Share

CHAPTER 17

“Ano bang nangyari? Paanong nasusunog ang bahay namin?” hingal na tanong ni Bryle sa binatilyong nag-abot sa kanila ng napakasamang balita.

“Hindi ko alam, Kuya Bryle, pero ang narinig ko ay may napadaan doon at nakita na lang na umuusok sa bandang kusina niyo.”

Mas binilisan pa ni Bryle ang kanyang pagtakbo. May senaryo na siyang naisip na naging dahilan ng sunog.

Mali… mali talaga na iniwan niya si Lacey na mag-isa. Ang tanga niya!

"Bryle, ang anak natin! Iligtas mo ang anak natin!" panay naman ang sigaw ni Leia na umiiyak habang kumakaripas din ng takbo. Nahuhuli man ay nakakahabol pa rin.

Hindi mailarawan ang matindi nilang kaba na mag-asawa sa sandaling iyon para sa nag-iisa nilang anak. Sa isip-isip nila’y hindi nila mapapatawad ang kanilang mga sarili oras na may mangyaring hindi maganda kay Lacey.

Si Lacey, na tanging kayamanan nila sa mundo.

Si Lacey, na dahilan bakit nagpapakatatag sila.

Si Lacey, na tanging lakas nila sa araw-araw kahit ang hirap na hirap na ng sitwasyon ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status