Share

CHAPTER 5

Author: IAMJAYPEI
last update Last Updated: 2024-12-13 06:08:44
Umiiyak na ginagamot ni Tamara ang kaniyang sugat sa hita na kagagawan ng nabasag na vase na tinabig ni Galvin. Pagkatapos gamutin ang sariling sugat ay tinawagan niya ang kaniyang kaibigan.

[“Hello? Tam, napatawag ka? May kailangan ka ba? Sabihin mo lang, tutulongan kita.”] Bungad ni Mesande nang sagutin ang tawag niya.

“Sande, nakapagpasya na ako hihiwalayan ko na ang kuya mo. Alam ko na matagal na siyang may nakahandang divorce agreement naroon lang kay Attorney. Pwede mo ba kunin 'yon para sa akin at nang mapirmahan ko na.”

[“Oh my god, oh my god! Is that true? Tama ba ang naririnig ko na hihiwalayan mo na si Kuya? Anong nangyari at ang bilis mong nakapagdesisyon? May ginawa ba sa'yo si Kuya?”] Nag-aalala tanong ni Mesande.

Maluha-luhang ikinuwento ni Tamara ang nangyari at ang pag-uwi ni Galvin na kasama si Maris Keenly.

[“Hayop na babae 'yan! Ang kapal ng mukha na tumungtong diyan sa pamamahay mo! Isa pa 'yang si Kuya Galvin, hindi ka na ginalang! Sumusobra na talaga siya, k
IAMJAYPEI

Hello, Everyone! You are currently reading; AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE by IAMJAYPEI.ʘ⁠‿⁠ʘ Sana po ay suportahan niyo ang kwento ni Tamara at Galvin! Maraming salamat po!♡

| 15
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Cynthia Fernandez
thank u miz A..nice story again
goodnovel comment avatar
Alona Sumalinog
haist Nako Hindi ko maintindihan itong galvino pinagbiguan sa gusto at sya pi galit
goodnovel comment avatar
Helen Mateo
thank you author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE   CHAPTER 39

    “Accident? Oh please, aksidente lang na nasampal kita dahil sa kawalanghiyaan mo! Hinding-hindi ko matatanggap kahit kailan bilang pamangkin ang batang dinadala mo dahil bunga iyan ng panggagago niyo ni kuya Galvin sa kaibigan ko! Kahit isang Lorenzo ang batang iyan, sampid lang iyan! Si Gavin lang ang pamangkin, siya lang!”Inaalo ni Goldwayne si Mesande upang kumalma dahil paniguradong isang maling salita lang ni Maris ay susugod itong muli.“You!” Dinuro ni Tamara si Doris.Ito ang babaeng dumiin sa kaniya no'ng nasa resorts na itinulak niya si Maris.“Magkano ang ibinayad sa'yo ni Maris Kenly para idiin ako na itinulak ko siya no'ng nasa resorts?”Napuno ng takot ang mukha ni Doris dahil ang babaeng nasa harapan niya ay hindi lang ang simpleng babae sa resorts kundi ang babaeng designer nais niyang pagsilbihan.Totoong binayaran siya ni Maris at alam niya ang plano nito no'ng araw na iyon dahil kailangan niya rin pera para sa kaniyang ina.Nang tumingin si Doris kay Maris, napalun

  • AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE   CHAPTER 38

    “How dare you Tamara to ashamed me like this!” Sigaw ni Maris sapat lang na marinig ni Tamara. Mahinang natawa si Tamara. Hindi niya akalain na ganu'n kababa ang utak ni Maris para suotin ang bikini para sa isang maternity fashion show. Paano ito naging most-paid model kung simpleng pakikibagay ay hindi nito makuha? Nag-isip ba talaga ito nang suotin ang bikini na iyon sa isang maternity show? What a desperate cheap woman! Hindi hahayaan ni Tamara na magyabang si Maris gamit ang mga desinyo niyang damit, hindi niya gugustuhin na isuot ni Maris ang isa sa mga likha niya dahil hindi iyon para sa kabit! “Actually she's not part of this evening but since my dearest husband Galvino Lorenzo insisted Miss Kenly to be part of this, so as a humble and kind wife, I’ll give Miss Kenly the floor she deserves. . . I hope she enjoy herself tonight.” Natatawa talaga siya nang sabihin ni Mesande na ayaw tanggalin ni Galvino si Maris sa line up at ipinipilit na kay Maris pumunta ang spotlight. Hi

  • AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE   CHAPTER 37

    Pagkatayo na pagkatayo ni Maris Kenly sa dulo harap ng malapad na screen, naghintay siya na mamatay ang lahat ng ilaw at may maliwanag na tutok sa kaniya. Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ngunit walang nangyayari. Ayaw niya pa sanang maglakad na wala iyon ngunit nakita niyang naiinis na ang organizer sa kaniya na paulit-ulit na sumesenyas na maglakad na siya. Gusto niya pa sanang bumalik at tanungin ang organizer kung bakit walang spotlight? Ngunit nang maisip na sa kalagitnaan iyon magaganap, buo ang loob at mataas ang kumpiyansa sa sarili na ipinakita ang kaniyang signature walk sa runaway. Napasinghap ang halos lahat ng taong nanunuod nang makita ang suot ni Maris. May ilan-ilang natawa dahil sa Maternity Fashion Show iyon pero bakit suot nito ay one-piece-bikini? “Iyan ba ang Maris Kenly? Grabe, naligaw yata iyan ng fashion show!” Malakas na komento ng isang magandang babae na ikinatawa ng mga nakarinig. “What's going on her?” Hindi makapaniwalang tanong ni Slyvia na na

  • AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE   CHAPTER 36

    8:36 PM ; House Of Alonzo. . . Everyone wears their most beautiful outfits designed by different famous designers from different countries, woman or man. Kaliwa't kanan ang kislap ng mga camera. Naroon rin mga journalist upang idukyumentaryo ang mga kaganapan sa fashion show. Live ang kaganapan sa iba't-ibang social media platforms sa mismong social media accounts ng House of Alonzo. Huminto ang limousine sa bungad ng House Of Alonzo, awtomatikong bumukas ang pinto niyon at naunang bumaba si Theodore Alonzo, inilahad ang kamay sa asawa nitong si Slyvia Alonzo. Ang mag-asawa ay napakaelegante sa kanilang ternong puti na suit and gown. Tila bumata pa ang dalawa sa ayos nito na nagpapatingkad ng kanilang kagandahan at kagwapuhan. “Narito na sina Mr and Mrs. Alonzo!” Sigaw ng isa sa reporters. Nagsitakbuhan ang mga ito upang salubungin ang mag-asawa nang maraming katanungan. Agad namang napigilan ng mga security ang mga ito na makalapit sa mag-asawa at matagumpay na nakapasok sa loob

  • AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE   CHAPTER 35

    “Tatlong araw pa lang kayong namamalagi dito ng anak mo—nagbayad ka na para sa isang buwan na upa, tapos aalos na kayo ngayon. E, saan na kayo pupunta ng anak mo niyan?” “Hindi ko po binabawi iyong sa upa, pasasalamat ko na po iyon sa inyo dahil pinatuloy niyo kami ng anak ko.” Ngumiti si Tamara at inabot sa Ginang ang bitbit niyang paperbag. “Nga po pala, makikisuyo ako. Pakiabot po ito kay Erla, siya na kamo ang bahala na ibigay sa mga kasamahan niya iyong inihanda ko para sa kanila. Pakisabi na rin po; salamat sa ilang araw na punong-puno ng saya, masaya ako na naging bahagi sila ng buhay namin ni Gavin ng maikling panahon.” Wala ang mga kasamahan nila sa apartment dahil kapag araw ng lunes ay lahat ito may pasok, siguro ito nga rin ang tamang gawin ang umalis ng hindi nakikita ang mga ito dahil parang hindi niya na rin kayang iwan. “Oh siya, makakaasa kang makakarating ito sa mga bata. Kung saan man kayo pupunta ng anak mo ay mag-iingat kayo ah? Bukas na bukas itong apartment

  • AFTER DIVORCE: MR LORENZO SEDUCE HIS EX-WIFE   CHAPTER 34

    Lumabas si Tamara nang silid upang uminom ng tubig, nadatnan siya sa labas ang ilang dalaga na nag-aaral sa dinning table. Napansin ni Tamara si Erla na mag-isa sa sala, nakaupo ito sa sahig habang abala sa sketch notebook, marami rin ang nagkalat na lukot na papel. Pinulot ni Tamara ang isang ginawang bolang papel, binuksan niya iyon at isa iyong sketch ng magandang pangkasal na dress. Tahimik na naupo si Tamara sa sofa habang pinagmamasdan si Erla na gumuguhit. Hindi niya kinuha ang atensyon nito, kaya kusa itong tumingin sa kaniya at ipinakita ang iginuhit nitong wedding gown, maganda iyon. “Ate Tamara, maganda po ba itong wedding gown na iginuhit ko?” “Oo naman, maganda.” “Seryoso? Baka binobola niyo lang po ako para hindi ako masaktan, hindi pa po ito tapos, lalagyan ko pa ng mga desinyo ang nasa ibaba para mas magmukhang elegante.” “Magandang ideya ‘yan at mas lalong gaganda ang wedding gown. Isa ba ito sa proyekto mo?” Usisa ni Tamara dahil halos lahat ay nag-aaral. “Ah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status