Home / Romance / ANG PIYAYA NI PIPAY / 🤣 Naku, Pipay mukhang pinagtripan ka ng alaga mong damulag 🤣 Chapter 4

Share

🤣 Naku, Pipay mukhang pinagtripan ka ng alaga mong damulag 🤣 Chapter 4

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2024-12-14 15:24:07

Chapter 4

Napatingin ako sa kanya na parang gusto kong suntukin ang mukha niya. “Alas-singko? Umaga?”

“Bakit? May tanong pa ba? ‘Di ba trabaho mo ‘yon?” sagot niya, sabay ngiti ng nakakaloko bago sumara ang pinto.

Humiga ako, nakatingala sa kisame, habang iniisip kung paano ako mabubuhay sa bagong trabahong ito.

Pero sa isang banda, napangiti rin ako. Mukhang magiging nakakatuwa ang buhay ko rito kahit papaano.

Alas-singko ng umaga, gising na ako, pero hindi dahil gusto kong gumising nang maaga. Gising ako kasi kailangan kong gisingin ang "alaga" kong damulag na si Ethan.

Habang papunta ako sa kwarto niya, nagtataka pa rin ako. Bakit ba ako pumayag dito? Hindi naman ako human alarm clock, ah!

Pagdating ko sa harap ng pintuan niya, huminga ako nang malalim. Kumatok ako nang tatlong beses.

“Sir Ethan, alas-singko na po! May meeting po kayo!” sigaw ko.

Walang sagot.

Kumatok ulit ako, mas malakas. “Sir! Alas-singko na po! Gising na po!”

Tahimik pa rin sa loob. Hindi ko alam kung tulog pa siya o nagpapanggap lang. Kaya nilakasan ko na ang loob ko, binuksan ko ang pinto, at tumingin sa loob.

Pagpasok ko, muntik na akong magulat nang biglang may sumigaw ng, “BOOO!”

“AAAHHHHH!” Sigaw ko habang halos mabitawan ko ang hawak kong baso ng tubig. Napalundag ako, at ang puso ko parang tumakbo nang 100 kilometers per hour.

Paglingon ko, si Ethan, nakatayo sa likod ng pinto, tawang-tawa na parang wala nang bukas.

“Hahaha! Kita mo mukha mo? Priceless!” sabi niya habang kinikiskis pa ang mga mata niya sa kakatawa.

“Anong priceless-priceless diyan? Gusto mo bang atakehin ako sa puso?!” inis kong sagot, hawak pa rin ang dibdib ko.

“Ano ba, ang aga-aga ang seryoso mo agad. Relax ka lang, Pipay. Di ba trabaho mo ‘to? Dagdagan natin ng konting excitement,” sagot niya, saka umupo sa kama, na parang walang nangyari.

“Excitement? Akala ko trabaho lang, hindi horror show!” iritado kong sabi.

Matapos ang prank na ‘yon, bumalik ako sa kusina para maghanda ng almusal. Habang nagpiprito ng itlog, biglang tumambad si Ethan sa likod ko.

“Pipay,” sabi niya, nakangiti na naman na parang may masama siyang balak.

“Ano na naman, Sir?” tanong ko, hindi man lang tumingin habang patuloy sa pagluluto.

“May challenge ako sa’yo,” sabi niya, na ikinataas ng kilay ko.

“Challenge? Eh anong mapapala ko kung gawin ko ‘yan?” tanong ko, na kahit naiinis ay napapaisip na rin kung ano na namang kabalbalan ang iniisip niya.

“Kapag nagawa mo, bibigyan kita ng bonus sa sahod mo. Deal?” sabi niya, sabay ngisi na parang batang may bagong laruan.

Natigilan ako. Bonus? Hmm, mukhang magandang deal ‘yan, ah. “Sige na nga, ano ba ‘yung challenge mo?”

Ngumiti siya, tapos inilabas ang isang maliit na bote mula sa likod niya. Pagtingin ko, chili sauce pala ito.

“Simple lang. Gawin mong masarap ang itlog na ‘yan gamit ‘to,” sabi niya, sabay abot ng bote.

“Chili sauce? Eh di magiging spicy ‘to!” sabi ko, nanlalaki ang mata.

“Exactly. Gusto ko ng maanghang. Challenge mo ‘yan, Pipay.”

Nag-isip ako. Ayoko nang matalo kay Ethan, kaya hinawakan ko ang bote at tumuloy sa pagluluto. Sa isip ko, Akala mo siguro magpapatalo ako sa’yo, no? Tingnan natin kung sino ang matapang.

Pagdala ko ng pagkain sa mesa, nakangiti si Ethan, excited na tikman ang itlog. Nang unang subo niya, tumigil siya saglit, tapos biglang namula ang mukha niya.

“Ano ‘to?! Ang anghang!” sigaw niya, hawak-hawak ang bibig habang hinahanap ang tubig.

“Hahaha! Akala mo ba ikaw lang ang marunong mag-trip? Kaya mo pa ba, Sir?” natatawa kong sabi habang siya naman ay parang dragon na bumubuga ng apoy.

Hinablot niya ang tubig at inubos ito sa isang lagukan. “Pipay, seryoso ka? Papatayin mo ba ako sa trabaho ko?!”

“Aba, sabi mo gusto mo ng maanghang. Challenge mo ‘yan, Sir,” sagot ko habang pinipigil ang tawa.

Tumigil siya, nakatingin sa akin, tapos biglang ngumisi. “Tingin ko nga, magkakasundo tayo. Pero next time, wag ka masyadong competitive, ha?”

Sa isip ko, Aba, ikaw din naman ang competitive! Magtigil ka d’yan!

Habang tumatagal, nare-realize ko, hindi ko lang pala alaga si Ethan. Kaaway ko rin siya, kakampi, at… prankster na gusto akong pikonin araw-araw. Pero hindi ako magpapatalo.

Kinabukasan, nagising ako nang maaga para asikasuhin ang almusal. Pero habang naglalakad ako papunta sa kusina, bigla akong nadulas. Blag!

“Ano ‘yun?!” sigaw ko habang nakaupo sa sahig, hawak ang likod ko. Napatingin ako sa paligid at may nakita akong banana peel.

Biglang sumulpot si Ethan mula sa gilid, tawa nang tawa na parang baliw.

“Ethan Viper Monteverde!” sigaw ko, galit na galit. Gusto mo talagang ilabas ang tunay kong anyo, no?!

“Hahaha! Sorry na, Pipay! Ang ganda kasi ng landing mo, parang bida sa action movie!” natatawa niyang sabi.

Tumayo ako, nakasimangot, pero nagkukunwaring kalmado. “Okay, Sir Ethan. Tumawa ka lang ngayon. Tingnan natin mamaya kung sinong tatawa sa huli.”

Pagdating ng tanghalian, alam kong magugutom si Ethan pagkatapos ng meeting niya. Kaya nagluto ako ng paborito niyang adobo. Pero syempre, hindi ko palalampasin ang pagkakataon.

Iniligpit ko muna ang banana peel sa sahig. Hindi ko ugaling mag-iwan ng kalat gaya ng iba diyan. Ahem, Ethan!

Nang umupo siya sa hapag, naamoy pa lang niya ang niluto ko, tumingin na agad siya sa akin. “Uy, adobo! Ang bait mo pala sa akin ngayon, Pipay.”

“Syempre naman, Sir. Hindi ko naman po kayo pinapabayaan,” sabi ko, habang pilit na pinipigil ang tawa.

Kinuha niya ang kutsara at tinikman ang adobo. Sa unang subo, tumigil siya. Kumunot ang noo niya at tumingin sa akin.

“Bakit parang may mali?” tanong niya.

“Anong mali, Sir? Natural na lasa po ‘yan,” sagot ko, kunwari’y inosente.

Nilasahan niya ulit. “Bakit parang may toothpaste ang adobo?!” sigaw niya.

Hindi ko na napigilan ang tawa ko. “Hahaha! Sorry, Sir. Experimental cooking lang po. Malay ko bang hindi niyo pala type ang toothpaste adobo!”

“Pipay, seryoso ka ba?!” tanong niya habang umiinom ng tubig para mawala ang lasa sa bibig niya.

“Sabi mo gusto mo ng bagong experience, di ba? O ayan na, Sir!” sagot ko, hinihimas ang tiyan ko sa sobrang tawa.

Tumayo siya, tumingin sa akin, at ngumisi. Alam ko na ang ibig sabihin ng ngising ‘yon. “Tandaan mo, Pipay, hindi pa tayo tapos.”

Kinahapunan, habang nagwawalis ako sa sala, biglang bumukas ang gripo sa kusina. Tumakbo ako para tingnan, pero walang tao. Nang isara ko ang gripo, biglang bumukas ang TV.

Napahinto ako. Ano ‘to, horror movie?

“Tama na ang multo-multo diyan! Hindi ako takot!” sigaw ko, pero nagulat ako nang biglang bumukas ang electric fan sa tabi ko.

“Tulungan niyo ko!” sigaw ko, napatalon sa gulat.

Maya-maya, sumulpot si Ethan mula sa likod ng sofa, hawak ang remote control ng lahat ng appliances. Tawa nang tawa na parang siya na ang hari ng prank.

“Ethan!!!” sigaw ko habang hinahabol siya ng walis.

“Hahaha! Ang dali mong takutin, Pipay!” sagot niya habang tumatakbo palayo.

Pagsapit ng gabi, nagkatinginan kami sa sala habang nanonood ng TV.

“Ethan,” sabi ko, habang nakangiti nang palihim.

“Ano na naman, Pipay?” tanong niya.

“Tandaan mo, sa asaran, hindi ka mananalo sa akin. Mag-ingat ka, Sir,” sabi ko, habang ngumiti nang may halong banta.

Tumawa siya, pero halata sa mukha niya na medyo kinakabahan.

“Oo na, ikaw na ang reyna ng prank, Pipay,” sagot niya, pero alam kong hindi pa rin siya titigil.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Melida Cebujano Kristal
challenging talaga sa kalokohan.
goodnovel comment avatar
Fyang
challenge pa more
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   Pagpapasalamat

    Dear Readers, Maraming salamat sa pagsama sa amin sa kwento nina Tristan at Rachel. Mula sa mga hindi inaasahang pagkikita hanggang sa pag-usbong ng tunay na pagmamahalan, naging saksi kayo sa kanilang paglalakbay — isang kwentong nagsimula sa kasunduan ngunit nauwi sa wagas na pag-ibig. Sa bawat pagtawa, pagluha, at pagsubok na kanilang hinarap, ipinakita nina Tristan at Rachel na ang pagmamahal ay hindi kailanman perpekto. Ngunit sa pagtanggap, pag-unawa, at pagpapatawad, ito ay nagiging mas matibay at totoo. Sana ay nadama ninyo ang bawat emosyon at aral na nais naming iparating sa kwentong ito. At tulad ng natutunan nina Tristan at Rachel, nawa’y hanapin at pahalagahan ninyo rin ang pagmamahal na tunay at wagas. Maraming salamat sa inyong suporta, hanggang sa muli nating pagkikita sa susunod na kwento! With love and gratitude, Inday Stories

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   Special Chapter 27

    Special Chapter 27 Bigla na lang sumigaw si Jhovel, ang anim na taong gulang na anak nina Pipay at Ethan, na may labis na tuwa. "Yehey! We have cousin soon!" malakas niyang sabi, sabay talon-talon pa. Natahimik ang lahat ng saglit, pagkatapos ay halos sabay-sabay na nagtawanan. "Aba, Jhovel!" sabi ni Pipay, hinila siya papalapit. "Saan mo naman nakuha ‘yang idea na ‘yan?" "Eh kasi po," aniya, nakangiti at inosente. "Sabi ni Daddy, kapag ikinasal na si Tito Tristan at Tita Rachel, magkakaroon na ako ng kalaro! Sabi niya rin, maganda daw ‘yun para may kakampi ako pag kalaban si Mommy sa board games!" Halos mapahagalpak ako sa tawa, at pati si Rachel ay napapailing habang natatawa. "Ethan!" singhal ni Pipay, bagamat natatawa rin. "Ikaw pala may pakana nito!" "Wala akong kasalanan!" depensa ni Ethan, nagtataas ng kamay. "Totoo naman ah! Mas masaya kung may cousin si Jhovel!" "Hala, mukhang may pressure na tayo agad, Tristan," bulong ni Rachel sa akin, nakangiti ngunit ma

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   Special Chapter 26

    Special Chapter 26Pagkatapos magsalita ni Rachel, muling nagsalita ang pari."Sa harap ng Diyos at ng mga mahal ninyong kaibigan at pamilya, narinig natin ang inyong mga sumpa ng pagmamahalan at katapatan sa isa’t isa. Ngayon, sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin, idinedeklara ko kayo bilang mag-asawa."Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko inakala na ganito pala ang pakiramdam ng ganap na maging isang asawa."Tristan, maaari mo nang halikan ang iyong asawa," dagdag ng pari na may malumanay na ngiti.Dahan-dahan akong lumapit kay Rachel. Kitang-kita ko ang tuwa at pag-ibig sa kanyang mga mata. Para bang sa mga sandaling ito, kami lang ang nasa mundo. Inabot ko ang kanyang mukha, hinaplos ang pisngi niya, at marahan siyang hinalikan.Narinig ko ang palakpakan at masasayang hiyawan ng mga bisita, ngunit para sa akin, tanging si Rachel lamang ang mahalaga."Congrats, Tristan!" sigaw ni Pipay habang tumatalon sa tuwa. "Officially Mrs. Rachel Dela Vega ka na!"

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   Special Chapter 25

    Special Chapter 25Kanina pa ako hindi mapakali. Narito na ako sa harap ng altar, suot ang itim na tuxedo, pero parang mas nahihirapan pa akong huminga kaysa sa araw ng mga malalaking business deals ko."Relax lang, Tristan!" sabi ni Ethan, asawa ni Pipay, sabay tapik sa balikat ko. "Darating din 'yun.""Alam ko naman 'yun," sagot ko, pilit na ngumiti. "Pero hindi ‘yun ang dahilan ng kaba ko."Napakunot-noo si Ethan. "Eh, ano pa ba? Sigurado ka bang wala ka nang ibang tinatago? Baka may surprise guest ka diyan o may ex na biglang sumulpot—""Hoy!" inis kong putol sa kanya. "Wala akong ganun!"Tumawa lang si Ethan, pero ako? Hindi ko talaga mapigilan ang kaba. Lalo na’t kanina ko pa iniisip ang tatlo kong pinsan — sina Pipay, Rafael, at Lucas — na nasa bridal room kasama si Rachel."Paano kung tinuruan nila ng kung anu-anong kabalastugan ang asawa ko?" bulong ko kay Ethan, tila nanlalambot na ako sa pag-aalala. "Kilala mo naman ‘yung mga ‘yun! Wala akong laban sa trip ng tatlong ‘yun!"

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   Special Chapter 24

    Special Chapter 24Isang buwan ang mabilis na lumipas, at ngayon nga ay narito na ang araw na pinakahihintay namin ni Tristan — ang araw ng aming muling kasal. Hindi na ito isang kasunduan, kundi isang seremonya ng pagmamahalan.Sa mga nakalipas na linggo, mas lalo kong minahal si Tristan. At sa bawat araw na kasama ko siya, napagtanto kong siya ang lalaking gusto kong makasama habambuhay.Naging masaya rin akong makilala ang ilan sa mga pinsan niya — sina Pipay, Rafael, at Lucas. Sadyang nasa dugo ng mga Dela Vega ang pagiging mabait at masayahin. Si Pipay lalo na, palaging may kwentong nakakatawa at laging nagpapagaan ng paligid. Pareho kaming mahilig sa kape at madalas kaming magkwentuhan tungkol sa kung ano-ano lang."Rachel! Siguraduhin mong handa ka na mamaya, ha?" biro ni Pipay habang tinutulungan akong ayusin ang mga bridal essentials."Oo naman!" natatawang tugon ko. "Pero, kinakabahan pa rin ako.""Normal lang 'yan!" sabi ni Lucas, sabay kindat. "Si Tristan nga kanina pa nag

  • ANG PIYAYA NI PIPAY   Special Chapter 23

    Special Chapter 23Rachel POVPagkatapos ng halik na iyon, ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung paano ko mapapakalma ang sarili ko, pero isa lang ang sigurado — totoo ang lahat ng nangyayari.Nasa mga mata ni Tristan ang sinseridad. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa puntong ito, pero narito na kami, at hindi ko na gustong umatras."Rachel," bulong niya habang marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. "Simula ngayon, hindi na tayo kailangang magtago. Hindi na natin kailangang magpanggap sa harap ng iba. Totoo na ‘to, ikaw at ako."Napangiti ako, pero ramdam ko pa rin ang kaba. "Paano kung… paano kung magbago ang isip mo, Tristan? Paano kung isang araw magising ka at maisip mong hindi ako sapat?"Hinawakan niya ng mas mahigpit ang mga kamay ko. "Rachel, hindi ako basta-basta nagbabago ng isip. At kung sakali mang may mga pagsubok na dumating, haharapin natin ‘yon. Magkasama."Hindi ko napigilan ang luha na pumatak mula sa mga mata ko. Hindi ito luha ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status