Share

Chapter 5

The woman is going to be the death of him. How hard is it to say his fly was open and not say anything else? Napaka-pilya talaga at bagay na bagay ang pangalan nito sa ugali. Tawagin ba namang baby 'yong kaniya?! The woman clearly needed prescription eyeglasses if she think he's small!

Ale managed to finish his soup at ganoon din ang babae. The stewardess came to clean up and afterwards, the forms they need to fill out were handed out to them. Patapos na siya nang mahulog ang ballpen ni P at nagkaroon siya ng pagkakataon na makita ang papel nito.

 Pietra Isabella Profaci. Napakunot pa ang noo ni Ale nang mapansin ang edad ng babae. She's not as young as he thought.

 "Did you just snoop on my paperwork?" Nakaangil na naman ito sa kaniya.

 "Tsk. Bintangera." He kept a straight face, pero inirapan siya ni P at saka mabilis na itinabi ang passport at form.

She was holding an Italian passport. P was probably on a working visa or just plain tourist in New York. He was born and raised in New York kaya kahit Italian ang features niya, he has adapted to the American culture. But in their household, it's like stepping back in time during the Italian old days.

Nang maglanding ang eroplano ay excited ang lahat na tumayo. P couldn't reach her bag, at kahit yamot siya sa babae ay hindi niya ito natiis. Kinuha niya ang bag nito at inabot sa babae.

"Thank you." Pinasalamatan ni Ale ang sarili bago pa makapagsalita si P nang kahit ano.

 She smirked. "You're welcome!"

To say he was floored was an understatement. Nakakaawa talaga ang mapapangasawa nitong Pietra na 'to, naisip niya. She's a handful at nakakasira ng bait na makasama ito. Ni wala pa niya itong twenty-four hours na kasama, pero pakiramdam niya ay tumanda siya ng sampung taon at namuti lahat ng kaniyang buhok.

Hindi na niya pinansin ang babae, at sa halip ay naisip niyang i-text si Taylor. He turned on his phone and his inbox was flooded with text messages and missed calls. It was from his oldest brother, so he didn't bother to reply. He looked for Taylor's name and opened his message. Taylor sent him his location. He saved it at saka nireplyan ang kaibigan.

From Ale:

I just landed in Manila.

From Taylor:

Good. See you soon. Do you need a ride?

From Ale:

Can you pick me up? Or you're busy?

From Taylor:

At the airport now. I came to pick up someone.

From Ale:

Okay. See you in a bit?

Nang mag-angat siya ng paningin ay wala na si P sa harap niya. May sa palos yata ang babaeng 'yon at kay bilis kumilos. Napailing na lang siya. It answered his question earlier— malabo na silang magkita pa. Kung bakit may naramdaman siyang panghihinayang ay hindi niya maintindihan. Aaminin niya, kahit ininis siya nito sa buong biyahe ay hindi naman naging boring ang kaniyang flight.

Mahaba ang pila sa immigration at kung pwede lang magbayad siya para mauna ay ginawa na niya. He doesn't want to draw attention kaya tiniis na niya. Isa pa, kailangan niyang magpalit ng numero. Gusto niyang mapag-isa at kung hindi niya gagawin 'yon ay hindi siya tatantanan ng panganay na kapatid. Wala na nga naman itong uutusan. Sino na ang maglilinis ng kalat nito kung wala siya? Wala na siyang pakialam doon ngayon.

Sa wakas ay nakalampas siya ng immigration. Wala siyang bagahe kaya hindi niya kailangang maghintay sa may carousel. Puno na ng tao roon, at kung naroon man si P, good luck na lang sa babae dahil mukhang isang oras itong maghihintay.

 Natanawan niya si Taylor. Wala pa rin nagbago sa hitsura nito maliban na lang sa pagiging pormal. When his brother died, Taylor changed. Nakikita lang niya ang tunay na ugali nito kapag sila lang ang magkasama.

"Hey, fool." Tinapik niya ito sa braso.

"Hi, dumbass," bati nito sa kaniya. "What took you so long to visit me?" 

"Long story and I will tell you about it later. Sino nga pala ang susunduin mo rito sa—" Naputol ang sasabihin ni Ale nang marinig ang boses ng babae palapit sa kanila.

"Oh. My. God. Hanggang dito ba naman ay—"

 He was shocked. Nakakunot ang noo ni P, habang si Taylor naman ay saglit na natulala. Nang makabawi ay tumikhim ito.

 "You know each other?" tanong ni Taylor sa kanila.

"No! | Yes!" Nag-duet pa sila ni P, pero magkaiba ang kanilang isinagot. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Taylor sa dalawang tao sa harap niya at mukhang lalong nalito.

"I don't know him. Nakasabay ko lang siya sa eroplano." Humalukipkip si P at tumabi kay Taylor.

"Tsk. Nakita mo na nga 'yong baby tapos sasabihin mong hindi mo ako kilala?" He was just teasing her.

Kaagad siyang pinandilatan ni P. "Aba't—"

Taylor was amused and realized what was going on between the two. "Ceasefire muna kayong dalawa, p'wede?"

He smirked habang si P ay nagkakandahaba ang nguso. Nagmistula silang mga paslit na nagbabangayan kahit na kay tatanda na.

"You have your luggage, Pip?"

Iyon ang palayaw ni Taylor sa babae dahil masyadong mahaba ang pangalan nito. Ang PIP ay initials ni Pietra— Pietra Isabella Profaci. Tumango ito. Binalingan ni Taylor si Ale.

"Ikaw? 'Yan lang ang dala mo?" Ale nodded. "Okay then. Let's go."

Kating-kati na si Ale na tanungin si Taylor kung magkaano-ano ang dalawa. Walang nai-kwento ang kaibigan tungkol sa nobya nito, at kahit ang pangalan nitong babae ay hindi rin nababanggit. Pero para sunduin sa airport ni Taylor si P— ibig sabihin ay importante ang babae sa kaibigan niya. 

Nasa loob na sila ng sasakyan at si Taylor ang nagmamaneho. He sat at the front, habang si P ay nasa backseat. Mabuti na lang at hindi na nila pinagtalunang dalawa ang upuan dahil baka tuluyan na silang iwan ni Taylor at paglakarin na lang.

 "Paano mo nakilala 'yan?" tanong niya kay Taylor.

 Taylor glanced at P using the rearview mirror and smiled. "Australia. She was on vacation at natakid siya."

 "So lampa siya— Ouch!"

He gave Taylor a scowl nang tumawa ito ng malakas. Piningot ni P ang tainga niya nang tawagin niya itong lampa kanina. Talagang sinusubok ng babae ang pasensiya niya.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Switspy
ahahaa. pasaway kasi
goodnovel comment avatar
Sophia Sahara
Kinikilig ako kina Ale at P. Hahaha...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status