Share

Chapter Four

Author: Re-Ya
last update Last Updated: 2024-01-15 08:55:17

Malalim na ang gabi nang maalimpungatan si Rose. May kung anong magaspang na bagay na dumadama sa leeg niya.

Pinilit niyang idilat ang nakapinid na mga mata para lamang manlaki nang mapagsino ang pangahas na nilalang sa tabi niya at tila demonyo sa pagkakangisi.

At bago pa man siya makapiyok ay mabilis na tinakpan ng lalaki gamit ang nanlilimahid nitong kamay ang bibig niya.

Nangatal siya sa takot. Nang mga sandaling iyon ay batid niyang nasa totoo siyang panganib.

"Sshhh. Hindi na ako makapag-pigil sayo napakaganda mong babae. Para kang labanos sa kaputian," takam na takam na tinuran ng bandidong si Batik sa kanya.

"Ikaw na ata ang pinakamasarap na karne na naligaw dito sa gubat kung sinuswerte nga naman. Kumbaga sa delata isteytsayd ka." patuloy pa ng lalaki.

Ang mata nitong mabalasik ay napuno ng pagnanasa habang

hinahagod siya ng tingin. Pangit na nga ang lalaki ay nagmukha pa itong satanas sa harap niya.

Kulang na lang ay tubuan ito ng mga sungay.

Pumalag siya nang maramdaman ang isa nitong kamay na nagsimulang humaplos sa magkabila niyang hita.

Kahit na may kakapalan ang suot na pantalon ay ramdam niya ang paghagod nito na may unti-unting pagpisil na ginagawa.

Naalarma siya at pilit na nagpumiglas.

Napapa-iling na lamang siya sa kapangahasan ng bandido.

Sa wakas ay tinanggal ni Batik ang kamay na bumubusal sa kanyang bibig.

Sisigaw na sana siya nang iumang nito ang baril na hawak sa kanyang sintido.

Mariin niyang naipikit ang mga mata nang maramdaman ang malamig na metal nang idiin iyon nito.

"Wag kang magkakamaling sumigaw. Hindi ako magdadalawang-isip na pasabugin iyang bao mo." Pagbabanta ni Batik.

"Ano ba ang kailangan mo?" Ang nahihintakutan na niyang tanong.

Istupida! Nagtanong pa siya gayung alam naman niya kung ano ang pakay nito sa kanya.

"Ikaw. Gigil na gigil na ako sa'yo eh."

"Hindi mo magagawa ang binabalak mo. Malalagot ka sa inyong pinuno." Pananakot niya rito.

Baka sakaling tablan ito ng takot sa kapangahasan kapag sinabi niyang magsusumbong siya kay Horan. Subalit hindi man lang natinag ang lalaki.

"Hindi na ito malalaman pa ni pinuno. Puwede kong palabasing nagtangka kang tumakas. Kaya pagkatapos kitang pagsawaan ay ididispatsa na kita." Ngumisi ito nang nakakaloko.

Napalunok siyang muli at labis na nahintakutan sa pinaplano ng kaharap.

Pero hindi siya nagpahalata.

"Baliw ka kung inaakala mong mapapaniwala mo ang Horan na iyon."

"Tama ka nababaliw nga ako. Nababaliw ako sa kagandahan mo. Kaya sige na pagbigyan mo na ako. Ipalalasap ko naman sa'yo ang langit," anang baliw na lalaki.

Hinapit siya ni Batik at niyakap, pilit nitong inilapit ang mukha upang halikan siya.

Iniiwas niya ang sarili at kinalmot ito.

Napangiwi ang lalaki sa ginawa niya.

Napamura, at muling inumang ang baril nito kaya't napatda siya at hindi na muling nakakilos.

Sinibasib ng halik ni Batik ang leeg niya.

Kulang na lang ay masuka siya sa pandidiri, ngunit pinabayaan niya ito at pinanatiling alerto ang sarili.

Kitang-kita niya nang ilapag nito ang baril na hawak.

Inipon niya ang lahat ng lakas at nang makakita ng pagkakataon ay malakas na itinulak ang lalaki at mabilis na dinampot ang baril sa lupa.

Nanlilisik ang mga matang itinutok niya ang sandata kay Batik. Nagulat ang lalaki subalit napangisi.

"Iyan ang isa pa sa nakakabaliw sa: yo. Para kang tigre, palaban. Sige iputok mo!" Paghahamon ng tampalasan.

Damang-dama ni Rose ang panginginig ng mga kamay.

Ito ang unang pagkakataon na nakahawak siya ng baril.

May pag-aaalinlangan man dahil hindi sanay ay hindi siya mangingiming iputok ito sa demonyong nasa harapan.

Hinding-hindi siya papayag na muling mahawakan ni Batik.

Over her dead body!

Unti-unti ay humakbang palapit ang bandido. Ngising aso, ni hindi kakitaan ng pagkabahala. Tuloy ay siya ang nataranta at nalito.

"Wag kang lalapit! Hindi ako magda-dalawang-isip na iputok sa'yo 'to." May garalgal man sa boses ay mariin niyang banta kay Batik.

Umatras si Rose, tinantya ang kaharap.

Patuloy pa rin ito sa paghakbang palapit sa kanya.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik at pikit-matang kinalabit niya ang gatilyo.

Ngunit hindi iyon pumutok.

Malutong na humalakhak si Batik.

Nakakalokong iwinagayway nito ang mga bala sa harap niya.

Tuluyan siyang nanlumo.

Ang hudas at dinaya pala siya.

Sinadya talaga nito na ilapag ang baril nito sa lupa upang mahulaan ang mga hakbang na maaari niyang gawin.

"Akala mo ba ay ganoon ako kadaling malinlang?" Angil nito.

Nabuhay ang takot at tuluyang bumigay ang natitira niyang pag-asa.

Ngunit hindi siya nasiraan ng loob.

Nang akmang aabutin siyang muli ni Batik ay walang pagdadalawang- isip na hinampas niya ito gamit ang baril at sinipa ito sa maselang bahagi ng katawan.

Hindi iyon inasahan ni Batik. Namilipit ito sa sakit.

Iyon naman ang hinintay na pagkakataon ni Rose tinakbo niya ang daan palabas.

Subalit mabilis na nakabawi ang lalaki.

Bago pa man siya umabot sa pinto ay nahablot nito ang dulo ng kanyang mahabang buhok at hinila siya pabalik.

Gustong maluha ni Rose nang maramdaman ang pagsakit ng anit.

"Putsa kang babae ka." Ang nanggagalaiting bigkas sa galit ni Batik.

Hinawakan ng lalaki ang itaas na bahagi ng suot niyang blusa at mabilis na hiniklat.

Tila naman naulol pa ito nang mahantad sa paningin ang puno ng dibdib ni Rose.

Muli ay sinibasib nito ng halik ang babae.

Para na itong baliw at hayok habang marahas na dinadama ang katawan ng dalaga.

"Walang hiya ka! Demonyo. Mamamatay na muna ako bago niyo magawa ang kahayupan niyo," sigaw ni Rose, habang nanlalaban.

Gamit ang mga kamay ay pinagkakalmot niya ang lalaki.

Nakita niyang ininda iyon ni Batik.

Nagmarka sa mukha nito ang matutulis niyang kuko.

Patuloy siya sa pagwawala, balot man ng takot ang dibdib ay buo ang kanyang kaisipan.

Hindi siya papayag na mababoy ng demonyong lalaki.

Magkamatayan na.

Dahil sa pagpupumiglas niya ay isang malakas na suntok sa sikmura ang pinakawalan ni Batik.

Sinundan nito iyon nang magkasunod na mag-asawang sampal.

Naramdaman ng dalaga ang pagmanhid ng pisngi, pagkahilo

at pag-ikot ng paningin.

Nalasahan niya ang tila mainit na likido mula sa labi. Nanginig at nanghina ang kanyang mga tuhod.

Napalugmok siya at napasapo sa tiyan sa parteng sinuntok ng bandido.

Hindi siya makabawi sa sakit na idinulot na karahasan ng lalaki.

Nagsimulang manlabo ang kanyang paningin.

"Hindi! Hindi siya maaaring mawalan ng ulirat. Pag nagkagayon ay magtatagumpay si Batik. Malalapastanganan siya nito.

Nagpumilit siyang makatayo subalit tuluyang umikot ang kanyang paningin at sa nanlalabong mga mata ay nakita niya si Batik.

Nakangisi ang demonyo, habang naghuhubad.

Oh God. Doon na siya nakaramdam ng sobrang takot at panghihina para sa sarili at kawalan na ng pag-asang makatakas.

Napaluha na lamang siya.

Umusal siya ng marubdob na dasal upang makasalba sa bangungot.

Baka sakaling dinggin siya ng Diyos at mag milagro Ito.

Magising siya sa malalim na pagkakatulog.

"Ikaw naman kasi gusto mo pang masaktan. Wag kang mag-alala, mapunpunta ka rin naman sa langit bago ka pag-pyestahan ng mga uod sa lupa ha ha ha." Halakhak ni Batik na animo si satanas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Sixty ( Ang Katapusan)

    Rose was stunned. Her eyes still went wide. Tama ba siya nang rinig? "Na... naaaalala mo?" atubiling tanong niya na halos pabulong. "Yes, I remembered everything, particularly...us." malambing na sagot ni Alexander, habang nakatunghay sa maliit niyang mukha. Sa nanlalaking mata ay muling umawang ang mga labi niya. Hindi agad siya nakapagsalita. Pilit inaaabot ng isip ang mga salitang nagmula sa lalaki. Baka kasi dinadaya lamang siya ng pandinig. "P...pero sabi ni Lance..." "Ni Lance? putol ni Alexander na may pagkunot ng noo. "Yes, he said you did not remem...," she paused. "Oh that bastard, he tricked me!" She hissed. Sukat humalakhak si Alexander. "You two have the same feathers," sabi ni Rose, na kinakitaan ng pagkapikon. "So devastating that you may remember parts of the memory but not all of it," dagdag niya. "You're the most beautiful part of it," Alexander said softly, while gently caressing her shoulder. "But you set me up. You haven't told

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Nine

    Abala man sa ginagawa ay hindi magkamayaw si Rose sa katatanaw kay Alexander. Tinutulungan niya sa paghahanda ng pagkain ang Tiyang Linda niya. Kanina ay pinilit niyang magpaka-kaswal habang kaharap si Alexander. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga natuklasan ngayong araw. Gimbal pa rin siya at hindi agad-agad makabawi sa naging pag-uusap nila ni Lancelot. Hindi rin niya matiyak sa sarili kung ano ba ang nararapat niyang maramdaman sa mga sandaling ito. Ang kaalamang buhay si Dmitri ay labis na nagpagalak ng kanyang puso. Subalit ang katotohanang burado sya sa mga alala nito ay nagdudulot ng 'di matawarang hapdi at kirot sa kanyang damdamin. Ibang klase magbiro ang tadhana. Dumarating sa mga panahong hindi mo inaasahan at hindi ka handa. Huminga sya ng ubod lalim nang makaramdam ng pagbigat sa dibdib. Hinagod niya iyon gamit ang kamay dahil sa pakiramdam na paninikip. Pinuno niya ng hangin ang kanyang busto. Muli niyang sinulyapan si Alexander. Puno ng kasiyaha

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Eight

    “Kung ganoon ay saan dinala ni Alexander ang anak ko?" aniyang pilit na ginagawang pormal ang tinig. Napaupo siya sa katapat na silya ng lalaki. Larawan ng kalituhan at kawalan ng magawa. Punong-puno siya ng pangamba para sa anak. Nakakahiya man ay nawawala ang composure niya sa harap ng abogado. Mistulang balisa at tuliro sa itinatakbo ng mga pangyayari. Kagabi lamang ay talo pa ni Alexander ang totoong mangingibig sa pagpapadama ng pagmamahal. Sadyang ginugulo ng lalaki ang isip at damdamin niya. Sa isang pitik lamang ay dagli nitong naparupok ang kanyang depensa bilang babae. Paano kung ang lahat ng ipinakita nitong pagsuyo ay pawang balatkayo lamang upang makuha ang kanyang loob at pagtitiwala? Saan hahantong ang lahat? Isa ba sa mga istratehiya nito ang magpanggap upang mapagbayad siya sa isang pagkakamali na hindi niya mahanapan ng sagot? Spare my daughter Alexander, Oh God. she mouthed. Handa siyang harapin ang anumang kaso na maaring ipataw ng asawa. Kung

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Seven

    Nag-alala si Tiyang Linda para kay Rose na noo'y nagdadalaga pa lamang. Sa wari nito ay sinasamantala ni Don Manolo ang kanilang pangangailangan dala ng kahirapan. Ilang beses nitong pinayuhan ang pamangkin na pag-isipan o pagnilayang mabuti ang mga proposisyon ng Don. Subalit hindi nagpapigil si Rose at agad na pumirma sa kontrata. Nabahala si Tiya Linda noong una sa pag-aakalang hindi maganda ang hangarin ni Don Manolo sa pagtulong. Kalaunan ay nakita niya ang kabutihang loob ng matanda lalo na at malaki ang nagawa nito upang maging maayos ang kanilang buhay. At aminado siya sa bagay na iyon. Pagkat nagkaroon ng magandang kinabukasan ang pamangkin at siya naman ay nagkaroon ng maayos na hanap-buhay. Nakapagtapos si Rose ng pag-aaral sa isang de -kalidad na unibersidad at nakapagtrabaho sa radyo't telebisyon maging sa kilalang pahayagan. Naging kilala itong magaling na mamamahayag at kalaunan ay naging komentarista. Kasabay noon ay nakakatanggap si Rose ng iba't iban

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Six

    Nagising kinabukasan si Rose na mag-Isa na lamang sa kanyang silid. Nang kapain niya ang bahagi ng kama ay bakante na iyon at wala ni anino ni Alexander. Tuluyang nagising ang kanyang diwa at iginala ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Subalit ay walang palatandaan ng lalaki. Nagmamadaling inabot ni Rose ang roba sa tabi. Mabilis na isinuot upang mapagtakpan ang kahubaran. Saglit na nag-init ang kanyang mukha sa pagka-alaala sa nangyari nang nagdaang gabi. Pinakiramdaman niya ang banyo baka sakaling naroon lamang ang asawa. Nang hindi makuntento ay sinubukan niyang kumatok ng mahina. Subalit walang senyales na may tao sa loob. Ni wala siyang ingay o kaluskos man lamang na maririnig. Agad siyang nag-ayos ng sarili at nagbihis nang mapagtantong baka nauna nang lumabas ang asawa. Sa kusina ay nabungaran niya ang tyahin na abala sa pagluluto. Tinapunan siya ng tingin ni Tiya Linda nang may kahulikap na ngiti. "O, mabuti at nagising ka na, aba'y umalis ang asawa mo." imporma ni

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Five

    Hesusmaryosep! Anang tiya Linda na napaantada, larawan ito nang pagkagulat sa natunghayan sa kusina. "Tiyang!" lingon dito ni Rose. Mabilis siyang kumawala kay Alexander. Kinapa ang nahubad na blusa at mabilis na sinuot pagkatapos ay tumayo upang ayusin ang sarili. Nahihiyang napatitig sya sa tiyahing mulagat. A…Alexander?" sambit ng tiyahin, hindi makapaniwala ang babae na mabubungaran sa kusina ang lalaki kasama ang pamangkin sa isang mainit na tagpo. "Magandang gabi po, Tiyang Linda." Seryosong bati rito ni Alexander. Noon naman ay naisiper na nito ang pantalon. Agad na nagmano ang lalaki sa matanda na bagama't nagpaunlak ay larawan ng kalituhan. Sinulyapan ni tiya Linda si Rose na hindi malaman kung paano magpapaliwanag at hindi rin makatingin ng diretso sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa na puno ng pagdududa. Aktong magpapaliwanag na sana si Alexander nang unahan ito ni Rose. "N... Nagkita po kami sa event." aniya sa tiyahin. "Hinatid niya p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status