Share

CHAPTER 4.

Author: Casseyyy
last update Last Updated: 2024-12-05 16:45:54

Mahigpit na hinawakan ni Lyca ang pregnancy test kit at tumugon. "Hindi ako sigurado."

Subalit ang kanyang regla ay hindi pa dumadating para sa buwang ito. Ang mga nangyayaring kakaiba sa kanya noong mga nakaraan, hanggang ngayon ay naghatid sa kanya ang kakaibang hinala.

"Kung totoo man 'yan, ano 'ng plano mo?" Ani Althea at alanganing tumingin sa kanya. "Sasabihin mo ba ito kay Andrei?"

Iniyuko ni Lyca ang kanyang ulo at ipinikit ang mga mata.

Ayaw ni Andrei sa batang ipapanganak niya. Subalit kung totoo mang buntis nga siya, ang batang ito ang maging labis niyang kasiyahan.

"Hindi!" Sagot ni Lyca. Matagal pa bago siya nagsalita. "Wala naman ng saysay pa para malaman niya ang tungkol dito kung sakali man," aniya na desisdido sa naging pasya.

Tatlong taon niyang hinintay na magkaroon ng anak, at ngayong nasisilip na niya na posibleng magkatoo ay nagdiwang ang kalooban niya.

Masama ang pakiramdam ni Lyca kinabukasan pagpasok niya sa opisina. Muli naalala niya ang tungkol sa pregnancy test kit.

Bumalik siya sa banyo at kinuha ang pt, kinurap-kurap niya ang mga mata, ngunit iisa pa rin ang nakikita niya. Dalawang guhit na kulay pula. Hindi niya namalayan na natulala na pala siya.

Totoong buntis siya. Buntis siya sa magiging anak nila ni Andrei.

Samantala sa opisina ay hindi mapakali si Trixie. Agad siya nitong kinausap. "Ate Lyca, talagang hindi pagkakaunawaan ang oras na iyon. Hindi mo naman ako masisisi, di ba?" anito na parang nababahala sa nangyari. "Hindi ko alam na may kontrabida pala sa DR corp., at gagawin ang lahat para may maisisi sa akin!" dagdag pa nito.

Mahinahong nagsalita si Lyca. "Ang kumpanya ay may mekanismo ng pabuya at parusa. Kaya kung nagkamali ka, ikaw mismo ang dapat na magpasan nito."

Talagang wala siyang masabi sa babae.

Bukod sa anumang bagay, palagi niyang binubukod ang pampubliko sa pribadong gawain. Ayaw niya na isama sa trabaho ang personal na sama ng loob.

"Siya nga pala Ate, next week ay birthday na ni Dad. Baka matagal ka nang hindi nakikita ni Dad. Gusto mo bang pumunta para ipagdiwang natin ito bilang isang pamilya?" wika ni Trixie sa kanya.

Ang kaarawan ng kanilang ama ay nagkataong ikapitong death anibersaryo ng kanyang ina.

Tinitigan ni Lyca si Trixie sa mga mata. "Trixie, wala ako sa mood na gumamit ng anumang trick sa iyo. Kung hindi ka tanga, maaari kong ipaalala sa iyo kung ano ang ginawa mo sa akin at sa aking ina. Hindi maganda ang araw na iyon."

Nakita ni Lyca na sandaling natigilan si Trixie sa sinabi niya. Namumula rin ang mukha nito. "Ate alam kong ang araw na iyon ay ang death anniversary ni auntie, ngunit ang mga tao na patay na ay hindi na maaaring mabuhay pang muli. Pero ang kaarawan ni Tatay na nabubuhay pa ay dapat na palagi nating ipagdiwang. Tulad ng hindi ko sinisisi si auntie sa pagpapaalis sa akin noon."

"Alam mo ang dahilan kung bakit ka pinapunta ng nanay ko sa ibang bansa?" malamig na tugon ni Lyca. "Kung gusto kong patawarin ang taong dahilan ng pagkamatay ng ina ko, at ipagdiwang ang kaarawan ng taong ito na magkasama. Hindi iyon nagpapatunay na malawak ang pag-iisip ko para umunawa," dagdag pa ni Lyca.

Agad na namutla si Trixie sa tinuran niya. Namumula ang mga mata nito na parang miiyak na. Ang mga luha nito ay malapit nang bumagsak mula sa mga mata ng babae. "Ate, wala naman akong ibang ibig sabihin, ito lang..."

"Wala akong pakialam kung ano ang iniisip mo," pagputol ni Lyca sa sasabihin pa sana ng kapatid niya. Oo kapatid niya ito sa ama, pero sa kumpanya, sila ay ordinaryong magkatrabaho lamang.

Tumalikod na si Lyca at umalis na. Wala na siyang balak pa na makipaglaro ng salita sa babaeng iyon.

Pagsapit ng hapon, palihim siyang nagtungo sa ospital.

"Congratulations! You're six weeks pregnant!" masayang anunsyo ng doctora.

Nakalabas na ng ospital si Lyca hawak ang prenatal check up nang saktong nabangga niya ang dating asawa. Tinutulungan nito si Trixie na maglakad ng maayos.

Hindi niya alam ay naroon din pala ang babae, dahil na sprain ang paa nito at dinala sa ospital na pagmamay-ari ni Andrei. At ang laking tanga rin niya na hindi niya napansin na ang pinuntahan niya palang ospital ay pagmamay-ari ng dating asawa.

Umalingawngaw sa isipan niya ang mga salita kanina ng doctor. "Ms. Lopez, ang iyong katawan ay hindi angkop sa pagpapalaglag. Kaya 'wag mo itong gagawin, dahil kapag sinubukan mong magpalaglag, baka hindi ka na mabuntis pa ulit. Kaya mag-ingat kang mabuti at alagaan ang batang nasa sinapupunan mo," pagpapaliwanag ng doctor.

Nagkaroon siya ng anak sa dating asawa. Napuno ng saya at kagalakan ang puso niya dahil sa batang ito.

Pero hahayaan ba ni Andrei na panatilihin niya ang bata?

Bahagya siyang lumayo sa dating asawa mula sa pagkakabangga niya rito. Tinawag din siya ni Trixie sa nauutal na boses. "Ate...Lyca."

Sinulyapan siya ni Andrei saka nagtanong. "Bakit ka nandito?"

Sekreting inilagay ni Lyca ang ulat ng prenatal checkup sa likod niya, saka nagsalita. "Nagkaroon ako ng matinding sipon kanina, kaya pumunta ako rito para sa isang follow-up na check-up," sagot niya sa lalaki at thanks God na hindi siya nautal.

Ang mga tingin ni Andrei ay nanatiling nakatutok lang sa kanya.

Nang mga sandaling iyon ay napagtanto ni Trixie ang nasa paligid niya, dahilan para hilahin niya ang laylayan ng damit Andrei. Mababakas sa kanyang mukha ang pagkabigo, partikular sa kanyang mga mata. "Mr. CEO, mukang may pag-uusapan kayo ni Manager, kaya uuwi na muna ako," anito.

Sumimangot si Andrei, subalit hindi na niya ito pinilit na manatili.

Masunuring umalis si Trixie.

Nakahinga ng maluwag si Lyca, binola-bola niya ang ulat ng prenatal checkup sa kanyang kamay at isinilid ito sa kanyang bag.

Sinulyapan ni Andrei si Lyca.

"Bakit parang kinakabahan ka?" anito na tumingin ng taimtim sa kanya sabay sabi ng mga salitang. "Kung ganyan ka, iisipin kong buntis ka talaga," wika nito.

Hindi sinasadya ni Lyca na itanggi ito, ngunit ngumiti siya at pansamantalang nagtanong. "Kung mangyayari talaga, ano ang gagawin mo Mr. CEO?"

"Kung ganun ay mag-aaway tayo," sagot ni Andrei. Tiningnan ito ni Lyca sa mga mata at makita ang walang alinlangan sa tono nito.

"May alam kaya ang lalaki?"

Nakaramdam si Lyca ng kaunting kirot sa kanyang puso. Ibinaling niya sa ibang direksyon ang paningin at umiling. "Sipon lang ito at hindi magtagal mawawala rin."

Pinikit sandali ni Andrei ang mga mata at muling idinilat at tinitigan siya ng matagal bago nagsalita. "Nabalitaan ko na may hindi magandang pag-uusap sa pagitan niyo ni Trixie kanina. Na-sprain din ang paa ni Trixie pagkatapos niyo mag-usap. Bata pa si Trixie, mabait si Trixie at siya ang tipo ng babaeng hindi madaling makipag-away sa iba.

Parang lumabas ang asim sa puso ni Lyca.

"Mr. Sandoval, hindi na siya bata pa at wala akong magagawa sa kanya. Kung na-sprain man ang paa niya kanina ay hindi ko na iyon kasalanan pa," naiinis niyang wika.

Naiinis siya dahil mukhang sinisi pa siya ng lalaking ito sa pagkaka-sprain ng babaeng iyon!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 102.1

    Lolo Andres had just landed the information to Lyca, but within an hour, bigla na lang naaksidente si Dean. Biglang naisip si Lyca kung sino ang may gawa nito kay Dean? Kung paano naman nila nalaman ang tungkol sa impormasyong ibinigay nya kay Dean kanina? Nakagat na lamang ni Lyca ang kanyang pang-ibabang labi. Lumitaw bigla sa balintataw niya ang imahe ng mukha ni Arthur na isang mapagbalat kayo. Arthur Sandoval! Magbabayad ka, dahil maniningil ako sa iyong hayop ka!” galit na sabi ni Lyca habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao niya. Nanlabo ang mga mata ni Lyca habang hawak ngayon ang malamig kamay ni Dean. Agad na dumiretso ang sasakyan na iyon sa Alcantara’s Hospital ni Dr. Paolo Alcantara. Habang nasa byahe sila kanina ay tinawagan na ni Lyca si Dr. Paolo, kaya naman pagkarating nila sa ospital ay may tao ng nakahanda para salubungin sila. Sumunod si Lyca kay Dean na nakahiga na sa stretcher at agad na dinala ito Emergency Room. Naiwan sa labas sa pasilyo ng eme

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 101.2

    "Ano'ng nangyayari? Ano ang ibinigay ng matanda kay Lyca? May kinalaman ba ito sa holographic research ni Helen?" sunod-sunod na tanong ni Arthur sa kanyang tauhan. "Ang impormasyong ibinigay ng matanda ay ang mga lihim na dokumentong itinago noon ni Helen. Binanggit din ng matanda ang isang lalaking nagngangalang Manuel Ramos at siya umano ang tunay na pinuno ng pananaliksik ni Helen," sagot ng tauhan ni Arthur sa kanya. Bigla namang bumigat ang paghinga ni Arthur at hindi siya agad nakapagsalita. Matagal na kasi niyang hinahanap ang impormasyong iyon. Sa huli, ay nasa kamay lang pala ito ng matanda. Ito pa mismo ang nag-abot ng mga dokumentong iyon kay Lyca. Mga dokumentong matagal na niyang hinahanap at patuloy na hinahanap. May kinalaman iyon sa hologram! Kung nailabas lang sana ng matanda ang mga impormasyong iyon noon pa, matagal na sanang umunlad ang pananaliksik ng pamilya Sandoval sa holographic technology at nasa tuktok na sana ang kumpanya nila. "Kunin niyo ulit ang mg

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 101.1

    Palagi na lang nakatitig si Lyca sa makapal na dokumentong hawak niya. Sa likod ng makapal na impormasyong iyon, ay para bang nakikinita niya ang maamong mukha ng kanyang ina na si Helen. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Lyca at medyo nalito siya sa mga pangyayari. Lahat ng landas niya ngayon ay inayos ng kanyang ina. Noong bata pa siya ay ipinagkatiwala na sa kanya ng kanyang ina si Max. At noong mga panahon na iyon ay nasa murang edad pa lamang siya. Kaya upang maprotektahan si Max ay isinuko niya ang kanyang dignidad at lumuhod sa harap ni Robert upang magmakaawa rito. Tanging sa paghingi ng tulong sa lalakinh matagal na niyang kinamumuhian, ay maaaring magkaroon ng isang tahimik at payapang buhay si Max. Masaya ngang lumaki si Max, pero siya? Namuhay siya sa anino. Walang nagmamalasakit sa kanya, at walang nagmamahal sa kanya. Kailangan niyang maghukay ng sariling landas gamit ang sariling diskarte at tapang. Mapait na ngumiti si Lyca. Napakahalaga para kay Lyca

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 100.2

    "Ito ang holographic na impormasyon na iniwan ng iyong ina," sagot ni Lolo Andres kay Lyca. Humugot nanag malalim na buntong hininga si Lolo Andres bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Napakatalino at isang kahanga-hangang babae ng iyong ina Lyca. Noong siya ay nag-aaral pa lamang ay isinama siya ng iyong lolo na dumalo sa isang financial summit sa ibang bansa. Noong mga panahon na iyon ay pinag-uusapan na sa ibang bansa ang mga paksa na may kinalaman sa holographic networks. Nahulaan ng iyong ina na magkakaroon ng isang rebolusyon sa impormasyon sa hinaharap,” Napanganga si Lyca sa narinig niya mula sa matanda. "Pagbalik ng iyong ina sa bansa ay nagsimula siyang mag-organisa ng isang koponan upang magsagawa ng holographic research. Ngunit ang holographic research ay masyado nang advanced at tumatama sa maraming tradisyunal na industriya. Kapag lumitaw ang mga hologram na ito ay tuluya nang babagsak ang kasalukuyang network information. At ang lahat ng mga kumpanya na may kinalaman

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 100.1

    Tila sinasadya naman ni Dean na bitawan ang mga salitang iyon kay Cristy. Gusto kasi niyang siguraduhin na hindi na nito muling babanggitin pa si Andrei kay Lyca. They both know na hindi madaling kausap ang pamilya Bautista, ngunit hindi rin biro banggain ang pamilya Sandoval. Hindi lamang para kay Cristy ang mga salitang iyon ni Dean, kundi para rin marinig ito nina lolo Andres at Andrei. Hindi hahayaan ni Dean na basta-basta na lamang lalapitan ng ibang myembro ng pamilya Bautista si Lyca. At syempre, kailangan din ng pamilya Sandoval na magkaroon ng kahit konting kamalayan. Si Cristy na dati ay palasagot at magaling magsalita, ay natahimik na lang ngayon. Lumabas naman na mula sa loob ng kotse si Arthur at tumabi ito sa kanyang anak na si Cristy habang may ngiti sa labi, saka nagpaliwanag. "Pasensya na Mr. Dean. Si Cristy ay medyo bata pa at minsan ay padalos-dalos pa sa kanyang mga sinasabi. Wala siyang masamang intensyon kaya sana ay huwag niyo na lang syang pansinin pa,"

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 99.2

    “Napakaganda naman ng kwintas na iyan at bagay na bagay talaga iyan sa’yo,” nakangiti naman na sagot ni Lyca sa dalaga. Pagkasabi naman noon ni Lyca ay masaya naman na bumalik si Cristy sa kanyang sports car. Iniabot naman ng kanyang ama na si Arthur ang kanyang high heels na sandals. Isinuot nya kaagad itohabang may ngiti sa labi. Pinagmamasdan naman ni Arthur ang kanyang anak na si Cristy dahil mukhang masayang-masaya nga ito. “Cristy, malapit ka ba kay Lyca?” kaswal na tanong ni Arthur sa kanyang anak. “Syempre naman po. Si ate Lyca po ang tumulong sa akin noon sa graduation project at sa mga thesis ko, siya ang nag-guide. Para na rin siyang mentor ko,” nakangiti pa na sagot ni Cristy a kanyang ama na puno pagmamalaki. Muling napatingin si Cristy sa ate Lyca nya at saka sya kumaway rito. “Sister-in-law halika rito, dali!” sigaw ni Cristy. Paulit-ulit na tinatawag ni Cristy si Lyca ng sister-in-law na para bang wala siyang pakialam sa presensya ni Dean na nasa tabi lamang ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status