Share

CHAPTER 12

Ginising ni Leia ang asawa. "Mahal, papasok na ako sa trabaho. Ikaw na ang bahala kay Lacey, ha? May sardinas sa kusina. Iyon na lang ang tipirin niyong ulamin.”

Pupungas-pungas si Bryle na tumingin kay Leia. Napakunot-noo ito dahil nakaligo na at bihis na ang kanyang misis. "Ano’ng oras na ba? Bakit parang ang aga mo?”

"Kailangan, Mahal, kasi maaga raw aalis si Sir Kenneth dahil ngayon daw nila uumpisahan ang ipapatayo nilang office ang shipping company ng kanyang bayaw dito sa Pilipinas. At alam mo na, kailangang ipagluto ko siya bago siya pumasok kasi kasama iyon sa trabaho ko.” Matapos magpaliwanag ay humalik na sa noo ni Bryle si Leia.

Nagsisinungaling siya. Ang totoo ay maaga lang talaga siyang gumising at papasok dahil balak niya ay maglalakad siya. Balak niya ay lalakarin niya mula bahay nila hangang bahay ng amo. Iyong natipid niya na pamasahe kagabi dahil inihatid siya ni Kenneth ay siyang ipinambili niya kasi ng sardinas kanina upang may makain ang mag-ama niyang iiwanan ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status