Chapter 5
Ethan POV Hindi ko maintindihan kung anong pumasok sa isip ni Mommy para kumuha pa ng nanny—NANNY! Para sa akin, isang 26-anyos na CEO ng Monteverde Group of Companies. Ang sabi niya, “Para may mag-alaga sa iyo. Mukha kang pagod at stressed, anak," sabi ng aking mom. 'Mukha daw akong stressed? Eh natural lang, sa dami ba naman ng trabaho ko? Pero seryoso ba siya? Magpapalagay siya ng taong mag-aalaga sa akin, parang bata? Paano na lang kung malaman ‘to ni Cassandra, ang fiancée ko? For sure, pagtatawanan niya ako!' usal ko sa akin sarili. Kaya naisip ko agad, Kailangan kong gawin ang lahat para mapalayas ang babaeng ‘to. Pero hindi ko akalain na ang inaakala kong mahina, tahimik, at madaling maaasar ay isang matibay na kalaban. Una kong plano: gawing impyerno ang buhay niya dito para mag-quit agad. Nung unang araw niya, tinambakan ko siya ng mga gawain sa bahay. “Pipay, siguraduhin mong malinis lahat ng kwarto, tapos lutuin mo lahat ng pagkain ko, at alagaan mo ‘yung mga halaman sa garden. Kapag may nakita akong kahit isang dahon na nalanta, sisibakin kita," pagbabanta ko dito. Akala ko, maiiyak siya. Pero sa halip, ngumiti lang siya sa akin. “Opo, Sir Ethan. Siguraduhin ko pong kasing linis ng kaluluwa mo ang lahat ng kwarto.” Napatingin ako sa kanya. Kasing linis ng kaluluwa ko? Parang may sarcasm doon, ah. Maya-maya, pagdaan ko sa hallway, nakita ko siya—walang kaarte-arte, pawis na pawis, pero parang walang balak sumuko. Nililinis niya ang bintana na parang ginagawa niyang field trip. "Sir Ethan, gusto mo bang subukan? Nakaka-relax pala ‘to!" sabi niya, nakangiti pa habang pinupunasan ang bintana at parang hindi ito napapagod man lang. 'Relax? Talaga bang enjoy siya? Ang weird niya. Dapat nga parang nag-aalsa balutan na siya,' sambit ng aking isipan habang nakakunot-noo ang nuo ko nakatingin dito. Pangalawa kong plano: gawing awkward ang trabaho niya. Habang kumakain ako ng lunch na niluto niya, sinimulan kong magreklamo. "Ang alat ng adobo mo. Baka pwede mong lagyan ng konting effort, Pipay!" wika ko, kahit na masarap naman ang luto nito. Tumigil siya, pero hindi siya mukhang apektado. "Opo, Sir Ethan. Next time po, babawasan ko ang asin. Gusto mo po bang dagdagan ng tamis para kasing tamis ng pagmamahal ng fiancée mo?" pabalang niyang sagot sa akin. Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Paano niya alam ang tungkol kay Cassandra? "Paano mo nalaman ‘yun?" tanong ko. Ngumiti siya, pero halata sa ngiti niya na binibiro niya ako. "Eh Sir, nasa news po kayo last week, di ba? Ang sabi, ‘CEO Ethan Monteverde, engaged na!’ Kaya naisip ko, baka gusto mo ng pagkain na may theme," walang prenong sagot niya sa akin. 'Theme? Ano ba ‘to, arts and crafts?' sambit ko sa aking isip. Pero sa halip na maasar ako, napatigil ako. Parang hindi siya takot mag-joke kahit alam niyang boss niya ako. Huling plano: gulatin siya para matakot. Nung gabi, habang tahimik siya sa kusina, tinago ko ang sarili ko sa likod ng ref. Nang bumukas ang ilaw, bigla akong sumigaw, "BOOOO!" Sa halip na tumili siya, tumingin lang siya sa akin, hawak ang sandok. "Sir Ethan, gusto mo aking takutin ibahin mo ang istilo mo, noong nakaraang araw pinagising mo ako ng alas-singko at ganyan din ang ginawa mo. Baka gusto mo bang iprito ko na rin kayo kasabay ng ulam? Mas mabilis po ‘pag ikaw ang main ingredient!" wika niya sa akin habang abala sa kanyang ginawa. Natawa ako sa sagot niya, pero hindi ko iyon ipinakita. Umalis ako, nagtataka kung bakit parang hindi siya natitinag. Kinalaunan, napaisip ako. Bakit nga ba ako inis sa kanya? Oo, nakakairita siya minsan, pero parang ang saya niya kasama. Kahit may kasungitan siya, hindi siya nagpapatalo. At sa kabila ng lahat ng ginagawa kong pagpapahirap, nanatili siyang matatag. Napatingin ako sa salamin. Ako nga ba ang nagpapatakbo ng buhay niya, o siya ang nagkukontrol sa akin? Kinabukasan Dumating na si Mommy galing sa business trip, ngunit may sinabi si Mommy na agad ako nakasimangot, "Anak, mukhang nagiging masaya ka na mula nung dumating si Pipay," masaya niyang sabi sa akin. Nakasimangot ako sa kanyang sinabi. 'Masaya? Hindi naman ako masaya. Eh lagi nga kaming nagaasaran. Pero bakit parang ayokong mawala siya sa paningin ko?' takang tanong ko sa aking sarili. Hindi ako kumibo, mataAng nakating lamang ako sa aking ina ngayon ay masayang tumingin kay Pipay. Agad akong tumingin doon kaya nakita ko kung ano ang kanyang ginawa, nakipaglaro ito sa kanyang alagang aso na si Bruno. Masaya silang naglalaro na at mukhang mahal niya ang kanyang alaga. Hindi ko maiwasang lihim akong mapangiti sa aking nakita. "Alam mo anak, kung si Pipay ay maging bahagi sa ating pamilya ay maging masaya ang mansyon na ito," wika ng aking ina. "Nakikita ko sa kanya ang aking matalik na kaibigan hanggang ngayon ay hindi ko na nakita, sana balang araw ay magkita kami," dagdag niyong sabi habang may lungkot ang kanyang boses. Hindi ako sumagot sa kanya sinabi hanggang umalis na si Pipay kasama si Bruno, siguro ay ipasyal niya ito sa labas ng mansyon.Dear Readers, Maraming salamat sa pagsama sa amin sa kwento nina Tristan at Rachel. Mula sa mga hindi inaasahang pagkikita hanggang sa pag-usbong ng tunay na pagmamahalan, naging saksi kayo sa kanilang paglalakbay — isang kwentong nagsimula sa kasunduan ngunit nauwi sa wagas na pag-ibig. Sa bawat pagtawa, pagluha, at pagsubok na kanilang hinarap, ipinakita nina Tristan at Rachel na ang pagmamahal ay hindi kailanman perpekto. Ngunit sa pagtanggap, pag-unawa, at pagpapatawad, ito ay nagiging mas matibay at totoo. Sana ay nadama ninyo ang bawat emosyon at aral na nais naming iparating sa kwentong ito. At tulad ng natutunan nina Tristan at Rachel, nawa’y hanapin at pahalagahan ninyo rin ang pagmamahal na tunay at wagas. Maraming salamat sa inyong suporta, hanggang sa muli nating pagkikita sa susunod na kwento! With love and gratitude, Inday Stories
Special Chapter 27 Bigla na lang sumigaw si Jhovel, ang anim na taong gulang na anak nina Pipay at Ethan, na may labis na tuwa. "Yehey! We have cousin soon!" malakas niyang sabi, sabay talon-talon pa. Natahimik ang lahat ng saglit, pagkatapos ay halos sabay-sabay na nagtawanan. "Aba, Jhovel!" sabi ni Pipay, hinila siya papalapit. "Saan mo naman nakuha ‘yang idea na ‘yan?" "Eh kasi po," aniya, nakangiti at inosente. "Sabi ni Daddy, kapag ikinasal na si Tito Tristan at Tita Rachel, magkakaroon na ako ng kalaro! Sabi niya rin, maganda daw ‘yun para may kakampi ako pag kalaban si Mommy sa board games!" Halos mapahagalpak ako sa tawa, at pati si Rachel ay napapailing habang natatawa. "Ethan!" singhal ni Pipay, bagamat natatawa rin. "Ikaw pala may pakana nito!" "Wala akong kasalanan!" depensa ni Ethan, nagtataas ng kamay. "Totoo naman ah! Mas masaya kung may cousin si Jhovel!" "Hala, mukhang may pressure na tayo agad, Tristan," bulong ni Rachel sa akin, nakangiti ngunit ma
Special Chapter 26Pagkatapos magsalita ni Rachel, muling nagsalita ang pari."Sa harap ng Diyos at ng mga mahal ninyong kaibigan at pamilya, narinig natin ang inyong mga sumpa ng pagmamahalan at katapatan sa isa’t isa. Ngayon, sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin, idinedeklara ko kayo bilang mag-asawa."Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko inakala na ganito pala ang pakiramdam ng ganap na maging isang asawa."Tristan, maaari mo nang halikan ang iyong asawa," dagdag ng pari na may malumanay na ngiti.Dahan-dahan akong lumapit kay Rachel. Kitang-kita ko ang tuwa at pag-ibig sa kanyang mga mata. Para bang sa mga sandaling ito, kami lang ang nasa mundo. Inabot ko ang kanyang mukha, hinaplos ang pisngi niya, at marahan siyang hinalikan.Narinig ko ang palakpakan at masasayang hiyawan ng mga bisita, ngunit para sa akin, tanging si Rachel lamang ang mahalaga."Congrats, Tristan!" sigaw ni Pipay habang tumatalon sa tuwa. "Officially Mrs. Rachel Dela Vega ka na!"
Special Chapter 25Kanina pa ako hindi mapakali. Narito na ako sa harap ng altar, suot ang itim na tuxedo, pero parang mas nahihirapan pa akong huminga kaysa sa araw ng mga malalaking business deals ko."Relax lang, Tristan!" sabi ni Ethan, asawa ni Pipay, sabay tapik sa balikat ko. "Darating din 'yun.""Alam ko naman 'yun," sagot ko, pilit na ngumiti. "Pero hindi ‘yun ang dahilan ng kaba ko."Napakunot-noo si Ethan. "Eh, ano pa ba? Sigurado ka bang wala ka nang ibang tinatago? Baka may surprise guest ka diyan o may ex na biglang sumulpot—""Hoy!" inis kong putol sa kanya. "Wala akong ganun!"Tumawa lang si Ethan, pero ako? Hindi ko talaga mapigilan ang kaba. Lalo na’t kanina ko pa iniisip ang tatlo kong pinsan — sina Pipay, Rafael, at Lucas — na nasa bridal room kasama si Rachel."Paano kung tinuruan nila ng kung anu-anong kabalastugan ang asawa ko?" bulong ko kay Ethan, tila nanlalambot na ako sa pag-aalala. "Kilala mo naman ‘yung mga ‘yun! Wala akong laban sa trip ng tatlong ‘yun!"
Special Chapter 24Isang buwan ang mabilis na lumipas, at ngayon nga ay narito na ang araw na pinakahihintay namin ni Tristan — ang araw ng aming muling kasal. Hindi na ito isang kasunduan, kundi isang seremonya ng pagmamahalan.Sa mga nakalipas na linggo, mas lalo kong minahal si Tristan. At sa bawat araw na kasama ko siya, napagtanto kong siya ang lalaking gusto kong makasama habambuhay.Naging masaya rin akong makilala ang ilan sa mga pinsan niya — sina Pipay, Rafael, at Lucas. Sadyang nasa dugo ng mga Dela Vega ang pagiging mabait at masayahin. Si Pipay lalo na, palaging may kwentong nakakatawa at laging nagpapagaan ng paligid. Pareho kaming mahilig sa kape at madalas kaming magkwentuhan tungkol sa kung ano-ano lang."Rachel! Siguraduhin mong handa ka na mamaya, ha?" biro ni Pipay habang tinutulungan akong ayusin ang mga bridal essentials."Oo naman!" natatawang tugon ko. "Pero, kinakabahan pa rin ako.""Normal lang 'yan!" sabi ni Lucas, sabay kindat. "Si Tristan nga kanina pa nag
Special Chapter 23Rachel POVPagkatapos ng halik na iyon, ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung paano ko mapapakalma ang sarili ko, pero isa lang ang sigurado — totoo ang lahat ng nangyayari.Nasa mga mata ni Tristan ang sinseridad. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa puntong ito, pero narito na kami, at hindi ko na gustong umatras."Rachel," bulong niya habang marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. "Simula ngayon, hindi na tayo kailangang magtago. Hindi na natin kailangang magpanggap sa harap ng iba. Totoo na ‘to, ikaw at ako."Napangiti ako, pero ramdam ko pa rin ang kaba. "Paano kung… paano kung magbago ang isip mo, Tristan? Paano kung isang araw magising ka at maisip mong hindi ako sapat?"Hinawakan niya ng mas mahigpit ang mga kamay ko. "Rachel, hindi ako basta-basta nagbabago ng isip. At kung sakali mang may mga pagsubok na dumating, haharapin natin ‘yon. Magkasama."Hindi ko napigilan ang luha na pumatak mula sa mga mata ko. Hindi ito luha ng