Share

CHAPTER 96.1

Penulis: Casseyyy
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-22 20:18:38

Ang tubig na nasa timbang iyon ay nilagyan pa ni Lyca ng yelo bago nya tuluyang ibinuhos sa dalawang lalaki na nag-aaway. Kaya naman kapwa natigilan na sina Dean at Andrei sa kanilang pag-aaway.

“Yca, gusto ko lang naman na ilabas ang galit ko,” sabi ni Dean at halata mo na sa boses nito ang galit.

Nang marinig kasi ni Dean ang mga sinabing pang-iinsulto na iyon ni Andrei kay Lyca ay hindi na nya napigilan pa ang kanyang sarili. Kaya naman agad nyang sinugod si Andrei at bigla nya itong sinuntok. Hindi rin naman nagpatalo si Andrei dito kaya naman kahit halos nagpagulong-gulong na silang dalawa roon ay walang gustong sumuko.

Mahalaga kay Dean si Lyca kaya hinding-hindi nya hahayaan na bastusin ito ng kahit na sino. Ang mas lalong kinainis pa ni Dean ay ang pagiging walang pakialam ni Andrei kay Lyca matapos ang tatlong taon na pagsasama ng mga ito bilang mag-asawa. Dahil talagang minahal ni Lyca ang lalaki ng mga panahon na iyon.

Kaya mas lalong nainis si Dean sa mga pang-iinsulto
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 98.2

    Subalit mas binigyang pansin naman ni Lyca si Arthur, ang pangalang nabanggit ni Andrei. Si Arthur, na matapos ang aksidente ng kanyang ina, ay binili ni Arthur ang lahat ng resulta ng pananaliksik sa mababang halaga. Bukod pa rito ay noong araw na nagpakamatay ang kanyang ina ay naroon din si Arthur sa bahay ng mga Lopez. Noong panahon ding iyon ay magkaibigan pa sina Arthur at Robert, ang kanyang ama. Malakas ang hinala ni Lyca na hindi nagpakamatay ang kanyang ina. Imposibleng ang isang taong kasing lakas nito ay basta na lamang wawakasan ang sariling buhay dahil sa isang maliit na bagay? Para kay Lyca ay hindi iyon pagpapakamatay kundi sinadya ng isang taong handang sirain ang buhay ng kanyang ina para sa sariling kapakinabangan. At si Arthur Sandoval ang pangunahing pinaghihinalaan niya. Hindi naiwasan ni Lyca ang pag ningning ng kanyang mga mata ng dahil sa galit. “Sige. Babalik ako,” sagot ni Lyca. Matalos ang ilang saglit, tumingin si Lyca kay Andrei. “Isasama ko si

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 98.1

    Suot ang black robe ay makikita rito ang pagiging mahinahon kumapara sa kay Andrei. Bahagya naman na itinaas ni Dean ang kanyang tingin at hinaplos niya ang kanyang manipis na labi na para bang nagpapahiwatig o nagpapakita ng pag-angkin nya sa kanyang karapatan. Habang nanatili lang naman sa kinatatayuan nya si Andrei at pinagmamasdan ang kanilang mga likuran. Sa di kalayuan naman ay kanina pa na naghihintay si Joshua. Iniabot niya kay Andrei ang mga impormasyong nakalap niya. Habang pinapanood naman ni Andrei ang surveillance video kung saan makikita ang mayabang na ngiti ni Trixie ay unti-unting kumunot ang kanyang noo. “Sir Andrei, may gusto pa po ba kayong ipagawa?” tanong ni Joshua sa kanyang amo. Alam na rin naman kasi niya ang nangyari noong nakaraang gabi. Hindi na rin naman nagulat pa roon si Josh, dahil sa may maruming intensyon na talaga si Trixie. Layunin ng plano ni Trixie na sarain si Lyca at ipakita kay Dean na may relasyon ang dalawa ng sa ganun ay tuluyang maw

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 97.2

    Ang cake na iyon ay maliit lamang at apat na pulgada lamang ang laki. Siguro ay naisip ni Lyca na hindi dapat kumain ng maraming matatamis sa gabi kaya pinili niya ang isang maliit na cake. Sinindihan naman ni Dean ang mga kandila sa cake at saka nya pinatay ang ilaw sa silid na iyon. Ang apoy ng kandila ay bahagyang gumalaw dahil sa hangin at ang malambot na anyo ni Lyca ay naging mas maganda sa ilalim ng liwanag nito. Pinanood naman ni Dean si Lyca habang nakapikit nga ang mga mata nito at seryosong nagwi-wish. Bahagya siyang napapangiti dahil kay Lyca. Tiningnan ni Dean ang kandila na nasa maliit na cake, saka sya napabuntong hininga. Nakuha na niya ang Bautista family at tiyak na marami pa siyang makakamtan sa hinaharap gamit ang sarili nyang kakayahan. Kaya naman ang hiniling na lamang niya na sana ay may kasama siyang magdiwang ng kanyang kaarawan sa susunod na taon. Nang idilat ni Lyca ang kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang mga nakangiting mata ng lalaki. May kakai

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 97.1

    Hinawakan ni Dean ang mukha ni Lyca gamit ang dalawa niyang kamay at nang ibaba niya ang kanyang tingin ay may bahagyang bakas ng kawalang magawa sa kanyang mga mata. Ang kanyang mga matang may ngiti ay puno ng lambing habang nakatingin sa kanya. Ang lambing na iyon ay maaaring hindi nagpapakita ng matinding pagmamahal, kundi parang isang proteksyon lamang mula sa isang lalaking tulad ng isang mabangis na hayop na malapit sa kanya. Kaya’t siya ay inaalagaan at binibigyan talaga ng atensyon. Gamit ang mahahabang daliri ni Dean ay pinunasan niya ang mga luhang tuluy-tuloy na dumadaloy sa pisngi ni Lyca. Pero kahit na umiiyak pa ito ay napakaganda pa rin talaga nito. Sa mga sandaling ito ay namumula na ang pisngi at mata ni Lyca. Ang mga mata niya na dati ay punong-puno ng kinang na parang mga bituin ngayon ay parang nawalan na ito ng kinang at liwanag. Pati ang tungki ng kanyang ilong ay namumula na rin at patuloy na bumabagsak ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Walang pasabi na

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 96.2

    "Hindi ako ang naglagay ng gamot sa inumin mo noong gabing iyon. Oo, inisip kong magpakasal sa 'yo pero gusto kong pag-usapan ito nang maayos—gamit ang kasal bilang paraan para ayusin ang kasunduan, hindi para gumamit ng ganung kasuklam-suklam na paraan para mapasakin ka nang wala kang alam. Kung tutuusin ay pwede ka naman sanang magpadala ng tao para alamin ang mga nangyari noon. Pero hindi mo kailanman pinaniwalaan ang paliwanag ko. Gusto mo lang isipin na napakababa ko, isang hamak na babae sa paningin mo,” sabi pa ni Lyca kay Andrei. Tatlong taon na ang nakalipas at masyadong magulo noong gabi na iyon. Si Andrei ang pumasok sa kanyang silid at inangkin ang katawan niya, hindi dahil sa tinukso niya ang lalaki kaya nauwe sila sa kasal. Mula pa man noon ay manilis ang konsensya niya. "Andrei, hindi kita kailanman sinaktan,” sabi pa ni Lyca at habang seryoso niyang tinitigan si Andrei, pero may naaaninag siyang kakaibang lungkot sa mga mata nito. "Pero bakit paulit-ulit mo na lang a

  • AFTER THE DIVORCE: MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND WANTS ME BACK   CHAPTER 96.1

    Ang tubig na nasa timbang iyon ay nilagyan pa ni Lyca ng yelo bago nya tuluyang ibinuhos sa dalawang lalaki na nag-aaway. Kaya naman kapwa natigilan na sina Dean at Andrei sa kanilang pag-aaway. “Yca, gusto ko lang naman na ilabas ang galit ko,” sabi ni Dean at halata mo na sa boses nito ang galit. Nang marinig kasi ni Dean ang mga sinabing pang-iinsulto na iyon ni Andrei kay Lyca ay hindi na nya napigilan pa ang kanyang sarili. Kaya naman agad nyang sinugod si Andrei at bigla nya itong sinuntok. Hindi rin naman nagpatalo si Andrei dito kaya naman kahit halos nagpagulong-gulong na silang dalawa roon ay walang gustong sumuko. Mahalaga kay Dean si Lyca kaya hinding-hindi nya hahayaan na bastusin ito ng kahit na sino. Ang mas lalong kinainis pa ni Dean ay ang pagiging walang pakialam ni Andrei kay Lyca matapos ang tatlong taon na pagsasama ng mga ito bilang mag-asawa. Dahil talagang minahal ni Lyca ang lalaki ng mga panahon na iyon. Kaya mas lalong nainis si Dean sa mga pang-iinsulto

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status