LOGINHabang papalayo sina Drick at Lyka, hindi nila namalayang ang simpleng eksenang iyon ay parang batong inihagis sa tahimik na lawa—patuloy ang alon, palawak nang palawak ang epekto.
Sa loob ng laundry room, nagkumpulan ang mga kasamahan ni Lyka. May mga napapailing, may mga naiinggit, at may mga pilit binabago ang kuwento para mailigtas ang sarili sa kahihiyan. “Eh di… maaga lang pala nag-asawa,” pilit na katwiran ng isa. “Oo nga, hindi naman pala kabit,” sabat ng isa pa, pero may bahid ng pagkainis sa tinig. Ngunit walang makatingin nang diretso kay Aling Poring. Nanatili siyang nakatayo roon, nanginginig sa galit. Hindi lamang siya napahiya—nasira ang imaheng matagal niyang ipinagmamalaki. Sa unang pagkakataon, wala siyang naisagot. Dahil paano mo lalapastanganin ang isang babaeng may legal na asawa, may mga anak, at may lalaking handang humarap sa mundo para sa kanya? Sa kabila“Ilang oras na ang lumipas… bakit wala pa ring balita sa mga tauhan natin, asawa ko?” Basag ang boses ni Roxane habang mahigpit na nakahawak sa gilid ng kama. Pawis na pawis ang noo niya, at kahit pilit niyang magpakatatag, hindi maitago ang takot sa mga mata. Bawat segundo ay tila humahaba, bawat katahimikan ay parang nagbabadyang sakuna. Hinaplos ni Dark ang kanyang pisngi, pilit na ipinapasa ang lakas na siya mismo’y unti-unti nang nauubos. “Lalabas muna ako, mahal kong asawa. Titingnan ko ang lagay sa labas. Hahanapin ko mismo ang sagot,” mariing sabi niya, bakas ang determinasyon sa tinig. Tumayo siya at hinarap ang mga tauhan. Ang mga mata niya’y malamig, mabigat—iyong uri ng tingin na hindi maaaring suwayin. “Mga tauhan,” mariin niyang utos, “wag na wag ninyong iiwan ang Madam ninyo rito kahit sandali. Maliwanag ba?!” “YES, SIR!” sabay-sabay na sagot ng tatlong lalaki, tuwid ang tindig at handang ialay ang buhay kung kinakailangan. Naiwan sa silid si Roxane, ang m
“Saan ka pupunta, babae ka! Diba sinabi ko sa’yo na hindi ka pwedeng lumabas ng hospital?!” sigaw ng dalawang babae habang mariin nang hinawakan ang magkabilang braso ni Lyka. Walang paki kung nasasaktan siya, basta’t masunod ang utos. Napalingon si Lyka, nanlalabo ang mata sa gulat. “Ano bang problema niyo?! Bakit niyo ba ginagawa sa akin ito?!” singhal niya pabalik, sinusubukang bawiin ang sarili niyang lakas, pero tila mas malakas ang kapit ng dalawa kaysa sa boses niya. “Utos ito ni Aling Poring at ni Korason. Hindi namin sila pwedeng suwayin!” sagot ng isa, sabay kaladkad sa kanya papunta sa exit ng hospital. Hindi sa main door — kundi sa service exit, don sa likod, kung saan walang CCTV na umaabot, at ang mga nurse ay abala sa emergency ward. Habang hinihila siya, sumasabit ang paa niya sa sahig, ang tsinelas niya halos matanggal na. Ang ingay ng pagkaladkad, at ang sigaw ng protesta niya, pilit nilang tinatabunan sa pamamagitan ng pagmamadali. “Bitawan niyo ako! Ano ba,
Parang may kumalabit sa alaala ni Carolina nang sumuot sa ilong niya ang amoy ng silid. Hindi ito basta pabango lang—may bigat, may memorya. Isang halimuyak na matagal na niyang ibinaon, pero hindi kailanman nakalimutan. Citrus sa una… tapos jasmine… at may sandalwood sa dulo. Eksaktong-eksakto sa pabango ng taong matagal na niyang hinahanap. Humakbang siya palapit sa kama, at dahan-dahang hinaplos ang kumot na parang may sagot itong itatago. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi siya puwedeng magkamali… pamilyar ito. Masyadong pamilyar. “Sigurado ka bang ikaw ang naglinis sa silid na ito?!” Matalim pero kontrolado ang boses ni Carolina habang nakatingin kay Aling Poring—ang matandang katiwala na halos yumuko na sa bigat ng tensyon. Napatda ang matanda. “O-opo, Madam Carolina… ako po…” nanginginig ang sagot nito, ramdam ang kaba sa bawat salita. “At anong pabango ang in-spray mo rito kanina?” dagdag ni Carolina, bahagyang naningkit ang mga mata. Hindi galit
“Ma’am Lyka?!” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang tauhan ng Villamonte nang makilala niya ang babaeng muntik na niyang mabangga. Nanlaki ang mga mata niya, at nanigas ang buong katawan sa gulat. Shit… siya ‘yon! Mabilis siyang napalingon sa direksiyong tinakbuhan ni Lyka—wala na ito sa paningin. Humahalo ang kaba at pagkalito sa dibdib niya. Hahabulin ko ba siya? O ipapaalam ko muna sa kanila? Nasaan na ba ang earpiece ko?! Kinapkapan niya ang tainga at bulsa, ngunit wala—parang naglaho. “Shit! Nalaglag pa ata!” tarantang bulong niya sa sarili, bakas ang pagkainis at panic sa mukha. Habang abala siya sa paghahanap, muntik na naman siyang mabangga—ngayong pagkakataon ay dalawang babaeng hingal na hingal na tumatakbo palabas ng Quma Hospital. Napaatras siya ng bahagya, ngunit hindi na niya pinansin. Mas mabigat ang impormasyong hawak niya kaysa sa anumang banggaan. Mabilis siyang umayos ng sarili at deretsong nagtungo sa VIP Room ng mag-asawang Villamonte. Sa bawat hakban
“Korason… bakit? Anong problema?” tanong ni Aling Poring, hawak-hawak ang apron niya habang bahagyang nagtataka, ang noo’y nagkukulot sa pag-aalala sa kanyang anak. “Uhmmm… Ikaw ba ang naglinis sa VIP ROOM na tinuluyan ng mga VIP?!” tanong ni Korason, ang boses niya’y may halong pagkabigla at pagka-alarma. Tumayo siya, at ang mga mata niya ay parang sinusulyapan ang bawat galaw ng anak. “Hindi, anak… bakit? May problema ba? May nagawa bang mali ang bwisit na Lyka na yon? Sabihin mo na, at ako na ang magpaparusa sa kanya!” galit na saad niya, halatang nanginginig sa pagkairita habang pinipilit kontrolin ang emosyon. “Uhmmmm… inay, ikaw nalang ang umamin na naglinis sa silid na yon. Mukhang nagustuhan nila ang perfume ng kwarto nila,” bungad ni Korason, may bahagyang ngiti sa gilid ng labi na tila may sikreto. “Talaga?!” gulat na sagot ni Aling Poring, biglang napatingala at ang mga kamay ay muntik nang bumagsak sa dibdib sa sobrang gulat. “Oo, inay. Kaya tara na… baka may gan
Agad silang sinalubong ng mga pinakamataas na doktor ng Quman Hospital. Maayos ang pila, tuwid ang mga likod, at halos sabay-sabay ang pagyuko bilang paggalang. Ang Chairman mismo ay nagpakita na hindi naman niya gawain sa iba na may pilit na ngiting nakadikit sa labi—isang ngiting sanay humarap sa kapangyarihan. “Mrs. Villamonte, Mr. Villamonte,” magalang na bati ng head doctor. “Hinihintay na po namin kayo. Handa na rin po ang VIP floor.” Habang naglalakad ang grupo, hindi maiwasang mapatingin ang ilan sa mga staff—may paghanga, may inggit, at may lihim na pagkamangha. Ang mga mamahaling relo, ang mga bodyguard na tila anino kung sumunod, ang katahimikan na sumusunod sa bawat hakbang nila—lahat iyon ay paalala ng yaman at impluwensiyang bihirang masilayan. “Grabe…” pabulong na sambit ng isang nurse. “Isang gabi lang nila, katumbas na ng buong taon nating sahod,” sagot ng isa pa, hindi maitatanggi ang paghanga sa boses. Ngunit si Roxane ay tila wala nang pakialam sa mg







