Share

KABANATA- 4 (LYNNE)

Sa totoo lang ng ipakilala saakin ng kapatid ko si Landro parang may kamukha siya hindi ko lang mapagtanto kung saan ko nga ba siya nakita, hay naisip ko nalang na baka magkamukha lang sila, madami naman talagang ganun magkamukha pero hindi naman magka anu ano. Nagulat pa ako nito ng hawakan ako na parang feeling nya sobrang close namin, pero hindi ko alam kung bakit sa isang bahagi ng isip ko sinasabing kilala ko siya at dapat ko siya kausapin at paki tunguhan ng maayos, pero andun ang takot na baka mahulog ang loob ko at lokohin ako, mabuti na ang sigurista.

Bat pala andito ka wala ka na bang tinda paano mauubos yan kung walang tao dun sa pwesto mo? tanong ko, "wag mo nang intindihin yon mahal ko, ako nang bahala dun" turan niya, napataas ang kilay ko nang marinig ko ang salitang mahal ko, humarap ako sakanya at pinandilatan ko siya, anong sabi mo mahal mo? may pangalan ako at yon ang itawag mo saakin pwede ba? pagtataray ko ng pabulong sakanya. Sinasabi ko lang ang nararamdaman ko mahal kita bulong niya saakin, imposible sagot ko, sa itsura mo na yan malabong wala ka pang karelasyon, uso kaya dito sa palengke ang doble doble asawa o karelasyon, magulat nalang ako sinusugod na ako dito ng asawa o nobya mo, humigpit ang pagkakahawak nito sa palad ko at pisil niya pa, malabo yang sinasabi mo, walang pupunta dito para angkinin ako dahil sayo lang ito itinapat niya ang palad ko sa dibdib niya.

Hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa mukha niya at hindi ko talaga maalala kung saan ko ba siya nakita, familiar talaga mukha niya saakin, dalawang buwan na itong madalas pumunta dito sa pwesto ko at nangungulit na kausapin ko. Nasa ganun kaming tagpo ng may magtanong kung magkano ang tumpok ng mangga, napabitaw ako bigla at lumapit sa nagtatanong, ay kuya 60 ang tumpok nyan, ilan kuya? yang dalawang tumpok turo nya, lumapit si Landro at tinulungan akong magbalot.

Nasa likod na pala namin si Brex nagulat ako ng magsalita ito, uy may bago na pala tayong tindero dito, ubos naba tinda mo Bro, tanong ng kapatid ko kay Landro, oo Bro kanina pa, nakita ko dito si Lynne walang kasama kaya dinaan ko muna, saan kaba galing? bat iniiwan mo kapatid mo dito mag-isa? Bro, wag mong iiwanan yan dito madami pa namang gustong umangkin sa kapatid mo sinasabing mahal siya at baka malaman ng asawa bigla nalang sugurin to dito, narinig ko yan kanina kaya di ko maiwan, habang nakatingin ito saakin ng may pakahulugan.

Napakunot noo naman ang kapatid ko, sabay tanong sino yon Bro ituro mo nga ng malagyan ko ng pasa sa mukha, tinitigan ko silang dalawa ng masama, manahimik kayo pag untugin ko ulo niyong dalawa, natatawang nakatingin sakin si Landro, at abay natatawa pa ito sa kalokohan niya.

Narinig ko pang plano ni Landro, "Bro minsan dalaw ako saiyo shot tayo, ikukuwento sayo lahat" sabay kindat dito. sige Bro ikaw bahala, sagot ng kapatid ko. Sige na Bro una na ako, wag mong iiwan sa paningin mo yan ha, turan ni Landro sa kapatid, sinisuguro nitong wala dapat lalapit sakin, nagtama ang paningin namin at inirapan ko ito, abala ang kapatid ko sa paglalagay ng isang kaing na mangga kaya di nito na pansin ng lumapit sakin si Landro at bumulong ng "alis na muna ako mahal ko" sabay pisil sa palad mo, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nalungkot ako bigla ng tumalikod na ito..

Naku! Lynne umayos ka hindi tama itong nararamdaman mo, pigilan mo ang sarili mo, kaya ka nandito sa palengke ngayon para magipon at makabalik ka sa pagaaral, yan talaga ang plano ko kaya ako nagloan ng malaki sa lending company, para magkaroon ng puhunan at mapalago ito para masuportahan ko ang pagaaral ko, tutal andito naman si Brex at Tan Joe handang umalalay sa pwesto namin, kailangan ko lang sila imonitor para maging maayos ang kita namin at mapunta ito sa tama..

-------------------------------------------------------

BREX

Habang papunta ako sa Mercury para sana silipin si Sarah, nakasalubong ko si Arman ang laging kasa kasama ni Landro, ito siguro ang nakuha niyang tindero sa isa niyang pwesto na una niyang inalok saakin. Binati ko ito, uy! Arman kumusta ang bintahan natin malakas ba? oo sagot nito lalo na pag si Sir Landro ang bantay, umaga pa lang ubos na, iba talaga kamandag nung boss ko, boss niya? kung sa bagay tindero nga pala siya nito kaya boss ang tawag niya, naisip ko. Saan ka tanong nito, dun sa mercury may bibilhin lang sagot ko sakanya, sige Arman dito na ako paalam ko sakanya, tumango naman ito sakin.

Habang naglalakad, naalala ko pa ng ipakilala sakin ni Landro si Arman na tindero nya, kaya pagnagkikita kami nito lagi kaming nagbabatian. Si Landro naman mabilis ko itong lapitan kasi kilala pala ito ni Sarah yong kinakaibigan ko dyan sa may mercury isa siyang cashier dun, unang kita ko palang kay Sarah ewan ko ba bat parang hinahanap hanap ko na ito, kaya tuwing andito ako sa pwesto hindi pwedeng hindi ko ito pupuntahan minsan dadalhan ko pa ito ng meryenda, kaya nalungkot ako nung walang dalang meryenda si ate, pero hindi bale na bibili nalang ako ng hopia dito kela aling Lusing, alam ko paborito ito ni Sarah,

nakarami din ako ng benta kanina hindi ko ito binigay kay Tan Joe kasi alam kong maglalaho na naman ito ng parang bula, kay ate ko ito inaabot, total siya naman ang nag provide ng puhunan namin, muntikan na kasing atakin si Tan Joe ng may makasagutan ito sa pwesto namin, at kinailangan namin siyang isugod sa hospital para matignan ang kalagayan nito, dahil sa costumer namin na sobrang yabang talaga, akala mo pag-aari niya ang mundo, kaya tuloy si ate nangangarap na makapagtapos at umangat kami sa buhay, galit na galit ito sa mga mayayamang lalaki, parepareho ang tingin nito sa mga mayayaman mga matatapobre ang lagi niyang bukang bibig pag galit na galit ito.

Nalaman namin ang mild na condition ni Tan Joe kailangan itong ibiopsy para makita ang bara nito sa puso, yan kasi ang unang findings ng doctor sakanya, kaya yong naipon at puhunan namin nagastos namin sa hospital, hindi ko alam kung saan nakuha ni ate ang puhunan namin ngayon, ang alam ko lang niloan niya daw ito at kailangan bayaran monthly sa banko, kaya kailangan kong tulungan si ate makapagbayad dito, ito lang naiisip kong paraan ang maglihim kay Tan Joe sa benta ko.

Nung makita ko si Sarah na nasa pwesto niya at sobrang haba ng pila napangiti ako, pumila na din ako para iabot sakanya tong hopia na binili ko, ako ang pinakahuli sa pila kaya sigurado naman akong hindi ako makakaabala sa trabaho niya, Hi bati ko sakanya nakangiti ito ng iabot ko ang hopia, para sayo meryendahin mo mamaya, napadaan lang ako dito, sabi ko pa, sige text mo nalang ako ha, salamat dito ha sagot nito, sobrang saya ko kasi hindi niya tinatanggihan ang mga binibigay ko sakanya, at isang senyales yon na may pagasa ako, pero wala pa kasi akong lakas ng loob sabihin ang nararamdaman ko sakanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status