“Bakit mo nagawa sa akin 'to?! Napakasama mo, Galvino! Ang sama-sama mo para saktan ako ng ganito!”
Nanginginig ang mga kamay ni Tamara sa galit. Nilapitan niya si Galvin at pinagbabayo ang dibdib nito habang walang tigil sa pagluha ang kaniyang mga mata.
Malamig ang mga titig ni Galvin sa asawa. Sa unang pagkakataon, nakita niya itong nagwawala sa galit, hinayaan niya itong gawin ang nais. Sa pagkakataong 'yon napagtanto ni Galvin na labis ngang nasasaktan si Tamara.
“Stop it, Tamara! Stop!” Singhal ni Galvin ngunit hindi nagpatinag si Tamara. “Don't act like this fucking loveless marriage wasn't arrange of our family! This is what my grandparents wants not mine! I agree to mary you, yes! But it doesn't means I love you!”
Pinakasalan ni Galvin si Tamara dahil 'yon ang huling kahilingan ng kaniyang namayapang lolo't lola. Iyon lang ang tanging paraan para mapunta sa kaniya ang lahat ng mga naiwan ng mga matanda.
“Baka nakakalimutan mo na may kasunduan tayo, Tamara! At matagal ng tapos ang pisteng kasunduan natin, nandidito ka pa rin!”
Tinabig ni Galvin ang flower vase na mayroon itong fresh white tulip. Ang pagkabasag ng vase ay naglikha ng malakas na ingay, natalsikan si Tamara sa kaniyang hita at nasugat 'yon.
Natigilan si Tamara, namadhid ang kaniyang hita at nang magbaba siya ng tingin. Nakita niya ang dugo na dumadaloy pababa sa kaniyang makinis at maputing tuhod.
Namalisbis ang luha sa pisngi ni Tamara at nag-angat siya ng tingin kay Galvin. Nakatingin ito sa sugat niya pero nang dumapo ang mata nito sa mukha niya, kahit kaunting guilty ay wala siyang nakita. Bagkus, mas lalong dumilim ang mukha nito sa galit sa kaniya.
Naisip bigla ni Tamara ang kasunduan nila ni Galvin. Bago sila ikinasal ni Galvin, malinaw na sinabi nito sa kaniya na may iba itong minamahal at kahit kailan ay hindi siya nito magagawang mahalin dahil wala siya sa kalingkingan ng babaeng minamahal nito!
At hindi niya akalain na si Maris Keenly, ang babaeng minamahal nito!
Pinirmahan noon ni Tamara ang kontrata na ang pagiging mag-asawa nila ay magiging sekreto at tatagal lamang ng dalawang taon pagkatapos ay magde-divorce na sila. Inisip ni Tamara na sa loob ng dalawang taon ay magagawa siyang mahalin ni Galvin, masuklian ang pagmamahal niya. Sinusunod niya ang gusto nito na maging taong bahay siya, ginagawa niya ang tungkulin bilang asawa mapasagawain bahay man o sa kama. Lahat ginawa upang mabaling sa kaniya ang atensyon ni Galvin pero kahit kailangan hindi ito nagpakita ng intimasyon sa kaniya, at umuuwi lamang ito kapag gagamitin ang katawan niya.
Nang sumapit ang nakatakdang paghihiwalay nilang mag-asawa ay tinutulan 'yon nang tadhana dahil nasa sinapupunan na ni Tamara si Baby Gavin, ang tagapag-mana mga Alonzo!
Noong una pa lang ay malamig ang pakikitungo sa kaniya ni Galvin. Marami itong nagiging babae at iba't-ibang ibenabandira na isinasama sa mga piging na dinadalohan nito habang siya ay nakaburo sa mansion nito at uuwian kung kailan maisipan. Nararamdaman niya lamang na asawa siya nito kapag umuuwi ito at walang sawang gamitin ang katawan niya.
Inisip ni Tamara na sa pagdating ng kanilang anak ay magbabago na si Galvin na hindi na nito magagang mambabae. Napupunta na sa kaniya ang atensyon nito at bibigyan siya ng oras upang alagaan dahil magkaka-anak na sila at masasabi niyang isa na silang pamilya!
Ngunit hindi! Mas lalong nadagdagan ang matinding galit sa kaniya ni Galvin dahil ibinibintang nito na sinasadya niyang magpabuntis upang habang buhay na silang matali sa isa't-isa.
“Mahal mo ako 'di ba? Mahal mo ako at desperada ka hindi matuloy ang divorce natin, kaya ka magpabuntis! Sa tingin mo ba, tanga ako para hindi ko malaman kung gaano ka kabaliw sa akin? Tch! Sinasabi ko sa'yo, Tamara, pangalan ko lang ang bibitbitin mo, pangalan ko lang!” Singhal ni Galvin na animo'y sinampal siya nito ng katutuhanan.
Nanlaki ang mata ni Tamara na marinig 'yon mula sa asawa. Hindi niya 'yon masabi ng harapan kay Galvin ng harapan dahil natatakot siya na tanggihan pero bakas naman sa mga kilos niya at kung paano niya ito alagaan ang pagmamahal niya.
“Oo! Mahal kita, Galvino! Mahal na mahal kita kaya ako nagtiis sa'yo ng tatlong taon! Kahit na alam ko na hindi mo ako matutunang mahalin!” Kumuyom ang kamay ni Tamara. “Wala akong ibang ginawa kundi ang maging mabuti at tapat na asawa mo habang ikaw?! Kahit minsan hindi mo nagawang maging tapat na asawa sa akin! Paulit-ulit mo akong sinasaktan, ni respeto hindi mo ginawa! Ginago mo ako ng paulit-ulit at sa tingin mo ba hahayaan kita na patuloy akong gagawin?” Puno ng hinanakit niyang sambit.
Ang tingin nito sa kaniya ay isang desperadang babaeng naglilimos ng pagmamahal at ginagamit ang anak upang mahalin...
Ngunit hindi siya ganu'n! Mahal niya ang anak niya at kahit kailan hindi niya naisip na gamitin ito upang makuha ang pagmamahal na nais niya. Mahal niya si Galvin at ang pagmamahal niya dito ay napalitan ng galit, sakit at matinding puot—buntis ang babaeng minamahal nito!
Hindi siya madamot kaya hindi niya ipakakait kay Galvin ang kalayaan nito. Gusto niya itong maging masaya kasama ang babaeng minamahal nito at sa magiging anak nito.
Pinahid ni Tamara ang luhang naglalandas sa kaniyang pisngi at buong tapang na sinalubong ang malamig na tingin ni Galvin.
“Let's get divorce, Galvino...”
Salitang lumabas sa bibig ni Tamara na maging sa panaginip ay hindi niya nakikita ang sarili niya na siya mismo ang hihingi ng bagay na 'yon sa asawa.
Bakas sa mukha ni Galvin ang matinding gulat. Totoo ba ang naririnig niya? Si Tamara mismo ang humihingi ng divorce?
Galvin chuckle in disbelief. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Tamara?”
Masyado siya nitong mahal para nakipaghiwalay sa kaniya. Anong pumasok sa kukute nito para makipaghiwalay sa kaniya, ngayon pa na may anak na sila?
“Hindi ba ikaw 'tong kating-kati na hiwalayan ako noon pa man? Pwes, ibinibigay ko na sa'yo! Maghiwalay na tayo!”
Nameywang si Galvin at pinakatitigang mabuti ang asawa. He was amaze to his wife bravery and talk to him loudly.
“Alam mo? Tang Ina! Gutom ka lang! Kumain ka na nga doon sa baba nang mahimasmasan ka diyan sa kahibangan mo!” Itinuro pa ni Galvin ang pinto.
Napaawang ang labi ni Tamara dahil hindi siya tanga para hindi maisip na iniisip ni Galvin na dala lamang ng galit kung bakit sinasabi niya ang mga bagay na 'yon.
Umiling si Tamara, tanda na hindi siya nagbibiro. Palabas na siya ng silid ng biglang bumukas ang pinto.
Bumungad sa kanila ang napakagandang babae sa suot nitong red dress, may kulurete ang mukha nito na bumabagay sa mukha nito. Bumaba ang mata ni Tamara sa umbok nitong tiyan at doon niya lang napagtanto na ang babaeng nasa harapan niya ay si Maris Keenly!
Animo'y may kung anong nakabara sa lalamunan ni Tamara na makita sa bahay nilang mag-asawa ang babaeng minamahal ng asawa.
Akala niya umuwi si Galvin upang magpaliwanag at magkaayos sila pero hindi! Dahil pumunta ito sa mansion para iuwi ang kerida nitong buntis!
Nagsalubong ang kilay ni Galvin ng makita si Maris na umakyat sa itaas. Sinulyapan niya si Tamara, walang emosyon itong nakatingin kay Maris.
“Hi!” Ang sopistikada at matinis nitong boses ang bumasag sa katahimikan. “Ino, naiinip na ako sa kakahintay sa'yo sa ibaba. Kaya umakyat na ako, gusto ko ng magpahinga... Na saan ba ang kwarto mo?” Sumimangot pa ito habang hinaplos ang umbok ng tiyan.
Nilapitan ito ni Galvin at sinapo ang mukha. “Hey! Bakit ka umakyat ng mag-isa? Paano kong natapilok ka ah?”
Nakangiting hinaplos ni Maris ang braso ni Galvin. “Over protective naman ng Daddy eh? Ayos lang ako pero...”
“Pero ano?” Bakas sa boses ni Galvin ang pag-aalala.
“Nagugutom na kami ni baby eh. Gusto naming kumain ng pizza!” Hinakawan nito ang kamay ni Galvin at ipinagsiklop.
“Ow. Iyon lang pala! Tara, may alam kong malapit na pizza house.” Nakangiting hinalikan ni Galvin ang likod ng palad nito.
Iginaya ni Galvin ang babae pababa pero bago pa ito makaalis ay sinulyapan ni Maris si Tamara. May pangmamaliit ang tingin nito sa kaniya at halatang kinukutya siya sa mga tingin na animo'y nais ring ipabatig ni Maris na siya ang mahal ni Galvin.
Nang mawala ang dalawa sa harapan niya ay sunod-sunod na tumulo ang luha ni Tamara at animo'y may punyal na pinupunit ang puso niya.
Ibang-iba ang Galvin na nakita niya, sobrang sweet at maalaga ito kay Maris at sobrang saya na magiging daddy pero noong pinagbubuntis niya si Gavin, hindi man lang siya nito nagawang alagaan habang sa panganganak niya walang Galvino Lorenzo sa tabi at hindi man lang sila nito tiningnan ni Gavin sa hospital.
“You have my words, Galvino...” She uttered teary eyes.
Nasa tamang kaisipin siya at para sa kaniya ito ang tamang gawin kaysa ipaglaban ang karapatan nila ni Gavin at sa huli silang mag-ina pa rin ang luhaan.
Kung hindi siya kayang respetohin ni Galvin bilang asawa, mas lalo namang hindi nito kayang mahalin ang anak niya! Hindi nito gusto ang pagdating ni Gavin at itinuturing na balakid sa kanilang paghihiwalay.
“Let her go! Damn it, Maris!” Bulyaw ni Galvino. Kilakaladkad ni Maris si Tamara palabas ng kwarto. Halos humiwalay sa leeg ni Tamara ang kaniya ulo sa lakas ng pagkakahila ni Maris sa kaniyang buhok. “Sa mga malanding katulad mo dapat lang sa'yo na mapahiya! Tingnan na lang natin kung may mukha ka pang maihaharap sa publiko kapag sinampahan kita ng kaso!” Hinahawakan ni Tamara ang pulsuhan ni Maris habang ang isang kamay ay nakahawak sa kumot na parang long dress sa kaniya. “Bitawan mo ‘ko!” sigaw ni Tamara. Madilim ang mukha, marahas ang mga mata at nagtitimpi ng galit si Galvino sa pinaggagawa ni Maris kay Tamara. “I said let her go!” Hinablot ni Galvino ang braso ni Maris, sa sobrang higpit ng kapit ni Galvino awtomatikong nabitawan ni Maris ang buhok ni Tamara at sumalampak sa sahig. “Ino, nasasaktan ako!” Bumalatay ang sakit sa mukha ni Maris habang binabawi ang braso kay Galvino. Itinulak ni Galvino si Maris kung kaya't natumpa rin ito sa sahig hindi kalayuan kay Tamara
Walang ingay na pinihit ni Maris ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto nilang mag-asawa. Napako si Maris sa kaniyang kinatatayuan, ang magandang mukha na puno ng magandang make-up ay nababakas ang galit at kumuyom ang kamao ng bumungad sa kaniya ang eksena. Nakaupo si Galvino sa gilid ng kama habang nakaupo si Tamara sa kandungan ni Galvino. Itinatali ni Galvino ang kumot sa batok ni Tamara na parang ribon upang magsilbi itong damit tulad ng gusto nito; halter dress. Nakayakap ang isang braso ni Tamara sa batok ni Galvino habang ang mukha ay nakapatong sa balikat nito. “You look hot more hot in white comforter. ” Puri ni Galvino habang pinapatakan ng halik sa balikat si Tamara. “Does it caught your attention hm?” Binigyang distansya ni Tamara ang pagitan nila ni Galvino. Bahagyang nagulat si Tamara nang mahagip ng kaniyang paningin ang babaeng nakatayo sa labas ng kwarto. It was Maris Kenly. . . Galvino’s wife! Nilukob ng matinding kaba si Tamara na makita
Kakalapag pa lamang ng eroplanong sinasakyan ni Maris sa Philippines Airport. Kaliwa't kanan ang kumukuha ng larawan o video kay Maris dahil nga kilalang-kilala na ito. Todo alaylay ang mga bodyguard ni Maris na huwag siyang malapitan ng mga tao. Madaming nais magpa-picture kung kaya't natatagalan siyang makalabas sa airport. Magmamadali si Maris habang ang assistant nito ay hirap na hirap na humabol sa kaniya sapagkat napakadami nitong dalang gamit ni Maris. Nakahinga ng maluwag si Maris nang makasakay sa loob ng van. Tinanggal niya ang suot niyang aviator at sumandal sa backrest. Wala pang ilang minuto tumutunog na ang cellphone ni Maris. Kinuha sa loob ng kaniyang mamahaling purse. Umirap si Maris ng makita ang pangalan ng kaniyang manager sa screen. “Ms—” [“Where the hell are you, Maris?!”] Bulaslas nito na halatang kanina pa nai-stress sa kakahanap sa kaniya. “Bumalik na ako ng Pilipinas.” Mahinahon niyang tugon. Alam ni Maris na magagalit ito ng husto sa kaniya dahil umali
Hating gabi ng makauwi si Galvino sa mansion. Nadatnan ni Galvino si Perla na nagliligpit ito ng mga laruan sa sala. Nagulat si Perla nang makita si Galvino dahil ang alam nito ay nasa out of town ito at sa makalawa pa ang balik nito. “Sir, akala—” “Where's my wife?” Naguguluhang sumagot si Perla. “Hindi pa po nakakabalik si Ma'am Maris—” “Fuck! I'm talking to Tamara. Where is she?” Bahagyang natigilan si Perla na hanggang ngayon ay si Tamara pa rin ang itinuturing nitong asawa. Hindi tuloy maiwasang mapayuko ni Perla dahil si Maris ang inakala niyang tinutukoy nito. “Sa kwarto ni Anne gustong matulog ni Gavin, Sir. Hindi pa po lumalabas si Ma'am Tamara magmula nang pumasok siya doon kanina nang makaalis si Miss Mesande.” Walang sali-salita na tinakbo ni Galvino ang hagdan at tinahak ang pasilyo patungo sa silid ni Marianne. Nang makatayo si Galvino sa labas ng kwarto ni Marianne. Hawak ni Galvin ang doorknob, pipihitin niya na lamang iyon ng maisipan na kumatok muna. Nabiti
Si Mesande ang nag-asikaso ng bayarin ni Tamara sa hospital nang payagan na ito ng doktor na lumabas. Hinatid ni Mesande si Tamara. Alas otso ng gabi nang makarating sila sa tapat ng mansion ni Galvino. Bumusena si Mesande na agad naman lumabas si Perla upang buksan ang gate. Nasa labas pa lang ng gate natatanaw na ni Tamara ang garahe na wala ang sasakyan ni Galvino tanda na wala pa ito. Bago umuwi ay may plano na si Tamara na kukunin na ang mga bata at ilalayo na ang mga ito at tutulungan siya ni Mesande. Iyon na ang pagkakataon na hinihintay ni Tamara na makuha ang mga anak niya na hindi nalalaman ni Galvino. Ang kailangan na lang niyang magmadali upang hindi na siya maabutan pa ni Galvino na kinukuha ang mga bata. Sinulyapan ni Tamara si Mesande. Nagkatinginan silang dalawa na tila nagkakaintindihan sa mga mata at tumango sa isa't isa bago sabay na bumaba. “Magandang gabi, Ma'am Tamara. . .” Bati ni Perla at sumulyap rin kay Mesande. “Miss Mesande, tuloy po kayo.” “Perla, hi
╔.★. .═══════════╗ 𝗝𝗔𝗬𝗣𝗘𝗜'𝗦 𝗠𝗘𝗦𝗦𝗔𝗚𝗘 ╚═══════════. .★.╝ August 30, 2025 HAPPY 17K VIEWS, GALVINO AND TAMARA. GOT 5 STAR RATINGS. Hola! This is your author 𝙄𝘼𝙈𝙅𝘼𝙔𝙋𝙀𝙄 slash 𝘽𝙡𝙖𝙘𝙠_𝙅𝙖𝙮𝙥𝙚𝙞. Magandang araw/Magandang gabi! Depende po sa inyo kung anong oras niyo po nabasa ang author's note na ito hehe. Unang-una nais ko pong mapasalamatan ang lahat ng nagbabasa, sumusuporta at walang sawa na naghihintay ng update ni Galvino at Tamara. Masaya po ako na matangumpay nating narating ang Kabatana otsenta na punong-puno ng sari-saring emosyon. Ramdam niyo po ba? Sa lahat ng nagbigay ng 5 star rate and feedback—maraming-maraming salamat po! At dahil po sa bumubuhos niyong suporta ay matagumpay na natanggap ni Galvino at Tamara ang limang bituwin! ⭐⭐⭐⭐⭐ Kahit po ganu'n ay hinahanyayahan ko pa rin po kayo na magbigay ng 5 star rate and feeback. Kahit ilan po ay pwedeng-pwede. Kahit araw-araw po ay pwedeng-pwede. Pangalawa, may nais lamang po akong lina