Share

Chapter 0004

last update Last Updated: 2024-04-16 13:02:44

Ilang sandali pa nga pagkatapos nilang mag- usap ni Lucas sa telepono ay kaagad na dumating sa kanilang bahay si Kian. Agad nitong inabot sa kaniya ang regalong sinabi nito kaninang magkausap sila sa telepono.

Regalo? Muli niyang naitanong sa kaniyang isip habang nakatitig sa hawak niya. Naghanda siya ng isang regalo niya na ilang araw niyang pinag- isipan kaya nga lang ang nakakalungkot ay hindi nito ito gusto. Aalis na sana si Kian pagkatapos na pagkatapos nitong maibigay sa kaniya ang regalo ni Lucas nang pigilan niya ito.

Hinila niya ito hanggang sa kusina at pagkatapos ay binuksan niya ang ref at maingat na inilabas doon ang cake.

“Ako mismo ang gumawa nitong cake at gutso kong tulungan mo ako at dalhin natin ito sa kaniya.” sabi niya kay Kian na bahagyang natigilan dahil sa sinabi niya.

Biglang naalala ni Kian ang mga salita na sinabi sa kaniya kanina ng kaniyang boss na si Lucas.

“Kung sabihin niya na dalhan mo ako ng cake ay tumanggi ka.” bilin nito sa kaniya kanina.

Napatingin siya kay Annie at hindi niya alam kung tama ba na sabihin niya rito ang mga ibinilin sa kaniya ng kaniyang boss. Ilang minuto siyang nag- isip at nagdadalawang isip ngunit pinili niya pa rin na sabihin rito ang totoo.

“Sinabi ni Mr. Montenegro na hindi siya mahilig sa matamis. Alam niyang mahilig ka raw sa matamis kaya hiniling niya na ikaw na lamang raw ang kumain.” sabi nito.

Naikuyom ni Annie ang kaniyang mga kamay nang marinig niya ang sinabi nito at halos manghina ang kaniyang mga tuhod. Hindi na siya nagmatigas pa sa tauhan ni Lucas na si Kia at hindi na niya ipinagpilitan pa ang gusto niya.

Pagkaalis nito ay dinala niya ang cake sa silid niya ngunit nang nasa pinto na siya ng silid ay bigla na lamang siyang nadulas dahilan na maibagsak niya ang cake. Mabuti na lamang at hindi siya napano at dahil napasubsob lamang siya sa sahig at naitukod niya ang dalawa niyang kamay. Dahil sa nangyari ay bigla na lamang tumulong muli ang kaniyang mga luha. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Noon pa man ay alam na niyang hindi gusto ni Lucas ng cream o kahit na anumang cake na matamis kaya siya ang gumawa ng cake na iyon mag- isa at sinadya niya iyong tinabangan. Kaunti lang ang inilagay niyang gatas at talagang hindi matamis. Wala rin itong cream at pawang cake base lamang. Ni hindi man lang nito ginustong sumubok tumikim ng kahit isang kagat lamang.

Binuksan niya ang cake at mapait na ngumiti habang nakatitig rito. Umupo siya ng maayos at malungkot na gumuhit ng pamilya ng tatlo gamit ang kaniyang kamay at pagkatapos ay bigla siyang ngumiti na tila ba isang baliw. Pagkalipas lamang ng ilang sandali ay bigla na lamang niyang inabot ang cake at kumagat rito.

Ibinaba niya ang kaniyang ulo sa cake at hindi na niya inisip pa kung ano ang istura niya habang kumakain ng cake at kinain niya ito sa ubod ng kaniyang makakaya, kahit na mukha na siyang baliw.

Napakalaki ng cake na iyon kung tutuusin at hindi niya akalain na makakalahati niya ito at sa puntong iyon ay bigla siyang nakaramdam na tila ba masusuka siya kaya binitawan niya ito at tumakbo sa banyo upang sumuka.

Pagkatapos niyang magsuka ay pinulot niya ulit ang cake at nagsimula na namang kumain. Hindi niya napigilan na hindi mapaiyak, kumakain siya habang umiiyak. Ang alat at lasa ng cake ay naghalo na at hindi na niya mawari kung ano ang lasa ng kinakain niya dahil ang alam lang niya ay kailangan niyang ubusin ang cake.

Hindi siya nakuntento hanggang hindi niya naubos ang buong cake ngunit pagkatapos siya ay nagsuka at nagtae sa banyo dahil ang kaniyang tiyan ay sumakit at dumagdag ang pagkahilo at panghihina ng kaniyang katawan.

Walang sinuman sa mundo bukod sa kaniyang ina ang nakakalam na siya ay allergic sa mga itlog kaya tuwing birthday niya ay lagi lang siyang kumakain ng cream at hindi cake. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi lang basta cake ang kinain niya dahil buong cake iyon. Sinabi niya sa kaniyang sarili na iyon na ang huling araw na magiging t*nga siya at magiging baliw para kay Lucas.

Pagkatapos niyang magsuka ay napaluha na lamang siya, pero para hindi siya marinig ng ibang tao ay tinakpan niya ang kaniyang labi gamit ang kaniyang mga kamay upang walang lumabas mula sa kaniyang bibig na kahit anumang ingay.

“Baby pasensiya kana. Hindi napigilan ni Mommy si Daddy…” bulong niya rito na tila ba naririnig siya nito. “Hindi mahal ni Daddy si Mommy dahil may mahal siyang iba, pero umaasa si Mommy na magkakaayos pa kami ng Daddy mo pero hindi naman ako pwedeng maging makasarili anak.” napasinghot siya. 

“Anak kailangan mong maging malakas. Kaya kang palakihin ni Mommy ng mag- isa.” sabi niya rito at marahang hinaplos ang kanyang tiyan.

Nagitla siya nang bigla na lamang nag- ring ang kanyang cellphone kaya bigla na lamang siyang lumabas mula sa banyo at mabilis na pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata. Huminga siya ng malalim upang maging kalmado na ang pakiramdam niya bago niya iyon sinagot.

“Hello.” tahimik siyang sumagot at pilit na pinakaswal ang kaniyang tinig.

“Natanggap mo ba ang regalo? Nagustuhan mo ba?” excited na tanong nito sa kaniya.

“Well, nagustuhan ko. Salamat.” pagsisinungaling niya kahit na sa totoo lang ay kapupulot niya lamang ang box at binuksan iyon. Isang kulay pulang mga hikaw ang nasa loob at hindi ang ipinangako nitong jasper na hikaw. Ano kayang naging problema sa regalo nito?

“Bagay na bagay iyon sayo lalo na at maputi ka.” sabi nito at ilang sandaling hindi ito nagsalita, akala nga niya ay pinatay na nito ang tawag ngunit bigla na lamang niyang narinig mula nag tinig nito. “Hindi na ako uuwi diyan ngayong gabi.” sabi nito.

“Honey sinabi mo na ba sa kaniya? Halika na, nakahanda na ang ating candlelight dinner…” sabi ng isang malambing na tinig sa background nito. Alam niya na kaagad kung sino iyon, si Trisha.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Sexylove
alis na jan girl
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang sakit naman lumayo kana lang annie
goodnovel comment avatar
Nerissa Garcia
Ganda Ng storya..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   EPILOGUE

    Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 163

    Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 162.4

    Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 162.3

    “Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 162.2

    Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya

  • ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO   Chapter 162.1

    “Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status