TOO LATE TO LOVE ME

TOO LATE TO LOVE ME

last updateLast Updated : 2026-10-29
By:  Kaile GuevarraUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
13views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Si Athena Buenaventura ay nasaktan nang matuklasan niyang maaaring hindi naging totoo ang pagmamahal sa kaniya ni Akhiro Fuentes. Ang mas masakit, ang sarili niyang kakambal na si Alexa ang sangkot sa panlilinlang na sumira sa tiwala niya. Nang mabunyag ang katotohanan sa likod ng mga cookies at sticky note, sumabog ang matagal nang kinikimkim na galit, selos, at sakit. Sa gitna ng kanilang paghaharap, muntik nang mahulog si Athena sa hagdan—isang sandaling nagpaunawa kay Akhiro kung gaano siya kalapit na tuluyang mawala sa buhay nito. Nailigtas man niya si Athena, hindi ito nangangahulugang maililigtas din niya ang pag-ibig na siya mismo ang sumira. Ngayon, kailangan ni Akhiro na patunayan na higit pa sa mga salita ang kaniyang pagsisisi at na tunay ang pagmamahal niya kay Athena. Ngunit matapos ang lahat ng kasinungalingan, kaya pa bang magtiwala si Athena sa lalaking minsang dumurog sa kaniyang puso? Darating ang araw na matututuhan ni Akhiro ang pinakamapait na aral—na may mga pag-ibig na dumarating lamang kapag huli na ang lahat?

View More

Chapter 1

Chapter 1

CHAPTER ONE - ANG LALAKING KATABI KO

ATHENA'S POINT OF VIEW

Ako si Athena Buenaventura at mayroon akong kakambal na si Alexa.

Simula pagkabata, palagi kaming magkaribal sa halos lahat ng bagay. Sa grades, sports, mga medalya, at maging sa maliliit na bagay na hindi naman dapat pag-awayan, lagi kaming nag-uunahan.

Minsan, sa sobrang inis ko sa kaniya, naiisip kong murahin na lang siya. Pero sa huli, sinusubukan kong pigilan ang sarili ko.

Kakambal ko siya, eh.

At kahit gaano kami kadalas mag-away, may bahagi pa rin sa akin na gusto ko parin rin siyang protektahan.

Pero may isang bagay kaming hindi magkapareho, ang swimming.

Ako kasi mahilig lumangoy. Samantala, si Alexa ay takot sa tubig dahil sa traumatikong pangyayaring nangyari noong mga bata pa kami.

Pero dahil sa pagkakaibang iyon, hindi ko inaaakala na iyon ang magiging simula ng pinakamalaking sugat na dadalhin ko hanggang sa aming paglaki, lalo na nang dumating si Akhiro Fuentes.

'First day of class'

Maaga akong pumasok, hindi dahil gusto kong mag-aral.

Well, medyo… pero ang totoo niyan, excited akong makita ang isang tao.

Si, Akhiro Fuentes. Ang kababata ko na matagal ko nang pinapangarap.

Habang naglalakad ako sa corridor, palihim akong sumisilip sa mga classroom. Kunwari, hinahanap ko ang room number ko, pero ang totoo, nagbabakasakali akong makita siya.

“Grabe, Athena,” bulong ko sa sarili ko. “First day pa lang, baliw na baliw ka na.”

Natawa ako nang mahina sa sarili ko.

Pagdating ko sa classroom, dumiretso ako sa upuang malapit sa bintana. Paborito ko iyon dahil nakakarelaks tumingin sa labas kapag nakakaantok ang klase.

Inilapag ko ang bag ko at inilabas ang notebook.

Tahimik akong nakaupo nang may biglang nagsalita sa tabi ko.

“Miss, puwede bang dito ako umupo?”

Napahinto ang kamay ko.

Pamilyar ang boses na iyon.

Dahan-dahan akong lumingon.

Kumakabog ang dibdib ko,

At sa isang iglap, parang nakalimutan kong huminga.

Si Akhiro.

Nakatayo siya sa tabi ko habang mayroong tipid na ngiti sa kanyang mga labi. Hawak niya ang kanyang bag na mukhang mas mahal pa sa mga gamit ko.

“Ah… eh…” Nauutal akong tumingin sa kaniya. “O-okay lang. No problem.”

Napangiti siya. “Thanks.”

Umupo siya sa tabi ko na para bang wala lang ang lahat. Samantalang ako, halos hindi ko na alam kung paano kikilos.

'Lord, ito na ba ’yon?'

Ang dami kong gustong sabihin, pero wala akong maisip na kahit isang matinong pangungusap.

Bahagya siyang yumuko para ilabas ang mga gamit niya. At doon ko naamoy ang pabango niya.

Mabango.

Sobrang bango.

Napapikit ako sandali.

Athena, please. Umayos ka.

“By the way,” sabi niya habang lumilingon sa akin. “Athena, right?”

Nanlaki ang mga mata ko.

“K-Kilala mo ako?”

Tumawa siya nang mahina.

“Of course. Magkababata tayo, hindi ba?”

Napatigil ako.

Tama.

Magkababata nga pala kami.

Pero hindi ko alam na naaalala niya pa rin ako.

“Akala ko nakalimutan mo na ako,” mahina kong sagot.

Saglit siyang natahimik bago ngumiti. “Hindi naman ako madaling makalimot.”

Hindi ko alam kung bakit, pero tumatak sa isip ko ang mga salitang iyon. Pero hindi ko alam na balang araw, sa lahat ng tao, ako ang isa sa pinakamadali niyang makakalimutan.

At siya rin ang magiging taong pinakamahirap kalimutan sa buong buhay ko.

Hindi ko namalayang unti-unti nang naging bahagi ng araw-araw ko si Akhiro.

Sa umaga, siya ang una kong hinahanap sa classroom.

Sa lunch break, siya ang inaabangan kong makasabay.

At kapag may pagsusulit, kunwari ay wala akong pakialam sa score niya, pero palihim ko pa ring tinitingnan kung mas mataas ba ang nakukuha niya kaysa sa akin.

Minsan, nahuhuli niya akong nakatingin sa kaniya.

“Anong tinitingnan mo?” tanong niya.

“Wala!”

“Sure?”

“Oo nga!”

Tatawa lang siya, at ako naman ay magkukunwaring naiinis.

Hindi ko alam kung kailan naging seryoso ang simpleng paghanga ko sa kaniya.

Ang alam ko lang, isang araw, nahuhuli ko ang sarili kong nagluluto ng cookies sa kusina.

Hindi naman talaga ako mahilig mag-bake.

Pero nalaman kong minsan ay nakakalimutan ni Akhiro na kumain kapag sobrang busy siya sa pag-aaral.

Kaya naisipan kong magdala ng cookies para sa kaniya.

Hindi ko nilalagyan ng pangalan ang lalagyan. Sa halip, nag-iwan lang ako ng maliit na sticky note.

'Huwag mong kalimutang kumain. Alalahanin mo, Akhiro, hindi ka robot.'

Sa ibaba nito, isinulat ko ang paborito kong mga letra:

PS: MLAO.

Kinabukasan, nakita kong hawak niya ang lalagyan habang nakangiti.

“Uy, sino kaya ang nagbigay nito sa akin?” tanong niya sa mga kaibigan niya.

Napatigil ako sa ginagawa ko.

Hindi niya alam na ako iyon.

Pero nang makita kong kumain siya ng cookies at ngumiti pagkatapos, hindi ko na kinailangang ipakilala ang sarili ko.

Sapat na sa akin na nagustuhan niya ang mga iyon.

Mula noon, naging lihim kong gawain ang magpadala sa kaniya ng cookies at maglagay ng maiikling sulat. Tumagal iyon ng ilang taon.

At siyempre, hindi ko iyon magagawa nang mag-isa.

Kasabwat ko si Mavel, isa sa mga kaklase ko na kalaunan ay naging best friend ko. Madalas kaming magkuwentuhan tungkol kay Akhiro, lalo na kapag may libreng oras kami.

Dahil alam ni Mavel kung saan nakatira si Akhiro, at malapit lang sa kanila ang bahay nito sa UP, mas napapadali ang pagpapadala ko ng cookies at mga sulat sa kaniya.

Si Mavel ang naging katuwang ko sa lahat ng kalokohang iyon.

At bilang supportive kong best friend, hindi niya ako tinigilan sa pang-aasar.

“Alam mo, Athena, kung hindi ka pa rin niya mapansin niyan, ewan ko na lang,” natatawa niyang sabi minsan.

“Tumahimik ka nga!” sagot ko, sabay kuha ng cookies na dala niya.

Pero kahit inaasar niya ako, alam kong masaya siya para sa akin.

Kapag may pagsusulit si Akhiro, binabati ko siya ng good luck sa pamamagitan ng maliliit na sulat.

Kapag mukhang pagod siya, pinapaalalahanan ko siyang magpahinga at kumain nang tama.

At kapag napapansin kong tahimik siya o parang may problema, nag-iiwan ako ng ilang salitang umaasa akong makakapagpagaan sa araw niya.

Hindi ko alam kung nakakatulong ba talaga ang mga iyon.

Ang alam ko lang, sa bawat pagkakataong nakikita ko siyang ngumiti matapos mabasa ang mga sulat ko, gumagaan na rin ang pakiramdam ko.

Hindi ko hinihingi na malaman niya kung sino ako.

Hindi ko rin inaasahang susuklian niya ang lahat ng ginagawa ko.

Gusto ko lang siyang mapasaya.

Simple lang naman, hindi ba? Pero sa ganitong bagay, nagbibigay na sa akin ng kaunting kasiyahan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status