Tumingin si Lyca kay Andrei at mahinahong nagsalita. "Hindi ko kasalanan kung tanga iyang si Trixie. Na pati sa paglakad na-sprain pa ang paa," nanunuyang wika ni Lyca.
"Sa trabaho, senior niya lang ako. Sa personal na buhay, walang na loob ang nanay ko sa kanya, at ako. Nang magpakasal ang tatay niya sa ibang babae, dumating si Trixie sa buhay nila. Walang tatanggap sa illegitimate na anak ng tatay niya kaya ipinadala nila ito ng nanay niya sa ibang bansa. Tumulong din pati siya sa mga bayarin at gastuhin ng babae sa pamumuhay nito. Kaya wala siyang utang dito. At hindi niya iisipin ang lahat para rito. Kaya bakit siya iiwas dito?" Tahimik ang atmosphere sa loob ng sasakyan. Bumaling sa kanya ang mga mata ni Andrei. Nakasuot siya ng napakasimpleng ngunit mahabang palda. May balingkinitang baywang, at kilay na laging nakataas at malinaw na mga mata. Siya si Lyca, simple ngunit may malamig na ugali, matalino at nakakasilaw na ganda. Subalit hindi iyon pansin ng mga tao. Pagkaraan ng ilang sandaling pananahimik mahinang nagsalita si Andrei. "Pasensya na, kasalanan ko ang bagay na ito." Hindi na siya sumagot pa ngunit pansin niyang panay ang sulyap ni Andrei sa kanya. Bagay na ikinailang niya. Lihim na napangiti si Lyca sa isip niya, tila ba naging kalmado ang loob niya. Kinabukasan, lumabas sa balita ang pagbagsak ng DR corp. Kaharap niya ngayon ang CEO ng DR corp., na si Mr. Derek Bautista. Magiliw itong kausap ngunit naroon ang pagiging sopistikado at makapangyarihan. Nagkaroon ng masusing imbistigasyon at napag-alaman na ang mismong kapatid pala ni Derek ang isa ring may kasalanan. Walang pag-aalinlangan na inalis ito ni Derek sa sariling kumpanya. Ito ang araw na muling ipinadala ni Lyca ang kulang sa nakaraang materyales para sa DR corp,. Masusi niya itong inisa-isa para maiwasan ang pagkakamali. "Wala man lang tiwala sa akin si Ms. Lopez?" narinig niyang turan ni Derek habang abala siya sa pagsusuri. Napataas ang isang kilay ni Derek at tiningnan ang manipis na pawis sa noo ng babae. Sumilay ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito. Humarap sa kanya si Lyca at matamis na ngumiti, walang kurap na tumitig sa lalaki. "Hindi sa ganun Mr. Bautista, sabihin na lang natin na masyado lang akong nag-iingat," aniya sa lalaki. Hindi napigilan ni Derek ang tuluyang mapangiti. Lingid sa kanilang kaalaman ay may dalawang mata na nakamasid sa kanila mula sa di kalayuan. Sina Andrei ang dati niyang asawa kasama ang kanyang half-sister na si Trixie. Hindi nagtagal at lumapit sa kanila si Trixie ng nakangiti. "Mr. Bautista at Ate Lyca, mukhang magkakasundo 'ata kayong dalawa. Mukhang sa pagkakataong ito ay blessing in disguise na," wika nito. Ang tono ng babae ay magaan na may pagka-inosenti at pagiging coquettish na tono ng isang babae. Para kay Lyca wala namang masama kung magiging magkaibigan sila ni Derek, ngayon nya napagtanto na maayos naman kausap ang lalaki. Kaya naman hinayaan na lamang niya si Trixie sa pinagsasabi nito. Subalit hindi maitatanggi na ang mga mata ni Andrei ay natuon kay Lyca. Madilim ang ekspresyon ng kanyang mukha saka nagsalita. "Ang pagtutulungang ito ay magdudulot ng kaguluhan para kay Mr. Bautista." "Walan gulo," maagap na sagot ni Derek at ngumiti ng makahulugan. "Paano masasabing problema kung may kasama kang magandang babae na tulad ni Manager Lopez?" "Si Ms. Lopez ay palaging inihihiwalay ang pampubliko sa pribadong gawain. Nag-aalala lang ako na mauwe ang DR corp., sa maaaring hindi pagkakaunawaan kung sakali," pahayag ni Andrei, na sandaling sinulyapan si Lyca. Muli ay matalim ang mga mata nito na nanatiling nakapako kay Derek. Samantalang nagngingitngit na ang kalooban ni Lyca. Ano ba ang pakialam ng lalaking ito kung magiging malapit silang magkaibigan ni Derek. Labas na ito sa trabaho at kumpanya. Ngunit nabahala na si Lyca sa sagutan ng dalawa lalo na nang mas lumalim ang ngiti ni Derek at nagsalita. "Hindi matigas ang puso na mag-distinguish between public and private affairs. Kapag naghahabol sa mga babae, syempre kailangan mong maging makapal ang balat. At isa pa, wala ka naman sigurong pakialam pa sa pribadong buhay ng mga empleyado mo, tama ba, Mr. Sandoval?" tila nang-uuyam na wika ni Derek. Hindi na sumagot pa si Andrei at mabilis na kinuha ang kamay ni Trixie at umalis palayo. Bumaba ang tingin ni Lyca sa kamay ng dalawang taong magkahawak kamay at naglalakad palayo mula sa kanila. Hindi maiwasan na makaramdam siya ng kirot sa kanyang puso sa nasaksihan. Nang makita ni Derek ang kanyang pagkadismaya ay walang atubiling nagsalita ito. "Ang ex-husband mo ay hindi mabuti para sa 'yo." Lihim na natawa si Lyca sa loob niya. At sino naman ang mabuti para sa kanya? Subalit wala siyang pakialam pa rito. Basta isa siyang babae na maganda at sapat na matalino. Sa kabutihang palad, matagumpay na naresolba ang isyu sa mga materyales at naiwasan ang pagkalugi ng kumpanya. Pinagmulta naman ni Andrei si Trixie ng tatlong buwan na sweldo. Pagbalik ni Lyca sa kumpanya lahat ng mga kasamahan niya sa kanyang departamento ay natuwa at bumuhos ang sari't-saring galak at kasiyahan. "I don't like people who come in through the back door. If it were someone else, I'm afraid na matagal na itong tinanggal." "Hindi, top student pa rin siya sa isang university. Malaking pagkakamali ang ginawa niya noong una siyang naging secretary. But in terms of reputation, hindi siya maikukumpara kay Ms. Lopez. Hindi ko talaga alam kung ano ang nakikita ni Mr. CEO sa kanya." Ito ang mga salitang naririnig ni Lyca sa paligid niya. Ang SANDOVAL COMPANY ay isang malaking kumpanya sa industriya. At mahirap para sa mga baguhan ang walang lakas at dating sa trabaho. Walang masabi si Lyca sa mga salita ng ibang empleyado, subalit talagang labag sa mga alituntunin na i-bully ang isang batang babae na tulad ni Trixie. Naiinis man siya rito, pero hindi naman tama na i-bully ito ng mga katrabaho, isa pa natatakot din siyang makarating ito kay Andrei at baka ano pa ang sabihin ng lalaki. "Stop everyone!" putol niya sa daldalan sa paligid niya. "She's just a little girl. You guy's, please do your own thing and I'll treat you to a big dinner in two days." Noon lamang tumigil ang lahat nang marinig ang sinabi niya. Napasubo tuloy siya sa mga kasamahan niya. Nang matapos ay nagtungo siya sa opisina ni Andrei para ibigay ang follow-up na kontrata. Nakaawang ang pintuan kaya sinilip niya ang tao sa loob nang marinig niya ang pamilyar na boses. "Andrei, masyado ba akong inutil? Sabi kasi ng iba hindi ako kasing galing ni Ate Lyca," naiiyak na wika ng dalaga habang kagat ang pang-ibabang labi nito at namumula na ang mga mata. Kumunot ang noo ni Andrei at nakikita niya ang sama ng loob sa mga mata ng babae. Pinunasan niya ang luhang pumatak sa pisngi ng dalaga at mahinahong nagsalita. "Kung ikukumpara ka sa kanya, ikaw at siya ay magkaiba," wika ni Andrei.Lolo Andres had just landed the information to Lyca, but within an hour, bigla na lang naaksidente si Dean. Biglang naisip si Lyca kung sino ang may gawa nito kay Dean? Kung paano naman nila nalaman ang tungkol sa impormasyong ibinigay nya kay Dean kanina? Nakagat na lamang ni Lyca ang kanyang pang-ibabang labi. Lumitaw bigla sa balintataw niya ang imahe ng mukha ni Arthur na isang mapagbalat kayo. Arthur Sandoval! Magbabayad ka, dahil maniningil ako sa iyong hayop ka!” galit na sabi ni Lyca habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao niya. Nanlabo ang mga mata ni Lyca habang hawak ngayon ang malamig kamay ni Dean. Agad na dumiretso ang sasakyan na iyon sa Alcantara’s Hospital ni Dr. Paolo Alcantara. Habang nasa byahe sila kanina ay tinawagan na ni Lyca si Dr. Paolo, kaya naman pagkarating nila sa ospital ay may tao ng nakahanda para salubungin sila. Sumunod si Lyca kay Dean na nakahiga na sa stretcher at agad na dinala ito Emergency Room. Naiwan sa labas sa pasilyo ng eme
"Ano'ng nangyayari? Ano ang ibinigay ng matanda kay Lyca? May kinalaman ba ito sa holographic research ni Helen?" sunod-sunod na tanong ni Arthur sa kanyang tauhan. "Ang impormasyong ibinigay ng matanda ay ang mga lihim na dokumentong itinago noon ni Helen. Binanggit din ng matanda ang isang lalaking nagngangalang Manuel Ramos at siya umano ang tunay na pinuno ng pananaliksik ni Helen," sagot ng tauhan ni Arthur sa kanya. Bigla namang bumigat ang paghinga ni Arthur at hindi siya agad nakapagsalita. Matagal na kasi niyang hinahanap ang impormasyong iyon. Sa huli, ay nasa kamay lang pala ito ng matanda. Ito pa mismo ang nag-abot ng mga dokumentong iyon kay Lyca. Mga dokumentong matagal na niyang hinahanap at patuloy na hinahanap. May kinalaman iyon sa hologram! Kung nailabas lang sana ng matanda ang mga impormasyong iyon noon pa, matagal na sanang umunlad ang pananaliksik ng pamilya Sandoval sa holographic technology at nasa tuktok na sana ang kumpanya nila. "Kunin niyo ulit ang mg
Palagi na lang nakatitig si Lyca sa makapal na dokumentong hawak niya. Sa likod ng makapal na impormasyong iyon, ay para bang nakikinita niya ang maamong mukha ng kanyang ina na si Helen. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Lyca at medyo nalito siya sa mga pangyayari. Lahat ng landas niya ngayon ay inayos ng kanyang ina. Noong bata pa siya ay ipinagkatiwala na sa kanya ng kanyang ina si Max. At noong mga panahon na iyon ay nasa murang edad pa lamang siya. Kaya upang maprotektahan si Max ay isinuko niya ang kanyang dignidad at lumuhod sa harap ni Robert upang magmakaawa rito. Tanging sa paghingi ng tulong sa lalakinh matagal na niyang kinamumuhian, ay maaaring magkaroon ng isang tahimik at payapang buhay si Max. Masaya ngang lumaki si Max, pero siya? Namuhay siya sa anino. Walang nagmamalasakit sa kanya, at walang nagmamahal sa kanya. Kailangan niyang maghukay ng sariling landas gamit ang sariling diskarte at tapang. Mapait na ngumiti si Lyca. Napakahalaga para kay Lyca
"Ito ang holographic na impormasyon na iniwan ng iyong ina," sagot ni Lolo Andres kay Lyca. Humugot nanag malalim na buntong hininga si Lolo Andres bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Napakatalino at isang kahanga-hangang babae ng iyong ina Lyca. Noong siya ay nag-aaral pa lamang ay isinama siya ng iyong lolo na dumalo sa isang financial summit sa ibang bansa. Noong mga panahon na iyon ay pinag-uusapan na sa ibang bansa ang mga paksa na may kinalaman sa holographic networks. Nahulaan ng iyong ina na magkakaroon ng isang rebolusyon sa impormasyon sa hinaharap,” Napanganga si Lyca sa narinig niya mula sa matanda. "Pagbalik ng iyong ina sa bansa ay nagsimula siyang mag-organisa ng isang koponan upang magsagawa ng holographic research. Ngunit ang holographic research ay masyado nang advanced at tumatama sa maraming tradisyunal na industriya. Kapag lumitaw ang mga hologram na ito ay tuluya nang babagsak ang kasalukuyang network information. At ang lahat ng mga kumpanya na may kinalaman
Tila sinasadya naman ni Dean na bitawan ang mga salitang iyon kay Cristy. Gusto kasi niyang siguraduhin na hindi na nito muling babanggitin pa si Andrei kay Lyca. They both know na hindi madaling kausap ang pamilya Bautista, ngunit hindi rin biro banggain ang pamilya Sandoval. Hindi lamang para kay Cristy ang mga salitang iyon ni Dean, kundi para rin marinig ito nina lolo Andres at Andrei. Hindi hahayaan ni Dean na basta-basta na lamang lalapitan ng ibang myembro ng pamilya Bautista si Lyca. At syempre, kailangan din ng pamilya Sandoval na magkaroon ng kahit konting kamalayan. Si Cristy na dati ay palasagot at magaling magsalita, ay natahimik na lang ngayon. Lumabas naman na mula sa loob ng kotse si Arthur at tumabi ito sa kanyang anak na si Cristy habang may ngiti sa labi, saka nagpaliwanag. "Pasensya na Mr. Dean. Si Cristy ay medyo bata pa at minsan ay padalos-dalos pa sa kanyang mga sinasabi. Wala siyang masamang intensyon kaya sana ay huwag niyo na lang syang pansinin pa,"
“Napakaganda naman ng kwintas na iyan at bagay na bagay talaga iyan sa’yo,” nakangiti naman na sagot ni Lyca sa dalaga. Pagkasabi naman noon ni Lyca ay masaya naman na bumalik si Cristy sa kanyang sports car. Iniabot naman ng kanyang ama na si Arthur ang kanyang high heels na sandals. Isinuot nya kaagad itohabang may ngiti sa labi. Pinagmamasdan naman ni Arthur ang kanyang anak na si Cristy dahil mukhang masayang-masaya nga ito. “Cristy, malapit ka ba kay Lyca?” kaswal na tanong ni Arthur sa kanyang anak. “Syempre naman po. Si ate Lyca po ang tumulong sa akin noon sa graduation project at sa mga thesis ko, siya ang nag-guide. Para na rin siyang mentor ko,” nakangiti pa na sagot ni Cristy a kanyang ama na puno pagmamalaki. Muling napatingin si Cristy sa ate Lyca nya at saka sya kumaway rito. “Sister-in-law halika rito, dali!” sigaw ni Cristy. Paulit-ulit na tinatawag ni Cristy si Lyca ng sister-in-law na para bang wala siyang pakialam sa presensya ni Dean na nasa tabi lamang ni