Share

Chapter 42.💜

[Maya/Fiona pov]

HINDI ko maintindihan kung bakit bawal magpunta sa kwarto ng amo namin ang sarili nitong anak. Kahit anong isip ko ay wala akong maisip na dahilan. Hindi tuloy ako makatulog sa kakaisip. Katutulog lang ni Trevor kaya naman nagtungo na ako sa kwarto ko para matulog at makapagpahinga.

Akala ko ay sila ate Mae at aling Berta lang ang naninilbihan sa mansion na ito, pero hindi naman pala. Maraming kasambahay, mga drivers, hardinero, iyon nga lang ay walang nagtatagal na yaya ni Trevor na hindi ko rin alam kung bakit. Mabait na bata naman kasi si Trevor kaya bakit walang nagtatagal na alagaan ito? Hindi kaya dahil sa amo namin? Naalala ko bigla ang narinig kong ingay noon dito sa mansion.

Base sa ingay na iyon ay parang may nababasag, o nagwawala na ewan.

Napalunok ako bigla.

Paano kung dahil pala dito kaya walang nagtatagal na yaya ni Trevor? Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Wag naman sana ako makatanggap ng pagmamalupit rito kung sakali. Ito ang kauna-unahang trabah
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status