Home / Romance / ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN / Chapter 7.๐Ÿ’œ

Share

Chapter 7.๐Ÿ’œ

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2023-12-01 22:01:00

(Maya pov)

MABILIS na sumapit ang isang buwan. At katulad ng gusto ni Mr. Montemayor ay pinakasalan niya ako sa pagkasapit ng isang buwan. Hindi ko inaasahan na magiging engrande ang aming kasal. Maraming bisita na hindi ko kilala pero tiyak ako na katulad ng pinakasalan ko ay kilala din ang mga ito sa lipunan, maging ang kaibigan ng napangasawa ko ay nakilala ko rin na sina Grant, Dimitri, Brix, at Kier.

Nang iwan ako saglit ni Mr. Montemayor ay lumapit sa akin si Senyora, nakapaskil sa kanyang mukha ang tuwa at ang pang- aalipusta para sa akin.

"Nagkasilbi ka rin sa pamilya namin. Sa wakas ay tuluyan ka ng naalis sa poder namin at hindi na namin kailangan pang makita ang iyong nakakasuklam na mukha." Lumapit pa sa akin si Senyora at bumulong pa ng nakapagbigay ng takot sa aking sistema. "Salamat dahil sinalo mo ang posisyon na dapat ay para sa aking apo na si Hannah. Hindi naman ako ganoon kasama kaya naman ipagdarasal ko na sana ay hindi ka makaranas ng sobrang pagmamalupit mula sa kanya." Wala naman sinabi ang asawa ni Senyora na si Senyor Paolo, nakatingin lamang ito sa akin na tila walang pakialam.

Kanina pa nakaalis sina Senyora Lina at Senyor Paolo subalit hindi nawala sa akong sistema ang takot na baka nga makaranas ako ng mas matinding pagmamalupit mula sa pamilya ng aking pinakasalan kaysa sa mga Gustin. Mabuti na lamang at wala rito si Hannah o iba pang pamilya ng Gustin para dumalo sa kasal. Ang mag-asawa lamang ang dumalo, si Hannah at ang mag asawang sina Ma'am Lorna at Sor Bryan ay hindi dumalo. Sabagay, bakit sila dadalo eh kasambahay lang naman talaga nila ako.

Napaigtad ako ng maramdaman ang pagpulupot ng braso ni Mr. Montemayor sa aking maliit na bewang. Napatingin ako sa kanya, katulad ko ay napatingin din siya sa akin kaya nagsalubong ang aming mata, kaya agad akong nagyuko ng ulo.

Kulang ang salita para ilarawan kung gaano kakisig si Mr. Montemayor. Matangkad ako pero kung tatabi ako sa kanya ay kailangan ko pa rin tumingala dahil nasa 6'2 ang taas nito. Maihahambing ang ka-gwapuhan nito sa aktor na si Jericho Rosales. Napansin ko din ang paglitaw ng kanyang dimples sa pisngi sa tuwing siya'y ngingiti. Ang kanyang buhok ay medyo may pagkakulot subalit nagmistula iyong isa sa assets nito.

Pagkagaling sa reception ay sumakay kami sa isang sasakyan lamang. Naiilang ako dahil magkatabi kaming dalawa. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin. Hindi ko naman mabaling ang mata sa kanya dahil nahihiya akong tingnan siya. Pakiramdam ko kasi ay napakababa ko lamang kumpara sa kanya... saka alam ko din sa sarili ko na hindi naman talaga ako ang dapat na pakakasalan n'ya.

Tumingin ako sa kanya ang hawakan niya ang nanlalamig kong kamay.

"Hindi ka dapat matakot sa akin, Maya. Mag asawa na tayong dalawa kaya naman ipalagay mo ang loob mo at dapat na masanay kang kasama ako."

Ang lambing ng boses niya. Ang sarap sa pandinig. Pero may hinala ako na ngayon lamang siya mabait sa akin dahil katatapos lang namin ikasal.

Isang arranged marriages lang naman itong naganap na kasal sa pagitan namin kaya hindi na ako magtataka kung tratuhin niya ako na parang basahan sa mga susunod na araw. Hinanda ko na ang sarili ko, pero aaminin ko na may takot sa puso ko.

Sanay na ako sa trato ng mga Gustin pero nasasaktan pa rin ako. Dito pa kaya sa mga Montemayor na hindi ko naman nakalakihan.

Hindi ko nagawang ibuka ang labi ko. Nakayuko pa rin ako ng ulo. Nang huminto ang sinasakyan namin ay naunang bumaba si Mr. Montemayor, nagulat pa ako dahil pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan at inalalayan pa akong bumaba. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang naglalakad kami dahil magka- holding hands kami habang naglalakad. Hindi ko magawang hilahin ang kamay ko dahil pinipigilan niya at mas lalong hinihigpitan ang paghawak sa aking kamay.

Ang bigat ng suot kong puting gown sa totoo lang. Hindi na ito ang Wedding Gown na suot ko kanina. Noong nasa reception ay pinalitan na ang aking suot, pero kulay puti pa rin naman ito.

Palaging sinasabi ni Senyora Lina na wala akong karapatan mangarap na maging prinsesa, maging si Hannah ay gano'n din ang sinasabi sa akin noong bata pa kami. Pero ngayon ay hindi ko maiwasan na isipin na isa akong prinsesa dahil sa kasuotan ko ngayon. Bawat hakbang ko kasi ay naririnig ko ang tunog ng aking suot na sandals, maging ang suot kong gown ay napakahaba ng laylayan. In short ay kumikinang ako ng mga sandaling ito... Sa pagbukas ng main door ng mansion ay bumungad sa amin ang mga nakatayo at nakayukong mga kasambahay. Triple ang bilang ng mga ito kumpara sa kasambahay ng mga Gustin.

Binati nila si Mr. Montemayor, nagulat ako dahil maging ako ay binati nila.

"Siya ang asawa ko. Pagsilbihan ninyo siya ng maayos at walang reklamo. Igalang niyo rin siya katulad ng paggalang ninyo sa akin..."

Marami pa siyang sinabi... samantalang ako ay napatulala habang nakatingin sa kanya. Nagtataka ako dahil kulang nalang ay sabibin ni Mr. Montemayor na ituring akong REYNA...

Tila huminto ang paligid ko at bumilis ang tibok ng puso ko ng lumingon siya sa akin at ngumiti, hindi ko agad nabawi ang aking tingin, napako ang tingin namin sa isa't isa.

"M-Mr. Montemayor..." Namumula ang pisngi ko ng magyuko ako ng ulo. Hindi ko matagalan ang titig niya. Pakiramdam ko ay natutunaw ako.

Biglang may musikang tumunog. Ang lahat ay nakayukong lumayo sa amin ni Mr. Montemayor kaya naiwan kami sa gitna. Nang tumingin ako sa sahig na marmol ay saka ko lamang napansin ang mga petals ng bulaklak na nagkalat sa paligid. Medyo nagulat pa ako at napakapit sa kanya ng biglang namatay ang ilaw, pero agad din naman na may nagsindi ng mga kandila.

Umawang ang labi ko ng bigla niyang iniluhod ang isang tuhod sa aking harapan habang nakalahad ang kanyang isang kamay.

"I know it's sounds cheesy, Maya... Pero alam mo ba na ayaw na kitang bitiwan kanina doon sa reception no'ng nagsasayaw tayo. Sa dami ng bisita ay halos wala tayong oras para mag- usap." Wika niya na mayro'n nakasungaw na ngiti sa labi.

"Hinayaan na rin muna kita dahil alam kong naiilang ka na kausapin ako. Pero ngayon na tayong dalawa nalang at narito na tayo sa ating tirahan. Payag ka ba na masolo kita at ma-isayaw?"

"M-Mrโ€”โ€”โ€”"

"Stop calling me, Mr. Montemayor, Maya. Mag asawa na tayo ngayon kaya pwede mo na ako tawagin sa pangalan ko o kahit anong endearment pa ang nais mo." Inginuso niya ang kanyang kamay. "Hindi mo ba tatanggapin ang alok kong sayaw?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 154.๐Ÿ’™

    (Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 153. ๐Ÿ’™

    (Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 152. ๐Ÿ’™

    (Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kayaโ€ฆ kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala naโ€ฆโ€œKarla!โ€ Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 151. ๐Ÿ’™

    (Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 150. ๐Ÿ’™

    (Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 149. ๐Ÿ’™

    (Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. โ€œTeka, saan ka ba nagtatrabaho?โ€ Tanong sa akin ni Jelay. โ€œPara madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?โ€ Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayroโ€™ng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status