Sino si Rey? nanliligaw ba ito sakanya? lintik kinakain ako ng selos, kailangan kong magpakita sakanya baka pumunta ito kay Rey. tumayo na siya para umalis na sa opisina, binilin niya na kay Bruno lahat lahat bago siya umalis.
PALENGKESobrang namiss niya si Lynne kaya dumiretso na siya sa pwesto nito, pero di niya ito nakita, shit! baka pumunta dun sa Rey na yon! ohh Bro anong nangyari sayo? wala nadaan lang ako dito, ate mo? tanong ko, sabi ko na nga ba may tama ka talaga kay ate noh? na may pang aasar, seryoso ko siyang tinignan at tinanong kung sakali Bro na umakyat ako ng ligaw kay Lynne hahadlangan mo ba ako, natigilan ito at tinitigan ako, alam mo Bro wala naman akong magagawa kung gusto ni ate ang isang lalaki, kahit ano pang hadlang ko siya parin ang masusunod, andito lang ako para kilatisin ang lalaking yon, tulad ngayon may itatanong ako sayo, nawala ka ba dahil may girlfriend ka? tumawa ako ng bahagya, at tinapik ko siya sa balikat nya, Bro malakas ang tama ko sa kapatid mo, kung pwede nga lang kami magpakasal na ngayon gagawin ko mapatunayan ko lang na siya lang at wala ng iba. bigla itong humalakhak sa sinabi ko, naku Bro, sabihin mo yan kay ate hahaha..Bro sino si Rey tanong ko, hindi ko na kinaya pa, talagang nagseselos ako dahil akala ko andun ito ngayon, hindi ko kasi siya naabutan. Nabigla ako ng sumagot sa likod ko si Lynne at bakit tinatanong mo? naniningkit ang mata nito, napangiti ako ng makita ko reaksyon niya, wala tinatanong ko kasi nagseselos ako, wala akong pagaalinlangan na nasabi ko yon, uy Bro nagpaalam ka nga na mangliligaw ka pero di pa ako pumapayag wika nito nang may pang aasar. nga pala Bro si Rey nandyan na yan hindi ka pa dumarating sa buhay namin, matalik na kaibigan ni ate yon pwede rin na karibal mo yon dugtong pa nito. tumingin ako kay Lynne na may pagtatanong, pero umiwas ito ng tingin, hindi pwede nagngangalit talaga ako sa selos ngayon, hindi ako papayag na may karibal ako.Teka Bro paano mo nalaman ang tungkol kay Rey? tanong ni Brex, kanina pa ako dito narinig ko usapan nyo ni Lynne tumingin ulit ako dito kay Lynne na may pagtatanong, wala akong asawa, pero nakita ko na yong babaeng gusto ko makasama habang buhay, hindi ko nga lang alam kong ako gusto niya din makasama, nagtitigan kaming dalawa, wala parin itong imik. Lintik Bro ano to nag pupropose ka na ba? napakabilis naman parang kidlat ka ahh, tawa nito. Aalis na nga muna ako! ako tong nahihiya sainyong dalawa, wika nito.Nagpasalamat naman ako dito kasi senyales yon na pinapayagan niya ako sa intensyon ko sa kapatid niya.tumayo ako at hinawakan ko kamay niya pinisil ko pa at hindi ko naramdaman na tumututol siya, kaya ginawa ko hinolding hands ko at hinawakan ng mahigpit, sabay halik. Ahhmm!! anong ginagawa mo? tanong ni Lynne. Wala! sagot ko baka may sasabihin ka sakin kung sino si Rey dyan sa puso mo, pahaging na tanong ko, napangiti lang ito at hinawi ang kamay niya bigla akong nalungkot ng mabitawan ko, ano to mas matimbang ba ang Rey na yon? tanong ko sa sarili ko.Mahal mo yon? tanong ko sakanya. Lynne anu ba gusto mo pa bang ipakita ko sayo ang cenomar ko para matunayan ko nawala akong asawa? hinawakan ko ang dalawang balikat at pinaharap ko sakin, please gusto ko ng sagot mo ngayon pakakasalan mo ba ako? Landro anu bang kasal ni hindi pa nga kita sinasagot? pwede ba ligawan mo muna ako! anas nito na may inis sa boses, alam ko naman yon, yon naman talaga ang gagawin ko kaya lang pagnaiisip ko na may karibal ako hindi ako mapakali. Mahal kita gusto kong ipadama sayo yan.Bat ganun nawala ka lang ng halos isang araw nagkakaganyan kana, ano bang nangyayari sayo, dahil dyan sa Rey na yan kaya nagseselos ako! dahil wala pa akong assurance sa nararamdaman mo sakin, e di mapanatag kana kasi mahal din kita! anas nito, na hindi ko alam kung nabigla lang ba o napilitan kaya gusto kong ipaulit sakanya. Mahal mo ako? please say it again sa malambing kong boses, tumango ito, say it please, oo Landro mahal din kita, hindi ko maintindihan sarili ko kung bat kanina pa kita hinahanap, hindi pa nga ako kumakain dahil sa sakit na mawawala lang pala tong nararamdaman ko. Shit! bulalas ko baka magkasakit ka niyan, sorry love kung pinagalala kita. hinalikan ko ito sa labi ng marahan, nang bumitaw na ako, tinapik nya ako at bumulong ng first kiss ko to.Naguumapaw ang saya sa puso ko nang malaman kong ako ang unang nakahalik sakanya at malamang na ako pa lang nakakahawak ng kamay niya, gustong gusto ko nang siilin ito ng halik, kaya lang hindi pwede kaya yayakapin ko lang muna, may tamang oras para dyan.Love, bulong ko dito, tara kain tayo! walang magbabantay dito antayin na muna natin si Brex, wika nya. Sige kaya lang baka mamaya pa yon dumating. Love bulong mo ulit dito, hmm sagot niya pwedeng maginom kami ni Brex sainyo, kaming dalawa lang gusto ko lang icelebrate to, na akin kana, at gusto ko rin makilala yong Rey na yon para mabalaan ko siya na akin kana. bigla nya akong kinurot ng pinu sa tagiliran ko dahila para mapayakap ako sakanya, love naman ang sakit, ay sorry nasaktan ka ba? hawak nito sa pinagkurutan nya, oo sobra d***g ko, humirit pa ako ng mawawala lang yan pagtinabihan mo ako mamaya matulog, ayoko na talagang pakawalan ka. Ngumiti ito sakin kasal muna bago yan, hahaha gusto ko yan love, tara na pakasal na tayo! anas ko, che! napaka baduy mo magpropose, irap nito sakin. at tinawanan ko naman ng malakas. Sobrang saya ko ngayon love himas ko sa maliit niyang mukha, dito talaga ako nainlove sa mukhang to, nasabi ko sa isip ko. Binalingan niya ako, subukan mo lang lokohin ako Mr., ano nga apelyedo mo? natanong nito haha natawa ako bigla, Alandro Mijares at your service Mrs. to be Mijares, sabay halik ko sa labi niya.Bat ganun parang familiar talaga sakin ang pangalan niya hindi ko lang talaga maalala kung saan ko to nabasa. Hindi ko na muna binigyan ng pansin yong nasa isip ko, kailangan ko magsaya dahil ito ang araw na opisyal ng kami, at first time kong magka boyfriend at boto pa ang kapatid ko sakanya kaya alam kong walang hahadlang saamin. Sobrang saya ko talaga, dahil ramdam ko naman na handang patunayan nito na ako lang, nagaalok na nga ito ng kasal.LANDRO POV Habang naglalakad papasok sa court room, napapailing na lang ako habang naalala ko ang mga kasalanan ng mag-amang ito sa pamilya ko, nalayo ako sa ama ko ng maaga dahil sa pagiging ganid ng ama nito, nagtago ang ama ko para hindi kami madamay sa laban ng ama ko sa pamilya nila, tapos ngayon lalapit ito sa akin at hihingiin ang concern ko!. Pagkatapos ng mga ginawa nito saamin, yong mga taong nadamay dahil sa madilim na plano ng mag-amang ito, hindi ko mapapalampas, sisingilin ko sila sa tamang paraan. Dumating ako sa silid kung saan gaganapin ang paglilitiis halos nag uumpisa na ng umupo ako sa likod lamang ng Ama ko, lahat ng partisipante ay nandito na, kasunod ko din si Brenda na umupo sa kabilang side bilang suporta sa ama niya na siyang akusado. Nakita ko si Mayor Victor sa hilira ng upuan ni Papa, na nasa unahan ko lang. Tahimik ito at seryoso ang mukha. Ilang saglit lang ay Ipinakita na ng abogado namin ang lahat ng ebidensyang nagpapatunay sa mga krimen ni Nican
BREX POV Pagkatapos ng kasal walang mapagsidlan ng tuwa ang mag-iina, si Mama Alice, Maureen at Sally kitang kita ang saya sa mga mukha nila. "Naku ate ang saya ko kala ko talaga anak lang habol sayo ni kuya Brex hahaha, joke lang kuya haha" sabay peace sign nito na nang aasar parin ito sa kapatid, at ugali na talaga ito ni Maureen, halos nasasanay na ako dito. "ikaw talaga Maureen kahit kelan nakakapikon ang mga tirada mo sa kapatid mo, tama na nga yan ha, tigilan mo na yang pang-aasar sa ate mo." seryosong sabi ng ina. "congrats sainyong dalawa Brex sana wag mong pababayaan ang mag-ina mo, salamat sa pagmamahal sa anak ko." turan nito nang bumaling sa amin ng asawa ko. "Ma salamat din, ipagpapaalam ko si Sally sainyo na isasama ko na siya sa manila sa condo ko, pansamantala lang naman, inaayos ko pa ang lahat hanggang maassign ako dito sa Baguio sa bagong project namin dito at yan ang napagkasunduan na namin ni Mayor." paalam ko sa mama ni sally.. "Hala sige kung yan ang pasya
Pagkatapos naming maligo tinulungan ako ni Brex patuyuin ang buhok ko, nagtataka ako kung bakit pinagbistida niya ako at flat na sandalyas para daw hindi ako mahirapan maglakad, mahilig naman talaga ako magsuot ng bistida, halos lahat nga ng mga bistida ko bagay sa balingkinitang katawan ko, sa totoo lang ang dami kayang nahuhumaling pag ganto ang mga suot ko. Sakto namang may puti akong bistida sa damitan ko at isang beses ko pa lang ito nasusuot, ito ang napili ni Brex na suotin ko, ang ganda ko daw dito, medyo kita ang clevage ko sa dress na ito at pinalulugay pa niya ang mahaba at maalon kong buhok, Infairness maganda din ang pansala ni Brex sa mga damit marunong ito pumili. Siya naman ay nakapolo na kulay puti din tinupi niya ang magkabilaang dulo ng manggas nito at slacks na black ang terno nito, bagay sakanya ito na animoy big boss ng kompanya ang porma niya na pinarisan niya ng black leather shoes. Kung sabagay makikipagmeeting nga pala ito kaya dapat talaga bihis na bihis
Nakaakbay ako kay Sally nang dumating kami sa kusina nakahain na ang pagkain pero dalawang plato lang ang nakalagay sa mesa. "kumain na kami lahat kayong dalawa nalang ang hindi pa kaya umupo na kayo diyan at mag-almusal na, ikaw Sally nalipasan kana ng almusal bawal yan sa buntis dapat nasa tamang oras ang pagkain" sabi ng ina nito habang nakatingin sa aming dalawa. "ohh tapos na pala kayong kumain e bakit nangungunang umupo diyan sa mesa si Maureen" wika ni Sally na nakataas na ang kilay. "mang-aasar lang ako sayo ate hahahaha, hanggat pikon ka aasarin kita ng aasarin" wika ng kapatid na tawang tawa. "ito namang si ate hindi na mabiro, natutuwa lang ako kasi kita naman sa hitsura ni kuya Brex na mahal na mahal ka niya, tignan mo nga yang hitsura niyong dalawa parehong kayong hindi nakatulog ang lalake ng eye bag niyo, pinagtyagaan ka ni kuya pakinggan sa mga emote mo hahahaha" Nang makita ni Maureen na napahawak sa noo ang nakatatandang kapatid dahil sa sobrang asar tumayo na it
"Sigurado ka hindi ka nakakain, ang layo kaya nang biniyahe mo" pamimilit nito. Tara na akyat na tayo, lumabas muna ako para kunin ang bag ko at inakbayan ko na ito paakyat sa kwarto niya. Wala akong balak na humiwalay sa kwarto ni Sally kahit pa malaki itong bahay ni Landro, madaming kwarto na bakante pwede nga dito magparenta kung gugustuhin ni Landro pero bahay bakasyunan lang daw talaga niya ito. Pagpasok namin sa kwarto naghubad na ako at dumiretso ng banyo para magshower muna, pero nakalimutan kong magdala ng towel, binuksan ko ito at tinawag siya "babe may extra towel kaba diyan? wala pala akong dala" wika ko dito. "wait lang" tugon nito at tumayo na para kunin ang towel. Nagaalangan pa itong lumapit sa pinto ng banyo, nakita kong inaabot niya ito na iniiwas ang tingin sa akin, napangiti ako sa kilos nito na naiilang parin, kung tutuusin nakakailang beses ko na itong nakuha at nakita ang kabuuan ng katawan nito, pero parang hiyang hiya pa rin saakin. May pumasok na kapilyuha
Nakita ko pang tumayo ito habang tawang tawa, lumipat ito sa tabi ng upuan ko at kinabig ang bewang ko, hindi na naman nito mapigilan ang sarili na lambingin ako sa harapan ng madaming tao. "Love inom lang kami ni Brex ha una ka nang matulog susunod nalang ako paginantok kana.."Landro pinapatulog mo na ako? mag-uusap pa kaya kami ni Sarah." inis na sabi ko dito."Sabi ko pag-inantok kana." sabay hilig sa balikat ko ganto ito maglambing saakin."Ahamm! baka naman! umpisahan na kaya natin ang pag-inom baka hindi na to matuloy pa at gustuhin niyo nang umakyat sa kwarto niyo." pang-asar ulit ni Brex."Saan ba tayo Brex sa private bar o dito nalang" tanong ni Landro.Bago pa man makasagot si Brex inunahan ko na."Tara Sarah sa garden nalang tayo mas masarap lumanghap ng hangin dun." pag-aaya ko dito.Tatayo na sana ako para umalis na nang kabigin ako ni Landro sa bewang at dinampian ng halik sa labi. Hinampas ko naman ito dahil sa sobrang pamumula ko. " Landro!" inis na sabi ko. "Mainggit
Isang oras din kaming nagbiyahe pauwi ng mansion, pagdating namin sa mansion nagpahanda ako ng hapunan kay Tan Joe para sabay sabay na kaming kakain. Nakita ko sa mga mata ni Tan Joe ang pagtataka ng makita nito si Sarah, marahil alam nito ang ginawa ni Sarah, pero tumingin ito saakin na para kaming nagkakaintindihan kaya nahalata nito ang makahulugang tingin ko sakanya, wala nang lumabas pa sa bibig niya, knowing na si Tan Joe ay sobrang pranka.Nakilala na ni Tan Joe ito dahil nakasama namin si Sarah sa kasal namin ni Landro. Magaan din ang loob ni Tan Joe kay Sarah kaya alam kong nag-iingat ito sa mga sasabihin niya sa dalaga.Maya maya pa dumating na si Brex, blanko ang mata nito at kita mo ang sobrang seryoso ng awra niya. Umupo ito sa mahabang sofa ng sala, si Sarah ay naka upo naman sa sofa na single seater lang, walang imikan ang dalawa, nakita namin ang sitwasyon nila, pero ganun pa man nag paalam muna kami sa mga ito na aakyat muna para makapagbihis.Pag-akyat namin tulad ng
Tinitigan ko si Landro at ang labi nito, hinawakan ko ito naalala kong tinangka ni Sarah na halikan ang asawa ko, kung iba akong asawa sasaktan ko ang babaeng ito, pero dahil nakita ko ang reaksyon ng asawa ko ng tangkain niyang halikan ito medyo naawa ako sa babae."Love kanina pa kayo dito?" bulong ulit nito. "hmm.. Oo nakita namin lahat" tinignan ko ito, titig na titig ito saakin na parang nagmamakaawa ang mukha at mata niya, na parang sinasabi wag ako magseselos."pag-aawayan ba natin to Love?" mahinang bulong nito saakin na halos dumikit na ang labi nito sa tenga ko.Tinitigan ko ito sa mata at blanko ang mukha ko nang sabihin kong "hindi ako galit" pagkasabi ko nun hinarap ko si Sarah ang dating inupuan ni Landro ako na ang umupo.Bago pa man ako makipag-usap kay Sarah tinignan ko ang dalawang lalaki "umalis na muna kayong dalawa mag-uusap lang kami.Para akong isang makapangyarihang tigre na sinunod ng dalawa kusa silang umalis at nang sundan ko ng tingin sumakay silang dalawa
LANDRO POVPagkatapos niyang mapirmahan lahat ng mga documento at funds sa Lending Company nito dumaan lang siya dito para sa mga urgent na pirma, nang matapos pumunta na ito sa Insurance Company para sa meeting ng mga investor. Mga 3:45 natapos ang meeting, tinignan nito ang orasan.Saktong 4pm umalis na si Landro para sunduin si Sarah pumasok na ito sa sasakyan niya binigyan niya ng instruction ni Roldan kung saan ang tungo nila."Roldan sa Mercury tayo sunduin natin si Sarah" utos ni Landro."Sige boss. Ano pong meron kay Sarah boss? naku boss baka malaman ni Ma'am Lynne ito, mag-away kayo ibang klase ka pa naman mamuroblema pagnagagalit si Ma'am Lynne.""Hahaha bakit natatakot ka ba na mamuroblema ako, dadamayan mo naman ako." biro nito."walang problema sir kahit hanggang umaga pa tayo magkasama di kita iiwan kaya lang pagdating kay Ma'am Lynne di kita madamayan sir, alam mo naman yon parang tigre yon pagnagalit, ikaw nga sir di mo kaya ako pa kaya." seryoso nitong sabi."wag kan