Share

Chapter Fifty-Six

Nagising kinabukasan si Rose na mag-Isa na lamang sa kanyang silid.

Nang kapain niya ang bahagi ng kama ay bakante na iyon at wala ni anino ni Alexander. Tuluyang nagising ang kanyang diwa at iginala ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Subalit ay walang palatandaan ng lalaki.

Nagmamadaling inabot ni Rose ang roba sa tabi. Mabilis na isinuot upang mapagtakpan ang kahubaran. Saglit na nag-init ang kanyang mukha sa pagka-alaala sa nangyari nang nagdaang gabi. Pinakiramdaman niya ang banyo baka sakaling naroon lamang ang asawa. Nang hindi makuntento ay sinubukan niyang kumatok ng mahina. Subalit walang senyales na may tao sa loob.

Ni wala siyang ingay o kaluskos man lamang na maririnig. Agad siyang nag-ayos ng sarili at nagbihis nang mapagtantong baka nauna nang lumabas ang asawa.

Sa kusina ay nabungaran niya ang tyahin na abala sa pagluluto. Tinapunan siya ng tingin ni Tiya Linda nang may kahulikap na ngiti.

"O, mabuti at nagising ka na, aba'y umalis ang asawa mo." imporma ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status