Mabilis na bumangon si Lucas nang marinig niya ang sinabi nito at agad na kinuha mula sa kaniya ang cellphone. Umalis ito sa kama at pagkatapos ay lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina. Nanatili siyang nakahiga sa kama at pinanuod lamang ito. Ilang minuto itong nakipag- usap kay Trisha at medyo malayo si Lucas sa kanya kaya hindi niya marinig ang pinag- uusapan ng mga ito.
Tanging ang ekspresyon lamang nito ang kanyang nakikita. Pagkatapos nitong tapusin ang tawag ay lumapit sa kaniya si Lucas. Tiningnan niya ito na nakataas ang kilay.
“Hindi ko sinasadyang masagot ang tawag ni Trisha. Hindi ba siya nagalit?” tanong niya rito.
“Hindi naman. Ipinaliwanag ko sa kaniya kung bakit,” huminto ito at pagkatapos ay sumulyap sa kaniya. “At sinabi ko na mag- asawa tayo kaya normal lang na sa iisang kama tayo matulog.” sabi nito.
“Yeah.” sarkistong sagot niya at pagkatapos ay tumango na lamang.
Nang akmang tatayo na sana siya mula sa kama ay bigla na lamang lumapit sa kaniya si Lucas at napatitig sa kanyang mukha.
“Anong nangyari sa mukha mo?” nakakunot ang noong tanong nito kaya dali- dali siyang tumayo at nagtatakbong nagtungo sa harap ng salamin upang tingnan ang kanyang mukha.
Nakita niya ang mapupulang butlig sa kanyang mukha at hindi lang sa kanyang mukha kundi maging sa kanyang braso, binti at sa buong katawan niya. Nasisiguro niyang dahil iyon sa allergy niya sa mga itlog na nasa cake kahapon na kinain niya.
“May allergy kasi ako at uminom na ako ng gamot kahapon. Ilang araw lang ay gagaling din ito kaagad.” sabi niya rito.
“Okay ka lang ba talaga?” tanong nitong muli sa kaniya.
“Magbibihis na ako at kakapalan ko na lang ang make- up ko para hindi mapansin ang mga ito. Kailangan na nating pumunta kay Lolo para sabihin sa kaniya ang tungkol sa paghihiwalay natin.” sabi niya rito dahil alam niya namang hindi na ito makapaghintay na makapag- file sila ng divorce.
Dahil alam niya rin naman na wala ng pag- asa pa na magbago ang isip nito ay hindi niya isisiksik pa ang sarili niya rito dahil alam niya na magmumukha lang siyang kawawa. Kahit papano ay gusto niya naman na bigyan pa rin ng katiting na dignidad ang kanyang sarili kahit papano.
“Hindi na muna tayo pupunta doon at pumunta na muna tayo sa ospital para ma-check up ka.” sabi nito sa kaniya na bahagya niyang ikinagulat.
“Sinabi mo na kay Lolo?” tanong niya rito na ikinailing naman nito.
Tumitig ito sa kaniya. “Hindi maganda ang lagay ni Lolo ngayon at sa isang linggo ay gaganapin ang ika- walumpung kaarawan niya.” bumuntung- hininga ito. “Una pa lang ay alam mo ng gustong- gusto ka na ni Lolo at natitiyak ko na kapag sinabi mo ngayon ang tungkol sa paghihiwalay natin ay tiyak na hindi ito magiging masaya sa kaarawan nito. Hintayin na lang natin na matapos ang kanyang kaarawan pagkatapos ay tyaka natin ito banggitin sa kaniya.” mahabang sabi nito na ikinatango niya.
“Sige.” sagot niya dahil kung iisipin ay tama naman talaga ito.
“Sa lahat ng miyembro ng pamilya ninyo ay siya lang ang pinakamaganda ang pakikitungo sa akin. Gusto ko rin naman na maging masaya siya sa kanyang kaarawan.” sabi niya.
Biglang napakunot ang noo ni Lucas sa sinabi niya. “Ibig sabihin masama ang pakikitungo ko sayo?” tanong nito.
Hindi siya sumagot. Pagkamatay ng kanyang ina ay ang Lolo ni Lucas ang nagdala sa kaniya sa pamilya Montenegro at buong puso siyang tinanggap at itinuring na isnag tunay na apo. Kung hindi siya dinala nito roon ay hindi niya alam kung ano ang buhay niya ngayon.
Nagbuga siya ng hangin. “Huwag kang mag- alala, pagkatapos na pagkatapos lang ng birthday ni Lolo ay sasabihin ko na sa kaniya ang paghihiwalay natin.” sabi niya dahil baka mamaya ay isipin nito na ginagamit niya ang kaarawan ng Lolo nito para hindi sila kaagad makapaghiwalay.
“Mukhang mas atat ka pang hiwalayan ako kaysa sa akin ah?” sabi nito na nakatawa. “Naiinip ka na ba na makitang muli ang taong pinakamamahal mo?” tanong nito na ikinairap niya lang at pinili na lamang na hindi sagutin ito at tumayo sa kama at umalis doon.
Samantala ay naiwan naman si Lucas doon na nakasunod lamang ng tingin sa kaniya habang hindi mawari kung ano ba ang nararamdaman niya dahil bahagya siyang nakaramdam ng tila ba pagkurot ng puso niya.
…
Pagkatapos lang nilang mag-almusal ay kaagad na siyang inaya ni Lucas na pumunta sa opsital at hindi niya nagawang tanggihan ito dahil sapilitan siya nitong pinagbihis. Pagkarating nila sa ospital ay kaagad siyang dinala nito sa opisina ng isnag doktor. Nakaupo siya sa harap ng doktor habang si Lucas naman ay nakatayo sa kanyang tabi.
Akala niya ay maghihintay na lamang ito sa labas ngunit sinamahan talaga siya nito hanggang sa loob at hindi niya maiwasan na hindi kabahan.
“Alam mo ba kung ano- ano ang dahilan ng allergy mo?” tanong ng doktor sa kaniya.
“Alam ko po.” sagot niya rito.
“Alam mo naman pala pero bakit kinain mo pa rin? Dapat hindi mo na lang kinain dahil ikaw rin naman ang mahihirapan.” napabuntung-hininga. “Uminom ka na ba ng gamot?” biglang tanong nito sa kaniya.
Medyo nag- alangan pa siya na sagutin ito ng mga oras na iyon dahil alam niya na nakikinig si Lucas ngunit wala siyang pagpipilian kundi ang magsabi rito ng totoo. Umiling siya at sabay sabing, “hindi pa po.”
Muli itong napabuntung- hininga. “Bibigyan na muna kita ng gamot pwede mong inumin ito sa bahay niyo at para makita kung epektibo ba ito sayo. Kung sakaling walang pagbabago sa mga butlig mo ay bumalik ka kaagad rito para ma-inject na lang.” sabi nito at pagkatapos ay tumayo na ito upang kumuha ng gamot samantalang siya naman ay palihim na napahawak sa kanyang tiyan.
Hindi niya maiwasan na hindi mag- alala sa gamot na ibibigay nito sa kaniya dahil kailangan niya itong inumin at hindi niya alam kung may magiging epekto ba ito sa kanyang dinadala. Ngunit dahil nga nakatayo lamang sa kanyang tabi si Lucas ay hindi siya pwedeng magtanong sa doktor dahil tiyak na maririnig siya nito.
Napakagat-labi na lang siya at mukhang hindi na siya makakapagtanong pa nang bigla na lamang nag-ring ang cellphone ni Lucas at hindi niya naiwasan na hindi makahinga ng maluwag. Dali- daling lumbas si Lucas mula sa opisina ng doktor para sagutin ang tawag. Mabilis siyang nagtanong sa doktor.
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon