Share

Chapter 0005.1

“Ingatan mo ang sarili mo…” sabi ni Lucas sa kaniya at bago nito tuluyang ibaba ang telepono.

“Sige salamat.” sagot niya rito kahit na hindi niya alam kung narinig ba siya nito.

Kahit na mahina lamang ang tinig ni Trisha sa background ay rinig na rinig niya ang binanggit nitong candlelight dinner. Sa kanilang ikalawang anibersaryo ay nakipag- candlelight dinner ito sa iba. Napakasaklap ng kalagayan niya kung tutuusin dahil totoo ngang nagbalik na ang babaeng minahal nito kahit na napakahirap niyang paniwalaan ang bagay na iyon pero iyon ang totoo.

At ang katotohang iyon ang sumampal at gumising sa kaniya sa ginawa niyang pantasya niya. Wala na siyang kailangang sabihin pa dahil sa loob ng dalawang taon ay wala pa rin siyang panama kay Trisha. Bakit nga ba kasi iniisip niya na pipiliin siya ni Lucas? Kapag ba sinabi niya rito na buntis siya?

Bigla siyang nakaramdam ng tuwa dahil sa hindi niya sinabi rito ang tungkol sa pagbubuntis niya kung hindi ay pinahiya niya siguro ang sarili niya sa harap nito. Magmumukha lang siyang katawa- tawa. Ngunit ganun pa man ay hindi niya pa rin maiwasan ang hindi makaramdam ng kirot sa puso niya. Ilang beses siyang huminga ng malalim upang kalmahin ang kaniyang sarili.

Ngayong nakikita na niya na wala na talagang pag- asa ang kanilang pagsasama ay wala siyang ibang gagawin kundi ang tanggapin na lamang ang katotohanan. 

Pagkatapos mag- isip ng kung ano- ano ay napagdesisyunan na lamang niyang maligo upang kahit papano ay mahimasmasan siya bago siya matulog. Pagkatapos nga niyang maligo ay nahiga siya sa kama. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagpaikot- ikot siya doon. Gusto na niyang matulog upang kahit papano ay mapahinga naman hindi lang ang katawan niya kundi pati ang isip niya nang bigla na lamang nag- ring ang telepono.

Sino na naman kaya ang tumatawag? Si Lucas na naman kaya? Hindi niya napigilang tanungin sa isip niya.

“Si Lucas lasing na lasing siya at hindi namin mapigilan. Pumunta ka rito at iuwi mo siya.” tinig iyon ni Tristan.

Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Annie nang marinig ang sinabi ni Tristan, hindi ba at sinabi nito sa kaniya kanina na hindi ito uuwi? At isa pa ay hindi ba at kasama nito si Trisha kaya bakit ito nakipag- inuman kay Tristan? Nag- away kaya sila ni Trisha? Balak na sana niyang magtanong muli nang marinig niya ulit ang tinig ni Tristan.

“Medyo malapit ko na siyang iwanan rito. Pwede bang ipasundo mo na lang siya kung hindi mo siya masundo?” sabi nito at mabilis na pinatay ang tawag kahit na hindi pa man siya nakakasagot rito.

Mabilis niyang idinial ulit ang numero ni Tristan ngunit hindi na niya ito matawagan, marahil na lowbat na ang cellphone nito. Pinigilan niya ang sariling makaramdam ng pagkatamad na bumangon at dali- dali siyang tumayo mula doon at nagpalit ng damit. Pagkatapos niyang magbihis ay mabilis siyang bumaba upang ayain ang kanilang driver na puntahan nila si Lucas sa bar kung saan ito madalas na nagpupunta.

Nang makarating siya doon ay tahimik na ang buong paligid at mukhang nag- uwian na ang lahat ng tao doon. Pagkapasok niya ay kaagad niyang nakita ito na nakahiga sa isang sofa kaya kaagad niya itong nilapitan. Malayo pa lamang siya ay nakita na niya aagad na nakatulog na ito sa labis na kalasingan at habang nakapikit ito ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mapatitig sa gwapong mukha nito, na katulad pa rin noong una niya itong makita.

Nakahiga ito habang ang mga paa ay naka- crossed. Maging sa pagtulog nito ay mukha pa rin itong kagalang- galang kahit na sobrang lasing na lasing ito.

Nang makalapit siya rito ay pinigilan niya ang sariling hindi maduwal dahil sa amoy ng alak. Bigla niya tuloy naisip na baka iyon ay dahil na sa paglilihi niya. Kaagad naman na lumapit sa kanila si Tristan. Agad niya itong nilingon.

“Bakit lasing na lasing siya? Ang sabi niya sa akin ay hindi siya uuwi at narinig ko sa telepono na may usapan sila ni Trisha na magca- candlelight dinner silang dalawa.” sabi niya rito at ibinalik muli ang tingin kay Lucas.

“Ganyan talaga ang nagagawa ng pagmamahal, alam mo ba iyon?” makahulugang tanong nito sa kaniya na muli niyang ikinalingon rito. “Alam mong may balak siyang makipagdate kay Trisha pero hindi mo man lang siya pinigilan at hinayaan mo na lang siya. Hindi ka man lang tumutol.” dagdag pa nito.

Napakuyom ang mga kamay ni Annie sa kaniyang narinig. Wala siya sa lugar para pigilan ito sa ikasasaya nito at isa pa ay bakit niya ito pipigilan? Susunod ba ito sa kaniya kapag sinabi niya na hindi pwede? Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay mahinahong sumagot.

“Nag- usap na kami tungkol sa paghihiwalay namin. Wala pa ang divorce certificate pero dahil nag- usap na kami ay malaya na siyang gawin ang lahat ng gusto niya, wala na akong karapatan na pakialaman pa ang mga desisyon at gusto niya.” 

“What?” tanong nito. Nilingon siya nito. “Masyado ka naman mapagbigay Annie.” sabi nito na may halong panunuya ang tinig. “Annie may konsensiya ka pa ba? Hindi mo ba naisip kung paano ka niya itrinato at pinakisamahan sa loob ng dalawang taon? Wala ka bang pinanghahawakan man lang? Hindi ka man lang ba nanghihinayang sa pinagsamahan ninyo?” sunod- sunod na tanong nito ngunit hindi niya nagawang sumagot.

“Kapag sinabi niyang maghiwalay kayo makikipaghiwalay ka na kaagad hindi ka man lang tumutol o kumontra man lang sa sinabi niya. Hindi mo man lang ba siya pipigilan na makipaghiwalay sayo?” dagdag pa nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status