MasukDahan-dahan kong itinulak ang pinto at agad na sinuyod ng mga mata ko ang pamilyar na sala. Pagkasara ng pinto sa likod ko, tuluyan nang bumigay ang aking tuhod. Binitiwan ko ang bag at humiga sa malamig na sahig, hinayaan ang mga luha na tuloy-tuloy na umagos mula sa mga mata ko.
Dapat noon pa lang alam ko na. When people described him as wicked and arrogant, I should’ve listened because that was exactly who he was. Ang makipagrelasyon sa kanya ay parang impyerno. And now, seeing him again… it dragged back all those disgusting memories I tried so hard to bury. “Ate…” Isang munting boses ang tumawag sa akin. Mabilis kong pinunasan ang mga luha at tumingin sa maliit na pigura sa likod ko, pilit na nagpipinta ng ngiti sa labi. Pero alam kong halata. “Okay ka lang?” maingat niyang tanong. I nodded, even though it was a lie. Ngumiti siya at mabilis na lumapit sa akin. “Natanggap ka ba sa trabaho?” excited niyang tanong. Hindi ako agad nakasagot. Tinitigan ko lang siya. Isa siya sa mga dahilan kung bakit pilit akong lumalaban. Si Klea, ang kapatid kong babae. Isang magandang bata, matalino at masayahin. Ang tanging hiling ko lang ay manatili ang ngiti sa mukha niya, kahit pa gumuho na ang mundo ko. Nasa ospital si Mama at may breast cancer. Isang salitang parang kutsilyong paulit-ulit na tumutusok sa dibdib ko. Kailangan namin ng pera para maipagamot ito. Kaya ako naghanap ng trabaho. Pero parang lagi na lang may humaharang sa daan ko. And our father… his case was another nightmare. Inakusahan ng pagpatay. Sentensiyado ng habambuhay na pagkakakulong. “Hindi mo nakuha ‘yung trabaho?” malungkot na tanong ni Klea nang mapansin ang pananahimik ko. I couldn’t answer. Paano ko sasabihin na nakuha ko nga ang trabaho pero ang boss ko ay ang lalaking muntik nang sumira sa pagkatao ko? Working with Zayn would be a dangerous game, and I refused to be his victim again. “Kumain ka na ba?” I asked, quickly changing the topic. Tumango siya at ngumiti. “Kailan tayo bibisita kay Mama?” tanong niya ng nakanguso. Marahan kong ginulo ang buhok ni Klea. “Sa weekend, kapag nakahanap na ako ng trabaho.” She nodded in understanding. Desidido na ako. Hindi ako magtatrabaho kay Zayn. Kahit ano pa ang mangyari. Hahanap ako ng ibang trabaho para mailaban ang kalusugan ni Mama. “Okay,” sabi ni Klea bago marahang naglakad papunta sa sofa at binuksan ang maliit na TV sa sala. Muli kong pinunasan ang mga luha at dinampot ang bag ko nang biglang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko. I frowned at the unfamiliar number before answering. “Hello, Sera.” Ang pamilyar niyang paos at mababang boses ay parang malamig na hangin na dumaan sa balat ko. My blood froze. Tears. Biglang nangilid ang mga luha sa mata ko. Kumabog ang dibdib ko na parang sasabog, at ang tanging hiling ko lang ay sana panaginip lang ito. Matagal na simula nang maramdaman ko ang ganitong takot. And he was one of the few people capable of making me feel this terrified. Inilapat ko ang kamay sa aking dibdib, pilit pinapakalma ang sarili pero walang silbi. Sinakop na ako ng takot. Wala na akong kontrol. “Say something, Sera. Gusto kong marinig ang maliit at sexy mong boses,” malamig niyang sabi. Nanatili akong tahimik. Hindi ako makapagsalita. Para bang nawala ang boses ko, nilamon ng takot. I should have researched the company better. Akala ko pamilyar lang ang pangalan. Kung alam ko lang kung sino ang may-ari. Matagal na sana akong tumakbo palayo para iligtas ang sarili. “You don’t want to answer?” he said in that husky tone I knew too well. “Fine. Gusto ko lang ipaalalang mag-ayos ka bukas. Dress nice… sexy.” Isa sa mga ugali niyang hindi kailanman mawawala ay ang mang-asar at manakot. “H-hindi ako papayag maging secretary mo,” I stuttered, my voice shaking uncontrollably. Isang mababang halakhak ang narinig ko mula sa kabilang linya. “Sera, I knew you were coming to the interview from the start,” he said calmly. “The moment I saw your picture and your CV, I knew it was you. At hindi ko kayang hayaan na makawala ka ulit sa akin.” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko. Napahinga ako nang malalim at dahan-dahang naupo sa upuan. He knew. He knew I was coming. “H-hindi ako magtatrabaho,” mahina kong ulit. “We’ll see about that,” sagot ni Zayn bago tuluyang ibaba ang tawag. Dahan-dahang nahulog ang cellphone mula sa nanginginig kong kamay. Hindi ko namalayan na nakatingin na pala sa akin si Klea. “Ate… okay ka lang?” tanong niya, bakas ang pag-aalala sa boses. I couldn’t answer. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang ginawa niya sa akin noon para maramdaman ko ang ganitong takot na hindi nawawala kahit boses lang niya ang marinig ko. Zayn was a dangerous man. Isang lalaking dapat katakutan. But should an ex be this afraid of him? Naupo ako sa gilid ng kama, nakatitig lang sa pagkain sa harap ko. Wala akong ganang kumain. All I could think about was the possibility of Zayn finding me. “Ate...” Bumukas ang pinto at sumilip ang kapatid ko. “May naghahanap sa ’yo.” Biglang bumigat ang dibdib ko. Bumalik ang takot na akala ko pansamantala ko nang nakalimutan. Si Zayn ba? “S-sino?” nanginginig kong tanong. “Hindi ko kilala,” sagot ni Klea. Lumunok ako bago tumayo. Mabigat ang bawat hakbang ko palabas ng kwarto. Sumilip ako sa sala. May lalaking nakaupo sa sofa, nakataas ang isang paa at nakatutok sa TV. Hindi si Zayn. Napabuntong-hininga ako sa ginhawa. “Brayden,” tawag ko habang papalapit sa kanya. Ngumiti siya at tumingin sa akin. “I missed you,” sabi niya. We hugged. “Did you get the job?” he asked. Nanigas ako. Simpleng tanong lang 'yon, pero bakit parang may bumara sa lalamunan ko? “Hindi,” sagot ko. Napabuntong-hininga si Brayden. “Okay lang ‘yan. Sigurado akong makakahanap ka pa ng iba.” Marahan niya akong niyakap, parang pinapakalma ang magulong isip ko. Brayden was my best friend, the kind anyone would be lucky to have. Lagi siyang may paraan para mapangiti ako. We hadn’t known each other for long, but he had been nothing but kind and supportive. A knock on the door interrupted us. I immediately pulled away and stood up. My heart began to race. Naglakad ako papunta sa pinto at dahan-dahang binuksan. At napako ako sa kinatatayuan nang makita kung sino ito. Zayn stood there boldly, like a king, guards surrounding him as if he owned the world. May mga gwardiyang kasama na parang sinisigurong wala na akong kawala. I had forgotten about him… or maybe I had just hoped he wouldn’t come. “Hi,” he said, waving casually, that familiar smirk on his face. Sinubukan kong isara ang pinto, pero agad itong pinigilan ng isa sa mga gwardiya. Pumasok si Zayn na parang pag-aari niya ang lugar, diretso ang tingin sa akin. Pagkatapos, dahan-dahang lumipat ang mga mata niya kay Brayden na tahimik lang na nakamasid. Kumunot ang noo niya bago muling bumalik ang tingin sa akin. “Who is he?” he asked coldly, his voice filled with anger.Pagsapit ng umaga, mabilis na kumalat ang balita sa bawat hallway at classrooms, na para bang hanging dumadaan sa bukas na bintana. Saan man maglakad si Mallorie, may mahihinang bulungan na sumusunod sa kanya na parang mga anino, at bawat pares ng mata sa loob ng gusali ay napapalingon para subaybayan ang bawat galaw niya. Para sa iba, maaaring mukhang paghanga ang tingin nila kay Mallorie pero malinaw niyang nakikita na isa lamang ‘yong kuryosidad na tinatakpan ng pekeng paghanga. Ngunit hindi ‘yon pinansin ni Mallorie. Dala-dala niya ang matatag na tindig ng isang taong alam ang kanyang halaga at ang kapangyarihang hawak. She was the undisputed queen of the school. Ang mga iskandalo at kontrobersiya ay yumuyuko sa kanya. Kahit ang pinakamasasamang tsismis ay nawawalan ng lakas sa oras na marating ang kanyang presensya. Sa loob ng lecture hall, tahimik ang buong silid habang nagsisimula nang magsalita ang professor. Lahat ng estudyante ay nakatutok sa leksyon maliban kay Mallorie.
“Take the miss back to her room,” Thiago instructed.Biglang napako ang tingin ni Mallorie kay Daemon. Sa loob ng ilang segundo, parang silang dalawa lang ang naiwan sa silid. Madilim ang kanyang mga mata. ‘Yong klaseng tingin na parang kayang pumatay nang walang pag-aalinlangan. Napasinghap ang dalaga, kitang-kita sa mukha nito ang takot.She didn’t wait. Mabilis itong tumalikod at naglakad palayo. Umalingawngaw ang tunog ng takong ni Mallorie sa malamig na sahig habang dalawang gwardiya ang sumunod sa magkabilang gilid nito. Hindi na ito lumingon pa. Nakatitig lamang si Daemon sa papalayong amo hanggang sa tuluyang magsara ang pinto. Saka lang siya gumalaw. Dahan-dahang bumaling ang tingin niya kay Thiago. Bago pa ito makapagsalita, hinablot ni Daemon ang laylayan ng suot niyang itim na shirt at hinubad ‘yon sa isang mabagal at kontroladong galaw. Tumambad sa paningin ni Thiago ang sariwang sugat sa kanyang dibdib. Namumula ‘yon. At muling nagdurugo, unti-unting binabasa ang gilid
Dahan-dahang naglakad si Daemon sa mahabang hallway. A black tank top clung tightly to his body, the fabric still damp with sweat from his workout. Mababa ang pagkakasuot ng asul niyang joggers sa balakang habang kitang-kitang gumagalaw ang matitigas niyang kalamnan sa bawat hakbang. Dapat sana ay nailabas na ng pag-eehersisyo ang tensyong bumabalot sa kanya, pero hindi. May kung anong pagkabalisa pa ring gumagapang sa ilalim ng kanyang balat.The mansion reacted to his presence instantly. Bumagal ang kilos ng mga babaeng kasambahay sa ginagawa nila. Tahasang sumunod ang mga mata ng mga ito sa kanya, tila wala nang pakialam kung mapansin man sila. May mga pabulong na usapan at mahihinang hagikhik na umalingawngaw sa hallway habang dumaraan si Daemon. Halos mabitawan pa ng isang maid ang hawak nitong tray, ang isa naman ay kunwaring nagpupunas ng malinis nang mesa kahit matagal nang walang dumi roon pero ang mga mata nito ay nakatingin sa kanya.Napailing si Daemon. Nakakasakal ang lug
Bahagyang bumuka ang mga labi ni Mallorie, ngunit walang anumang salitang lumabas.“I-i…”Nagkabuhol-buhol ang mga salita sa lalamunan niya habang nagkakagulo ang kanyang isip sa paghahanap ng kahit anong paliwanag. Ngunit wala siyang maisip.Mariing nakatitig si Daemon sa kanya, malamig at hindi mabasa ang ekspresyon. Ang paligid ay tila naglaho at naging tahimik, at ang tanging naririnig niya ay ang malakas at mabilis na pagkabog ng kanyang sariling puso. Pagkatapos ay bumaba ang tingin nito. She inhaled sharply. Napasinghap si Mallorie. Mabilis na uminit ang mukha niya nang mapunta ang tingin ni Daemon sa kanyang dibdib. Halos walang naitulong ang suot niyang bra para matakpan ang kanyang utong. Masyadong manipis ang telang ng bra niya. Agad na tumigas ang mga utong ni Mallorie. Malinaw na nakikita ‘yon. Parang bigla siyang nahubaran sa harap nito sa paraang hindi pa niya naranasan noon. Marahas na kumabog ang kanyang dibdib. Wala pang lalaking nagparamdam sa kanya ng ganito. No
“Eww,” Mallorie groaned.Bahagya siyang lumingon at agad ding nagsisi dahil tama ang kanyang mga kaibigan. Nakatayo si Daemon sa likod niya. Matangkad at malapad ang pangangatawan, may maskuladong braso na bakas kahit sa ilalim ng tela, mga tattoo sa leeg na parang mga sekretong hindi dapat malaman ninuman. Sharp jaw. Straight nose. Brows that promised violence. Eyes dark, cold, and dangerously unreadable. Isang perpektong sandata sa katawan ng isang lalaki. Mukha siyang tukso na mahirap tanggihan.At ang mga tattoo na ‘yon ang mismong dahilan kung bakit ipinahubad niya rito ang polo nito. Halos perpektong lalaki si Daemon kung panlabas ang pag-uusapan pero hinding-hindi niya aaminin. It'll only feed his pride.“Bigay mo nga number niya,” sabi ni Lindsay habang kinakagat ang labi.“Tumigil ka nga,” mataray na sabi ni Mallorie habang hinihila ang dalawang babae. “He’s annoying.”Naglakad sila papunta sa building habang tuloy-tuloy ang tawanan nila. Sumunod si Daemon. Napapalingon ang m
Nakatitig si Daemon sa sariling repleksyon sa salamin habang inaayos ang buhol ng kaniyang tie.Maayos na nakadikit sa malapad niyang pangangatawan ang malinis na puting polo. Natatakpan ng dark tailored suit ang baril na nakakabit sa ilalim ng kanyang jacket. Sa kabilang bahagi ng silid, biglang nagliwanag ang tablet sa ibabaw ng mesa. Napunta ang tingin ni Daemon sa screen kasabay ng paglitaw ni Mallorie. Walang pakialam nitong isinukbit ang designer bag sa balikat. Kumikilos ito sa paraang walang sinuman sa mundong ito ang kayang humadlang o kumontrol dito. Taas-noo itong naglakad, at bawat galaw nito ay punong-puno ng kayabangan at kumpiyansa. Ngunit may napansin si Daemon na hindi napapansin ng iba. Ang bahagyang paninigas ng paglalakad ni Mallorie. Ang tensyon sa postura nito. Ang maingat nitong pag-iwas na idiin nang husto ang isang bahagi ng katawan.Masyado itong nagpapanggap na walang epekto ang lahat ng hampas ng sinturon sa likod nito. Nanatiling walang emosyon ang mukha
“Late na tayo sa business date,” sabi ni Zayn habang nagmamadali kaming naglalakad papunta sa kotse. I scoffed at his tone.“Why didn’t you remind me?” dagdag niya, halatang iritado.“Excuse me? Dalawang beses kitang pinaalalahanan,” sagot ko.Mabilis na binuksan ng dalawang tauhan niya ang pinto
Nakaupo kaming lahat sa sofa habang nakatutok sa telebisyon. Ipinatong ko ang ulo sa balikat ni Brayden. Isa siyang kaibigang dapat pahalagahan. Ang taong sumuporta sa akin kahit ano pa ang mangyari. Isang taong nagmamahal at handang gawin ang lahat para sa akin. Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko
“Huwag kang makipag-away sa school, okay?” bilin ko kay Klea.Tumango siya bago niyakap ako nang mahigpit.“Bye,” kumaway siya at tumakbo papunta sa school bus.“Tara na, Brayden,” sabi ko habang sinusubukang buksan ang pinto ng kotse, pero natigilan ako nang may dalawang sasakyan na pumasok sa com
I sighed and splashed water on my face, staring at my reflection in the mirror. Humawak ako sa gilid ng lababo, pilit pinapakalma ang paghinga. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. My eyes widened when Zayn stepped in.“Teka, pambabaeng restroom ‘to. A-akala ko ba may sarili kang banyo sa lo







