Bagama't tila nauupos na kandila ang pakiramdam ay pinanatili ni Rose ang malay. Nagulat siya nang marinig na napagibik si Batik maya-maya. Sa nanlalabong mata ay pilit niyang binanaag ang lalaki.
Labis ang kanyang pagkagitla nang makita na nakaangat ang mga paa nito sa lupa at sakal-sakal ng isang malaking bulto. Malakas na pinadapuan ito ng suntok sa mukha ng lalaking nanghimasok. Bumalandra si Batik at bumulagta. Sumargo ang ilong at binulwakan ng sariwang dugo ang bibig nito. Sinugod muli ang hindi niya nakikilalang lalaki at makailang ulit na tinadyakan sa dibdib ang maapangahas na bandido. Hindi pa nakuntento at pinuntirya nito ang mukha ng tulisan. Halos mabasag ang mukha ni Batik sa suot na combat shoes ng lalaking nangahas na atakehin ito. Gulapay at hindi na gumagalaw ang tampalasan. Sa wari niya ay nawalan na ito ng ulirat. Subalit hindi pa rin ito tinatantanan ng lalaking umatake rito. Napasinghap si Rose sa panghihilakbot. Ganoon pala ang pakiramdam nang makasaksi ng pagpatay. Nakakarimarim na tagpo. Kulang ang salitang marahas kung ilalarawan niya ang lalaki. Mas akma siguro na taguri rito ang pagiging brutal. Sa wakas ay humarap ang naturang lalaki kay Rose. Nakasuot ito ng bonnet, kung kaya't mahirap para sa dalaga na hulaan ang pagkakakilanlan nito.Panibago na naman ba itong banta sa kanyang buhay? Pilit siyang umatras nang magsimulang humakbang ang lalaki palapit sa kanya. Muli syang sinakmal ng takot. At Mangiyak-ngiyak na siya sa kawalan ng magawa at pag-asa. Sa pagkabigla niya ay lumuhod ang malaking bulto sa harapan niya. Awtomatikong itinaas niya ang isang kamay upang sana ay magmaka-awa. Impit siyang napaiyak. "Shhhh...." anang lalaki. Natigilan si Rose nang marinig ang pamilyar na tinig. Nanlalaki ang mga matang tumitig sa kaharap. Inaninag ang mga mata nito. Kasabay niyon ay ang pagkislap ng mata ng lalaki sa gahiblang-liwanag. Sa nakita ay unti-unting lumuwag ang dibdib niya. It was Dimitri. Hindi siya maaaring magkamali. Hindi mahirap hulaan ang pagkakakilanlan nito. Pagka't Ito lamang ang nagtataglay ng mga matang kasing talim ng leon ang lisik. Hinayaan niyang haplusin ni Dimitri ang pisngi niya patungo sa labi niyang pumutok, gawa ng pagsampal ni Batik. Masuyong dinama iyon ng lalaki pagkatapos ay walang sabi-sabi na pinangko siya nito. Mabilis na ikinawit niya ang mga kamay sa leeg ng lalaki. Sa mga nasaksihan ngayong gabi, masasabi niyang si Dimitri ay isang nakakatakot na nilalang. Sa labas ay naalarma ang mga bantay sa napansing komosyon. Sa kabila na buhat-buhat siya ni Dmitri ay nagawa pa rin nitong paputukan ang mga humaharang sa kanilang daraanan. Tila hindi nito alintana kung nakakasagabal ba siya rito. Hindi niya magawang huminga. Ipinikit na lamang niya ang mga mata upang hindi masaksihan ang mga nagaganap. Akala niya ay sa mga pelikula niya lamang mapapanood ang mga ganitong senaryo. Diyos ko Lord, kung ito na po ang katapusan ko, Kayo na po ang bahala kay tiya Linda. Ang naipiping dalangin na lamang niya. "Kaya mo ba?" Tanong ni Dimitri nang marahan siyang ibaba nito sa lupa. Kahit papaano ay nakalayo na sila sa mismong kuta. Ngunit hindi katiyakan iyon upang makampante at masabing ligtas na sila. Nauulanigan pa nila ang malaking komosyon at pagkakagulo ng mga kasamahan nitong bandido. Nakakabilib ang angking katapangan ng lalaki. Nagawa nitong ragasain ang panganib gayong inulan sila ng mga bala at hindi man lamang natamaan ni daplis ay himalang maituturing. "Bagtasin mo ang diretsong bahagi ng gubat na ito. Sa dulo ay may talon, magkita tayo roon." Mabilis na sambit ni Dimitri sa kanya. Tumalikod na ang lalaki at humakbang pabalik sa pinanggalingan nila. Siya naman ay nanatiling nakatayo, hindi magawang kumilos. Nilingon siya ni Dimitri nang maramdaman na walang pagkilos mula sa kanya. Saglit na natigilan ang lalaki, kahit na may suot itong bonnet ay ramdam niya ang pagkunot nito ng noo. "Ano pang hinihintay mo? Kilos na," anito sa matigas na tono. "O-Oo," sagot niyang walang tiyak. Walang lingon-lingon ay Tinakbo niya ang direksiyong itinuro ni Dmitri. Kailangan niyang makalayo, hanggat may natitira pa siyang lakas at pakiramdam. Hanggat may oras at pagkakataon ay tatakbo siya para sa sariling kaligtasan. Patuloy pa rin niyang naririnig ang mga putukan sa kuta. Nakaramdam siya ng takot para kay Dimitri. Kanina ay gusto sana niyang mag-protesta sa gusto nitong mangyari na maghiwalay sila kayat hindi agad siya kumilos. Natatakot na rin kasi talaga siyang mapag-isa. Sa dinanas kanina kay Batik ay tuluyang humina ang depensa nya. Paano na lamang kung hindi dumating si Dimitri? Malamang ay isa na siyang luray-luray na bangkay ngayon. Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Hanggat maaari ay ayaw niyang isipin ang kahihinatnan niya kung nagkataon nga na hindi siya nailigtas ng lalaki.. Maraming katulad ni Batik sa gubat na ito. At si Dimitri, karapat-dapat ba ito sa pagtitiwala niya? Sa kabila ng katotohanan na isa rin ito sa mga bandido ay mayroon sa isip at puso niya ang kumokontra sa masamang isipin niya para sa lalaki. Ahhh… ayaw na muna niyang mag-isip kailangan niyang kumilos upang tuluyang makalayo. Sabi ni Dimitri ay may talon sa may dulong bahagi ng gubat. Maaaring iyon na ang naririnig niyang maingay na lagaslas ng tubig sa gawi pa roon. Nananakit pa ang kanyang mga binti at paa ngunit kailangan niyang magpatuloy. Nag-ipon siya ng lakas at nagsimula sa mabagal na pagtakbo hanggang sa binilisan na niya. Kahit na nagkanda sabit-sabit na siya sa kadawagan ay hindi na niya ininda. Hanggang sa isang punong nakabalandra ang nagpabuwal sa kanya. Alumpihit siya sa sakit. Sa pagkawala ng balanse ay tumama sa nakausling sanga ang sugat niya sa may bandang hita. Napahiga siya at hinawakan ang bahaging nasaktan. May umagos na likido siyang nakapa mula roon. Kung hindi siya nagkakamali ay maaaring dugo ang nasalat niya. Sumidhi ang pagkirot ng kanyang sugat dahilan upang gustuhin niyang humiyaw ngunit nagpigil syang bigyan boses ang nadaramang hapdi. Nang mula sa kung saan ay may naulanigan siyang kaluskos mula sa dilim. Mabilis at palapit nang palapit ang mga yabag patungo sa kinaroroonan niya. Muli ay binalot siya ng takot at pangamba, anumang sandali ay tatambad na sa harapan niya ang may-ari ng mga yabag. Paano kung isa ito sa mga tulisang bumitbit sa kanya? Mabilis na itinukod ni Rose ang mga kamay sa lupa upang doon umamot ng konting lakas. Pilit niyang hinila ang nasugatang binti, inot -inot at halos gumagapang na siya sa lupa. Impit siyang napasigaw nang maramdaman ang mabigat na kamay at mahigpit na dumaklot sa kanyang balikat.Rose was stunned. Her eyes still went wide. Tama ba siya nang rinig? "Na... naaaalala mo?" atubiling tanong niya na halos pabulong. "Yes, I remembered everything, particularly...us." malambing na sagot ni Alexander, habang nakatunghay sa maliit niyang mukha. Sa nanlalaking mata ay muling umawang ang mga labi niya. Hindi agad siya nakapagsalita. Pilit inaaabot ng isip ang mga salitang nagmula sa lalaki. Baka kasi dinadaya lamang siya ng pandinig. "P...pero sabi ni Lance..." "Ni Lance? putol ni Alexander na may pagkunot ng noo. "Yes, he said you did not remem...," she paused. "Oh that bastard, he tricked me!" She hissed. Sukat humalakhak si Alexander. "You two have the same feathers," sabi ni Rose, na kinakitaan ng pagkapikon. "So devastating that you may remember parts of the memory but not all of it," dagdag niya. "You're the most beautiful part of it," Alexander said softly, while gently caressing her shoulder. "But you set me up. You haven't told
Abala man sa ginagawa ay hindi magkamayaw si Rose sa katatanaw kay Alexander. Tinutulungan niya sa paghahanda ng pagkain ang Tiyang Linda niya. Kanina ay pinilit niyang magpaka-kaswal habang kaharap si Alexander. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga natuklasan ngayong araw. Gimbal pa rin siya at hindi agad-agad makabawi sa naging pag-uusap nila ni Lancelot. Hindi rin niya matiyak sa sarili kung ano ba ang nararapat niyang maramdaman sa mga sandaling ito. Ang kaalamang buhay si Dmitri ay labis na nagpagalak ng kanyang puso. Subalit ang katotohanang burado sya sa mga alala nito ay nagdudulot ng 'di matawarang hapdi at kirot sa kanyang damdamin. Ibang klase magbiro ang tadhana. Dumarating sa mga panahong hindi mo inaasahan at hindi ka handa. Huminga sya ng ubod lalim nang makaramdam ng pagbigat sa dibdib. Hinagod niya iyon gamit ang kamay dahil sa pakiramdam na paninikip. Pinuno niya ng hangin ang kanyang busto. Muli niyang sinulyapan si Alexander. Puno ng kasiyaha
“Kung ganoon ay saan dinala ni Alexander ang anak ko?" aniyang pilit na ginagawang pormal ang tinig. Napaupo siya sa katapat na silya ng lalaki. Larawan ng kalituhan at kawalan ng magawa. Punong-puno siya ng pangamba para sa anak. Nakakahiya man ay nawawala ang composure niya sa harap ng abogado. Mistulang balisa at tuliro sa itinatakbo ng mga pangyayari. Kagabi lamang ay talo pa ni Alexander ang totoong mangingibig sa pagpapadama ng pagmamahal. Sadyang ginugulo ng lalaki ang isip at damdamin niya. Sa isang pitik lamang ay dagli nitong naparupok ang kanyang depensa bilang babae. Paano kung ang lahat ng ipinakita nitong pagsuyo ay pawang balatkayo lamang upang makuha ang kanyang loob at pagtitiwala? Saan hahantong ang lahat? Isa ba sa mga istratehiya nito ang magpanggap upang mapagbayad siya sa isang pagkakamali na hindi niya mahanapan ng sagot? Spare my daughter Alexander, Oh God. she mouthed. Handa siyang harapin ang anumang kaso na maaring ipataw ng asawa. Kung
Nag-alala si Tiyang Linda para kay Rose na noo'y nagdadalaga pa lamang. Sa wari nito ay sinasamantala ni Don Manolo ang kanilang pangangailangan dala ng kahirapan. Ilang beses nitong pinayuhan ang pamangkin na pag-isipan o pagnilayang mabuti ang mga proposisyon ng Don. Subalit hindi nagpapigil si Rose at agad na pumirma sa kontrata. Nabahala si Tiya Linda noong una sa pag-aakalang hindi maganda ang hangarin ni Don Manolo sa pagtulong. Kalaunan ay nakita niya ang kabutihang loob ng matanda lalo na at malaki ang nagawa nito upang maging maayos ang kanilang buhay. At aminado siya sa bagay na iyon. Pagkat nagkaroon ng magandang kinabukasan ang pamangkin at siya naman ay nagkaroon ng maayos na hanap-buhay. Nakapagtapos si Rose ng pag-aaral sa isang de -kalidad na unibersidad at nakapagtrabaho sa radyo't telebisyon maging sa kilalang pahayagan. Naging kilala itong magaling na mamamahayag at kalaunan ay naging komentarista. Kasabay noon ay nakakatanggap si Rose ng iba't iban
Nagising kinabukasan si Rose na mag-Isa na lamang sa kanyang silid. Nang kapain niya ang bahagi ng kama ay bakante na iyon at wala ni anino ni Alexander. Tuluyang nagising ang kanyang diwa at iginala ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Subalit ay walang palatandaan ng lalaki. Nagmamadaling inabot ni Rose ang roba sa tabi. Mabilis na isinuot upang mapagtakpan ang kahubaran. Saglit na nag-init ang kanyang mukha sa pagka-alaala sa nangyari nang nagdaang gabi. Pinakiramdaman niya ang banyo baka sakaling naroon lamang ang asawa. Nang hindi makuntento ay sinubukan niyang kumatok ng mahina. Subalit walang senyales na may tao sa loob. Ni wala siyang ingay o kaluskos man lamang na maririnig. Agad siyang nag-ayos ng sarili at nagbihis nang mapagtantong baka nauna nang lumabas ang asawa. Sa kusina ay nabungaran niya ang tyahin na abala sa pagluluto. Tinapunan siya ng tingin ni Tiya Linda nang may kahulikap na ngiti. "O, mabuti at nagising ka na, aba'y umalis ang asawa mo." imporma ni
Hesusmaryosep! Anang tiya Linda na napaantada, larawan ito nang pagkagulat sa natunghayan sa kusina. "Tiyang!" lingon dito ni Rose. Mabilis siyang kumawala kay Alexander. Kinapa ang nahubad na blusa at mabilis na sinuot pagkatapos ay tumayo upang ayusin ang sarili. Nahihiyang napatitig sya sa tiyahing mulagat. A…Alexander?" sambit ng tiyahin, hindi makapaniwala ang babae na mabubungaran sa kusina ang lalaki kasama ang pamangkin sa isang mainit na tagpo. "Magandang gabi po, Tiyang Linda." Seryosong bati rito ni Alexander. Noon naman ay naisiper na nito ang pantalon. Agad na nagmano ang lalaki sa matanda na bagama't nagpaunlak ay larawan ng kalituhan. Sinulyapan ni tiya Linda si Rose na hindi malaman kung paano magpapaliwanag at hindi rin makatingin ng diretso sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa na puno ng pagdududa. Aktong magpapaliwanag na sana si Alexander nang unahan ito ni Rose. "N... Nagkita po kami sa event." aniya sa tiyahin. "Hinatid niya p