Share

CHAPTER 3.

Author: Casseyyy
last update Last Updated: 2024-12-05 16:44:55

Bahagyang nakaramdam ng kirot si Lyca sa kanyang puso, ngunit mahinahon siyang nagsalita. "Hindi ako nagkulang sa paalala kay Trixie, tungkol sa pagpapadala ng mga materyales Mr. Sandoval. Mayroong surveillance camera ang opisina ng kumpanya. Kung hindi ka naniniwala sa sinasabi ko, maaari nating imbestigahan at i-verify ito," wika niya sa harapan ng dating asawa at sabay sulyap kay Trixie na tila namutla ang mukha sa sinabi niya.

Pinunasan pa nito ng luha ang pilikmata at nagmukhang nakakaawa sa harapan nila.

"Ate Lyca, siguro na distract ako sandali at hindi narinig ang mga sinabi mo, kaya nagkamali ako," anito sabay singhot ng ilong na tila sinisipon.

Hindi pinansin ni Lyca si Trixie bagkus sumimangot na lang. "Sa sampu-sampung milyong mga materyales, imposibleng hayaan ng mga DR corp., na hindi tignan iyon kung tama ba ang natanggap nila. Ang kumpanya ay may mga patakaran. At ang mga resposibilidad ni Trixie sa kumpanya ay may kaukulang parusa."

Tumalikod na si Lyca at umalis ng opisina. Titignan niya ang mga pagkukulang sa mga materyales.

Kinagabihan saktong alas-otso ng gabi ay agad na nag set ng appointment si Lyca para sa DR corp., ukol sa naging problema sa mga materyales.

Matapos makipag-usap ni Lyca kay Mr. Derek Bautista ay tatayo na sana siya para umalis. Hindi na niya napansin ang presesnya ng dating asawa na naroroon pala.

Bago siya tumayo ay lumapit sa kanya ang assistant at magiliw na nagsalita. "Ma'am Lyca, hinihintay ka ni Mr. Sandoval sa kanyang sasakyan" anito.

Sandaling natigilan si Lyca. "At ano naman ang ginagawa ng lalaking ito rito?" tanong niya sa isip. "Kung bakit naririto rin ito kung nasaan siya ngayon. Sinusundan ba siya nito?" mga salitang nagdagdag kaguluhan sa mga iniisip niya.

Nang hindi pa tumayo si Lyca ay sinulyapan ni Derek ang assistant, pagkatapos ay tumingin sa kanya. Naka-angat ang kalahating labi nito na animoy nakangiti. "Ms. Lopez, kung hindi ka komportable na manatili sa bahay ni Sandoval ay maari kang umalis. At kung hindi ka na rin komportable sa kanyang kumpanya ay pwede kang lumipat sa kumpanya ko," wika ng lalaki at tiningnan siya. Naiilang pa siya sa malagkit na mga titig nito sa kanya na para bang tagos sa buto kung titigan siya.

Hindi na nagbitiw ng ano mang salita si Lyca, bagkus ay nagpaalam na lamang siya ng maayos kay Mr. Bautista.

Mayaman at gwapo rin ang lalaki, pero napepreskuhan siya rito, lalo na kung magsalita ito.

Sumunod siya sa assistant niya at tinungo kung nasaan ang sasakyan ni Andrei, agad siyang sumakay sa loob ng kotse.

Alas onse na pala ng gabi at medyo malamig na ang simoy ng hangin sa gabi.

Nang sumakay si Lyca sa kotse ay halos namumutla ang hitsura niya at matamlay ang katawan niya na para bang nakakaawa siya tingnan.

Kumunot ang noo ni Andrei. Marahil nagtataka sa hitsura niya lalo pa at mukhang nangangayayat siya ng mga oras na ito.

"Tapos ka na ba sa DR corp?" kaswal na tanong ni Andrei.

Tanging tango lang ang itinugon ni Lyca sa lalaki. Mababakas sa kanyang mga mata ang antok at pagod. "Hindi ganun kadali kausap ang taga DR corp., ngunit nangako na lamang ako na papalitan ang mas mababang mga gamit, kaya kailangan ko lang oras para roon," aniya.

Muli siyang sinulyapan ni Andrei at nagsalita. "Masyado pang bata si Trixie at ignorante sa bagay na iyon. Kaya hindi siya lubos na masisisi sa pangyayaring ito," depensa ni Andrei sa babae.

Napatigil si Lyca at sinagot ang dating asawa. "Ikaw ang presidente ng sarili mong kumpanya. Kung ano man ang gusto mong gawin ay depende sa sarili mong kagustuhan."

Bata pa? Ngumiti siya ng mapakla. Nang pumasok siya noon sa pamilya Sandoval ay mas bata siya kaysa kay Trixie.

Gayunpaman, di Andrei ay palaging gumagawa ng pagkakaiba sa pagitan ng pampubliko at pribadong mga bagay.

"Hindi ko pa nababanggit kay Lolo ang tungkol sa hiwalayan," sambit ni Andrei.

Nagpapagaling si Lolo sa bahay nitong mga nakaraang taon at hindi niya matiis ang excitement kahit na mahina ang kapit ng relasyon ng dalawa. Natatakot marahil ito na baka marinig ang balita tungkol sa hiwalayan ng dalawa.

Ibinaba ni Lyca ang ulo, at marahang ipinikit ang mga mata. "Alam ko ang sasabihin ko kay Lolo, kapag tama na ang oras," aniya sabay idinilat ang mga mata.

Hindi naman na nagsalita si Andrei sa tinuran niya.

Uminom ng tubig si Lyca, medyo humapdi ang sikmura niya dala ng hindi siya kumain kanina pa. Isinandal niya ang ulo sa upuan at hindi nagtagal ay nakatulog siya sa kotse.

Ngunit kalaunan ay agad naman siyang nagising. Medyo namumutla ang mukha niya. Bagay na napansin agad sa kanyan ni Andrei. Na tila ba nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.

"Nasaan na tayo?" tanong niya sa medyo paos na boses.

Mahinang nagsalita si Andrei. "Dadalhin kita sa ospital," seryosong wika nito.

Bumilis ang tibok ng puso ni Lyca sa naisip. Kaya agad niyang pinigilan ang lalaki. "Hindi na kailangan, medyo sumakit lang ang tiyan ko. Uuwe na lang ako para makapagpahinga ng maaayos," aniya.

Taimtim siyang tinitigan ni Andrei sa mga mata. Malalim ang pagkakatitig nito sa kanya na para bang binabasa ang nasa isip niya.

"Mabuti naman kung ganun," tanging sagot ng lalaki.

Sa wakas nakahinga ng maluwag si Lyca ng pumayag ito.

Pag-uwi niya sa bahay ay agad niyang tinawagan ang kaibigan niya na si Althea at nakisuyo rito. "Maaari bang bilhan mo ako ng pregnancy test kit."

Kinabukasan, sa isang salo-salo. Inimbetahan ni Marco sina Lyca at Andrei. Parehong magkaibigan ang tatlo. Tinawagan pa ni Marco si Lyca na isama si Carina sa salo-salo. Ang isa nilang kaibigan.

Matapos malaman ni Marco ang tungkol sa nangyari sa pagitan nila Andrei at Lyca, ay sinadya niyang pagsamahin ang dalawa.

Nang dumating si Lyca, sa pintuan pa lamang ay naririnig na niya ang matinis boses ni Marco.

"Naghiwalay na ba talaga kayo ni Lyca? Dahil ba roon kay Trixie?" tila imbistigador na nagtatanong.

Huminto sandali si Lyca, nanginginig ang mga kamay na itinulak niya ang pinto at bumukas ito ng kaunti.

Hindi nagtagal at narinig din niyang nagsalita ang dating asawa. "Wala itong kinalaman sa kanya, sadyang hindi kami bagay ni Lyca sa isa't-isa."

"Tsk, saan banda ang hindi bagay at nararapat?" tanong ni Marco. "Maganda at matalino si Lyca. Kilala na rin siya ng pamilya Sandoval at ng ibang tao sa loob ng maraming taon. Bakit ka ganyan? Bakit mo nasasabing hindi kayo bagay? Not to mention that she saved you in the first place. There are some things that you most fear is the hindsight," lintaya ni Marco.

Nakita na rin naman niya si Trixie bata pa ito at maganda rin, pero walang-wala ito kumpara kay Lyca.

Si Lyca ay isang babaeng, matatag at kayang pagsilbihan si Andrei. Kaya kung talagang maghihiwalay ang dalawa ay natatakot siyang baka pagsisihan ito ni Andrei sa huli.

Binasag ni Andrei ang katahimikan. "Hindi natin maaaring pilitin ang mga bagay na emosyonal."

Napayuko si Lyca at napapikit ng mga mata, habang mahigpit na kuyom ang mga kamao. Hindi na siya tumuloy pa sa loob at piniling magpaalam na lamang sa chat.

Hindi nagtagal pagkatapos sabihin ni Lyca kay Marco sa chat na hindi na siya makakapunta ay pumayag naman ito. Sinabi niya sa lalaki na may gagawin pa siya at makikipagkita kay Althea at para makapagpahinga na rin agad.

Pag-uwi niya sa bahay ay naroon na si Althea at agad na iniabot sa kanya ang dala nitong pregnacy test kit. "Lyca, wala ka talaga nito di ba? Hindi ka ba talaga dinatnan?" tanong ni Althea sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 102.1

    Lolo Andres had just landed the information to Lyca, but within an hour, bigla na lang naaksidente si Dean. Biglang naisip si Lyca kung sino ang may gawa nito kay Dean? Kung paano naman nila nalaman ang tungkol sa impormasyong ibinigay nya kay Dean kanina? Nakagat na lamang ni Lyca ang kanyang pang-ibabang labi. Lumitaw bigla sa balintataw niya ang imahe ng mukha ni Arthur na isang mapagbalat kayo. Arthur Sandoval! Magbabayad ka, dahil maniningil ako sa iyong hayop ka!” galit na sabi ni Lyca habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao niya. Nanlabo ang mga mata ni Lyca habang hawak ngayon ang malamig kamay ni Dean. Agad na dumiretso ang sasakyan na iyon sa Alcantara’s Hospital ni Dr. Paolo Alcantara. Habang nasa byahe sila kanina ay tinawagan na ni Lyca si Dr. Paolo, kaya naman pagkarating nila sa ospital ay may tao ng nakahanda para salubungin sila. Sumunod si Lyca kay Dean na nakahiga na sa stretcher at agad na dinala ito Emergency Room. Naiwan sa labas sa pasilyo ng eme

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 101.2

    "Ano'ng nangyayari? Ano ang ibinigay ng matanda kay Lyca? May kinalaman ba ito sa holographic research ni Helen?" sunod-sunod na tanong ni Arthur sa kanyang tauhan. "Ang impormasyong ibinigay ng matanda ay ang mga lihim na dokumentong itinago noon ni Helen. Binanggit din ng matanda ang isang lalaking nagngangalang Manuel Ramos at siya umano ang tunay na pinuno ng pananaliksik ni Helen," sagot ng tauhan ni Arthur sa kanya. Bigla namang bumigat ang paghinga ni Arthur at hindi siya agad nakapagsalita. Matagal na kasi niyang hinahanap ang impormasyong iyon. Sa huli, ay nasa kamay lang pala ito ng matanda. Ito pa mismo ang nag-abot ng mga dokumentong iyon kay Lyca. Mga dokumentong matagal na niyang hinahanap at patuloy na hinahanap. May kinalaman iyon sa hologram! Kung nailabas lang sana ng matanda ang mga impormasyong iyon noon pa, matagal na sanang umunlad ang pananaliksik ng pamilya Sandoval sa holographic technology at nasa tuktok na sana ang kumpanya nila. "Kunin niyo ulit ang mg

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 101.1

    Palagi na lang nakatitig si Lyca sa makapal na dokumentong hawak niya. Sa likod ng makapal na impormasyong iyon, ay para bang nakikinita niya ang maamong mukha ng kanyang ina na si Helen. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Lyca at medyo nalito siya sa mga pangyayari. Lahat ng landas niya ngayon ay inayos ng kanyang ina. Noong bata pa siya ay ipinagkatiwala na sa kanya ng kanyang ina si Max. At noong mga panahon na iyon ay nasa murang edad pa lamang siya. Kaya upang maprotektahan si Max ay isinuko niya ang kanyang dignidad at lumuhod sa harap ni Robert upang magmakaawa rito. Tanging sa paghingi ng tulong sa lalakinh matagal na niyang kinamumuhian, ay maaaring magkaroon ng isang tahimik at payapang buhay si Max. Masaya ngang lumaki si Max, pero siya? Namuhay siya sa anino. Walang nagmamalasakit sa kanya, at walang nagmamahal sa kanya. Kailangan niyang maghukay ng sariling landas gamit ang sariling diskarte at tapang. Mapait na ngumiti si Lyca. Napakahalaga para kay Lyca

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 100.2

    "Ito ang holographic na impormasyon na iniwan ng iyong ina," sagot ni Lolo Andres kay Lyca. Humugot nanag malalim na buntong hininga si Lolo Andres bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Napakatalino at isang kahanga-hangang babae ng iyong ina Lyca. Noong siya ay nag-aaral pa lamang ay isinama siya ng iyong lolo na dumalo sa isang financial summit sa ibang bansa. Noong mga panahon na iyon ay pinag-uusapan na sa ibang bansa ang mga paksa na may kinalaman sa holographic networks. Nahulaan ng iyong ina na magkakaroon ng isang rebolusyon sa impormasyon sa hinaharap,” Napanganga si Lyca sa narinig niya mula sa matanda. "Pagbalik ng iyong ina sa bansa ay nagsimula siyang mag-organisa ng isang koponan upang magsagawa ng holographic research. Ngunit ang holographic research ay masyado nang advanced at tumatama sa maraming tradisyunal na industriya. Kapag lumitaw ang mga hologram na ito ay tuluya nang babagsak ang kasalukuyang network information. At ang lahat ng mga kumpanya na may kinalaman

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 100.1

    Tila sinasadya naman ni Dean na bitawan ang mga salitang iyon kay Cristy. Gusto kasi niyang siguraduhin na hindi na nito muling babanggitin pa si Andrei kay Lyca. They both know na hindi madaling kausap ang pamilya Bautista, ngunit hindi rin biro banggain ang pamilya Sandoval. Hindi lamang para kay Cristy ang mga salitang iyon ni Dean, kundi para rin marinig ito nina lolo Andres at Andrei. Hindi hahayaan ni Dean na basta-basta na lamang lalapitan ng ibang myembro ng pamilya Bautista si Lyca. At syempre, kailangan din ng pamilya Sandoval na magkaroon ng kahit konting kamalayan. Si Cristy na dati ay palasagot at magaling magsalita, ay natahimik na lang ngayon. Lumabas naman na mula sa loob ng kotse si Arthur at tumabi ito sa kanyang anak na si Cristy habang may ngiti sa labi, saka nagpaliwanag. "Pasensya na Mr. Dean. Si Cristy ay medyo bata pa at minsan ay padalos-dalos pa sa kanyang mga sinasabi. Wala siyang masamang intensyon kaya sana ay huwag niyo na lang syang pansinin pa,"

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 99.2

    “Napakaganda naman ng kwintas na iyan at bagay na bagay talaga iyan sa’yo,” nakangiti naman na sagot ni Lyca sa dalaga. Pagkasabi naman noon ni Lyca ay masaya naman na bumalik si Cristy sa kanyang sports car. Iniabot naman ng kanyang ama na si Arthur ang kanyang high heels na sandals. Isinuot nya kaagad itohabang may ngiti sa labi. Pinagmamasdan naman ni Arthur ang kanyang anak na si Cristy dahil mukhang masayang-masaya nga ito. “Cristy, malapit ka ba kay Lyca?” kaswal na tanong ni Arthur sa kanyang anak. “Syempre naman po. Si ate Lyca po ang tumulong sa akin noon sa graduation project at sa mga thesis ko, siya ang nag-guide. Para na rin siyang mentor ko,” nakangiti pa na sagot ni Cristy a kanyang ama na puno pagmamalaki. Muling napatingin si Cristy sa ate Lyca nya at saka sya kumaway rito. “Sister-in-law halika rito, dali!” sigaw ni Cristy. Paulit-ulit na tinatawag ni Cristy si Lyca ng sister-in-law na para bang wala siyang pakialam sa presensya ni Dean na nasa tabi lamang ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status