Share

KABANATA-5 (LANDRO)

Alimpungatan ako ng marinig ang tawag sa aking phone kaagad ko itong kinuha at sinagot, si Bruno pala ang nasa kabilang linya, ito ang kanang kamay ko sa negosyo ko, oo ang Alandro Mijares Lending and Banking Finance ay sarili kong business ako mismo ang nagtayo nito nung makuha ko pagka graduate ko ang perang inilaan para saakin ng aking ina, "ohh Bruno ano balita?" tanong ko, "Boss kailangan mong sumaglit muna ngayon dito sa opisina inaantay ka ni Mr. Lee, galit na galit na dumating dito, matagal mo na daw siyang pinagtataguan, anas nito na may pagaalala sa tono, sige papunta ako dyan antayin nya kamu ako..

Si Mr. Lee ay ama ni Brenda, si Brenda ay ang babaeng halos ibigay na sakin ang lahat, katawan nito, pero talagang wala akong makapa na magmamahal dito, ayoko kasi sa babaeng nagpapakita ng motibo magustuhan ko lang, kababata ko ito, at matalik na magkaibigan ang aking Ama at si Mr. Lee, ng mamatay ang aking ina, hindi ko na tinuring na pamilya ang aking ama, may mga anak na ito sa ibang babae, pero kami ng aking ina ang ligal nyang pamilya, nung maluge ang negosyo ng aking ama nagpakalayo layo ito at iniwan kami ng aking ina, nagsikap ang aking ina na itaguyod ang pamumuhay namin. naalala ko pa na nagtitinda ito ng kung ano anu habang pumapasok sa opisina at naging ahente sa isang insurance company, nagtagumpay ang aking ina sa larangan ng insurance company hanggang nakapagpatayo ng branch at kanyang pinamunuan habang ako naman nakapagaral sa sikat na koleheyo dahil sa taglay kong talino naging scholar ako dito at humakot pa ako ng mga awards at suma com laude pa ako sa natapos kong Business Management Mayor of Marketing and Finance, ito yong nairegalo ko sa aking Ina sa kanyang pagsasakripisyo, kasosyo si Mr. Lee ng Confinement & Medical Insurance Corporation, na itinayo ng aking ina. Nung mamatay ang aking ina sa sakit na brain tumor ipinasa niya saakin ang pamamahala nito, kaya bukod sa tinayo kong kompanya, ako din ang Presidente nito, hindi madali ang nangyari dahil sa madaming tumutol actually lahat nga ng shareholder halos kinalaban ako dahil masyado pa daw akong bata, pero dahil sa 65% share ng aking ina at napalago ko naman ang aking sariling kompanya natakot ko silang bibilhin ko nalang ang mga share nila pagnagpumilit silang tumutol o kung sino man ang humarang nito.

Ngayon alam ko na ang pinaplano ni Mr. Lee alam kong gusto nila akong maikasal kay Brenda para mailigtas ang paluge na nilang kompanya bukod din kasi sa shareholder sila sa insurance company meron din itong sariling negosyo, hindi nila ako maloloko.

Nang dumating ako sa AMIABF building tinungo ko agad ang aking opisina, nadatnan ko si Mr. Lee dun at halata ang inip nito nang makita ako bigla itong tumayo, at halos pasigaw na dinuro ako, " what the hell are you doing Alandro? tinataguan mo ba si Brenda?" anas nito. umupo muna ako at may utoridad kong sinabi "set down Mr. Lee and be careful to your move alalahanin mo nasa opisina kita, sagot ko, " bakit ko tataguan si Brenda wala akong natatandaan na may atraso ako sakanya, we are only friends at hanggang dun lang yon, malinaw yon saamin from the start." Kita ko ang galit nito sa mukha, Alandro! bakit sinasaktan mo ng ganyan ang anak ko? maganda naman si Brenda anu bang mali sakanya at hindi mo siya kayang mahalin?" anas nito. Mr. Lee ang pagmamahal hindi dinidikta sa kahit na sino, tandaan nyo yan, wika ko.

Bakit Alandro dahil ba sa hampas lupang babaeng yon kaya hindi mo magawang mahalin si Brenda? yong pulubing yon ipagpapalit mo kay Brenda? napakunot ang noo ko ng marinig ko ang sinabi nito, hampas lupa, pulubi? nag-init ang aking mukha sa narinig ko, "anong pinagsasabi mo Mr. Lee?

Baka hindi mo alam Alandro na alam ko na ang isang palengkerang babae ang pinag aaksayahan mo ng panahon ngayon kaya di ka mahagilap ng kahit sinong tao na gusto ka makaharap! anas nito,

sa galit ko nahampas ko ang sarili kong mesa sabay tayo at mataman ko siyang tinignan" wag na wag mong pakikialaman ang personal kong buhay Mr. Lee baka makita mo ang sungay ko at limasin ko lahat ng meron ka, banta ko sakanya, nakita ko kung paano nagbago ang expression niya mataman itong tumingin saakin na biglang nawala ang galit sa mukha, pasensya kana Alandro nadala lang ako sa galit ko, wika nito,

pero ako nagpupuyos parin sa galit dahil alam kong pinapasunda niya ako, paano niya malalaman ang tungkol kay Lynne siya ang tinutukoy nito na pulubi at hampaslupa, hindi ko mapapalampas ang kahit na sinong makialam sa babaeng mahal ko.

Kung wala ka nang sasabihin Mr. Lee pwede kana umalis, bumuntong hininga ito at akmang aalis na, pero nag-iwan muna ako dito ng babala bago pa ito makaalis, "bago ka umalis Mr. Lee gusto ko ilagay mo to sa kokote mo, wag na wag mo akong kakalabanin, hindi ako katulad ng tatay ko na iiwan nalang basta basta ang laban nya, iba ako hindi ko tinitigilan ang laban ko hanggat di bumabagsak ang kumakalaban saakin, sana malinaw yan saating dalawa, makakaalis kana!

Nagpupuyos ang butse ni Mr. Lee pagkalabas ng opisina ni Alandro, dinig ang boses nito na pasigaw sa driver nito na umalis na sila sa lugar na yon.

Tinawag ko agad si Bruno at inutos dito na tawagin si Sander ngayon na, yes boss masusunod po wika niya, ramdam nito ang galit ko. Si Sander ang inaasahan ko sa security ko sa lahat, opisina at personal hindi man alam ng lahat, may patago akong body guard na 24 hours sumusunod sakin ng nakahiwalay, maya maya pa kumatok na ito at kasama niya si Sander, iwan mo kami Bruno yes boss, sagot nito.

Sander maglagay ka ng security sa lugar kung saan ako naglalagi at sa lugar kung saan pumupunta si Lynne, wag niyo siya aalisan ng tingin, lahat ng tungkol sakanya ipapaalam nyo sakin at ikabit nyo sa phone ko ang mga cctv. Sige boss, sagot nito. tiwala ako sa mga tauhan ko dahil hindi pa ako binigo nito sa lahat ng inutos ko.

Nagvibrate ang aking celfon, nakita ko ang link ng cctv na pinasa sakin ni Sander, nawala ang galit ko nang makita ko ang magandang mukha ni Lynne naroon ito sa pwesto niya sa palengke, napaka inosente ng mukha nito, natatakot ako na baka madamay ito sa banggaan namin ni Mr. Lee, wag na wag niya lang susubukan galawin ang mahal ko, babalatan ko siya ng buhay. May audio ang nainstall na cctv kaya naririnig ko ang usapan ng magkapatid.

Ate hindi ko nakita maghapon si Landro ahh si Arman lang ang nandun sa pwesto wika ni Brex, e ano! kung ikaw wala kang alam e mas lalo naman ako, sabi ko na nga ba baka andun yan sa asawa niya, kunwaring wala! pagalit na turan ni Lynne, ha? sagot ni Brex asawa? walang asawa yon sabi sakin ni Sarah, nakatapik niyo ang noo nya kita sa mukha ang pagkabigla, opps sinong Sarah yan? tanong ni Lynne, naku patay ka ngayon gigisahin ka ng ate mo natatawa ako habang pinapanood sila. Wala te sagot nito, teka si Landro ang pinaguusapan natin diba? uy ate baka di mo alam na napapansin ko kayong dalawa parang may something sainyo. tumahimik ka dyan pag puputol nito sa usapan nila. nga pala te hinahanap ka kanina ni Rey, sabi ko andito ka buong hapon haha, akala mo ba ate di ko napansin na kaya di ka umuwi kanina dahil hindi mo nakita si Landro, pang aasar nito, che!! singhal ni Lynne.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status