Chapter 2
Kinabukasan, maaga akong nagising para tapusin ang mga trabaho bago magising si Madam. Sa gitna ng pag-aayos ko ng bakuran, napansin ko ang isang maliit na sobre na nakapatong sa may pintuan ng aking barung-barong. "Kaninong sulat ‘to?" bulong ko sa sarili habang dahan-dahang binubuksan ito. Pagkabukas, bumungad ang isang sulat na may maikling mensahe: "Kung gusto mong magbago ang buhay mo, sumama ka sa akin. Maghintay ka mamayang gabi sa may simbahan. - P" Nalaglag ang sobre mula sa kamay ko, kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko. Sino ang nagsulat nito? At paano niya nalaman ang sitwasyon ko? Habang patuloy akong nagtatrabaho, hindi maalis sa isip ko ang sulat. Sino si "P"? At bakit niya ako gustong tulungan? May halong takot at pagdududa ang nararamdaman ko, pero sa kabilang banda, umaasa akong baka ito na ang pagkakataon kong makaalis sa impyerno kong buhay. Tinitigan ko ang sulat sa aking kamay. Para bang gustong-gusto kong malaman kung sino ang nag-iwan nito, ngunit sa huli, binalewala ko rin. Hindi ako pwedeng magtiwala sa kung sinu-sino. Matapos kong tapusin ang mga gawaing bahay, agad kong kinuha ang basket na puno ng piyaya—ang tanging paraan para may makain kami ni Bruno. "Bruno, bantayan mo ang barung-barong, ha? Babalik agad ako," sabi ko sa aking alaga, sabay haplos sa kanyang ulo. Tumahol siya bilang sagot, at naglakad na ako papunta sa kalsada. Habang naglalakad, sigaw ako nang sigaw, "Piyaya! Masarap at abot-kaya!" Sa kabila ng init ng araw at bigat ng basket, hindi ko alintana ang pagod. Kailangan kong magbenta. Sa awa ng Diyos, marami ang bumili sa akin. Isang tindera sa palengke ang kumuha ng sampung piraso, habang ang mga bata naman ay nagkagulo sa kanilang barya para makabili ng tig-dalawang piyaya. "Manang, ito po ang sukli ninyo, sabi ko sa isa pang suki habang ngumiti. "Salamat, hija! Ang sarap talaga ng piyaya mo!" wika ng matandang babae. "Salamat din po, Manang!" sagot ko, habang palihim na napabuntong-hininga sa kaunting kaginhawaan. Kahit papaano, nakakabawas ng lungkot ang masayang reaksyon ng mga tao sa aking paninda. Pagsapit ng hapon, ubos na ang mga piyaya ko. Masaya akong bumalik sa barung-barong habang dala ang konting kinita. Pagtapak ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Bruno na tumatalon pa sa tuwa. "Bruno, ubos na! May pambili na tayo ng pagkain!" masayang sabi ko habang kinikilig siya sa kiliti ng aking haplos. Binilang ko ang mga baryang kinita ko at bumili ng kaunting kanin at ulam mula sa karinderya. Hindi man magarbo, sapat na ito para sa amin ni Bruno. Kinagabihan, habang tahimik na kumakain sa tabi ni Bruno, muli kong naalala ang sulat. "Kung gusto mong magbago ang buhay mo, sumama ka sa akin. Maghintay ka mamayang gabi sa may simbahan." Bumigat ang dibdib ko. Totoo ba ito? O baka isang bitag lamang? Ayoko nang umasa, pero parang may kung anong nagtutulak sa akin na bigyang-pansin iyon. Napatingin ako kay Bruno, na tahimik na ngumunguya ng kanyang pagkain. "Kung aalis ako, sino ang mag-aalaga sa’yo?" mahinang bulong ko. Ngunit sa kabila ng lahat ng agam-agam, nanaig ang pagod at takot ko sa mga maaaring mangyari. Kaya sa halip na sundin ang sulat, humiga na lang ako sa gilid ng barung-barong kasama si Bruno. Sa gabing iyon, pilit kong nilabanan ang pakiramdam na baka may nawala akong malaking pagkakataon. Habang abala ako sa pagluluto ng tanghalian para sa aking Madrasta at kay Claire, biglang narinig ko ang malakas na katok mula sa pintuan ng aming barung-barong. "Hoy, Pipay! Buksan mo ‘tong pinto!" sigaw ni Lulu. Agad akong tumakbo palabas, tinatapos ang pagpupunas ng kamay ko sa basahan. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin si Lulu, pawisan at halatang nagmamadali. "Bakit parang nagmamadali ka?" tanong ko. "May dala akong magandang balita para sa’yo!" sabi niya, ngumiti nang malaki habang hawak-hawak ang isang papel. "May trabahong naghihintay para sa’yo," wika niya sa akin. Napakunot ang noo ko. "Trabaho? Saan?" "Sa mansyon ng isang mayamang pamilya. Naghahanap sila ng Nanny para sa anak nila. Kailangan nila ng tao na mapagkakatiwalaan at masipag—at ikaw ang naisip kong i-rekomenda!" masayang sabi ni Lulu sa akin. Napaatras ako sa gulat. "H-Ha? Nanny? Pero… paano mo nalaman ‘to?" sabi ko. "May kakilala ako na nagtatrabaho rin doon bilang kasambahay. Sinabi niya sa akin na kailangan nila ng Nanny, at dahil alam kong desperado ka na sa buhay mo rito, inirekomenda kita. Hindi mo ba gusto?" wika niya s akin. Natigilan ako. Sa totoo lang, matagal ko nang gustong makaalis sa bahay na ito, pero hindi ko inakalang magkakaroon ako ng pagkakataon na makahanap ng disenteng trabaho. "Sigurado ka bang papayagan nila ako?" tanong ko, halatang nagdadalawang-isip. "Oo naman! Ang sabi ng kakilala ko, pwede ka pa ngang magdala ng alaga mo, si Bruno, kung gusto mo. Napakaluwag ng pamilya, basta’t maayos kang magtrabaho," tugon niyang sabi sa akin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pwede kong dalhin si Bruno? Hindi ko akalaing posible iyon. Pagkauwi ng qking Madrasta mula sa kanyang lakad, agad akong nagpaalam. "Madam, gusto ko pong humingi ng pahintulot. May nag-aalok po kasi ng trabaho sa akin bilang Nanny sa mansyon," sabi ko, pilit na pinapanatiling magalang ang tono ng boses ko. Napatingin siya sa akin, halatang nagulat. "Trabaho? At iiwanan mo kami rito? Sino na ang gagawa ng mga trabaho sa bahay?!" takang tanong niya sa akin. "Madam, kahit po wala ako, kaya niyo pong kumuha ng ibang kasambahay. At kung sakaling matanggap po ako, mas mabuti po iyon para sa akin… at para rin po sa inyo," sagot ko, nanginginig ang boses pero matatag ang paninindigan. "Bahala ka! Pero tandaan mo, Pipay, hindi ka makakahanap ng mas mabait pang mag-aalaga sa’yo tulad ko!" singhal niya, sabay talikod at nagpunta sa kanyang silid. Tumalikod ako, pilit na pinipigilan ang luha. Hindi na mahalaga kung ano ang sasabihin niya. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magdesisyon para sa sarili ko, at hindi ko na ito pakakawalan. Kinabukasan, sabik akong sinamahan ni Lulu papunta sa mansyon. Bitbit ko ang isang maliit na bag ng damit at si Bruno, na abala sa pag-amoy sa paligid. Nang makarating kami sa mansyon, natulala ako. Napakalaki ng lugar—halos triple ng laki ng bahay namin. Ang mga pader ay gawa sa puting marmol, at ang hardin ay puno ng makukulay na bulaklak. Hindi ko mapigilang mamangha. "Pipay, huwag kang tumunganga!" sabay hatak sa akin ni Lulu. "Tara, ipakikilala na kita," dagdag niyang sabi. Sa loob, sinalubong kami ng isang babae na mukhang katiwala ng bahay. Siya ang nag-interview sa akin. "Sigurado ka bang kaya mong mag-alaga ng bata?" tanong niya. "Opo, ma’am. Masipag po akong magtrabaho, at marunong po akong mag-asikaso ng bata," sagot ko, pilit na pinapakita ang kumpiyansa. "May aso ka pa?" Napatingin siya kay Bruno. “Opo. Pero kaya ko pong siguraduhin na hindi siya magiging abala sa trabaho ko,” sagot ko. Matapos ang ilang tanong, ngumiti ang katiwala. "Sige. Mukhang matapat ka namang tao. Makakapagsimula ka na bukas," sabi niya sa akin. Hindi ako makapaniwala. Napaluhod ako sa sobrang saya at yumakap kay Bruno. Sa wakas, may pag-asa na akong magsimula ng bagong buhay.Dear Readers, Maraming salamat sa pagsama sa amin sa kwento nina Tristan at Rachel. Mula sa mga hindi inaasahang pagkikita hanggang sa pag-usbong ng tunay na pagmamahalan, naging saksi kayo sa kanilang paglalakbay — isang kwentong nagsimula sa kasunduan ngunit nauwi sa wagas na pag-ibig. Sa bawat pagtawa, pagluha, at pagsubok na kanilang hinarap, ipinakita nina Tristan at Rachel na ang pagmamahal ay hindi kailanman perpekto. Ngunit sa pagtanggap, pag-unawa, at pagpapatawad, ito ay nagiging mas matibay at totoo. Sana ay nadama ninyo ang bawat emosyon at aral na nais naming iparating sa kwentong ito. At tulad ng natutunan nina Tristan at Rachel, nawa’y hanapin at pahalagahan ninyo rin ang pagmamahal na tunay at wagas. Maraming salamat sa inyong suporta, hanggang sa muli nating pagkikita sa susunod na kwento! With love and gratitude, Inday Stories
Special Chapter 27 Bigla na lang sumigaw si Jhovel, ang anim na taong gulang na anak nina Pipay at Ethan, na may labis na tuwa. "Yehey! We have cousin soon!" malakas niyang sabi, sabay talon-talon pa. Natahimik ang lahat ng saglit, pagkatapos ay halos sabay-sabay na nagtawanan. "Aba, Jhovel!" sabi ni Pipay, hinila siya papalapit. "Saan mo naman nakuha ‘yang idea na ‘yan?" "Eh kasi po," aniya, nakangiti at inosente. "Sabi ni Daddy, kapag ikinasal na si Tito Tristan at Tita Rachel, magkakaroon na ako ng kalaro! Sabi niya rin, maganda daw ‘yun para may kakampi ako pag kalaban si Mommy sa board games!" Halos mapahagalpak ako sa tawa, at pati si Rachel ay napapailing habang natatawa. "Ethan!" singhal ni Pipay, bagamat natatawa rin. "Ikaw pala may pakana nito!" "Wala akong kasalanan!" depensa ni Ethan, nagtataas ng kamay. "Totoo naman ah! Mas masaya kung may cousin si Jhovel!" "Hala, mukhang may pressure na tayo agad, Tristan," bulong ni Rachel sa akin, nakangiti ngunit ma
Special Chapter 26Pagkatapos magsalita ni Rachel, muling nagsalita ang pari."Sa harap ng Diyos at ng mga mahal ninyong kaibigan at pamilya, narinig natin ang inyong mga sumpa ng pagmamahalan at katapatan sa isa’t isa. Ngayon, sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin, idinedeklara ko kayo bilang mag-asawa."Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko inakala na ganito pala ang pakiramdam ng ganap na maging isang asawa."Tristan, maaari mo nang halikan ang iyong asawa," dagdag ng pari na may malumanay na ngiti.Dahan-dahan akong lumapit kay Rachel. Kitang-kita ko ang tuwa at pag-ibig sa kanyang mga mata. Para bang sa mga sandaling ito, kami lang ang nasa mundo. Inabot ko ang kanyang mukha, hinaplos ang pisngi niya, at marahan siyang hinalikan.Narinig ko ang palakpakan at masasayang hiyawan ng mga bisita, ngunit para sa akin, tanging si Rachel lamang ang mahalaga."Congrats, Tristan!" sigaw ni Pipay habang tumatalon sa tuwa. "Officially Mrs. Rachel Dela Vega ka na!"
Special Chapter 25Kanina pa ako hindi mapakali. Narito na ako sa harap ng altar, suot ang itim na tuxedo, pero parang mas nahihirapan pa akong huminga kaysa sa araw ng mga malalaking business deals ko."Relax lang, Tristan!" sabi ni Ethan, asawa ni Pipay, sabay tapik sa balikat ko. "Darating din 'yun.""Alam ko naman 'yun," sagot ko, pilit na ngumiti. "Pero hindi ‘yun ang dahilan ng kaba ko."Napakunot-noo si Ethan. "Eh, ano pa ba? Sigurado ka bang wala ka nang ibang tinatago? Baka may surprise guest ka diyan o may ex na biglang sumulpot—""Hoy!" inis kong putol sa kanya. "Wala akong ganun!"Tumawa lang si Ethan, pero ako? Hindi ko talaga mapigilan ang kaba. Lalo na’t kanina ko pa iniisip ang tatlo kong pinsan — sina Pipay, Rafael, at Lucas — na nasa bridal room kasama si Rachel."Paano kung tinuruan nila ng kung anu-anong kabalastugan ang asawa ko?" bulong ko kay Ethan, tila nanlalambot na ako sa pag-aalala. "Kilala mo naman ‘yung mga ‘yun! Wala akong laban sa trip ng tatlong ‘yun!"
Special Chapter 24Isang buwan ang mabilis na lumipas, at ngayon nga ay narito na ang araw na pinakahihintay namin ni Tristan — ang araw ng aming muling kasal. Hindi na ito isang kasunduan, kundi isang seremonya ng pagmamahalan.Sa mga nakalipas na linggo, mas lalo kong minahal si Tristan. At sa bawat araw na kasama ko siya, napagtanto kong siya ang lalaking gusto kong makasama habambuhay.Naging masaya rin akong makilala ang ilan sa mga pinsan niya — sina Pipay, Rafael, at Lucas. Sadyang nasa dugo ng mga Dela Vega ang pagiging mabait at masayahin. Si Pipay lalo na, palaging may kwentong nakakatawa at laging nagpapagaan ng paligid. Pareho kaming mahilig sa kape at madalas kaming magkwentuhan tungkol sa kung ano-ano lang."Rachel! Siguraduhin mong handa ka na mamaya, ha?" biro ni Pipay habang tinutulungan akong ayusin ang mga bridal essentials."Oo naman!" natatawang tugon ko. "Pero, kinakabahan pa rin ako.""Normal lang 'yan!" sabi ni Lucas, sabay kindat. "Si Tristan nga kanina pa nag
Special Chapter 23Rachel POVPagkatapos ng halik na iyon, ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung paano ko mapapakalma ang sarili ko, pero isa lang ang sigurado — totoo ang lahat ng nangyayari.Nasa mga mata ni Tristan ang sinseridad. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa puntong ito, pero narito na kami, at hindi ko na gustong umatras."Rachel," bulong niya habang marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. "Simula ngayon, hindi na tayo kailangang magtago. Hindi na natin kailangang magpanggap sa harap ng iba. Totoo na ‘to, ikaw at ako."Napangiti ako, pero ramdam ko pa rin ang kaba. "Paano kung… paano kung magbago ang isip mo, Tristan? Paano kung isang araw magising ka at maisip mong hindi ako sapat?"Hinawakan niya ng mas mahigpit ang mga kamay ko. "Rachel, hindi ako basta-basta nagbabago ng isip. At kung sakali mang may mga pagsubok na dumating, haharapin natin ‘yon. Magkasama."Hindi ko napigilan ang luha na pumatak mula sa mga mata ko. Hindi ito luha ng