Share

112.

Author: Batino
last update Last Updated: 2025-08-18 09:03:13
Napapamulagat ng mata si Mrs. Sebastian, naghihintay ng sagot mula kay Roxane. Pero minuto na ang lumipas, wala pa ring lumalabas na salita sa bibig niya.

Sa kabila ng seryosong usapan, abala naman si Beth sa paghahanap ng labasan. Paraan kung paano siya makakatakas sa bahay ni Dark.

"Tatawag ako kay Master Ama… hihingi ako ng tulong sa kanya," nanginginig sa galit at takot na bulong niya sa sarili.

Sandaling natahimik si Beth at sinabi;“Pero bakit hanggang ngayon, wala pa ring tawag mula sa Asya? Tiyak nalaman na nilang nasa poder na ako ng mga Villamonte!” Halata ang inis at pagkabahala sa boses niya, habang mabilis niyang nililingon ang paligid, naghahanap ng posibleng daan palabas.

Pero .. kahit kaunting pagasa ay wala siyang makita.

Samantala, sa Asya…

"Hindi ka na makakatawag rito simula ngayon, Beth!’ Kailangan mo nang talikuran ang pagiging yaya mo kay Vanessa at kay Carolina! Sagabal lang kayo sa mga plano ko!" malamig at may halong pananalakay ang bulong ni Aljhon.

P
Batino

Author's note Grabeee !" ang lakas ng dating ni Roxane . Naramdaman niyo ba mga bestie?!" I comment mo na yan para naman mabasa ko rin ang inyong reaksyon..Palambing naman po.. Baka po gusto niyong maglagay ng Feedback o rating sa mismong book po. ☺️☺️ Salamat po..

| 14
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Rosalina Perez
sana tuloy tuloy ang tapang ni roxane kainis kasi pag paapi effect ang bida sana kahit maraming kontrabida wag syang paapi lalo na kay aljon ang bagong kontra
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
Ang galing Ng bida malakas Ang dating kompyansa sa Sarili dahil alam nyang mahal na mahal c ni Dark
goodnovel comment avatar
Batino
Hehehe nandon pa din po siya.. Isasama ko po siya sa next update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 4-33 Liham ni Roffana

    Tahimik ang gabi. Sa bawat ihip ng hangin, parang may dalang tinig na pamilyar — malambing pero malungkot. Nasa loob ako ng maliit kong kwarto, nakaupo sa tabi ng mesa. Sa harap ko, nakapatong pa rin ang sobre na iniwan ni Roffana. Ilang oras na itong nando’n, pero hindi ko pa rin magawang buksan. Parang may mabigat na bato sa dibdib ko. Sa tuwing tinitingnan ko ‘yung papel, naiisip ko siya — ‘yung paraan ng pagngiti niya tuwing nahihiya, ‘yung boses niyang laging may halong galit kapag tinutukso ko. At ngayon, tanging liham na lang niya ang natira sa akin. Huminga ako nang malalim. Unti-unti kong pinunit ang sobre, nanginginig ang mga kamay ko. At sa sandaling bumukas iyon, isang pirasong papel ang bumungad — puno ng sulat-kamay niya, medyo nagmamadali, may bahid ng luha sa gilid. “Ninong,” nagsimula ang unang linya, “kung binabasa mo ‘to, siguro wala na ako diyan. Hindi ko alam kung saan ako patutungo, pero alam kong kailangan kong lumayo.” Napalunok ako, at pinilit kong itulo

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 4-32

    POV ni Gerry: Pagkababa namin ng bus mula sa field trip, halos lahat ng estudyante ay nagsisigawan sa tuwa, pagod pero masaya. May mga nag-aasaran, may mga nagkukuwentuhan pa tungkol sa mga nangyari sa biyahe — mga tawa, mga hiyawan, parang isang maingay na piyesta ng kabataan. Ako lang yata ang tahimik. Hindi ko alam kung bakit, pero mula pa kaninang nasa bus kami, may kung anong kaba na hindi maalis sa dibdib ko. Parang may kulang, parang may mali. Pagdating namin sa campus, agad akong napatingin sa gate. Sanay kasi akong nakikita ro’n si Roffana — minsan nakasandal sa pader, minsan nakaupo sa bench, nakangiti habang inaabot sa akin ang tinapay o mainit na kape. ‘Yung simpleng ngiti niya, sapat na para maibsan lahat ng pagod ko. Pero ngayong gabi, ibang-iba. Wala siya. Pinilit kong ngumiti. “Baka maaga lang umuwi,” sabi ko sa sarili ko habang inaayos ang bag. Pero habang unti-unting nagsisi-uwian ang lahat, habang nauubos na ang ingay sa paligid, unti-unti ring lumalalim ‘yung ka

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 4-31

    Tahimik si Roffana habang naglalakad sa pasilyo ng Manila University. Ramdam niya ang kakaibang hangin sa paligid—mga matang nakasunod sa bawat kilos niya, mga bulungan na pilit niyang binabalewala kahit sa bawat hakbang ay parang pinupunit ang lakas ng loob niya. “Siya nga ‘yun, ‘yung babae sa video…” “Grabe, ang kapal! May Ninong daw ‘yun ah!” “Eh halikan pa more! Haha!” Napatigil si Roffana. Nanlalamig ang kanyang mga palad, mabilis ang tibok ng puso. Video? Anong video ang sinasabi nila? Hindi pa man niya nalalaman ang buong pangyayari, bigla siyang ipinatawag ng principal. Habang naglalakad patungo sa opisina, tila bawat hakbang niya ay papalapit sa bangungot na hindi niya kayang takasan. Pagdating niya, sinalubong siya ng malamig na titig ng principal. “Miss Roffana,” panimula nito, mabigat ang boses. “May natanggap kaming video clip. I want you to explain this.” Dahan-dahan nitong inikot ang laptop. At sa sandaling iyon, parang gumuho ang mundo ni Roffana. Doon sa screen

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 4-30

    Simula nang malaman ni Roffana ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, halos hindi na siya sumipot kay Max. Hindi niya na rin binubuksan ang mga mensahe nito sa messenger — puro tanong, puro paratang. Sa bawat vibration ng cellphone niya, para siyang natataranta. Kaya madalas ay naka-silent na lang ang phone, nakatago sa bag na parang ayaw na niyang mapansin ng mundo. “Roffana! Sagutin mo naman ako!” Nanginginig ang kamay niya habang binabasa ang isa sa mga mensahe ni Max. “Ginagawa mo na naman akong tanga. Akala mo makakatakas ka sa’kin?” Pinunasan niya ang mga luha at ibinulsa ang telepono. Hindi niya na gustong makipag-ayos o makipag-away pa. Si Max — isang kaklaseng naging mapilit at madaldal, pero kailanman ay hindi naging parte ng mundong gusto niyang panindigan. Ang tanging dahilan kung bakit nakatira siya ngayon sa boarding house ay dahil kay Ninong Gerry — siya ang naghanap ng lugar, nagbayad ng renta, at sinigurong ligtas si Roffana habang nag-aaral sa Maynila. Ngunit

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 4-29 Volcano Marvol

    Pagkasarado ng pinto, napaupo si Roffana sa malamig na sahig. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang pinipigil ang pag-iyak na matagal na niyang nilulunok. “Hayop ka, Max…” mahinang bulong niya, puno ng poot at pagod. “Hindi mo alam kung gaano mo akong winasak.” Ngunit sa gitna ng galit, may gumuguhit na kakaibang kaba sa kanyang dibdib—parang may lihim na kumakapit sa loob niya. Ilang araw na rin siyang balisa, nahihilo, at madalas masuka. Akala niya’y stress lang dulot ng nangyari, pero ngayong tahimik na ang paligid, naririnig niya ang malakas na tibok ng puso niya—tila may gustong sabihin. Lumipas ang mga oras. Gabi na nang hindi na niya mapigilan ang kutob. Isinukbit niya ang kanyang lumang jacket, nagtakip ng sumbrero, at lumabas ng boarding house. Malamig ang hangin habang naglalakad siya sa makitid na kalsada patungong kabilang bayan. Bawat yapak niya ay mabigat, parang kinukundena ng budhi. Pagdating sa botika, halos hindi siya makatingin sa cashier. “Isa pong pregna

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 4-28

    Kinabukasan, bumalik sa tila normal na ritmo ang buhay ni Roffana at Ninong Gerry. Parang walang nangyari kagabi, pero sa bawat tinginan nila, may apoy na hindi na muling namatay. Lalo na tuwing magtatama ang kanilang mga mata — may kakaibang alon ng init at guilt na sabay na gumigising sa puso ni Roffana.Isang umaga, nadatnan niya si Gerry sa sala, inaayos ang mga libro’t kagamitan nito. Tahimik lang siya, pero napansin niyang may kakaibang saya sa mukha ng lalaki.“Roffana,” sabi ni Gerry, mahinahon ngunit may bahid ng panghihinayang sa tinig, “ilang araw akong mawawala. Kailangan kong sumama sa field trip ng mga estudyante sa Volcano Marvol. Doon ko ipapaliwanag ang tungkol sa geothermal site. Pero babalik din agad ako, ha?”Tumango si Roffana, pilit na nakangiti. “Sige po, Ninong. Ingat po kayo.”Ngunit habang sinasabi niya iyon, parang may pinitas na parte sa puso niya.Nang tumalikod na si Gerry para ayusin ang mga dokumento, hindi niya napigilan ang sarili.“Ninong…” mahina ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status