauwi si Galvino sa mansion. Nadatnan ni Galvino si Perla na nagliligpit ito ng mga laruan sa sala. Nagulat si Perla nang makita si Galvino dahil ang alam nito ay nasa out of town ito at sa makalawa pa ang balik nito. “Sir, akala—” “Where's my wife?” Naguguluhang sumagot si Perla. “Hindi pa po nakakabalik si Ma'am Maris—” “Fuck! I'm talking to Tamara. Where is she?” Bahagyang natigilan si Perla na hanggang ngayon ay si Tamara pa rin ang itinuturing nitong asawa. Hindi tuloy maiwasang mapayuko ni Perla dahil si Maris ang inakala niyang tinutukoy nito. “Sa kwarto ni Anne gustong matulog ni Gavin, Sir. Hindi pa po lumalabas si Ma'am Tamara magmula nang pumasok siya doon kanina nang makaalis si Miss Mesande.” Walang sali-salita na tinakbo ni Galvino ang hagdan at tinahak ang pasilyo patungo sa silid ni Marianne. Nang makatayo si Galvino sa labas ng kwarto ni Marianne. Hawak ni Galvin ang doorknob, pipihitin niya na lamang iyon ng maisipan na kumatok muna. Nabiti
Si Mesande ang nag-asikaso ng bayarin ni Tamara sa hospital nang payagan na ito ng doktor na lumabas. Hinatid ni Mesande si Tamara. Alas otso ng gabi nang makarating sila sa tapat ng mansion ni Galvino. Bumusena si Mesande na agad naman lumabas si Perla upang buksan ang gate. Nasa labas pa lang ng gate natatanaw na ni Tamara ang garahe na wala ang sasakyan ni Galvino tanda na wala pa ito. Bago umuwi ay may plano na si Tamara na kukunin na ang mga bata at ilalayo na ang mga ito at tutulungan siya ni Mesande. Iyon na ang pagkakataon na hinihintay ni Tamara na makuha ang mga anak niya na hindi nalalaman ni Galvino. Ang kailangan na lang niyang magmadali upang hindi na siya maabutan pa ni Galvino na kinukuha ang mga bata. Sinulyapan ni Tamara si Mesande. Nagkatinginan silang dalawa na tila nagkakaintindihan sa mga mata at tumango sa isa't isa bago sabay na bumaba. “Magandang gabi, Ma'am Tamara. . .” Bati ni Perla at sumulyap rin kay Mesande. “Miss Mesande, tuloy po kayo.” “Perla, hi
╔.★. .═══════════╗ 𝗝𝗔𝗬𝗣𝗘𝗜'𝗦 𝗠𝗘𝗦𝗦𝗔𝗚𝗘 ╚═══════════. .★.╝ August 30, 2025 HAPPY 17K VIEWS, GALVINO AND TAMARA. GOT 5 STAR RATINGS. Hola! This is your author 𝙄𝘼𝙈𝙅𝘼𝙔𝙋𝙀𝙄 slash 𝘽𝙡𝙖𝙘𝙠_𝙅𝙖𝙮𝙥𝙚𝙞. Magandang araw/Magandang gabi! Depende po sa inyo kung anong oras niyo po nabasa ang author's note na ito hehe. Unang-una nais ko pong mapasalamatan ang lahat ng nagbabasa, sumusuporta at walang sawa na naghihintay ng update ni Galvino at Tamara. Masaya po ako na matangumpay nating narating ang Kabatana otsenta na punong-puno ng sari-saring emosyon. Ramdam niyo po ba? Sa lahat ng nagbigay ng 5 star rate and feedback—maraming-maraming salamat po! At dahil po sa bumubuhos niyong suporta ay matagumpay na natanggap ni Galvino at Tamara ang limang bituwin! ⭐⭐⭐⭐⭐ Kahit po ganu'n ay hinahanyayahan ko pa rin po kayo na magbigay ng 5 star rate and feeback. Kahit ilan po ay pwedeng-pwede. Kahit araw-araw po ay pwedeng-pwede. Pangalawa, may nais lamang po akong lina