LOGINKumuha ng isang linggong sick leave si Lyca. Pagakatapos niyang gumaling mula sa sakit ay bumalik na siya sa kumpanya.
Noon niya lang nalaman ang tungkol sa paglipat. Makahulugang nagtsismisan ang isang kasamahan niya. "Manager, Lopez, alam mo na ba? May bagong hired na secretary ang ating kumpanya, si Ms. Trixie Lopez, isang babae at bata pa." Nagulat naman si Lyca, pero saglit lamang iyon. Talaga bang inilipat ni Andrei si Trixie sa pwesto niya? Lumipas ang ilang sandali at ipinatawag ni Andrei si Lyca sa kanyang opisina. Agad na natuon ang mga mata ni Andrei sa kanya pagkapasok niya. "Dahil gusto mong manatili sa kumpanya, ang posisyon mo bilang personal secretary ay hindi na nararapat pa para sa 'yo. Ang manager ng departamento ng proyekto ay inilipat sa ibang sangay, at nagkataong may bakante. Kaya ikaw ang inilipat doon." Talagang napakalinaw palagi ni Andrei tungkol sa mga bagay-bagay. Tinanggap na lamang niya iyon dahil ayaw niyang maging sanhi pa ito ng hindi nila pagkakaunawaan ni Trixie. "Mabuti naman kung ganun," tanging nasabi niya asawa. Asawa dahil wala pa naman ang sertipiko ng kanilang divorce papers na nagpapatunay na sila ay hiwalay na. Tatalikod na sana siya nang magsalita si Andrei at tinawag siya. "Katatapos lang ni Trixie at wala pa siyang masyadong alam sa trabaho." Napasulyap si Lyca sa suot niyang kwintas sa kanyang leeg. Matagal na niyang gusto ang kwintas na ito. Napasulyap siya kay Andrei at nagtanong. "Gusto ba ng lahat ng maliliit na babae ang mga katulad nitong alahas?" wala sa sariling naitanong niya. Ang kwintas na ito pala ay inihanda para kay Trixie, pero sa kanya ibinigay noon ni Andrei. "Whatever." Sagot ni Andrei at tumalikod. Napayuko ng ulo si Lyca upang itago ang mga emosyon mula sa kanyang mga mata. Paglabas ni Lyca sa opisina ng CEO ay sumalubong sa kanya si Trixie. "Huwag mo lang ipagpaliban ang iyong trabaho ngayon. Marami ka pang dapat na matutunan." Ngumiti lamang ng matamis si Trixie sa kanya at walang salitang namutawi mula rito. Kinuha ni Lyca si Trixie at tinuruan ito upang maging pamilyar sa trabaho at mga proseso nito. Ngunit sa huli ay tinawag ni Trixie ang atensyon niya. "Ate, ayaw mo ba sa akin? Dahil ba kay Mr. CEO?" Napabuntong hininga si Lyca. Ngumiti ulit si Trixie at nagsalita. "Ate, mahirap sabihin kung ano ang tama o mali tungkol sa damdamin. Ganun din sa pagitan noon ng aking ina at ama. Pero, ate, kahit ano pa man, gusto ko pa ring maging kaibigan mo...." Ngunit bago pa man matapos sa pagsasalita si Trixie ay, pinutol na ito ni Lyca sa pamamagitan ng pagtataas ng kanyang kamay, pero sa mahinahon na boses. "Anumang relasyon ay nakatali sa moralidad, kung hindi. Hindi ka sana naipadala sa ibang bansa noon. Gawin mo ang tama sa iyong sarili at tratuhin ng tama ang iba, hindi iyong gawin sila na parang tanga," makahulugan niyang sambit. Ipinanganak noon si Trixie matapos magloko ng kanyang ama. Kahit na namatay na ang kanyang ina, mahirap pa rin para sa kanya na patawarin ang ina ni Trixie. At ano ang nais nitong ipabatid na mahirap sabihin kung ano ang tamao mali? Tinalikuran ni Lyca si Trixie at umalis. Bumalik siya sa opisina ni Andrei. "Mr. Sandoval, may oras ka ba para kunin ang divorce certificate ngayon?" Pagsapit ng hapon ay agad na siyang naghanda para umalis. Paglabas niya ng kumpanya ni hindi man lang siya nakapagpalit ng damit. Nakasuot pa rin siya ng palda na hanggang tuhod. Bagsak ang kanyang maitim at mahabang buhok at mababanaag ang malamig at maamo niyang mukha. Pagsakay niya sa loob ng sasakyan ni Andrei ay pinasadahan siya nito ng tingin. Pagkatapos ay inilipat ang tingin sa malayo. Pinaandar ang sasakyan at nagmaneho palayo. "Mukhang nagmamadali ka 'ata at hindi na nakapagbihis pa," kapagkuway komento nito. Ano bang pakialam ng lalaking ito sa kanya at pati suot nya kung nakapagbihis siya ay pinuna nito. "Hindi naman ako nagmamadali," aniya. Sandaling natigilan si Lyca at muling nagsalita. "Nakaalis na tayo, at isa pa wala ng oras para magbihis pa at ipagpaliban ang lakad na ito." Hindi na nagsalita pa si Andrei hanggang sa makarating sila sa ahensya para kunin ang divorce certificate. Matapos nilang pumirma at makuha ang nasabing sertipiko ay lumabas na sila. Agad na nagsindi ng sigarilyo di Andrei at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Magaling ka na ba?" tukoy nito sa sakit niya nakaraan. "Oo," tugon ni Lyca at tumango. Aalis na sana siya nang magsalita si Andrei. Malalim ang mga tingin nito sa kanya na wari ay binabasa siya. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan. "Sakay na, ibabalik kita," anito. Saglit na nag-aalangan si Lyca kung sasakay ba siya o hindi. Tatanggi na sana siya, pero nakaramdam siya ng kaunting pagsusuka at sakit ng tiyan. She retched subconsciously. Nang sandaling humupa ang nararamdaman, nakita niya ang nakapikit na mga mata ni Andrei at nakakunot ang noo, sabay sabing. "Buntis ka ba?" Kinabahan siya sa narinig at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ang huling beses ng p********k nilang mag-asawa ay isang buwan na ang nakakalipas. Todo bigay siya noon, at iyong ginawa niya ng husto. Pero paanong nagkataon lang ito. Paano kung... "Hindi," sagot ni Lyca sa dating asawa. Hindi sinasadyang naikuyom niya ang mga palad. May gusto pa sanang sabihin si Andrei ngunit biglang tumunog ang cellphone niya. Pagkatapos niya itong sagutin ay bahagyang nakakunot ang noo niya. "Bumalik na tayo at may gagawin pa ako sa kumpanya," aniya sa lalaki. Napabuga ng usok si Andrei mula sa hinihithit na sigarilyo at tinignan siya ng makahulugan. "Hiling ko na sana ay hindi tayo magkakaanak. Sana nagkataon lang ito." Sumikip ang dibdib ni Lyca sa narinig at parang kinurot ang kanyang puso. Pinilit niyang tumahimik at hindi na nagsalita pa. Sa loob ng tatlong taon mula nang ikasal siya kay Andrei, ay maingat ang lalaki upang hindi siya mabuntis. Ngunit hindi sa huling beses na may namagitan sa kanila, dahil ng mga oras na iyon ay nakaligtaan niyang uminom ng pills. Imbes na sumakay sa sasakyan ni Andrei ay pinili ni Lyca na mag taxi na lamang pabalik sa kumpanya. Pagdating niya sa kumpanya ay bumungad sa kanya ang napakababa na presyon ng hangin sa opisina. Lumapit naman sa kanya ang isang kasamahan at mababakas ang problema sa mukha nito, takot na ipinaalala sa kanya ang problema. "Ma'am, nagkaroon ng problema sa pag-abot ng batch ng mga materyales sa ibang kumpanya. Ang DR corporation o mas kilalang Dela Rama corporation. Basta na lamang kasi itong pinirmahan ng bagong secretary na si Ma'am Trixie ang papers ng mga materyales nang hindi binibilang ang mga ito kung tama ba o may kulang. Agad na sumama ang timpla ng mukha ni Lyca at sumimangot siya. Mahigpit niyang sinabi kay Trixie na suriin ng mabuti ang lahat ng mga materyales bago pumirma para sa handover. Mahirap pa naman kausap ng DR company. Kaya naman hindi lang isa o dalawang beses niyang pinaalalahan ang babae na ayusing mabuti ang trabaho. Pagkaraan ng ilang sandali, muli siyang pinaalalahanan ng assistant niya ukol sa pagpapatawag ng CEO sa kanya. "Ma'am, pinapatawag po kayo ni Mr. Sandoval sa kanyang opisina." Huminga nang malalim si Lyca bago niya binuksan ng dahan-dahan ang pinto ng opisina ng CEO at gumawa ng maliit na awang. Nakita niya sa loob ng opisina ang half-sister niyang si Trixie. Kinakagat nito ang labi, namumula ang dulo ng ilong at mukhang nakakaawa. Nakakaawa o nagpapa cute. Napakunot ang noo ni Lyca sa narinig na sinabi ni Trixie. "Paumanhin, Mr. CEO. Hindi ko alam na lahat ng mga materyales ay kailangang suriin sa oras ng paghahatid. Sinabi lang sa akin ni Manager Lopez na kailangan itong suriin, ngunit hindi niya ipinaalala sa akin na kailangan talaga itong inspeksyuning mabuti at hindi niya sinabi na gagawa pala ng ganito ang taga DR corporation. Kasalanan ko ang lahat," mahabang lintaya ng babae. Tila nagpantig ang tainga ni Lyca sa narinig mula sa kanyang kapatid. Kaya di sinasadya na itinulak niya ang pinto at pumasok ng tuluyan sa loob. Malamig siyang tinitigan ni Andrei. Ngunit bago pa man siya makapagsalita ay nauna na ito. "Kakatapos lang ni Trixie magpaliwanag at wala siyang alam. Dapat alam mo ang pamamaraan ng DR corp. Bakit ni hindi mo man lang siya pinaalalahanan?" agarang sita ni Andrei kay Lyca.Siya si Geo, ay isa sa mga taong pinahahalagahan ni Andrei. Mas malalim ang koneksyon nilang dalawa kumpara kina Joshua at Lyca. Maaaring sabihin na ang posisyon ni Geo ay kapantay sa mga senior executive. May bahagi rin siyang pagmamay-ari sa kumpanya dahilan upang lalo pang lumakas ang impluwensya niya. Sa mga nagdaang taon dahil sa presensya nina Lyca at Joshua ay madalas na nasa labas ng bansa si Geo upang makipag-negosasyon. Kaya naman ay bihira lang siyang makita sa opisina. Tulad ni Andrei ay malamig ang kanyang ugali. Ang tanging mahalaga sa kanya ay kakayahan at interes yun lang at wala nang iba pa. Noong unang pumasok si Lyca bilang sekretarya ay hindi niya ito pinapansin. Ni hindi nga niya nito tinatrato bilang bahagi ng kumpanya. Hanggang sa makipag-negosayon si Lyca sa isang kasunduan sa ibang bansa—naging matagumpay ito at doon pa lamang ito natanggap ni Geo. Sa katunayan ay siya mismo ang nagrekomenda kay Lyca na maging punong sekretarya ni Andrei. Sa paglipas ng pa
Samantala sa apartment ni Andrei ay tahimik siyang nakaupo sa loob ng kanyang silid habang hawak niya ang kanyang cellphone. Hindi inaalis ang pagkakatitig sa screen nito. Paulit-ulit nya na pinapanood ang video at tila ba nais niyang saulohin ang bawat sandali. Sa gitna kasi ng madilim na gabi ay nakita niya kung paanong hindi natinag ang mga mata ni Lyca na para bang wala itong takot at walang pag-aalinlangan sa ginagawa. Kitang-kita nya rin ang ngiting gumuhit sa labi nito habang linilipad ng hangin ang buhok nito. Nakita ni Andrei kung paano nito pinaglalaruan ang buhay ng isang tao na para bang isa lamang itong laruan. Pakiramdam nga ni Andrei ay nakatitig siya sa isang estranghero. Ibang-iba talaga ngayon si Lyca, dahil ang dating si Lyca ay banayad, mabait at puno ng pag-aalaga pero ngayon ay parang hindi na talaga nya ito kilala. ****** Sa likod ng malumanay nitong kilos ay nagkukubli ang isang mabangis na nilalang na para bang isang hayop na handang umatake sa kahit na
Ginawa ni Dean ang lahat para lamang matupad ang kanyang hangarin. Subalit ang kanyang assistant na si Zen ay hindi pa rin talaga makapaniwala. Pakiramdam nito ay hindi naman niya dapat ginawa iyon. At tingin nito kay Lyca ay wala ring awa. “Mr. Dean, gusto mo ba na makita kung ano ang ginawa ni Manager Lyca ngayong gabi?” tanong sa kanya ni Zen. Mukhang nagpipigil pa itong magsalita pero sa huli ay nais din nitong ipaalam sa kanya ang ginawa ni Lyca sa runway. Hindi pa kasi talaga napapanood ni Dean ang video nito kaya naman nagkaroon siya ng interes. Gusto niyang malaman kung ano nga ba ang ginawa ni Lyca ngayong gabi. Ipinadala naman kaagad ni Zen ang video kay Dean at agad itong pinanood ni Dean. Sa screen ay bumungad sa kanya ang imahe ni Lyca at ang maitim nitong buhok na sumasayaw sa hangin. Kahit bahagyang malabo ang mukha nito sa dilim ay hindi natatakpan ang likas nitong kagandahan. "Ang ganda niya, hindi ba?" tanong ni Dean kay Zen. Hindi naman sumagot si Zen, pero
Marahan na pinunasan ni Lyca ang luha sa sulok ng kanyang mata."Ayos lang ako kuya. Huwag mo na akong alalahanin pa. Medyo malungkot lang talaga ako ngayon," sabi ni Lyca, saka sya bumuntong hininga. "Simula ngayon, ay wala na akong kahit anumang kaugnayan kay Andrei. Pinili ko na si Dean, at siya lang ang pipiliin ko sa hinaharap,” saad pa ni Lyca kay Kyrie.Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kaya naman agad niya itong kinuha at nakita niyang si Dean pala ang tumatawag sa kanya."Nasa bahay ka na ba?" tanong ni Dean mula sa kabilang linya sa medyo paos na boses.“Nasa tapat na ako ng pintuan ng bahay,” sagot ni Lyca.Bahagya naman na natawa si Dean.“Yca, gusto kong lang marinig ulit. Ako talaga ang pinili mo, tama ba?”Hindi na siya nagkunwari ngayon. Malinaw niyang sinabi kay Lyca na may tao siyang inilagay sa paligid nito para magbantay rito, dahil kung wala….paano niya malalaman na umalis na si Andrei.**************“Hindi pa ba sinabi sa’yo ng mga tauhan mo na nasa paligid
“Ang tanging lalaki siyang mahal ko at kinikilala ng puso ko na siyang alam ng lahat ay walang iba kunsi si Dean,” wika ni Lyca ng harap-harapan kay Andrei. Laming pasalamat niyang hindi siya pumiyok sa mga salitang binitawan niya. Kakaunti lang ang nakakaalam ng tungkol sa kasal nina Lyca at Andrei. Tanging ang pamilya Sandoval lang at ang ilang pamilya mula sa mataas na lipunan ang nakakaalam ng kasal na iyon. Simple at hindi magarbo ang ginanap na kasal nilang dalawa ni Andrei. At ang kanilang wedding photo ay karaniwang larawan lamang ni Andrei habang nakasuot ito ng pang araw-araw na suit. Walang pakialam ang iba sa relasyon nilang dalawa. Wala rin naman kasing pakialam si Andrei sa kasal nila noon, kaya marahil na wala ring pakialam ang iba. Kaya sa loob ng tatlong taon ng pagiging kasal kay Andrei, ni minsan ay walang tumawag sa kanya bilang Mrs. Sandoval. Para sa lahat ay isa lang siyang sekretarya ng asawa niya. Tinitigan niya ni Lyca si Andrei. Tahimik lang din ang dat
At si Antonio?Dahil naglakas-loob ito na tanggapin ang utos ni Arthur, ay nararapat lang na magbayad ito.At ito ang dahilan kung bakit pinalitan ni Lyca ang manuscript ng peke sa huling sandali. Dahil kung si Dean ay umaarte, kaya niya rin itong sabayan.Pareho silang tuso na dalawa. Pareho nilang alam ang kahinaan ng isa’t isa. Ngunit sa halip na magbanggan ay tahimik nilang itinulak ang lahat ng kasalanan kay Arthur at Antonio.Kung hindi kasi dahil sa kasakiman at kalupitan ni Arthur, ay hindi naman na kailangan pang gawin ni Dean ang bagay na iyon. Hindi sana ito nasasaktan ngayon sa tinamong aksidente.“Lyca, palaging nagsisinungaling si Dean, hindi mo siya matatalo sa bagay na iyan,” may diing wika ni Andrei.Tumaas ang isang kilay ni Lyca sa narinig. “Ang importante sa akin ay hindi ako sinasaktan ni Dean. At kung sino ang tunay na naglalaro ay makikita na lamang natin sa huli, “ sagot ni Lyca. Pagkatapos ay hinawi ang buhok sa kanyang balikat gamit ang mahahabang daliri. “A







