Share

85.

Author: Batino
last update Last Updated: 2025-08-11 03:58:50

"Paano ko ba sasabihin ito kay Sir Dark..."

Napakamot-ulo na lang na sabi ni Drick, halatang nag-iisip ng matinding alibi. Paminsan-minsan ay napapalingon-lingon pa siya sa kinauupuan ni Roxane, na para bang umaasang bigla na lang itong mag-volunteer na siya na lang ang kakausap kay Dark — pero alam niyang imposibleng mangyari ‘yon.

"Wala kang choice, fafa Drick. Kailangan mong tawagan si Fafa Dark niya para pumayag siyang umuwi..."

Sabat naman ni Lyka habang nakahalukipkip pa at kunwari’y seryosong tumango-tango, na parang isa siyang royal adviser sa isang napaka-importanteng misyon.

Ngumiti nang nakakaloko si Drick bago sinabi, "Tama ka."

May bahid ng kapilyuhan sa tono niya, at bago pa man makapag-react si Roxane, mabilis na siyang tumayo at lumabas ng silid na parang sundalong handa sa isang delikadong operasyon.

Halos malaglag ang panga ni Roxane nang makita niyang lumabas si Drick.

"Hoy! Hoy! Hoy!" halos pasigaw na niyang sambit, pero huli na. Nakatakas na ito.

"
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   106.

    “Ayyyyyyyyyyy!" pigil , halos mapasigaw si Roxane sa biglaang pangyayari, parang kumawala sa bibig niya ang mga tunog na parang nahulog siya sa bangin ng hindi niya inaasahan. Napamulat ng todo si Dark, para bang nanalo siya sa jackpot ng lotto. “Hooooney…” nakangising aso habang nakatitig kay Roxane na parang hindi makapaniwala sa libreng eksena. Napasinghap din si Roxane, malaki pa ang pagkakadilat ng kanyang mga mata. Agad niyang hinila ang kanyang mukha pataas, pero huli na ang lahat—na-record na sa CCTV ng utak ni Dark ang buong pangyayari. Mabilis siyang niyakap ni Dark, ayaw paawat na parang may hawak na premyo. “Honey… ikaw aaah,” bulong nito malapit sa tenga niya, sabay gigil na ngiti. “May plano ka palang gahas*in ako, noh?” “Ha?! A-anong gahasah*n pinagsasabi mo d’yan! Na-nadulas lang akoooo!” halos malaglag ang boses ni Roxane, sabay hampas sa balikat ni Dark. “Ooohh, ganun pala, honey…” pasimpleng nakangisi si Dark. “Sana lagi ka nalang nadudulas… para lagi mo

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   105.

    Ahmmmm…”tumaas ang kilay ni Roxane nang makita kung sino ang nagsalita. Para bang biglang nanikip ang dbdib niya. “Bakit naman niya ipapagawa ang bahay namin, gayong malinaw sa aming dalawa na hindi naman talaga siya ang nakakuha sa akin? bulong niya sa sarili, ramdam ang halo-halong pagkabigla at inis. Matalim ang tingin niyang ibinagsak sa lalaki, wari’y sinusuri ang bawat galaw niya. “Ooiii… Drick?! Nandiyan ka pala!” Masiglang tawag ni Lyka, agad na sumilay ang tuwang-tuwang ngiti sa labi at kumislap ang mga mata nang masilayan ang gwapong mukha ng binata. “Anong ginagawa mo rito, Drick? At bakit mo pinagawa ang bahay namin?” tanong ni Roxane, bahagyang tumataas ang tono, halatang naguguluhan at may kaunting kaba sa tinig. “Ah…ee hindi, ako lang ang nagpagawa, pero budget ni Sir Dark,” sagot ni Drick, sabay kamot sa batok. Napayuko siya sandali, waring nahihiya habang pasimpleng sinulyapan si Roxane. Nakahinga nang maluwag si Roxane, pakiramdam niya’y unti-unting lumolu

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   104.

    “Pero… Master, paano si Rowen Clifford kapag nalaman niyang buhay ang anak niya? Baka bawiin niya sa inyo ang apo niyo?!” nanginginig at halos pabulong na tanong ni Beth, ramdam ang takot sa bawat salita. “Ahmmm! Wala pa sa isip ko ang bagay na ‘yan!” sagot ni Master Ama, bahagyang nagulat pero ramdam ang matinding determinasyon sa boses niya. “Hindi niya ako kaya, at hindi ko siya uurungan sa oras na malaman kong may balak si Rowen sa apo ko! Marami akong mga mata sa paligid, mga mata na hindi alam ng sino man—tanging ako lang ang may kakayahang malaman kung nasaan sila!” Tumigil siya sandali, ang titig ay malamig at matalim. “Kaya umalis ka na ngayon, Beth, at kunin ang apo ko sa mga kamay ng Villamonte!” utos niya, tila walang puwang para sa pagdadalawang-isip. “Paano mo nalaman na nasa pangangala ng mga Villamonte si Roxane?” gulat at pagkabigla ang bumalot kay Beth, halos hindi makapaniwala sa kanyang naririnig. “Una pa lang, nung nailigtas ko kayo sa D.N Hotel!” dagdag ni

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   103

    “Aaahghhh! Kainis, ang baho talaga—amoy nabubulok na basura! Kasing amoy mo ang nandito, Roxane!” sigaw ni Levie. Dahil sa labis na amoy, napa-walkout na lang siya, halatang nahirapan sa pang-amoy kaya mas ginusto nalang niyang umalis kisa harapin ang amoy na kinakain ni Roxane “Hahahahaha! Grabe naman iyon, kung makasabi ng mabaho, parang hindi kumakain ng mangga,” tawa ni Roxane, sabay tawa sa hangin at halatang nasasarapan pa rin sa lasa ng kanyang kinakain. “Ngapala, best… maaga ako aalis ngayon. Alam mo na, birthday ng kapatid ko ngayon,” bulong ni Lyka sa kanya, halatang nagmamadali ngunit may bahagyang ngiti at saya sa mga mata niya. “Aa, oo nga pala, nuh! Birthday pala ni Kyle ngayon. Ilang taon na siya ngayon?” tanong ni Roxane, habang sinisikap kontrolin ang excitement at pagkabigla. “Mag sampu na siya, best… Paano ba yan, maiiwan na kita rito? Kailangan ko na umalis,” paalam ni Lyka, halatang nag-aalangan at may halong saya sa tinig. Biglang nalungkot si Roxane, halat

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   102.

    Habang abala si Dark at ang kanyang ama sa kanilang masinsinang usapan," abala naman si Roxane sa paghahanap kay Lyka , ang bestfriend niya. Lyka! tawag ni Roxane habang naglalakad siya patungo sa silid ng mga katulong. Pagdating niya ro’n, walang tao o bakas ng katulong na galing doon kaya nagpasya siyang magtungo sa kusina. “Siguro nasa kusina si Lyka, makapunta na nga lang doon at nang makapaghiwa ng hilaw na mangga,” wika ni Roxane, bahagyang may pananabik pero may halong pagkayamot dahil sa gutom. Sa kanyang paglalakad, nasalubong niya ang dalawang yaya na kapitbahay lang nila dati—mga matalik na kaaway ng kanyang ina pagdating sa mga nagpapalaba sa kani-kanilang bahay. “Oi, bigtime ka na, aa, Roxane?! Anong ginawa mong panggagayuma kay Sir DN?! Baka gusto mo namang turuan kami para makabingwit din kami ng kasing yaman at kasing gwapo ni Sir Dark!” nakangising tanong ng dalawa, puno ng pang-aasar at pamimintas. “Ahmm… si Lyka, nasaan?” pilit na pag-iiba ni Roxane sa usa

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   101.

    “Mama… ano bang ginagawa niyo rito?! Bakit kayo nandito, paano niyo nalaman kung nasaan kami ng asawa ko?” takang tanong ni Dark sa kanyang ina, bakas sa mukha niya ang gulat at pagkairita. Napatingin siya saglit kay Levie na para bang may alam din sa nangyayari. “Naku, hindi niya pwedeng malaman na naglagay ako ng GPS tracker sa sasakyan nila… paano ko lulutasin ang tanong niya?” bulong ni Mrs. Vellama sa sarili, pilit na pinapakalma ang ekspresyon para hindi mahalata ang lihim. Pinipilit niyang ngumiti, ngunit sa ilalim ng kanyang ngiti ay may halong kaba. “Aba, syempre anak, may mga tao ako sa paligid na nagbabalita kung nasaan ka,” sagot niya, pilit na iniiba ang tingin. “Hindi ako pwedeng nakaupo lang habang ang babaeng ‘yan ay… ay pinupuno kana ng kasinungalingan sa buhay mo.” Magsasalita pa sana si Dark, ngunit napansin niyang tila may kakaibang anino sa kabilang kalsada—isang itim na van na hindi niya namamalayan kanina pa ito nakahinto. May maliit na logo sa gilid nito… pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status