MasukSeryoso ka, ’yan talaga ang itatanong mo sa akin?! kung may dalaw ako?!Unang linggo ng buwan nag-means na ako, Drick. Katapusan na ng buwan ngayon. Kung may means ako, dapat kanina pa sumasakit ang puson ko!Pero… parang na-virgin talaga ako, Drick… may dugo—oh ,tignan mo ...oh my God!Hindi kaya *virgin pa talaga ako bago nangyari ’yon?!Takang-takang nagsasalubong ang kilay ni Lyka habang mabilis ang paghinga, hawak ang tiyan na para bang hinihintay nitong umangal.Si Drick naman, nanlaki ang mata, napaatras ng kalahating hakbang na parang binatukan ng invisible na tanong.Sabay pa silang napatingin sa kambal—na payapang natutulog, walang kaalam-alam sa existential crisis ng mga magulang nila.“Kung… kung gano’n?!” halos mabulol si Drick, nagkakamot ng ulo. “Ibig sabihin… hindi ko anak ang kambal na ’yan?! At… at maging ako man, hindi ko na rin alam?!”Napasapo si Lyka sa bibig niya, nangingilid ang luha pero halatang naguguluhan. “Drick, physics ba ’to o magic? Kasi kung magic, wa
Niyakap ko si Drick nang mas mahigpit, halos mawalan ako ng hininga habang nagtatagpo ang aming mga labi. Parang huminto ang mundo—tanging tibok ng puso ko at ang init ng katawan niya ang naririnig at nararamdaman ko. Grabe… bakit ganito? Para akong lulutang at malulunod sa iisang sandali, sabay. Mag-asawa na kami, kaya bakit ganito pa rin ang tama? Bakit parang ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong kilig—yung tipong nanginginig ang tuhod ko at nanlalambot ang mga daliri ko? Bulong-bulong ko iyon sa isip habang dahan-dahang bumababa ang halik niya, mula sa labi ko pababa sa leeg, nag-iiwan ng init na gumuguhit sa balat ko. Napapikit ako, kusa akong napayakap sa kanya nang mas mahigpit, parang takot akong bumitaw at mawala ang sandaling ito. May hiya, may takot, pero mas nangingibabaw ang lambing—yung pakiramdam na pinipili ako, hinahawakan ako nang may pag-iingat at pagnanasa. Sa bawat haplos, mas lalo kong nararamdaman kung gaano kami kalapit, kung paanong sa gitna ng lahat,
“Sandali—” hingal na hingal si Lyka habang mahigpit na yakap ang bag na naglalaman ng mga gamit ng kambal. Ang mga gamit na 'yon ay kasamang itinapon ng mga kasamahan nila sa trabaho, dahil kahit papaano naawa sila ng kaunti sa kambal. Nanginginig ang mga tuhod niya, ngunit pinilit niyang tumakbo nang marinig ang malakas na clang ng nagsasarang gate. “Lyka, huwag kang lilingon!” mariing utos ni Drick, mas hinigpitan ang pagkakakarga kina Clairox at Roxiel na muling umiyak, tila ramdam ang panganib. Tumunog ang alarma. Umiilaw ang pulang ilaw sa itaas ng gate. “Isa… dalawa… tatlo…” pabulong ngunit nanginginig ang tinig ni Lyka habang pilit niyang isinisiksik ang sarili sa papaliit na pagitan ng gate. Kumayod ang balat niya sa malamig na bakal, ngunit hindi niya inalintana ang sakit. Sa isang huling pilit—nakalusot siya. “Takbo!” sigaw ni Drick. Walang lingon-lingon, nagtakbuhan sila palayo sa QUMAN Hospital, hingal, pawis, at takot ang tanging baon. Humahabol ang tunog ng
“Ilang oras na ang lumipas… bakit wala pa ring balita sa mga tauhan natin, asawa ko?” Basag ang boses ni Roxane habang mahigpit na nakahawak sa gilid ng kama. Pawis na pawis ang noo niya, at kahit pilit niyang magpakatatag, hindi maitago ang takot sa mga mata. Bawat segundo ay tila humahaba, bawat katahimikan ay parang nagbabadyang sakuna. Hinaplos ni Dark ang kanyang pisngi, pilit na ipinapasa ang lakas na siya mismo’y unti-unti nang nauubos. “Lalabas muna ako, mahal kong asawa. Titingnan ko ang lagay sa labas. Hahanapin ko mismo ang sagot,” mariing sabi niya, bakas ang determinasyon sa tinig. Tumayo siya at hinarap ang mga tauhan. Ang mga mata niya’y malamig, mabigat—iyong uri ng tingin na hindi maaaring suwayin. “Mga tauhan,” mariin niyang utos, “wag na wag ninyong iiwan ang Madam ninyo rito kahit sandali. Maliwanag ba?!” “YES, SIR!” sabay-sabay na sagot ng tatlong lalaki, tuwid ang tindig at handang ialay ang buhay kung kinakailangan. Naiwan sa silid si Roxane, ang m
“Saan ka pupunta, babae ka! Diba sinabi ko sa’yo na hindi ka pwedeng lumabas ng hospital?!” sigaw ng dalawang babae habang mariin nang hinawakan ang magkabilang braso ni Lyka. Walang paki kung nasasaktan siya, basta’t masunod ang utos. Napalingon si Lyka, nanlalabo ang mata sa gulat. “Ano bang problema niyo?! Bakit niyo ba ginagawa sa akin ito?!” singhal niya pabalik, sinusubukang bawiin ang sarili niyang lakas, pero tila mas malakas ang kapit ng dalawa kaysa sa boses niya. “Utos ito ni Aling Poring at ni Korason. Hindi namin sila pwedeng suwayin!” sagot ng isa, sabay kaladkad sa kanya papunta sa exit ng hospital. Hindi sa main door — kundi sa service exit, don sa likod, kung saan walang CCTV na umaabot, at ang mga nurse ay abala sa emergency ward. Habang hinihila siya, sumasabit ang paa niya sa sahig, ang tsinelas niya halos matanggal na. Ang ingay ng pagkaladkad, at ang sigaw ng protesta niya, pilit nilang tinatabunan sa pamamagitan ng pagmamadali. “Bitawan niyo ako! Ano ba,
Parang may kumalabit sa alaala ni Carolina nang sumuot sa ilong niya ang amoy ng silid. Hindi ito basta pabango lang—may bigat, may memorya. Isang halimuyak na matagal na niyang ibinaon, pero hindi kailanman nakalimutan. Citrus sa una… tapos jasmine… at may sandalwood sa dulo. Eksaktong-eksakto sa pabango ng taong matagal na niyang hinahanap. Humakbang siya palapit sa kama, at dahan-dahang hinaplos ang kumot na parang may sagot itong itatago. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi siya puwedeng magkamali… pamilyar ito. Masyadong pamilyar. “Sigurado ka bang ikaw ang naglinis sa silid na ito?!” Matalim pero kontrolado ang boses ni Carolina habang nakatingin kay Aling Poring—ang matandang katiwala na halos yumuko na sa bigat ng tensyon. Napatda ang matanda. “O-opo, Madam Carolina… ako po…” nanginginig ang sagot nito, ramdam ang kaba sa bawat salita. “At anong pabango ang in-spray mo rito kanina?” dagdag ni Carolina, bahagyang naningkit ang mga mata. Hindi galit







