ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan

last updateLast Updated : 2024-02-01
By:  Re-YaOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
60Chapters
6.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ang kapangahasan ni Rose ang nagdala sa kanya sa isang malaking panganib. Kung saan sa malayong probinsiya at liblib na bayan sa Cotabato siya ay napadpad. Habang nasa biyahe ay hinarang ang kanyang sinasakyang bus ng mga masasamang loob. Binitbit siya ng mga armadong lalaki na may nakakatakot na mga pagmumukha. Animo mga buwitreng gutom na nakakita ng karneng pag-aagawan sa katauhan niya. Nanganganib siyang malapastanganan. Subalit sa kabila ng takot ay hindi pinanghinaan ng loob si Rose. Dinala sya ng grupo sa kuta ng mga ito at ginawang bihag. Sa puntong iyon alam niyang nasa panganib ang kanyang buhay lalo na at natipuhan siya ni Horan ang mabagsik na pinuno ng mga bandidong dumukot sa kanya. Napasakamay siya sa pangangalaga ni Dimitri. Ang lalaking may mala-leon na lisik ng mata. Ngunit Imbis na mas lalong mangamba sa kaligtasan ay natagpuan niya ang sariling nais na mahulog sa mga bisig ng lalaking tulisan.

View More

Chapter 1

Chapter One

Malamig na sa balat ang hanging pumapasok sa bukas na bintana ng kanyang sinasakyang bus.

Sinilip ni Rose ang oras mula sa relong suot. Kulang sampung minuto ay mag iika-anim na ng gabi.

Kagat na ang dilim ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi niya mamalas ang kagandahan ng paligid.

Pagka't nagagalak siya sa tuwing may nakikitang interesante sa kanyang paningin.

Panay ang kuha niya ng litrato. Kaya laging nakahanda ang kanyang kamera.

Marahas na bumuntong- hininga ang katabi niyang matanda.

Kanina pa niya napapansin ang pamaya't-maya nitong pagsulyap sa kanya.

Mula pa sa terminal ng San Jose ay kasabay na niya ang matandang babae.

Sinubukan niya itong batiin kanina bago umandar ang bus na sinasakyan nila.

Nais niya sanang magbukas ng usapin naisip niyang masarap din na may ka-kwentuhan sa byahe.

Maliban kasi sa makakakalap siya ng mga impormasyon ay bawas inip na rin.

Subalit ni hindi siya pinansin ng katabi.

Bagkus ay iniiwas nito ang tingin sa kanya kaya't nanahimik na lamang sya sa kinauupuan at nagkibit-balikat.

Naisip niyang baka naman kasi nai-istorbo niya ito sa kalikutan niya.

Matanda na ito at maaaring ayaw nang naliligalig.

Pag nakakakita kasi siya ng magandang tanawin ay bigla na lang siyang napapasinghap at naiikot ang puwet sa kinauupuan.

Minabuti niyang isilid na lamang ang kamera sa kanyang bag.

Tumingin siya nang may paghingi ng paumanhin sa katabi ngunit nanatili itong pormal na sulyapan dili sya.

Nagpasysa siyang tumanaw na lamang sa labas at binusog ang mga mata sa mga tanawing nababanaag pa niya sa gitna ng dilim.

"Ineng, kung hindi ako nagkakamali ay dayo ka sa lugar na ito, hindi ba?"

Mabilis na ibinalik ni Rose ang tingin sa katabi nang marinig itong magsalita sa kauna-unahang pagkakataon.

Nasurpresa s'ya, marunong din pala itong managalog.

Buong akala pa naman niya kaya siguro tahimik lang ito ay hindi sya naiintindihan.

Bagama't may punto ang pananalita ay maayos naman nitong nabibigkas ang mga salita.

"Opo," mabilis niyang sagot. Awtomatikong nagbigay siya ng palakaibigang ngiti rito.

Isang tango ang isinukli ng kausap. Pagkatapos ay dumiretso nang tingin sa unahang bahagi ng sinasakyan nilang bus na tila may inaaninag.

"Kung hindi mo mamasamain ay saan ba ang iyong tungo?" Sunod nitong tanong.

"Patungo po ako ng San Fabian. Ayon po sa napagtanungan ko sa terminal ay anim na oras ang biyahe patungo roon. May kalayuan rin po pala." sagot niya na tuluyang nawala ang pagkailang sa kausap.

Marahas siyang nilingon ng matandang babae. Gumuhit ang takot at pangamba sa yayat nitong mukha.

"Hindi ligtas ang lugar na ito sa mga katulad mong dayo at babae pa mandin," pabigla nitong sabi.

"H.. Ho?" aniya na nagulumihanan.

Nagbibigay ba ng babala ang matanda o sadyang nananakot lang?

Gusto sana niyang klaruhin ang sinabi nito subalit naramdamn niya ang unti- unting pagbagal ng bus hangang sa huminto na nga ito nang tuluyan.

Muling gumuhit ang pagkabahala sa mukha ng katabi.

Sabay pa silang napatingin sa unahan.

Nagtaka siya wala sa sinumang nakasakay sa bus ang tumayo upang bumaba.

Sumilip siya sa bintana, wala siyang mabanaag kundi purong kadiliman lamang.

Wala siyang maaninag na liwanag na maaaring makapagpatunay na may mga nakatira sa paligid.

Kung gayon ay ano ang dahilan at huminto ang sinasakyan nila?

Tingin pa naman niya ay liblib na lugar ang bahaging kanilang hinintuan.

Naramdaman ni Rose ang pagkalabit ng katabi.

Isang itim na bandana ang inia-abot nito na labis niyang pinagtatakhan.

Nasa mata niya ang pagtatanong.

"Gamitin mo itong panukob sa iyong ulo iyong siguradong matatakpan ang iyong mukha. Bilis kilos na!" Mabilis nitong wika sa paraang pautos.

Pansin ni Rose ang takot sa tono ng pananalita nito.

Naguguluhan man ay mabilis siyang sumunod.

May kakaiba kasi sa paraan nito ng pag-utos.

Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam ng kaba.

Saglit pa at dalawang lalaki ang umakyat sa bus armado ng di-kalibreng mga baril at may nakakatakot na mga pagmumukha.

Mahahaba ang mga buhok tipong walang ligo at mga balbas sarado.

Kapara'y mga pusakal na hindi pahuhuli ng buhay.

Tuluyang kumabog ang dibdib niya sa nakita. Bigla siyang nahintakutan.

Kung hindi siya nagkakamali ng kutob ay bandido ang mga ito.

Taong labas sa taguri.

Bawat upuang matapatan ng mga lalaki ay sinusuri ang mga pasahero at mga k*****a.

Kinukumpiska ang mga bagahe at wala ni isang naglakas-loob na umalma o mag reklamo man lang.

Ang iba nga ay kusa pang iniaabot ang mga bag nila o kung anupamang mga dalahin.

Tila ang tanawing nasasaksihan ay pangkaraniwan na lamang na nangyayari sa araw-araw at nakasanayan na.

Nagtama ang mata nila ng matandang babae.

Sinenyasan siya nitong yumuko agad naman siyang tumalima.

Lumalim ang kanyang paghinga nang nasa tapat na nila ang isang bandido.

Mabilis nitong inabot ang mga gamit niya. Gusto sana niyang mag-protesta.

Hindi niya inaasahan ang bagay na ito sa kanyang biyahe.

Isang makahulugang sulyap ang ginawa ng matanda. Mukhang nahuhulaan nito ang tumatakbo sa kanyang isipan.

Nakita niyang sinusuri ng lalaki ang gamit niya.

Nagtaka siguro ito kung bakit kaiba ang bagahe niya sa karamihan.

Kung bakit kasi nagmaleta pa siya na animo mag babakasyon ng bongang- bonga.

Nagsalubong ang makapal na kilay ng lalaki nang makita ang kamera sa kanyang bag.

Dumako ang mata nito sa pwesto niya. Naroon ang liyab. Sinakmal siya ng takot. Yumuko siyang pilit.

"Ikaw! Tumingin ka sa akin." Turo nito sa kanya.

Hindi siya tuminag sa kinauupuan. Kunwa ay hindi niya ito naririnig.

"Putsa, bingi ka ba?" Singhal ng lalaki.

"Bakit pare?" Anang kasama nito na naka-jacket. Palapit na rin ito.

"Mukhang may naliligaw sa ating balwarte." Nakangising sagot ng lalaking balbas-sarado.

"Mga ginoo, Ipag-paumanhin niyo na ang aking apo. Kagagaling niya lang mula sa pagta-trabaho sa Maynila. Mayroon siyang sakit at..."

"Pinagloloko mo ba kami tanda? Dayo ang isang 'yan, pagtatakpan mo pa. Kahit hawak ka pa ni Dimitri sasamain ka sa akin." Angil ng unang lalaki..

Nag-alala ang dalaga para sa katabi.

Kinapa niya ang kamay nito at pinisil, tanda ng pasasalamat sa pagtatanggol sa kanya.

Kung anuman ang dahilan nito sa pagsi-sinungaling ay mukhang nahuhulaan na niya.

Pilit siyang inabot ng unang bandido. Hinila nito ang bandana sa ulo niya. Napasigaw siya sa pagkabigla.

Nagulat ang dalawang bandido nang tuluyan siyang tumambad sa paningin ng mga ito.

" Put.....a! Pag sini-suwerte ka nga naman." Magka-panabay na bulalas ng dalawang balbas sarado.

Nanlalaki ang mga mata. Nakaka-panindig balahibo ang mga pagmumukha habang nakangisi. Animo mga gutom na buwitre.

"Ano iyang kaguluhan diyan?" Narinig niyang boses mula sa labas.

"May napakasarap na karneng naligaw." Malisyosong sagot ng lalaking naka+itim na jacket.

"Isama na iyan! "

Mabilis siyang nahawakan sa kamay ng lalaki at hinila patayo sa kinauupuan. Sa pagkabigla ay wala siyang nagawa. Ngising aso naman ang kasama nito.

Humingi siya ng tulong sa mga kapwa-pasahero ngunit maliban sa matandang nakatabi ay walang may gustong makialam o tumulong man lang.

Tila bingi ang mga ito sa pakiusap niya at pawang takot ang nakalarawan sa mga mukha. Maging ang drayber at konduktor ay parang mga basang sisiw sa mga kinapwestuhan.

Walang nagawa ang pagsisigaw at pagpupumiglas niya nang kaladkarin na siya pababa ng mga armadong lalaki mula sa bus.

Bago tuluyang mabitbit ng grupo ay nakita niya ang awa at pag-aalala sa mga kapwa-pasahero.

Hindi pa man ay tila may ideya na ang mga ito sa maaari niyang sapitin mula sa mga tampalasan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Re-Ya
Good evening! Nais ko lamang po na magpasalamat sa lahat nang naglaan ng oras at panahon para basahin po ang aking akda. Nawa po ay inyong naibigan ang kuwento nila Dmitri, Rose at Alexander....️
2024-02-08 01:02:25
3
60 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status