Share

Chapter Three

Author: Re-Ya
last update Last Updated: 2024-01-15 08:52:45

Masukal ang kagubatan. Duda si Rose kung makakalabas pa siya ng buhay.

Ni wala siyang palatandaan palabas para makarating man lang sa pinakamalapit na bayan.

Hindi na nga niya alam kung saang panig na sya ng Cotabato.

Fighter siya at hindi basta-basta sumusuko, pero sa pagkakataong ito ay hindi niya maiwasang panghinaan ng loob at tuluyang mangamba sa pansariling kaligtasan.

Ipinilig niya ang ulo at ilang beses na nagpikit mata.

Kailangan niyang makaisip ng paraan kung paano makakatakas sa mala- impiyernong kinasasadlakan.

Hindi siya maaring magtagal sa lugar na ito, kundi ay tuluyan siyang mapapahamak.

Naalarma siya nang may maramdaman na mga paggalaw. Bumukas ang kawayang pinto.

Mabilis siyang bumalikwas sa pagkakaupo at pagkakasandal sa pawid na digding tumayo at sinino ang pumasok sa kinaroroonang kubol.

Pumasok ang lalaking naka-leather jacket kanina.

She gasped at the sight of him.

Kasunod nito ang isang binatilyo na sa tingin niya ay naglalaro sa labing-apat na taong gulang.

May hawak itong pagkain. Minosyunan ito ng lalaki na idulog sa kanya ang pagkaing dala.

Pagkatapos ay naupo sa naroong pang isahang silya. Tahimik at hindi manlang nag-abalang tapunan siya ng sulyap.

Mabilis niyang inabot ang pagkain at nagsimula siyang kumain.

Hindi pamilyar ang pagkaing nakadulog pero talu-talo na.

Kailangang malamnan ang kanyang sikmura, sapagkat kakailanganin niya iyon sa mga susunod na oras.

Habang kumakain ay tahimik lamang na nakamata sa harap niya ang binatilyo.

Agad nitong iniabot ang basong may lamang tubig nang mahirinan siya at ubohin.

Ngumiti siya at nagpasalamat rito.

Namula naman ang binatilyo at hindi malaman kung paano tutugon.

Nagkamot na lamang ito ng ulo at nagbigay ngiti sa nahihiyang paraan.

Kanina pa umaandar ang utak niya at isa na roon ay ang kaibiganin ang kaharap at baka sakaling matulungan siya nito.

Nadidismaya siya sa katotohanang wala nang pinipiling edad ang pagsapi sa mga kilusan.

Nagkakamali siya.

Malayo sa makakaliwang kilusan ang grupong ito. Ganunpaman ay ramdam niya ang kainosentehan ng bata.

Huminga siya nang malalim at nag-ipon ng lakas ng loob.

"Maaari mo ba akong tulungang makatakas rito?" Mahinang anas niya.

Mukhang nabigla ang binatilyo sa narinig. Naglumikot ang mga mata nito.

"Babayaran kita huwag kang mag-alala," pilit niyang pangungumbinsi.

"Ma'am, gustuhin ko man ay wala po ako sa posisyon para makatulong. Napaka imposible po nang hinihiling ninyo," andap na sagot ng binatilyo.

Nanlumo ang dalaga. Ang tsansang nasisilip sana ay mabilis na naglaho.

"Pero may kilala po ako na maaaring makatulong po sa inyo," pabulong na dagdag pa ng kaharap.

Sukat sa narinig ay lumiwanag ang kanyang mukha at nabuhayan ng gahiblang pag-asa ang loob.

"Talaga? Sino?" may pananabik na tanong niya.

Niligon ng binatilyo ang lalaking ngayon ay abalang nagtatanggal ng bala sa pistola nito. Sumunod ang mata niya roon.

"Wag ako ang tingnan mo, Bugoy. Gumagawa ka ng problema, " anang lalaki, gayung hindi naman sa kanila tuwirang nakatingin. Sa pananalita nito ay tila nauunawaan ng lalaki ang kanilang pinag-uusapan.

"Eh kuyang, 'pag hindi po natin tinulungan si ma'am snow white may pagkalalagyan siya rito, hindi ba?" katwiran agad ng binatilyo.

Kung sa ibang pagkakataon ay mangingiti siya sa ginawang paglalarawan sa kanya ng binatilyo.

Kung saan ay iwinangis siya sa isang Disney Princess.

Muli niyang sinulyapan ang lalaking tinawag nitong kuyang.

Nasurpresa siya nang marinig ang buo at malamig nitong boses.

Subalit ngayon ay walang pagtugon mula rito. Patuloy lang ito sa ginagawa kaya't gusto na niyang mainis sa lalaki.

Mabuti pa ang binatilyo at marunong magmalasakit.

Sabagay, ano pa nga ba ang dapat niyang asahan sa mga taong katulad nito.

Kapara ay buhay na mga patay pagka't walang mga puso.

Mga halang ang kaluluwa. Walang mga pakiramdam at walang nais gawin kundi ang makapaminsala ng mga inosenteng sibilyan.

"Bumalik ka na sa pwesto mo Bugoy," baling ng lalaki sa bata pagkuwa'y.

"Ma'am, kumbinsihin mo po si kuyang Dimitri. Siya Lang ang bukod tanging makakatulong sainyo. Maaasahan mo siya. Maniwala po kayo," pabulong na wika ni Bugoy, bago mabilis nang tumalima palabas ng kubo.

"Salamat." habol niya sa binatilyo.

Kung umabot man sa pandinig ni Bugoy ang pasasalamat niya ay hindi niya tiyak.

Mistula itong palos sa bilis na makalayo. Tatandaan niya ang pangalan nito.

Ibinalik niya ang mata sa lalaki. Nagulat siyang nakatitig na rin pala ito sa kanya.

Oh, damn those eyes. Bigla tuloy siyang nailang. Napalunok nang kung ilang beses.

Inipon niya ang natitira pang lakas ng loob. It's now or never ika nga.

May pagdududa man na matutulungan nga siya ni Dimitri katulad ng sinabi na nga ni Bugoy, ay gusto parin niyang subukan.

"D...imitri, right? Oh, I need your help. Magbabayad ako kung kinakailangan---

"Ganyan ka ba kai-responsable at pati ang bata ay gusto mong idamay.?"

Malamig na agaw ng lalaki sa sinasabi niya.

"E...Excuse me?"

"Gusto mo pang suhulan. Buhay niya ang gusto mong ipain. Alam mo ba iyon?" patuloy ng nangangalang Dimitri.

Awtomatikong tumaas ang kilay ni Rose. Wala pa man ay barado na agad siya.

What an arrogant man.

Paano niya ito mapapaki-usapang tulungan siyang makatakas kung nagpapakita agad ito ng pagkadisgusto sa gusto niyang mangyari.

Sa tingin ba nito ay hindi niya alam ang bagay na iyon? Desperada na s'ya at lahat ng posibilidad na makatakas ay susubukan niya. Kasehodang itaya na niya lahat ng mayroon siya.

"May pagkakataon kang suhulan ang mga taong nagdala sayo rito kanina. Bakit hindi mo ginawa?"

Nagkakamali ang lalaki kung iniisip nitong hindi niya binalak ang bagay na iyon.

Ngunit hindi ang uri ng mga bumitbit sa kanya ang makukuha sa suhol. Gagawan at gagawan pa rin siya ng mga ito nang masama.

At sa tuwing maiisip ang maaaring kahinatnan sa kamay ng mga buwitreng iyon ay mas nanaisin pa niyang mawalan ng buhay agad-agad.

"Sa tingin mo ba kung ganun nga ang ginawa ko ay wala ako sa kinalalagyan ko ngayon?" Balik-tanong niya sa lalaki.

"Hindi makukuha sa suhol sila Batik. Halang ang kaluluwa ng mga taong nakapaligid sayo." mabilis nitong sagot na tila sigurado.

"Isa pa bibihira ang de-primerang karne na naliligaw dito sa gubat. Kaya mag-aagawan ang mga gutom na buwitre." Makahulugan na turan pa ng lalaki.

Tinitigan siya ni Dimitri sa paraang siya ang karneng tinutukoy nito.

Muli ay gusto niyang mapasinghap.

"Kaya nga ako nakikiusap sa iyo---."

"Hindi ka nakikiusap, nanunuhol ka," agaw muli nito.

She sighed.

"Okay, sabihin na nating ganoon na nga. Masisisi mo ba ako kung ganung paraan ang maisip ko para lamang maisalba ang aking sarili?"

Saglit siyang natahimik nang biglang may maalala.

"K... Kasama ka ba don sa mga halang ang kaluluwa at buwitreng sinasabi mo?" matapang niyang tanong.

Pumormal ang lalaki. Inabot ang pistola at isinukbit Sa baywang.

Sinuyod siya nito nang tingin mula ulo hanggang paa. Seryoso siyang tinitigan.

"Hindi ako nakikipag-aagawan sa kaka-pirasong karne. Gahaman ako. Sinu-solo ko 'pag natipuhan ko ang pagka-sariwa. Ganon ako kahalang."

Kung isa siguro sa mga bumitbit sa kanya ang magsabi noon, malamang ay manginig na siya sa takot at kumaripas na ng takbo. Pero kaiba sa lalaking ito. Hindi niya maramdaman ang panganib.

"Tutal ay gusto mong manuhol, mag-bargain tayo---. "

"Pumapayag ako kahit ano," mabilis niyang putol na hindi man lang nag-abalang mag-isip.

Bahagyang nagulat ang lalaki ngunit tila dumaan lamang.

"Kahit ano?" baliktanong ni Dimitri sa tonong naghahamon.

"Oo, kahit ano," she said desperately.

Tumiim ang titig ni Dimitri. Tinantya ang katapatan sa kanyang sinabi.

Naglakad palapit sa kanya ang lalaki. Ni hindi kumukurap.

"T... Teka anong gagawin mo?" Wika niyang napaatras. kinabahan siya pero hindi dahil sa takot sa maaaring gawin nito, kundi sa ibinabadyang reaksyon ng katawan niya.

Naramdaman niya ang paglapat ng likod sa kawayang dingding.

She's stuck.

Inilapat ng lalaki ang dalawang kamay patukod sa dingding. Napaloob tuloy siya sa bisig nito.

Her heart beats fast and in her astonishment, tila nananadyang inilapit ng bandido ang labi nito malapit sa kanyang leeg.

Ramdam niya ang hininga ng lalaki na humahaplos sa kanyang balat. At napakabango niyon.

Gustong manindig ng mga balahibo niya sa katawan dahil sa excitement.

Pinigil niya ang paghinga. Literal na naipikit niya ang mga mata. Nakiramdam. Naghintay.

Ilang segundo rin ang itinagal niya sa ganoong posisyon.

Nang bigla ay...

"Idilat mo iyang mga mata mo dahil hindi kita hahalikan."

She ended up embarrassed.

Oh God, she's crazy.

Pinamulahan siya ng mukha. Ano bang naisip niya at nag-muwestra siyang si sleeping beauty na hahalikan ng prince charming para magising sa bangungot.

She looked up to him.

Bumulaga ang seryosong ekspresyon ni Dimitri sa kabila nang pagdidikit ng mga kilay.

"Hindi ko kailangan ang pera mo, miss," sambit ng lalaki. "Tutal, nagpupumilit ka rin lang naman magbayad ay bibigyan kita ng magandang partida. Kapalit ng kaligtasan mo ay Isang gabing kasama ako sa ibabaw ng aking kama. Iyan ang presyo at sarado ang usapan. Pag-isipan mong mabuti. Bilisan mo lang dahil mainipin akong tao. Nagkakaintindihan ba tayo? " ang walang ligoy at malinaw na pagtatapos ni Dimitri.

Napanganga si Rose.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Sixty ( Ang Katapusan)

    Rose was stunned. Her eyes still went wide. Tama ba siya nang rinig? "Na... naaaalala mo?" atubiling tanong niya na halos pabulong. "Yes, I remembered everything, particularly...us." malambing na sagot ni Alexander, habang nakatunghay sa maliit niyang mukha. Sa nanlalaking mata ay muling umawang ang mga labi niya. Hindi agad siya nakapagsalita. Pilit inaaabot ng isip ang mga salitang nagmula sa lalaki. Baka kasi dinadaya lamang siya ng pandinig. "P...pero sabi ni Lance..." "Ni Lance? putol ni Alexander na may pagkunot ng noo. "Yes, he said you did not remem...," she paused. "Oh that bastard, he tricked me!" She hissed. Sukat humalakhak si Alexander. "You two have the same feathers," sabi ni Rose, na kinakitaan ng pagkapikon. "So devastating that you may remember parts of the memory but not all of it," dagdag niya. "You're the most beautiful part of it," Alexander said softly, while gently caressing her shoulder. "But you set me up. You haven't told

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Nine

    Abala man sa ginagawa ay hindi magkamayaw si Rose sa katatanaw kay Alexander. Tinutulungan niya sa paghahanda ng pagkain ang Tiyang Linda niya. Kanina ay pinilit niyang magpaka-kaswal habang kaharap si Alexander. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga natuklasan ngayong araw. Gimbal pa rin siya at hindi agad-agad makabawi sa naging pag-uusap nila ni Lancelot. Hindi rin niya matiyak sa sarili kung ano ba ang nararapat niyang maramdaman sa mga sandaling ito. Ang kaalamang buhay si Dmitri ay labis na nagpagalak ng kanyang puso. Subalit ang katotohanang burado sya sa mga alala nito ay nagdudulot ng 'di matawarang hapdi at kirot sa kanyang damdamin. Ibang klase magbiro ang tadhana. Dumarating sa mga panahong hindi mo inaasahan at hindi ka handa. Huminga sya ng ubod lalim nang makaramdam ng pagbigat sa dibdib. Hinagod niya iyon gamit ang kamay dahil sa pakiramdam na paninikip. Pinuno niya ng hangin ang kanyang busto. Muli niyang sinulyapan si Alexander. Puno ng kasiyaha

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Eight

    “Kung ganoon ay saan dinala ni Alexander ang anak ko?" aniyang pilit na ginagawang pormal ang tinig. Napaupo siya sa katapat na silya ng lalaki. Larawan ng kalituhan at kawalan ng magawa. Punong-puno siya ng pangamba para sa anak. Nakakahiya man ay nawawala ang composure niya sa harap ng abogado. Mistulang balisa at tuliro sa itinatakbo ng mga pangyayari. Kagabi lamang ay talo pa ni Alexander ang totoong mangingibig sa pagpapadama ng pagmamahal. Sadyang ginugulo ng lalaki ang isip at damdamin niya. Sa isang pitik lamang ay dagli nitong naparupok ang kanyang depensa bilang babae. Paano kung ang lahat ng ipinakita nitong pagsuyo ay pawang balatkayo lamang upang makuha ang kanyang loob at pagtitiwala? Saan hahantong ang lahat? Isa ba sa mga istratehiya nito ang magpanggap upang mapagbayad siya sa isang pagkakamali na hindi niya mahanapan ng sagot? Spare my daughter Alexander, Oh God. she mouthed. Handa siyang harapin ang anumang kaso na maaring ipataw ng asawa. Kung

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Seven

    Nag-alala si Tiyang Linda para kay Rose na noo'y nagdadalaga pa lamang. Sa wari nito ay sinasamantala ni Don Manolo ang kanilang pangangailangan dala ng kahirapan. Ilang beses nitong pinayuhan ang pamangkin na pag-isipan o pagnilayang mabuti ang mga proposisyon ng Don. Subalit hindi nagpapigil si Rose at agad na pumirma sa kontrata. Nabahala si Tiya Linda noong una sa pag-aakalang hindi maganda ang hangarin ni Don Manolo sa pagtulong. Kalaunan ay nakita niya ang kabutihang loob ng matanda lalo na at malaki ang nagawa nito upang maging maayos ang kanilang buhay. At aminado siya sa bagay na iyon. Pagkat nagkaroon ng magandang kinabukasan ang pamangkin at siya naman ay nagkaroon ng maayos na hanap-buhay. Nakapagtapos si Rose ng pag-aaral sa isang de -kalidad na unibersidad at nakapagtrabaho sa radyo't telebisyon maging sa kilalang pahayagan. Naging kilala itong magaling na mamamahayag at kalaunan ay naging komentarista. Kasabay noon ay nakakatanggap si Rose ng iba't iban

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Six

    Nagising kinabukasan si Rose na mag-Isa na lamang sa kanyang silid. Nang kapain niya ang bahagi ng kama ay bakante na iyon at wala ni anino ni Alexander. Tuluyang nagising ang kanyang diwa at iginala ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Subalit ay walang palatandaan ng lalaki. Nagmamadaling inabot ni Rose ang roba sa tabi. Mabilis na isinuot upang mapagtakpan ang kahubaran. Saglit na nag-init ang kanyang mukha sa pagka-alaala sa nangyari nang nagdaang gabi. Pinakiramdaman niya ang banyo baka sakaling naroon lamang ang asawa. Nang hindi makuntento ay sinubukan niyang kumatok ng mahina. Subalit walang senyales na may tao sa loob. Ni wala siyang ingay o kaluskos man lamang na maririnig. Agad siyang nag-ayos ng sarili at nagbihis nang mapagtantong baka nauna nang lumabas ang asawa. Sa kusina ay nabungaran niya ang tyahin na abala sa pagluluto. Tinapunan siya ng tingin ni Tiya Linda nang may kahulikap na ngiti. "O, mabuti at nagising ka na, aba'y umalis ang asawa mo." imporma ni

  • ALEXANDER ZAAVEDRA, Brutal at Walang Kinatatakutan   Chapter Fifty-Five

    Hesusmaryosep! Anang tiya Linda na napaantada, larawan ito nang pagkagulat sa natunghayan sa kusina. "Tiyang!" lingon dito ni Rose. Mabilis siyang kumawala kay Alexander. Kinapa ang nahubad na blusa at mabilis na sinuot pagkatapos ay tumayo upang ayusin ang sarili. Nahihiyang napatitig sya sa tiyahing mulagat. A…Alexander?" sambit ng tiyahin, hindi makapaniwala ang babae na mabubungaran sa kusina ang lalaki kasama ang pamangkin sa isang mainit na tagpo. "Magandang gabi po, Tiyang Linda." Seryosong bati rito ni Alexander. Noon naman ay naisiper na nito ang pantalon. Agad na nagmano ang lalaki sa matanda na bagama't nagpaunlak ay larawan ng kalituhan. Sinulyapan ni tiya Linda si Rose na hindi malaman kung paano magpapaliwanag at hindi rin makatingin ng diretso sa kanya. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa na puno ng pagdududa. Aktong magpapaliwanag na sana si Alexander nang unahan ito ni Rose. "N... Nagkita po kami sa event." aniya sa tiyahin. "Hinatid niya p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status