Masuk"Ayoko pong umuwi ng Pilipinas." kalmado pero diretso kong sabi, habang nakasandal sa upuan, naka arms crossed.
"Maiiwan ako rito sa Amerika. Hindi niyo ba nakikita? Mas maayos ang takbo ng kompanya dito. Mas productive ako rito. At higit sa lahat — walang nagpipilit sa’kin magpakasal sa babaeng hindi ko kilala." Diretsong tingin kay Mama. Hindi ako nagbibiro. "Dark Nathaniel," malalim at matatag ang boses ni Mama habang isinasara ang isa sa lima na maleta. "Handa na ang lahat. Wala nang atrasan ito. Uuwi tayo ng Pilipinas at magaganap ang kasunduan ng dalawang pamilya." "Fiancé? Mama, I'm 28, not 48. Hindi pa ako desperado." sagot ko, medyo sarcastic ang tono. "At saka, hindi ko nga kilala ‘yung babae. Gusto ko ‘yung ako ang pipili, hindi ‘yung parang ipinasa sa’kin ‘tong sitwasyon na ‘to na parang folder ng failed project." "Hindi ito usapang bata, Nathaniel," matigas na wika ni Mama. "Ang pangalan ng pamilya natin ang nakataya. Hindi ka bata para umiwas sa responsibilidad." Responsibilidad agad? wala pa ngang something eeh. saad ko sa aking isip sabay huminga ako ng malalim. Ayaw ko talagang sabayan ang init ng ulo niya — siya ‘yung tipo ng nanay na tahimik pero kung tumingin, parang may laser. Pero kung pipilitin nila ako... may idea ako. "Okay. Since pinipilit niyo akong magpakasal... may kondisyon ako." Tumaas ang kilay ni Mama. Wala siyang sinabi, pero halatang na-curious. "Sabihin niyo muna sa akin, totoo bang ikakasal ako pag-uwi natin ng Pilipinas?" Tinitigan ko siya. Hindi ako bumenta sa “palusot-ligtas” expression niya. "Oo na, sige na," sabi niya, pero halata — she’s bluffing. Kita sa mata. "So totoo nga..." bulong ko. Inangat niya ang tingin. "Ikakansela ko ang wedding proposal sa Pamilya Guerrero, pero may kondisyon."saad niya sa akin. Umayos ako ng upo,sabay tanong. "Ano ‘yon?" "Humanap ka ng babaeng mapapangasawa mo… sa loob ng dalawang linggo." Diretsong tono. Walang halong drama. "Two weeks?!" Natawa ako sa ilong. "Ma, akala ko ba hindi ito laruan? Ngayon parang 'Find the Bride: Limited Time Offer' na?" "Kapag hindi ka nakahanap ng mapapangasawa sa takdang araw, kami ng Papa mo ang magdedesisyon. Itutuloy ang proposal. Period." Tumango ako, mabigat sa loob. Pero lalaban ako. Sa sarili kong paraan. "Fine. Game tayo diyan." Pero sa isip-isip ko, "Two weeks? Kailangan ko ng plano… at posibleng kabaliwan." “Deal is a deal,” seryoso at mariing sabi sa akin ni Mama habang nakatitig sa aking mga mata. Wala nang puwang ang pagtutol. Tahimik akong tumango. Ayoko mang umalis, alam kong wala na akong magagawa. “Lumabas na po kayo... mag-iimpake na ako,” mahinang sambit ko, pilit na tinatago ang bigat ng nararamdaman. “Anong oras po ba ang flight natin?” “Immediately,” sagot niya nang walang alinlangan, puno ng determinasyon ang boses. “Pagkatapos mo diyan, aalis na tayo. Walang atrasan.” Makalipas ang ilang oras, ganap na kaming nasa himpapawid. Tahimik ang loob ng eroplano. Marahang umuusad ang oras habang tanaw ko mula sa salamin ang mga ulap na waring isang puting karagatan na walang hanggan. Sa mga ganitong sandali, mas nagiging malaya ang isipan kong maglakbay—sa mga tanong, alaala, at sa isang damdaming hindi ko inaasahang mararamdaman muli. "Saan ko siya hahanapin?" mahina kong tanong sa sarili, halos isang buntong-hininga. "Paano ako magsisimula sa isang paghahanap na wala man lang kongkreto o malinaw na direksyon?" Muli akong napatingin sa labas habang iniisip ang - "Dalawang linggo lang… kaya ko kayang hanapin ang babaeng magpapatibok sa aking puso?! saad ko sabay Tahimik ako. Ilang sandali pa, narinig ko ang anunsyo mula sa isa sa mga flight attendant. “Ladies and gentlemen, we will be landing shortly. Kindly fasten your seatbelts.” Tumango ako nang bahagya, kahit na ang isipan ko’y wala sa kasalukuyan. Ang pisikal kong katawan ay pauwi na, ngunit ang puso ko'y magsisimula pa lang sa isang paglalakbay—isang paghahanap sa isang taong hindi ko kilala. "Makalipas ang ilang minuto, nasa bungad na kami ng paliparan. Nandoon na ang susundo sa amin—isang pribadong sasakyan mula pa sa Vellamonte Village, ang lugar na pagmamay-ari ng aking mga magulang. Bata pa ako noong huli kong nasilayan ang tahanan namin doon. At ngayon, matapos ang napakaraming taon, muli akong babalik—hindi bilang isang musmos na walang muwang, kundi bilang isang taong may dala-dalang kasunduan , isang kasunduan na hindi ko dapat baliwalain. Habang nasa biyahe kami, hindi ko maiwasang mapatitig sa bintana ng sasakyan. Kitang-kita ko ang mga naglalakihang gusali at matatayog na mga building na halos lumamon na sa buong paligid. Napakarami na palang nagbago. Ang dating lugar na punong-puno ng luntiang tanawin at preskong hangin ay unti-unti nang nawala, napalitan ng sementadong kabihasnan. Wala na ang mga punong nagbibigay-lilim, ang mga bukirin at kabundukang dati kong minamasdan habang binabaybay ang daan patungong Vellamonte. Sa halip, mga konkretong istruktura at billboard na ang bumungad sa akin. Napabuntong-hininga ako. Sa kabila ng pag-unlad, tila may bahagi sa akin ang nawawala—ang simpleng katahimikan ng nakaraan na ngayon ay hindi ko na muling matatanaw. Hindi ko na namalayang narating na pala namin ang bungad ng aming tahanan—ang Vellamonte Village. Tahimik akong napatingin sa labas. Sa bawat pulgada ng lugar na ito, dama ko ang alaala ng aking kabataan. Ngunit ngayon, tila isang banyagang mundo na ito sa akin. Habang bumabagal ang takbo ng aming sasakyan, napansin ko ang mga residente sa paligid. Halata sa mga tingin nila ang pagkamangha. Ngayon lang marahil sila nakakita ng ganoong klase ng sasakyan—makintab, mamahalin, at may presensiyang hindi maikakaila. Ngunit sa kalagitnaan ng maayos na pagpasok, bigla na lamang may dalawang babae ang humarang sa dadaanan ng sasakyan. Wala silang kamalay-malay na may paparadang sasakyan. Abala sila sa tawanan at kwentuhan, wari'y sabik sa bagong pag-asang dala ng araw na iyon. Sila ay sina Lyka at Roxane, magkaibigan na parehong patungo sa Vellamonte upang mag-apply bilang katulong. Nang biglang bumusina ang sasakyan, napatigil ang dalawa at napatda. Napalingon sila, at sa isang iglap, nanlaki ang kanilang mga mata—hindi lang dahil sa sasakyan, kundi dahil sa mga taong sakay nito. Sa loob ng sasakyan, hindi naman naiwasang mapako ang tingin ni Dark Nathaniel sa isa sa mga babae. "Wow…" mahinang sambit niya, halos pabulong ngunit puno ng paghanga. "Napakaganda niya. Pilipinang-Pilipina." Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila nahinto ang oras sa kanyang paningin. Sa dami ng babaeng nakasalamuha niya sa Amerika, ngayon lang siya napatitig ng ganoon. May kung anong kakaiba sa babae—payak ngunit kaakit-akit, inosente ngunit malakas ang dating.Sa isipan ni Drick, unti-unting bumibigat ang katotohanang kahit anong pilit at kahit anong sakripisyo pa ang gawin niya, maaaring hindi na niya muling makita ang anak nila ni Lyka—ang munting sanggol na ngayon ay kilala na bilang Aleah Integrio. Sa bawat bayang puntahan niya, sa bawat pantalan na tanungin niya, iisa lamang ang sagot na paulit-ulit niyang naririnig: “Dinala na po sa Amerika ang bata.” “Sa USA na po siya lumaki.” “Pag-aari na po siya ng pamilyang Integrio.” Parang paulit-ulit na hinihiwa ang kanyang dibdib sa bawat salitang iyon. Nang tuluyan niyang matuklasan ang buong katotohanan—na dinala si Aleah sa USA upang ipagkasundo sa pamilyang Wulkman—parang gumuho ang mundo niya. Isang sanggol. Isang inosenteng bata. Ipinagpalit sa isang kasunduang hindi man lang nito naintindihan. Sa mga gabing nag-iisa siya sa mumurahing silid sa mga pantalan, hawak ang lumang panyo ni Lyka at ang munting kumot na minsang binalot kay Aleah, paulit-ulit niyang tinatanon
Makalipas pa ang ilang taon, tuluyan nang lumaki sina Roxiel at Clairox na may sapat nang kaalaman sa mundo. Hindi kailanman nagkulang si Lyka sa pag-aaruga sa kambal. Sa edad na sampu, sanay na silang gumawa ng halos lahat ng gawain sa isla. Si Roxiel ay likas na maliksi—ang bawat galaw ay tila isang batang sundalo na sinanay sa disiplina at bilis. Samantalang si Clairox naman ay tahimik at mapagmatyag; kapag ayaw niyang magpakita, para siyang aninong bigla na lamang nawawala sa paningin. Isang hapon, habang naglalaro sila sa tabing-ilog, may napansin silang maliit na bangkang palutang-lutang, unti-unting tinatangay ng mahinang agos. “MAMA!” malakas na sigaw ni Roxiel, sabay takbong nilapitan ang bangka. Paglapit niya, nanlaki ang mga mata niya sa nakita. May isang lalaking nakahandusay sa loob ng bangka—duguan ang balikat, basang-basa ang damit, at walang malay. “Papa…” mahinang bulong niya, saka biglang napasigaw, “PAPA!” Si Drick nga ang nasa bangkang pandagat. Agad
“Mama!” sabay na sigaw nina Roxiel at Clairox habang humahagibis ang kanilang maliliit na paa sa buhanginan. Limang taong gulang na ang kambal. Payat ang kanilang mga braso at binti, bakas ang hirap ng buhay sa isla. Mula nang dalhin sila roon ng barko ni Don Integrio, doon na sila lumaki—sa Isla Molave, malayo sa sibilisasyon. Ang suot nila’y mga lumang damit na paulit-ulit nang tinahi ni Lyka, at kung minsan, kapag wala nang masuot, mga dahong pinagdikit-dikit na lamang. “Mama! Mama!” hingal na hingal na tawag ni Roxiel. “May nakita kaming puno ng niyog sa banda ro’n!” dagdag ni Clairox, kumikinang ang mga mata sa tuwa. Agad na iniwan ni Lyka ang hinahawakan niyang lambat at mabilis na lumapit sa mga anak. Lumuhod siya at mahigpit silang niyakap, wari’y takot na takot pa ring mawala ang mga ito sa kanyang paningin. “Talaga ba?” mahinang tanong niya, pilit na ngumingiti kahit punô ng pag-aalala ang dibdib. “Ingat kayo sa paglalakad, ha? Huwag lalayo nang hindi ako kasama.”
Nagpatuloy ang paglalakad ni Drick sa makipot na kalsada ng D’Bridge, bitbit ang mabigat na sako sa kanyang balikat. Sa bayan na ito, kilala siya bilang si Bryan—isang tahimik na kargador sa pantalan, walang pamilya, walang nakaraan, walang tanong. Sa bawat hakbang, kasabay ng bigat ng kargamento ang bigat ng kanyang konsensya. Sa pantalan, abala ang mga tao. May mga barkong dumarating at umaalis, may sigawan ng mga tindero, may halakhakan ng mga mandaragat. Ngunit para kay Drick, tila napakalayo ng lahat. Para siyang multo sa gitna ng mga buhay—naroroon, ngunit walang tunay na umiiral. “Hoy, Bryan! Dito muna!” sigaw ng matandang tagapangasiwa. Tumigil siya at agad lumapit, ibinaba ang sako sa tabi ng mga kahon ng isda. “Dalhin mo ’to sa bodega sa dulo. Bilisan mo, parating na ang susunod na kargamento,” utos nito. “Opo,” maikli niyang sagot. Muli niyang inangat ang sako. Kumirot ang balikat at likod niya, ngunit hindi siya umimik. Mas sanay na siya sa sakit—pero mas mas
“Mga anak…” mahinang bulong ni Lyka sa magkapatid na kambal. Mahimbing na ang tulog ng mga ito, tinangay na ng matinding pagod matapos ang mahabang paglalakad sa buhanginan upang marating lamang ang kakahuyan sa isla na kanilang napadpadan. Madungis na ang mga bata—punô ng alikabok at putik—gayundin siya. Gusot ang buhok, nangingitim ang mga kamay at paa, bakas sa buong katawan ang hirap at takot na kanilang pinagdaanan. Dahan-dahan niyang hinaplos ang noo ng isa, saka napabuntong-hininga. “Nasaan na kaya ang ama ninyo… at ang bunso ninyong kapatid?” pabulong niyang tanong, nanginginig ang tinig. Nasa gilid sila ng lumang barkong sumadsad sa pampang. Tahimik ang paligid, tanging hampas ng alon at huni ng hangin ang maririnig. At sa gitna ng dilim, pinilit ni Lyka na pigilan ang pagluha, ayaw niyang magising ang kanyang mga anak—kahit ang puso niya’y halos durog na sa pag-aalala. Kailangan ko pang ilayo ang barko mula sa dagat para hindi ito muling tangayin ng alon… at para
“N-nagawa ko…” bulong ni Drick nang maramdaman niya ang malamig na hanging bumaba mula sa ibabaw papasok sa underground. “Nabuksan ko na… makakaalis na ako.” Napahinto siya sandali, saka napayuko. “Pero paano ang anak namin? Nasaan ko siya hahanapin?” Gumapang siya palabas sa makitid na lagusang gawa sa lupa. Ang sahig ay basa at may halong putik, at ang ilang bahagi ay may mga tapakang semento na unti-unting lumulubog sa bawat hakbang niya. Kahit pilitin niyang dahan-dahanin ang paglakad, patuloy pa rin siyang nababaon. Sa huli, nagpasya na lamang siyang bilisan ang galaw, umaasang makalalabas na siya bago pa siya tuluyang maipit. Pag-ahon niya, tumambad sa kanya ang isang maliit na bahay-kubo. “Ang bahay na ’to…” bulong niya. “Ito ang kubo ng mag-inang tumulong sa akin.” Madilim pa ang paligid; madaling-araw pa lamang. Habang pinagmamasdan niya ang paligid, hindi niya napansin ang isang bagay sa kanyang daraanan. Bigla siyang napatapilok. “Aaah!” sigaw niya. Pagtingin ni







