Share

Chapter 6

“Hindi ako lampa,” mariing tanggi ni P.

“Oh? Natakid ka sa Australia kaya mo nakilala si Taylor. And the other day at the park, you did the same thing to me. Is that your way of—“ Taylor shot a warning look at Ale. “Making friends?” Hindi niya itinuloy ang gustong sabihin. It wasn’t appropriate anyway.

“Kung ikaw din lang, hindi na.” Inirapan siya ng babae. That left him dumbfounded, habang si Taylor ay nagpipigil ng tawa.

He  kept quiet after that. The woman is clearly nuts, at hindi niya alam kung paano natatagalan ito ni Taylor. Para bang kahit ano’ng sabihin niya sa babae ay offensive ang dating. At isa pa, napakadali nitong maasar sa kaniya. Well, ganoon din naman siya kaya amanos lang sila.

Ipinikit na lang niya ang mga mata kaya tuluyang maubos ang pasens’ya kay P. Sa traffic at pagod ay nakatulog s’ya sa biyahe. Nang maalimpungatan ay naka-park na ang sasakyan sa harap ng isang condo, kaya nagtatakang tiningnan niya ang kaibigan.

“Tay, I’m staying at the hotel,” wika niya bago ito umibis ng sasakyan.

“It’s too early, and I bet your room is not ready yet. Stay at my place for a bit and let’s eat. I’ll whip something in the kitchen.”

Nang malingunan niya si P ay nasa labas na ito at may ka-text sa cellphone. P couldn’t stop smiling and Ale wondered if she was talking to her boyfriend. Nang maisip ‘yon nakaramdam siya ng inis. Hindi niya alam na kanina pa siya inoobserbahan ni Tay.

“What?” tanong niya nang may sabihin ito sa kaniya pero hindi niya naunawaan.

“I said, she’s not dating anyone. You’re welcome.”

Kumunot ang noo niya. “So? What does that have to do with me?” Ang lagay, kailangan pa niyang magpasalamat sa impormasyon na hindi naman niya hinihingi?

“You like her, don’t deny it.” He was about to say that Taylor is mistaken pero umiling ito. “Don’t break her heart, Ale. Iba na lang kung hindi mo seseryosohin.” That was the last thing Taylor said before he got out of the car.

***

Nang makarating sila sa loob ng condo ni Taylor ay hindi sila nagpapansinan ni P.  Ang luggage lang nito ang ibinaba mula sa sasakyan, pero ang sa kaniya ay naiwan doon.

“Are you staying here?” Hindi niya napigilan ang magtanong. Silang dalawa lang ang nasa sala dahil si Taylor ay nagtungo na sa kusina para magluto.

“Why do you care?” Sumagot si P sa kaniya na hindi man lang nag-abala na tapunan siya ng tingin.

“Has no one ever told you that it’s rude not to look at the person in the eye when they are talking to you?”

“Dad. My brothers,” sagot nito sa kaniya. Hindi pa rin siya tinitingnan. Napansin niya na hindi nito binanggit ang ina.

“And you’re still doing it?” sarkastikong tanong ni Ale sa babae.

P locked her phone and faced him. “Ay! Tao ka pala? Akala ko sama ka ng loob na ipinaglihi sa tao.” She grinned at him before getting up and leaving him alone.

He was taken aback with her response. He stopped going to church a long time ago, pero sa oras na ito— gusto niyang tawagin ang lahat ng santo para bigyan siya ng sapat na pasens’ya para sa babae. Kung alam kaya ni P kung anong klaseng tao siya, pagsupladahan pa kaya siya nito? The thing is the woman has the gall to annoy him, at wala pang nangahas na gawin ito sa kaniya.

He followed her a few seconds later, at napatigil siya sa paghakbang nang marinig ang pakikipag-usap nito kay Taylor.

“Can I help you with anything?” tanong ni P kay Taylor. “I can cook the bacon.”

Tumawa si Taylor. “And burn down the place— Ouch!” Pabirong sinuntok ni P si Taylor.

“You’re mean,” kunwari ay nagdaramdam na wika ni P.

Taylor laughed a little at ginulo ang buhok ng babae. “Set the table with Ale and rest.”

Sumimangot kaagad si P. “I don’t need help.”

“Tsk. I’m starting to think what they say is true.” Maang na tumingin si P kay Taylor. “The more you hate, the more you love.” Humalakhak si Taylor.

“F—“ P was going to say the f word pero isang tingin lang ni Taylor ay umirap ito. “Nevermind!” Tumalikod na si P at naglakad palayo sa kusina. “Ale!” tawag nito sa kaniya. Nang makita siya nito malapit sa kusina ay kaagad na kumunot ang noo. “How long have you been there?”

Of course he’s going to lie. Baka tawagin pa siya nitong tsismoso. “Ngayon lang.”

P stared at him for a quick second, at halatang hindi naniniwala. “Help me set the table.”

“You forgot the magic word.” If you can’t beat them, join them. Ang lagay ay si P lang ang pwedeng mang-inis sa kanilang dalawa?

“Excuse me?” Sumandal s’ya sa hamba at naghintay. P rolled her eyes and said, “Please.”

“That’s better. Come.” Hinawakan niya ang kamay ni P at iginiya niya ito pabalik sa kusina.

He doesn’t know what he was thinking when he held her hand, but he did anyway. He liked the warmth coming from it, at kahit pasimple nitong hinihila ang kamay ay hindi niya hinayaan. He reached for the plates using his one hand, and did the same with the glasses. Saka lang niya ito binitawan nang kailangan na nilang dalhin sa mesa ang mga plato. P avoided his gaze and went back to the kitchen to get the utensils. Nang ihain ni Taylor ang pagkain ay may naglalaro itong ngiti sa mga labi. Alam niya, Taylor’s teasing him.

Naupo sila para kumain. Si Taylor ay nasa kabisera, at nasa magkabilang gilid sila ni P. Tahimik siya habang kumakain at panay ang sulyap sa babae. Simula nang hawakan niya ang kamay nito at naging masuyo ang pakikitungo niya kanina ay para itong nangimi sa kaniya. She barely spared him a glance.

“Ale, do you want to go out with us tonight?”

Tumingin siya kay P bago tingnan si Taylor. “Where?” Uminom siya ng tubig.

“To the bar. We’re going out to get something to drink,” sagot ng kaibigan sa kaniya.

“Sure.” Nakita ni Ale ang pagngiwi ni P. Did she not want him to go with them?

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
manika36
haynaku kaung dalawa.. ahaha..
goodnovel comment avatar
Glazzy Angeline A. Consigna
start na ang love story nila.. hehehe..
goodnovel comment avatar
neknekm0
da moves mo Ale! hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status