Share

Chapter 43.💜

[Maya/Fiona]

KINABUKASAN ay maaga akong nagising, tulog pa si Trevor kaya naman tumulong muna ako kila ate Mae at aling Berta sa gawain sa mansion. Pinigilan naman nila ako pero nagpumilit ako, wala naman kasi akong gagawin, kaya imbis na tumunganga ay tutulong na lang muna ako sa kanila.

Saka ang totoo ay mayro'n pa akong ibang dahilan. Hinihintay ko na bumaba ang amo namin para makita siya. Hindi ko alam kung bakit pero may parte sa puso ko na gusto siyang makita. Pero mundo ko lang yata ang lumiwanag ng bumaba ang amo namin, lahat kasi sila ay parang natakot, tanging ako lang ang natuwa.

Napansin ko rin ang pagbabago ng awra ng paligid, parang biglang dumilim at natahimik lahat bigla. Nang batiin ng lahat ang amo ko ay wala man lang ito naging tugon, maski ang tumango ay hindi nito ginawa. Tila walang pakialam sa paligid na umupo lang ito.

"Damn it! Hindi ba't sinabi ko na wag niyong lalagyan ng cream ang coffe ko?! Tanga ka ba?!" Bulyaw ni sir Tyler sa kasambahay na nagtimpla ng ka
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status