Share

59.

Author: Batino
last update Last Updated: 2025-08-03 13:08:18

Ngunit wala ni anino ni Mrs. Vellama ang lumabas para sigawan o pagalitan sila. Tahimik ang buong mansyon, tila nagtatago ang unos bago sumabog.

Nagmistulang aninong muli si Levie, hindi na niya kinaya ang bigat ng atmospera sa paligid. Napailing siya, punong-puno ng inis at selos. Para siyang batang naitsapwera sa sariling tahanan.

"Lagot kayo sa mom and dad ko! Isusumbong ko kayong lahat, lalo ka na, Roxane! Huhuhu!" bulalas niya habang binubuntong-hininga ang pagkabigo, sabay sakay sa kanyang mamahaling sasakyan. Kumalabog ang pinto, at maya-maya’y sumambulat na lamang sa kalsada ang tunog ng kanyang pagpapatakbo, kasabay ng mga luhang pigil niyang ilabas kanina pa.

Tinignan lang siya nina Roxane sabay baling kay Dark na nakatitig pa rin sa dalawa niyang tauhan si Drick na bodyguard niya at si Lyka na personal maid ng kanyang mama.

“Ngapala, Dark… pwede ba tayong mag-usap? Tayong dalawa lang,” kalmadong sabi ni Roxane, ngunit halatang may mabigat sa dibdib.

Napatingin si Dark
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Batino
hahahahaha
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Muntik nah sna,,, c levie prang bata isip
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   60.Ama Clinthon

    "Mama... kailan ba kayo babalik dito?" mahina at malungkot na tanong ni Levie habang nakatitig sa mga halamang nakapalamuti sa harden ng Villamonte, pilit pinipigil ang luha habang kausap ang ina sa kabilang linya. "Bakit anak? Anong nangyari? May problema ba?" agad na tanong ni Mrs. Sebastian, ang ina ni Levie, na kilala sa pagiging sobrang protective sa kanyang unica hija—ayaw na ayaw niyang nadadaanan ng kahit anong sakit o sama ng loob ito. Hindi na sumagot si Levie. Sa halip, bigla na lang siyang napaiyak, parang batang nawalan ng paboritong laruan. Humagulhol siya habang nagkukuwento ng sunod-sunod at sira-sirang salita ang lahat ng nangyari sa kanya—mula sa pagkasira ng tiwala niya, hanggang sa kasal na naudlot. "A-ano?! PAANO NANGYARI 'YAN? SIGURADO KA BA?! HINDI NA MATUTULOY ANG KASAL NIYA?!" sigaw ni Mrs. Sebastian, halos mabasag na ang eardrum ni Levie sa lakas ng boses ng ina sa kabilang linya. "Ma... huhuhu... oo... hindi na raw talaga... nasaktan ako, Mama..." sagot

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   59.

    Ngunit wala ni anino ni Mrs. Vellama ang lumabas para sigawan o pagalitan sila. Tahimik ang buong mansyon, tila nagtatago ang unos bago sumabog. Nagmistulang aninong muli si Levie, hindi na niya kinaya ang bigat ng atmospera sa paligid. Napailing siya, punong-puno ng inis at selos. Para siyang batang naitsapwera sa sariling tahanan. "Lagot kayo sa mom and dad ko! Isusumbong ko kayong lahat, lalo ka na, Roxane! Huhuhu!" bulalas niya habang binubuntong-hininga ang pagkabigo, sabay sakay sa kanyang mamahaling sasakyan. Kumalabog ang pinto, at maya-maya’y sumambulat na lamang sa kalsada ang tunog ng kanyang pagpapatakbo, kasabay ng mga luhang pigil niyang ilabas kanina pa. Tinignan lang siya nina Roxane sabay baling kay Dark na nakatitig pa rin sa dalawa niyang tauhan si Drick na bodyguard niya at si Lyka na personal maid ng kanyang mama. “Ngapala, Dark… pwede ba tayong mag-usap? Tayong dalawa lang,” kalmadong sabi ni Roxane, ngunit halatang may mabigat sa dibdib. Napatingin si Dark

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   58.

    "Kainis na matandang ‘yon!" mariing sambit ni Mrs. Vellama habang mariing pinipigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay. "Bakit niya ipinagbili ang hotel sa mababang halaga—at sa kapangalan pa talaga ng anak kong si D N?! Imbes na ibigay ito sa sarili niyang anak na si Nathaniel! Karapatan niya iyon!” May kirot sa dibdib niya—hindi lang dahil sa kayamanan, kundi dahil sa matagal nang lihim na tinatago ng pamilya. Lihim na tila unti-unting lumalabas, gaya ng lumang kasalanan na pilit itinatago sa ilalim ng alpombra. “Tita?!” gulat na singhal ni Levie. “Naririnig n’yo po ba ako?!” Bahagyang natauhan si Mrs. Vellama, kumurap-kurap at muling ibinaling ang tingin kay Levie. "A-ah, oo hija... naririnig kita," sagot niya, ngunit halatang lutang na. Wala na siyang gana makisali sa drama ni Levie—dahil may sarili na siyang problemang iniisip. “Huwag mo munang pansinin si Roxane!” malamig ngunit matalim ang boses ni Mrs. Vellama, parang blade na dumaan sa hangin. “Unahin mong hanap

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   57.

    Habang nasa byahe sina Dark, Roxane, at Drick, narinig ni Roxane ang mahinang pagkalam ng sikmura ni Dark. Pero bago 'yon kakain na muna kami para naman maylakas akong magtanong kay Dark mamaya."saad ng isip ni Roxane kahit nagdadalawang isip siya sa balak niyang gawin. “Tara, kain na tayo sasamahan na kitang kumain,” sabi niya sabay itinuro ang mga nakahilirang streetfood sa gilid ng kalsada. “Are you sure, honey?” alinlangang tanong ni Dark, tila hindi sanay sa ganitong simpleng eksena. "Anong pagkain ito? Masarap ba ito?" nagaalangan niyang tanong habang nakataas ang isang stick ng isaw, parang nahuhulog pa ang isa. "Oo! Masarap 'yan. Sabi mo ako ang bahala, 'di ba? O ‘eto na nga ‘yun, kumain ka ng marami!" nakangising sagot ni Roxane sabay abot pa ng isa pang stick. Para silang barkadang walang problema—walang kayamanan, walang kasal, walang D.N Hotel. Panandalian niyang nakalimutan ang bigat ng katotohanang tinatago niya. Habang si Drick naman, walang kaarte-arte, tu

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   56. Everyone VIP!

    Sila na ba ang mag-asawang VIP na hinihintay natin?" tanong ng isang staff sa D.N. Hotel, may halong kaba at excitement sa tinig. Tumango lamang ang pinakamataas sa kanila at agad ipinakilala ang bago nilang VIP customer. Si Chairman Rowen Clifford ay itinuturing na pinakamakapangyarihang tao sa buong Pilipinas. Bagamat may nakaupong presidente, siya ang tunay na nasa likod ng lahat ng desisyon sa gobyerno. Walang batas na naipapasa, walang proyekto na naipapatupad, at walang opisyal na naitatalaga kung hindi dumadaan sa kanyang basbas. Hindi siya madalas makita sa publiko—wala sa telebisyon, wala sa social media—pero ramdam ng lahat ang kanyang presensya. Isang presensyang tila nagpapabigat ng hangin sa tuwing siya'y dumarating. Tahimik ang kanyang kilos, pero lahat ng makapangyarihan ay yumuyuko sa kanya: mga senador, heneral, negosyante, at maging ang media. May mga nagsasabing siya ang dahilan kung bakit nananatiling tahimik ang bansa—hindi dahil sa kapayapaan, kundi sa ta

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   55.Mag asawang Clifford

    Hindi namamalayan ni Roxane, narating na pala niya ang labas at ngayon ay nasa harapan na siya mismo ng sasakyan ni Dark Nathaniel. Tahimik. Walang lumalabas mula sa loob. “Bakit parang ang tahimik?” tanong niya sa sarili, habang nakatitig sa tinted na salamin ng sasakyan. Maya-maya, klik! — bumukas ang pinto sa likuran. Walang salita, walang boses — parang tahimik na paanyaya lang na nagsasabing: "Pumasok ka na." Napalunok si Roxane. "Ito na naman… ‘yung pakiramdam na parang hinihila ako ng sitwasyon sa bagay na hindi ko pa rin maintindihan." Napatingin siya sa paligid, tila may inaasahang sagot mula sa hangin. Pero ang mas malakas ay ang ingay ng kanyang isipan — magulo, magulo. "Anong gagawin ko?!" sigaw ng utak niya. "Si Drick… ‘yung bodyguard ni Dark… siya ba? Siya ba talaga ‘yung lalaking napanaginipan ko? ‘Yung—‘yung kumuha sa pagkababae ko?!" Nanlaki ang mga mata niya. "Tapos ikinasal ako kay Dark — na parang isang trap na hindi ko mahanapan ng labasan! At

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status