“C’mon Dean…” nakangising sambit ni Andrei sa pangalan ng lalaki, bago nagsalita. “Ano sa tingin mo ang halaga sa akin ni Lyca?” tanong pa ni Andrei. Sakto naman na tapos ng makapagpalit ng damit nya si Lyca at naka coat na rin sya. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng lounge nang marinig niya ang mga salitang iyon ni Andrei. Sandali siyang natigilan at nanatiling nakatayo sa pwesto niya. Gusto rin niyang marinig at malaman kung ano nga ba talaga ang iniisip ni Andrei tungkol sa kanya. “Ang simula naming dalawa ay nagsimula sa isang mali,” malamig na sabi ni Andrei. “Siya ang nag-umpisa ng drama na ito. Siya rin ang nagdisenyo ng aming kasal. Sa tingin mo ba ay may pakialam ako sa kanya? Syempre wala! Sinabi ko sa kanya noong araw ng kasal namin na hinding-hindi ko siya mamahalin kailanman,” may diing sabi ni Andrei. Rinig na rinig ni Lyca ang lahat ng sinabi na iyon ni Andrei na tila ba isang matalim na punyal ang bawat salitang binitawan nito na tumama sa kanyang puso. "Para
Ang mga titig niya kay Lyca noong nasa tabi niya ito ay biglang bumalik sa isipan ni Andrei. Napaka seryoso, ngunit malinaw na may nakatagong lambing at pagmamahal doon. Ngunit sa isang iglap ay napunta si Lyca sa piling ng iba, na para bang isang pagtataksil. Tinitigan nang mabuti ni Andrei na magkayakap sina Dean at Lyca na para bang walang ibang tao sa kanilang paligid. Kaya naman ang mga mata ni Andrei ay nabalot ng lungkot habang nakatingin sa dalawang naghahalikan sa kanyang harapan. Ang dating mainit na tingin ni Andrei kay Lyca, ngayon ay nabalot na ng lamig. Hindi na namalayan pa ni Andrei kung gaano na ba nya katagal na pinapanuod ang dalawa na naghahalikan. Ni hindi man niya magawang ikurap ang mga mata niya. Kahit na alam nya sa sarili nya na parang dinudurog ang puso niya sa kanyang nasasaksihan ay pinilit pa rin niyang panoorin ang mga ito. Na para bang pinaparusahan ni Andrei mismo ang kanyang sarili dahil sa ginagawa nyang iyon. ******** NANG matapos na maghali
Hindi naging maganda ang reputasyon ni Dean sa labas. Many people say that althoughhe has always been hiding his abilities, ay isa pa rin siyang tunay na babaero. Na madalas makita sa iba’t ibang nightclub nitong mga nakaraang taon. Maraming babae ang nakapaligid sa kanya at hindi na mabilang kung ilang mga babae na ang nakasama nya sa kama. Pero talagang naging malinis si Dean nitong mga nakaraang taon. Hindi siya kailanman humalik sa mga babae, kahit pa yakap ay hindi niya ginagawa. Kahit magdala siya ng mga babae sa hotel ay madalas na nagbabasa lang siya ng mga dokumento sa loob ng ilang oras. At kapag dumating na ang oras ay bibigyan niya na lamang nang malaking halaga ang babae at pinapaalis na niya ito. Gustung-gusto rin naman ng mga babaeng iyon na samahan siya. Dahil makakakuha sila nqng malaking pera kahit ilang oras lang sa hotel room at wala man lang ginagawa kundi ang tumunganga. Kaya sino ba naman ang tatanggi sa ganung oportunidad di ba? Pero hindi talaga hinawakan
“We were kissing, didn’t you see it?” Andrei’s hoarse voice carried a hint of satisfaction after desire had been tasted. Mahigpit pa rin na yakap ni Andrei si Lyca at hindi nya ito pinayagang kumawala. “Andrei nababaliw ka na!” sigaw ni Lyca habang pilit nga niyang itinutulak si Andrei palayo sa katawan niya. Sa pagkakataon na ito ay hindi naman na sya pinigilan pa ni Andrei. Pero kahit na hinayaan na sya ni Andrei ay hindi naman nya kayang tumayo ng maayos kahit pa humawak sya sa pader at ang sampal na ibinigay niya sa lalaki ay parang wala namang epekto rito. “Andrei, you are committing a crime,” nanghihina na sabi ni Lyca. Akmang tatayo na sana siya nang muntikan na siyang matumba. Mabuti na lang at may sumalo sa katawan niya. Doon niya nakita na ang lalaking iyon ay si Dean. Agad siyang napasandal sa bisig ng binata at naramdaman niya ang mahigpit nitong yakap sa kanya. “Yca, sabihin mo sa akin sino ang gusto mong makasama? Siya ba o ako?” tanong ni Dean kay Lyca at ang kanya
Ang blossom hot spring na ito ay nasa isang maliit na attic. Sa loob noon ay may mababang mesa para pwedeng makapag tsaa o makapagmuni-muni. Amoy na amoy roon ang halimuyak ng sinaunang paligid. Ngunit wala ng pakialam si Andrei sa paligid na at tanging kay Lyca lamang nakatutok ang kanyang mga tingin. Nakasuot ng isang pure white silk nightgown si Lyca habang nakababad sa mainit na spring. Ang makinis at maputing balat ng kanyang likod ay bahagyang namumula na dahil sa init ng tubig. Ang singaw mula sa mainit na tubig ay may halong halimuyak ng mga bulaklak na bumabalot sa maliit na espasyo ng lugar. Tila walang pakialam si Andrei sa kanyang paligid, wala na siyang ibang naiisip kundi ang yakapin si Lyca nang mahigpit. Ang mga mata ni Andrei ay lalo pang dumilim at napuno ng pagnanasa. Tila siya nawawala sa wisyo dahil sa kakaibang damdamin na nararamdaman niya para sa dating asawa. Kaya naman bigla siyang lumapit dito at walang sabi-sabi na mariin itong nilakumos ng mapusok n
Pagkatapos sabihin iyon ay agad na rin na umalis si Lyca roon. Ang receptionist pala na kausap ni Lyca ay may nakalagay na bluetooth headset sa isang tenga at napagtanto lamang niya ito matapos umalis si Lyca sa kanyang harapan. “Kanino ko raw ibibigay ang sulat na ito?” tanong ng receptionist sa kanyang sarili habang nakatingin sa pinapabigay na sulat ni Lyca. Abala kasi sya kanina sa pakikinig ng kanta kaya hindi na nya napagtuunan ng pansin ang sinasabi ni Lyca kanina. “Para kaya ito kay Mr. Andrei? Malapit si Manager Lyca kay President Andrie, kaya siguradong ipapaliwanag nya ang tungkol sa kaso ng mga Ocampo. Siguro ang sulat na ito ay paliwanag nya tungkol doon,” sabi ng receptionist na iyon sa kanyang sarili. Pero nababahala pa rin ang waiter, dahil baka nga magkamali rin sya. Kaya naman agad na lamang nyang tinawagan si Joshua upang ireport dito ang nangyari. Nang matanggap naman ni Joshua ang tawag na iyon ng receptionist ay bahagya siyang nalito. Pero tulad ng receptio
KINAGABIHAN ay naisipan naman ni Lyca na pumunta sa isang bilihan ng mga mamahaling relo sa mall. Agad naman niyang nakita ang isang relo na babagay kay Dean. Isang relo na may red gems at may disenyong red fox na nakangiti at mukhang tuso. Nang makita niya ito ay agad nyang naalala si Dean sa unang tingin pa lamang niya sa relo na may ganung disenyo. Si Dean kasi, isang tuso at madulas na lalaki. Pagkatapos bumili ni Lyca ng regalo nya para kay Dean ay agad na rin siyang umuwi sa kanyang condo. Pagkarating nya roon ay agad naman nyang nakita ang matalik nyang kaibigan na si Althea na mukhang kanina pa naghihintay sa kanya. Nang mapansin naman ni Althea ang pagdating ni Lyca ay agad na ngasiyang lumapit sa kanyang kaibigan. “Yca, totoo ba na gusto mo talagang makasama si Dean? Kalat na kalat na ang balita na iyon. At ang lahat ay sinasabing may relasyon daw kayo,” agad na sabi ni Althea kay Lyca. Halata mo naman sa mukha ni Althea ang pag-aalala para sa kanya bilang kaibigan.
Tahimik na nag-angat ng kanyang tingin si Lyca at ang malamig niyang mga mata ay dumapo kay Dr. Paolo. "Kasal na ako at buntis ako sa anak namin ni Andrei. Kailangan kong ipanganak ang batang ito at palakihin siya," sabi ni Lyca kay Dr. Paolo at ang bawat salita niya ang galing sa kaibuturan ng kanyang puso. "Marami ang nanliligaw sa akin. Oo, gusto nila ako, pero sino ang nakakasigurado na hindi sila magbabago sa oras na malaman nila ang tungkol dito? At kung sakalin man na hindi sila magbago at tanggap nila, tiyak na ang mga pamilya naman nila ang tututol. Ang bata na nasa sinapupunan ko ay magiging tinik sa kanilang mga mata. Kahit ipanganak ko siya ay baka hindi siya mabubuhay nang matagal,” sabi pa ni Lyca at ang kanyang boses ay nanatiling malamig. Parang may kumurot sa puso niya sa huling salitang binitawan. Tahimik lang naman na nakikinig si Dr. Paolo sa mga sinasabi ni Lyca at ramdam nya na nangangamba rin ito para sa batang nasa sinapupunan nito. “Alam ko na mag-aala
Sa sandaling lumingon si Dean ay nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Ang kanyang malamig na mga mata ay tila naging mas matalim at puno ng iritasyon at hindi maipaliwanag na kalungkutan. Nakaramdam bigla ng inis si Dean. Kaya naman kinuha niya ang isang sigarilyo at inilagay sa pagitan ng kanyang mga daliri at sinubukang sindihan ito upang pakalmahin ang kanyang sarili. Pero ng makita na niya ang apoy mula roon ay agad na rin naman nya itong pinatay. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Dean. Bigla nyang naalala na hindi nga pala gusto ni Lyca ang amoy ng sigarilyo. “Tsk. Hindi na nga pala ako magsisigarilyo,” sabi ni Dean sa kanyang sarili at saka nya ibinalik sa kanyang bulsa ang lighter at ang kahon ng sigarilyo na iyon. Maya-maya naman ay may lumapit kay Dean na isang matipunong bodyguard na nakasuot ng kulay itim na damit. “Master gusto nyo po ba na sundan ko si Manager Lyca at Dr. Paolo?” magalang na tanong nito kay Dean. “Huwag na. Hindi naman na ka