"Oy! Nabalitaan mo na ba yung kumakalat na chismis rito sa atin?" bulong ni Lyka na parang isang secret agent na nagkukuwento ng top secret na balita. Halos pinipigil niyang sumabog ang excitement niya.
"Ano naman 'yon?" tanong ni Roxane, na parang gustong magpanggap na walang pake, pero halatang nakikipagbunyi sa loob ng kanyang utak habang abala sa paglalaba. Pilit niyang pinipigilan ang mata na kumurot sa inis dahil sa kung anu-anong pinapalipad ng kaibigan niyang si Lyka. Halatang walang choice si Roxane kasi childhood friend na silang dalawa—at alam niyang kapag hindi siya nakinig, may mangyayaring nakakahiya. Kaya nag-effort siyang magmukhang abala, kahit sa totoo’y nakikinig siya na parang nakasubsob sa sabon. "Haynaku, Lyka," buntong-hininga niya habang hinihila ang damit na parang may sariling buhay, "kung hindi rin naman pagkakaperahan 'yang magandang balita na 'yan, 'wag mo na lang sabihin. Kita mo naman, abala ako dito sa paglalabada. Gusto mo, tulungan mo na lang ako, para may kasama ako sa paghuhugas — kasi seryoso, baka mas malakas pa ang bulungan mo kaysa tunog ng washing machine ko!" "Ito naman, kontra-barata ka na naman!" sabi ni Lyka na may halong asar pero nakangiti pa rin. "Baka magsisi ka kung huli mong malalaman. At isa pa, pagkakaperahan 'to, jusko, Roxane!" Napailing si Roxane at napabuntong-hininga. "Grabe ka talaga, Lyka. Parang radyo ka na puro chismis ang palabas." "Uhmmm, OA ka!" "Eh ano? Kung hindi ito pagkakaperahan, ano pa?" biro ni Lyka. Ngumiti si Roxane. "Sige na nga, game na ako. Pero kapag nasira ako dito, ikaw ang sasabihin kong may sala!" "Diyos ko, Maryosep! Wala pa nga akong sinasabi, may sala na agad? Grabe ka aa... kaloka 'tong babaeng 'to!" saad ni Lyka sa kaibigan, halatang napikon pero may ngiti pa rin sa labi, parang sinasabi, “Anak ng pera, seryoso ba ’to?” "Hahahaha, joke lang," sabi ni Roxane, nakangiti pero seryoso ang tingin. "Pero ano ba talaga ’yung balita mo? Parang sobra ka nang excited, hindi ka na makapagpigil." "Haynaku, ito na nga!" sigaw ni Lyka, halos sumabog ang puso sa sobrang excitement. Tumulo ang pawis sa pisngi niya habang namumula ito sa tuwa. "Darating ngayong araw 'yung anak nina Don at Donya Villamonte — 'yung pinaka-astig, pinaka-mayaman sa buong mundo! Kilala mo ’to, Roxane, ’yung batang ’yun na palaging naka-designer clothes at laging may bodyguard na parang artista!" "Ahh, si DN?!" napataas ang kilay ni Roxane, sabay buntong-hininga. "Ano naman kung darating siya? Hindi naman niya tayo kilala, eeh!" saad niya habang tuloy-tuloy sa kanyang ginagawang paglalaba, mas madiin pa ang pagkukusot, na parang damit ang sinisisi niya sa inis. Halatang hindi siya interesado sa balita ng kaibigan. "At paano mo nasabing pagkakaperahan 'yung DN na 'yun, ha?" dagdag pa niya, sabay irap kay Lyka. Tila napawi ang matinding excitement sa mukha ni Lyka nang mapansin ang biglaang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang kaibigan. Parang may bigat sa hangin na hindi niya maintindihan. "Ahmmmm, bakit?" tanong niya, may halong pag-aalangan. "Galit ka ba kay DN? Dahil ba iniwan ka niya nung mga bata pa tayo?! Hindi ka niya pinaglaban sa mga magulang niya?!" dagdag pa ni Lyka, na para bang nasa isang teleserye ang eksena. Napahawak pa siya sa dibdib, tila tinatamaan ng sariling drama. "Luka-luka ka talaga!" sagot ng kaibigan niya, sabay irap. "OA mo! Paano naman kami magkakakilala o naging magkababata ng taong 'yon, eeh hindi ko pa nga 'yon nakikita ng harapan! At saka — wala akong balak mag-asawa, no!" Madiin ang tono nito, bakas ang inis ngunit halatang may bahid ng pagtatago ng tunay na damdamin. Okay... andito na tayo sa bahagi na ayaw mong mag-asawa. Pero ito talaga ang dapat mong malaman — pagkakakitaan talaga 'to. Alam mo ba na balak nilang kumuha ng tatlumpung kataong katulong sa mala-palasyong tahanan ng mga Villamonte? Grabe 'no? Para kang pinapaalalahanan sa sarili mo na hindi basta-basta ang laban na ito. Parang ang dami nilang plano, ang laki ng pondo, at sa likod ng mga ngiti, may tinatagong ambisyon. "Kailan ba ang hiring sa Villamonte?!" masayang tanong ni Roxane, na may halakhak at ningning sa mga mata, habang ikinangisi naman ni Lyka ang sagot sa tanong na iyon. "Saktong-sakto! Sabay tayong mag-a-apply sa mala-palasyong tirahan nila!" sagot ni Lyka, bahagyang nanginginig ang tinig sa excitement, na para bang nararamdaman na nila ang pagbabago sa buhay nila. "O siya, sige na! Samahan mo na muna ako rito sa pagbanlaw ng mga nilabhan ko," nakangiting sabi ni Roxane, halatang may kasamang saya at konting kaba sa boses niya. "At pagkatapos ko rito, saka tayo pupunta sa palasyo ni DN!" (Dark Nathaniel Villamonte) "Aah, nakalimutan ko, meron pa pala akong gagawin sa bahay. Sowe, bestfriend!" sabay halakhak ni Lyka—yung masiglang tawa na parang batang nakatakas sa sermon—at dali-daling tumakbo palayo sa kinaroroonan ni Roxane. "Madapa ka sana," pabulong pero may ngiting pilya na sabi ni Roxane habang pinapanood ang kaibigang papalayong tumatakbo. "Aaaaarayyyy!" malakas na sigaw ni Lyka. "Bruha ka talaga, Roxane! Nag-wish ka na naman noh? Kaya ayan, nadapa na naman ako!" reklamo ni Lyka habang pilit na pinapagpag ang nadumihang tuhod. Simula pa nung mga bata pa sila, ganyan na talaga ang takbo ng pagkakaibigan nila—kulitan, asaran, pero punô ng malasakit. Hindi naman talaga totoo na dahil sa hiling ni Roxane ay nadadapa si Lyka. Medyo lalampa-lampa lang talaga si Lyka. Pero sa tuwing nagsasalita si Roxane ng gano’n, laging parang tinutukso ng tadhana ang kaibigan niya. Coincidence man o hindi, tila ba may sariling biro ang mundo para sa kanilang dalawa. Napabuntong-hininga si Roxane matapos niyang maisampay ang lahat ng labada ng kanyang ina. Pinagpag ang damit saka kinuha ang mga batya at mga pinaggamitan niya sa paglalaba. Iniligpit na niya ito bago siya nagpaalam sa amo ng kanyang ina at umalis patungo sa bahay ng kanyang bestfriend. Tinignan ni Roxane ang oras sa kanyang cellphone. Saktong-sakto lang ito; hindi na siya dapat mag-aksaya ng panahon dahil kung si Lyka nga ang nagkakalat ng tsismis, tiyak na totoo iyon. Bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya, dala ang halo ng pananabik at kaba sa darating na mga pangyayari. Masayang naglalakad si Roxane sa paraangan—isang daanang tinatawag ding highway na dinaraanan ng lahat ng sasakyan papasok sa Vellamonte Village. Ngunit habang tinatanaw niya ang mga maliliit na bahay na parang mga display lang sa paanan ng mga malalaking palasyong nakatayo sa itaas, hindi niya maiwasang maramdaman ang kakaibang lungkot. Sa kabila ng karangyaan ng pamilyang Vellamonte, ang mga kabahayang iyon ay tila maliit at payak, na para bang palamote lamang sa kahabaan ng daan na dinadaanan nila.“Excuse me! Nakarang kayo sa daan?! Dadaan ang mga hari ng CEM!” malambing pero may halong lambing at biro na sabi ni Yaya Rhia, habang pumapagitna siya sa gitna ng tensyonadong sagupaan ng mga salita. Napalingon ang lahat sa kanya. Ang matitinding titigan at nagbabagang emosyon ng bawat panig ay biglang naputol—para bang isang mahiwagang pihit ng oras ang pumigil sa lahat. Unti-unting gumilid ang mga tao, pilit na pinapakalma ang sarili, at hinayaan ang daraanan. Mula roon, dumaan ang kambal, nakaupo sa kanilang mamahaling stroller na kumikintab at halatang gawa sa imported na materyales. Para silang mga munting prinsipe, nakangiti at inosente, walang kamalay-malay na ang paligid nila’y puno ng galit at sigawan ilang sandali lang ang nakalipas. Kasunod nila, nakaporma ang mga bodyguard—matikas, matitigas ang panga, at bawat mata ay matalim ang tingin sa kapaligiran. Walang sinuman ang naglakas ng loob na lumapit. Doon, nanlaki ang mga mata ni Mr. Nathaniel. Halos hindi siya makah
Sir.. Dark! tumawag ako ngayon dahil may masamang balita! kabadong sabi ni Drick sa kabilang linya, halos nanginginig ang boses na parang may mabigat na dalang lihim. “Bakit? Anong nabalitaan mo tungkol sa Calvez na iyon?” tanong ni Dark, malamig ngunit may halong pangungutya, habang maririnig sa kanyang tinig ang bahagyang pagkabahala. “Hindi lang nalaman, Sir… magugulat kayo sa sasabihin ko, pero alam kung alam niyo na rin ito.”Ikakasal na si Ma’am Roxane at Calvez bukas ng umaga sa Bulwagan ng Clinthon Crown at kasalukuyan nang inaayos ang venue! Nabalitaan ko rin na hindi talaga basta-basta si Calvez! Galing siya sa pamilyang matataas din ang rangko, pero mas mataas parin ang rangko ni Ama Clinthon. Ang pinagkaibahan lang nila… masyadong tahimik kumilos ang angkan ng Calvez. May mga palihim silang tauhan na laging nakasunod, para bang mga aninong handang umatake sa oras na may kumontra.” Humigop ng hangin si Drick bago muling nagsalita, nangingibabaw ang kaba sa bawat sali
“Lumipas ang dalawang araw. Sa bawat oras na lumilipas, lalo pang tumitibay ang ugnayan ni Calvez at Carolina—hindi lamang bilang magkaibigan kundi tila ba may hindi maipaliwanag na tiwala at pag-unawa sa isa’t isa. Ang bawat tawa, ang bawat sulyap, ay unti-unting nagiging dahilan upang maging panatag si Ama Clinthon. Naniniwala siya na walang panganib na darating hangga’t nasa tabi nila si Calvez, ang tanging taong pinili niyang pagkatiwalaan. Ngunit sa isang tahimik na sandali, sa loob ng lumang bulwagan ng kanilang angkan, lumapit si Roxane sa kanyang lolo. Mabilis ang pintig ng kanyang dibdib—may kaba, may pag-aalinlangan, ngunit higit sa lahat, may matinding pagnanais na makuha ang tiwala ng matanda. “Lolo…” mahina niyang bungad, halos pabulong, ngunit sapat upang mapalingon ang nakakatanda. “Nag-usap na kami ni Calvez. Itutuloy namin ang kasunduan namin. Alang-alang ito sa ating angkan… sa angkan mo, Lolo.” Sandaling natigilan si Roxane, mariing pumikit upang itago ang pangin
"Ang tunay na pagkatao ni Mr Gravon Calvez “Ang dali-dali lang pala niyang maniwala! I like you, Carolina… gagawin ko ang lahat, mapa sa akin ka lang!” bulong ni Mr. Calvez sa sarili, mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao at may nanlilisik na ningning sa kanyang mga mata. Ramdam niya ang mabilis na pintig ng puso, tila ba bawat tibok ay may kasamang matinding pagnanasa at determinasyon. Habang nakatitig kay Carolina, hindi niya maiwasang mapansin ang kislap sa mga mata nito at ang masayang hagikhik na umaalingawngaw sa paligid. Abala pa rin si Carolina sa pagtawa, walang kamalay-malay sa tunay na damdamin at balak ng kaharap niya, dahil ang buong akala ni Carolina ay pusong babae lamang ang nasa harapan niya. “Hey… gurl, tawa ka nang tawa d’yan,” biglang singit ni Calvez, may bahid ng kaba ang tinig. “Baka naman gusto mong sabihin kung ano na ang plano natin… para hindi ako maparusahan ng mga magulang ko. I’m sure… palalayasin ako sa angkan namin kapag nalaman nilang I’m a gay!”
‘Oh, narito na pala si Mr. Calvez!’ biglang wika ni Ama Clinthon sa bungad ng pinto, bakas sa tinig ang paggalang at bahagyang pagkabigla. Saglit na katahimikan ang bumalot sa paligid. Ang lahat ay napako ang tingin kay Mr. Calvez na ngayon ay nakatayo sa pintuan, animo’y isang anino na nagbigay bigat at karisma sa silid. Ang tikas ng kanyang tindig ay tila umaangkin sa buong espasyo. Maging si Roxane ay napalingon, at sa mismong sandaling iyon ay hindi niya napigilan ang mapamulagat. “Wow… iba siya!” biglang sambit ni Roxane, may halong paghanga at hindi sinasadyang kislap ng damdamin sa kanyang mga mata. Narinig naman iyon ni Dark. Bahagyang kumunot ang kanyang noo, wari’y may kirot na kumislot sa kanyang dibdib, ngunit pinanatili pa rin niyang kalmado ang anyo. Nakatago ang kanyang nararamdaman sa likod ng malamig na titig. “Grabe… ang tangkad, ang macho, at nakakaakit ang mga mata niya.” Huminga nang malalim si Roxane, saka pa nagbitiw ng pabirong ngiti. “Pwede na rin…”
“Grabeee! Ang sikip ng damit na ‘to, parang sinakal na ako mula leeg hanggang bewang!” reklamo ni Roxane habang pilit na hinihila pababa ang tela. “Hindi na ako makahinga sa suot ko! Seryoso ba kayo na ito talaga ang pinili n’yong ipasuot sa akin?!” Naka-fitted siyang kulay emerald green na dress na parang gawa para sa mannequin at hindi para sa taong marunong huminga. Sa sobrang dikit sa balat, halos lumabas na ang kurba ng kanyang katawan. Ang tela ay makintab na parang satin, may pahabaan ang hiwa sa gilid na halos magpabalandra ng hita. Idagdag pa ang mahabang manggas na parang kumakapit sa braso niya na mistulang braso ng python na ayaw bumitaw. “Dyos ko po… baka kapusin na ako ng hininga bago pa ako makarating sa silid ng lolo ko!” hinahabol niyang sabi habang kumak@dyot-k@dyot pa para lang makagalaw. Pinagmasdan naman siya ng mga kasambahay na pilit pinipigilang matawa. Isa pa sa kanila ang nag-abot ng maliit na clutch bag. “Ma’am Roxane, bagay na bagay po sa inyo… classy a