Share

CHAPTER 16

Pinara ni Bryle ang padating na tricycle. Kahit ang paraan ng kanyang pagpara ay pagalit.

“Mahal, may pera ka bang pampamasahe? Wala akong pera dito,” subalit paalala sa kanya ng asawa.

“Buwisit!” Inis na inis niyang ibinaba ang kamay nang naisip niya na ni pisong duling ay wala nga pala siya. Gusto niyang sumigaw sa sobrang inis, inis na ngayon ay para rin sa kanyang sarili.

Mariin siyang pumikit kasabay nang pagsuklay ng mga daliri niya sa kanyang buhok. Wala talaga siyang kuwenta.

“Maglakad na lang tayo,” masuyong sabi sa kanya ng asawa na magaang humawak sa balikat niya.

“Huwag mo akong mahawak-hawakan!” piksi niya. Inilayo niya ang sarili at nagsimulang maglakad.

Ang ikinagulat niya ay nang yakapin siya ni Leia sa likod nang maabutan siya. “Sorry na, Mahal. Promise hindi na iyon mauulit.”

Nag-init ang kanyang mga mata. Gayunpaman, hindi naibsan ang galit, inis at selos niya. Itiningala niya sa langit ang mukha upang pigilan ang mga luha niya. Pagkuwan ay tiim-bagang na kinalas ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status