LOGINKahit masama ang loob ni Tamara sa kaniyang asawa ay ipinagpatuloy niya pa rin ang simpleng sorpresa para sa kanilang anniversary.
Kasalukuyang nasa dinning area si Tamara, nasa mesa ang masasarap na pagkain na inihanda niya para kay Galvin, may candle light upang mas romantic ang kanilang dinner.
Nakaupo siya sa silya habang naghihintay kay Galvin ngunit upos na ang kandilang nagsisinding liwanag sa mesang nasa kaniyang harapan, malamig na ang lahat ng pagkain na nakahain ngunit wala pa ring Galvin na dumarating.
Gutom na gutom na siya ngunit hindi niya nais kumain dahil makakain lamang siya kapag kasalo niya ang kaniyang asawa. Sinulyapan niya ang relo na nasa pulsuhan niya, pasado alas dyes emedya na nang gabi, wala pa rin ito.
Wala siyang natatanggap na tawag o mensahe mula dito kung makakauwi ba ito o hindi. Kinumbensi niya ang sarili na hintayin pa ito ng ilang minuto ngunit ng sumapit ang alas onse na wala pa ito ay tuluyan ng tumulo ang kaniyang mga luha kasabay ng paglisan niya sa mesang wala ng kabuhay-buhay.
Umakyat na siya sa silid nila ng kaniyang anak. Nakaupo sa couch si Yaya Leng, animo'y nakatulog na itong nakaupo habang naghihintay sa kaniya.
Hindi niya maiwasang makonsensya dahil sa kakahintay niya kay Galvin may isa ring nagpupuyat sa kaniyang pagbalik sa silid.
“Ma'am, nandiyan ka na pala... Nariyan na ba si Sir?” Sinalubong siya nito.
Tipid siyang ngumiti at umiling. “Sige na ho, Yaya, ako na ang bahala kay Baby, magpahinga na po kayo... Pasensya na at napuyat kayo sa kakahintay sa akin.”
Hinawakan ni Yaya Leng ang kaniyang braso. ”Ayos lang 'yon, Ma'am, magpahinga na rin po kayo. Siguro busy lang talaga si Sir sa trabaho kaya hindi siya makakauwi...”
Tipid na ngumiti si Tamara at hinatid ng tingin ang Yaya hangang sa makalabas ito ng silid.
“Sana lang, Yaya Leng, trabaho ang pinagkaka-busy-an niya...” Mangiyak-iyak niyang sambit.
Sa pagkakataong 'yon, gusto na lamang ni Tamara ang matulog at magpahinga ngunit nagising ang kaniyang anak at iyak ito ng iyak.
Pinadede niya ito, pinalitan ng diaper at lahat-lahat na ginawa niya ngunit hindi ito tumahan. Hindi niya mapatigil-tigil sa pag-iyak ang anak, kaya napaiyak na lamang siya habang kalong ito sa kaniyang bisig.
“Hush... Don't cry, baby! Tahan na please...” Pakiusap niya dito. “Mommy loves you. I love you, baby...”
Sumilay ang ngiti sa labi ni Baby Gavin na animo'y 'yon ang hinihintay nitong marinig mula sa kaniya.
Inilapag niya sa gitna ng kama ang anak bago niya ito tinabihan at panay kausap niya dito na para bang handa itong makinig sa kaniya at naiintindihan ang mga sinasabi niya.
“Bakit naman naiyak ang baby ni Mommy ah? Gabing-gabi na eh... Dapat tulog ka na para big boy ka na agad...” Ilang beses na pumikit ang mata nito na mas ikina-cute nito dahilan para marahan siyang mapangiti.
“Ang gwapo talaga ng baby na 'yan... Alam mo bang habang lumalaki ka nagiging kamukha mo na ang Daddy mo? Ah?”
Natawa si Tamara ng makitang nagsalubong ang kilay nito at humaba ang nguso na animo'y hindi nagustuhan ang sinabi niya ngunit mas lumabas ang pagkakatulad nito kay Galvin.
“Ayos lang 'yan, love na love ka naman ni Mommy. I... Love... You... I love you.”
Pinupog ni Tamara ng halik ang mukha ng kaniyang anak. Hinalik-halikan niya rin ang maliit nitong kamay. Ginagawa niya 'yon hangang sa makatulog ang kaniyang anak at pinakatitigan ang mukha nitong mapayapang natutulog.
Watching her baby sleeping peacefully make her calm and fly away all the things make her sick. She loves baby Gavin so much! Looking at her baby make her at peace and she fall asleep...
◕◕◕
Sa kabilang banda, gabing-gabi na si Galvin nang lisanin niya ang kaniyang opisina dahil may inasikaso pa siya na hindi dapat ipagpabukas.
Nang makarating sa tapat ng mansion, wala ng ilaw sa buong mansion. Nagbaba siya ng tingin sa kaniyang pambisig na relo doon niya lamang napagtanto na alas dose na nang gabi.
Kaya naman pala ilang minuto na siyang naghihintay sa labas ng gate ay hindi siya pinagbubuksan dahil tulog na ang mga tao sa mansion.
Sinuntok ni Galvin ang manibela bago inis bumaba upang pagbuksan ang sarili ng gate. Pagkatapos maiparada ng tahimik ang sasakyan sa loob garahe ay kinuha niya ang duplicate key ng mansion sa kaniyang bulsa.
Nang makapasok sa loob ng sala, namewang si Galvin at napahawak sa tungki ng kaniyang ilong habang nakatingala dahil ramdam niya ang matinding pagod. Nagpakawala rin siya ng marahas na hangin bago inilibot ang paningin sa madilim na kabuohan ng sala.
Kahit na madilim ang buong paligid kitang-kita niyang naka-ayos ang mga kagamitan doon tulad ng gusto ni Tamara, dumapo ang mata niya sa sofa kung saan madalas niyang madatnan si Tamara na natutulog kakahintay sa kaniya kapag alam nitong uuwi siya.
Nainis siya dahil wala doon ang babae, nakasanayan niya pa naman na ito ang bubungad sa kaniya.
Naiiling na naglakad siya paakyat sa ikalawang palapag ngunit agad siyang natigilan ng mapansin ang dim light sa loob ng dinning area, kaya tinungo niya 'yon.
Pag-apak niya sa loob ng dinning room ay sakto naman na namatay ang ultimong kandila na nagbibigay liwanag sa mesa na puno ng pagkain.
Dinukot niya ang phone sa bulsa at binuksan ang flashlight. Isa-isa niyang tingnan ang pagkain na naroon na lumamig na hindi nagagalaw.
“Ayos 'to ah... May pa romantic dinner sa pag-uwi ko!”
Natakam siya at sunod-sunod na nagreklamo ang kaniyang tiyan. Hindi pa siya kumakain dahil tinapos niya ang trabaho. Inilapag niya sa mesa ang kaniyang cellphone na nagsisilbing ilaw bago maingat na umupo sa silya na hindi nakakagawa ng anong ingay, nagpalinga-linga rin siya sa paligid upang masigurong walang tao bago nilantakan ang pagkain.
Kahit na malamig na ang mga 'yon ay maganang kumain si Galvin dahil paborito niya ang mga 'yon. Napatango-tango siya dahil masarap 'yon, ibang-iba sa luto ni Manang Luz na nakasanayan niya.
“Ano naman kayang pumasok sa kukute ng babaeng 'yon at naghanda pa? Psh!” Parang timang na kinakausap ang sarili.
Natigilan sa pagkain si Galvin nang makita ang kahon ng cake, binuksan niya 'yon. Bumungad sa kaniya ang strawberry cake at may nakasulat na; Happy 3rd Anniversary, Hubby!♡
Patapon na ibinalik ni Galvin ang takip ng kahon dahilan para mahulog 'yon sa sahig. Mas lalong nadagdagan ang inis niya kay Tamara at agad na nawalan ng ganang kumain. Uminom siya ng tubig at inis na tumayo nang maisip na 'yon ang dahilan kung bakit ito tumawag.
“Happy anniversary to you!” Singhal niya sa mesa.
Galit na umakyat siya sa master bedroom at bumungad sa kaniya ang silid na walang Tamara sa loob! Wala rin siyang nakikitang kahit isang gamit ni Tamara. Sa sobrang ayos ng silid na 'yon, masasabi mong palagi 'yong nililinis at walang gumagamit.
Sa naalala niya, master bedroom ang ginagamit ni Tamara, ang silid na saksi ng kanilang pagniniig sa tuwing umuuwi siya dito o mas madaling sabihin na umuuwi siya upang gamitin ito.
“Saan naman nagpunta ang babaeng 'yon? Kating-kati siyang pauwiin ako tapos siya itong hindi ko madadatnan?”
Ibinato niya sa couch ang kaniyang, wallet, susi ng sasakyan at cellphone bago lumabas ng silid at binuksan ang kaharap ng silid ngunit walang tao doon.
Bubuksan niya na sana ang isa pang pinto nang marinig niya ang ingay ng sanggol sa katabing silid ng master bedroom.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip sa loob. Bumungad sa kaniya si Tamara na mahimbing na natutulog sa kama habang nasa tabi nito ang anak nilang si Gavin, gising na gising ito at nilalaro ang buhok ni Tamara.
Nilapitan niya ang mag-ina, naiiling na tinanggal niya ang buhok ni Tamara sa kamay ni Gavin. Iyong tipong sinasabunotan na ito ni Gavin ay hindi nagigising.
”Dude, don't hurt your, Mommy...” Halos walang boses na bulong ni Galvin.
Inilagay niya sa likod ng tenga ni Tamara ang buhok nitong nakatatakip sa maamo at maganda nitong mukha.
Napatitig siya sa mukha ni Tamara na animo'y pagod na pagod 'yon at halatang umiyak dahil mamasa-masa pa ang pilik-mata nito. Paniguradong siya ang iniiyakan ni Tamara dahil sa kahihintay sa kaniya.
Alam niya na may patingin sa kaniya si Tamara, alam niya na mahal siya nito noon pa man kaya nga napipikon siya dito dahil hindi man lang ito tumanggi ng inalok niyang kontrata!
Dumukwang siya upang gawaran ng halik sa noo si Tamara ngunit muntik pa siyang masubsob at mauntog kay Gavin.
Hindi niya napansin na tumatama sa mukha ni Gavin ang dulo ng kaniyang necktie, kaya nang mahawakan nito ay sobrang higpit ng kapit. Animo'y aso siyang hindi hinayaan ng amo na makalapit sa biktima.
Nagulat si Gavin, maging siya ay nagulat. Imbes na umiyak ay ngumiti si Gavin, ang mahinang tawa nito ay animo'y musika sa kaniyang pandinig. Sumilay ang ngiti sa labi niya at awtomatikong nawala ang inis kay Tamara.
Tinatanggal niya ang kamay ni Gavin sa necktie niya, humaba ang nguso nito na animo'y iiyak ng malakas. Wala siyang magawa kundi ibalik 'yon sa kamay ng anak habang hinuhubad 'yon.
Umupo siya sa gilid ng kama. “Go back to sleep, handsome.”
Hinaplos niya ang mukha nito at panay ang patak niya ng halik kay Baby Gavin hangang sa makatulog ito na hindi nito binibitawan ang necktie niya.
Sinubukan niya itong bawiin ngunit nagigising ito, kaya imbes na piliting kunin ay iniwan niya na. Hinalikan niya si Gavin sa noo at inayos ang kumot nito at siniguradong magiging komportable ito.
“Galvin... Galvin, sandali...” Usal ni Tamara.
Natigilan si Galvin sa paglabas ng silid at nilingon si Tamara. Kumunot ang noo niya nang makitang tulog na tulog ito pero nagsasalita.
“Galvin, nakikiliti ako. Ano ba...” Lumiliyad pa ito.
Nakapamulsang pinakatitigan ni Galvin si Tamara na panay ang usal nito ng pangalan niya na animo'y pinapaligaya niya. Naiirita siya dito dahil maging sa panaginip ay pinagpapantasyahan siya!
‘What the fuck!’ Nagliliparan ang mura sa isipan ni Galvin.
Inilagay niya sa bedside table ang nakapa sa loob ng bulsa ng kaniyang trench coat bago galit na lumabas ng silid...
╔.★. .═══════════════════╗ JAYPEI’S CLOSING MESSAGE ╚═══════════════════. .★.╝ Hola! This is your author IAMJAYPEI slash BLACK_JAYPEI. Good day!/Good evening! (It's up to you what time you’ve read this, just consider my welcome greetings.☺) I am very happy! Finally, after so many months we’ve been through I can proudly say that my story; AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE happily reached the END. To all my #TAMINO readers, supporters, commentors, gifts and gems contributors, and to the 5 star ratings. ⭐⭐⭐⭐⭐ Thank you!🥺 Thank you!🙏🏻 Thank you so much from the bottom of my heart.🫶 Those hundred chapters with mix emotions that make us happy, giggles, laughed, cry, sad, angry, crazy and in love. I hope you have learned something that you can proudly said that I’ve got this from the story of Author IAMJAYPEI. And for the last time, #TAMINO readers... I'm inviting you all to to give 5 star rate and feedback before we finally closed the book. I hope you will!🥺😊 That
In the House of Alonzo, a big events is happening! A new launch Zivi Via designs. The place we're crowded. Everyone wears their most beautiful outfits designed by different famous designers from different countries, woman or man. But most of the guest are wearing a beautiful gown and suit by Zivi Via or a product of House of Alonzo, very proud. The models are giving justice and beautifully ramp the new release designs of beautiful gowns. In front of the long runaway, Galvino and Gavin are sitting in front. They are very attractive and handsome to there formal all black suits. Ang unang row ay inuukupa ng pamilya at malalapit na kaibigan na todo ang suporta sa nagaganap na event. Proudly wearing their gown and suit that is all Zivi Via designs and creation. Sa tabi ni Galvino, ang kaniyang mga magulang, si Mesande, Pol, Martha, Luwis and Shen. Sa tabi naman ni Gavin ang kaniyang Lolo Theodore, Lola Sylvia, Tito Goldwayne, Marko, Joseph and Gwen. Ang lahat ng mga mata ay nakapuk
Ang buong Alvi Lore Car Company ay naging isang napakagandang venue ng kasal. Alas sais pa lang ng umaaga ay nagsisidaratingan na ang mga bigating bisita. International man o Local guest. Dumeretso ang lahat sa malawak na open field sa likod ng Alvi Lore Car Company kung saan gaganapin ang wedding ceremony. The theme were silver. The whole place turned into the beautiful and elegant place. All around surrounded by red roses. The long aisle were made of glass and color silver that is shining by the sunlight. Pagsapit ng alas otso ay nagsimula na ang ceremonya. Napakagwapo ni William sa suit nitong purong puti na suit at may bulaklak sa may dibdib. Nakatayo na ito sa dulo ng pasilyo habang hindi na makapaghintay pa na maglakad sa aisle ang napakagandang bride. Tamara’s parents walking down the aisle, followed by Galvino’s parents, and sponsors. Followed by flower girls, ring bearers, the bride’s maids and groom's men; It was Martha and Pol, Gwen and Joseph, Luwis and Mr. Monte
Madaling araw, sa five star hotel. . . Sinisimulan ng ayusan ang bride maging ang mga bridesmaid nito sa iisang kwarto. May kasama itong videographer upang kunan ang lahat ng nagaganap. Samantala sa kwarto naman ng groom kasama nito ang mga groomsmen at nagbibihis na ang mga ito para sa kanilang photoshoot. Tamara and her friends are also having a photoshoot in the lobby while there no people yet. They're enjoying the last minutes of Tamara as a single lady. Nang pumunta sa garden ang mga babae ay nadatnan nila ang mga lalaki na nagkakaroon ng photoshoot. Nagkantsyawan ang mga lalaki ng makita ang mga babae. Puno ng paghangga ang mga mata nito sa kanilang mga sinisinta. “Hey, boys!” Bati ni Mesande at Gwen. “Good morning, everybody!” Tili ni Martha. “Good morning.” Tugon ng mga ito. Sinulyapan ni Goldwayne si Mesande ng tingin mula ulo hanggang paa na puno ng paghanga. “Are you drunk?” Tinaasan ni Mesande ng kilay si Goldwayne bago b****o kay Marko at nanatiling nakaakbay dit
Hindi nga nagkamali ang sinabi ni Lance dahil wala pang dalawang oras nakadungaw na sa itaas ang kambal nito. Kung kaya't pinuntahan ni Lance ang mga anak bilang paumanhin ibinilin ni Lance sa mga bata niya na asikasuhin sina Galvino at sagot niya na ang mga ito. Nawalan na si Galvino ng gana na sumayaw at wala na siyang ibang nais kundi ang uminom. Naiwang mag-isa si Galvino, walang alak na pinalampas kung kaya't lasing na naman ito. Sinubukang tawagan ni Galvino si Tamara dahil sa huling pagkakataon nais niya itong makausap ngunit hindi nito sinagot ang tawag niya. “Dahan-dahan lang sa paglalasing may dadaluhan ka pang kasal bukas!” Naupo si Mr. Montemaggiore sa tabi ni Galvino. Ngumisi so Galvino. “Why should I’ll be there? Duz!” Hinawakan ni Mr. Montemaggiore ang panga ni Galvino upang paharapin sa kaniya upang tingnan kung may pasa ito sa mukha. “Gagó! Baka nakakalimutan mo? The whole place is yours! Kung hindi ka sisipot parang pinatunayan mo na rin na tutol ka sa kasal.”
Lumapit kay Galvino ang dalawang magandang babae, mapang-akit itong sumayaw sa harapan ni Galvino at siya namang sinabayan. “Normal lang ba ‘tong nakikita ko?” Bulong ni Guido kay Justin. “Sabihin na natin na ito na ang gabi ng simula ng pagiging abnormal ni Sir.” Malungkot na ani Justin. Binalingan ni Johnson ng masamang tingin ang dalawa. “Manahimik na lang kayo kung wala kayong matinong sasabihin.” Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tauhan ni Galvino kung ano ang nararamdaman nito kay Tamara kung kaya't hindi nila maipaliwanag kung ano ang nararamdaman para sa amo. Sumimangot si Guido, umiling at bumalatay ang awa sa mukha nito. “Grabe! Hindi ko inakala na maiiwan ng mag-isa si Boss pagkatapos ng dalawang taon na ginawa niyang lahat para bumawi sa pamilya niya.” Nasaksihan nila kung gaano kalaki ang pinagbago ni Galvino magmula ng makasama nito si Tamara at ang mga anak sa iisang bubong. Maganda ang dulot ni Tamara sa kanilang amo sapagkat kapag may nagagawang maliit na ma







