[Tyler pov]
Kumunot ang aking noo ng makita ang pagsiko ng matanda sa dalagang katabi, maging ang kaliwang pisngi ng babae ay napansin ko agad ang pamumula."Mr. Montemayor, ito ang aming apo. Siya si Maya Gustin." Bumaling ng nakangiti si Mrs. Gustin sa dalaga. "Siya si Tyler Montemayor, kilalang businessman sa buong mundo. Batiin mo siya, Maya." Utos ng matanda sa dalaga.Hindi nakaligtas sa aking mata ang may paninindak na tingin nito sa babaeng katabi."A-Ako po si Maya G-Gustin." Panay ang takip ng kamay ng dalaga sa tapat ng dibdib. Halatang hindi ito kumportable sa suot.Kaharap ko ngayon si Maya, ang pekeng apo ng mga Gustin. Ayon sa nabasa kong report tungkol sa mga Gustin ay mayro'n lamang itong isang apo na ang pangalan ay Hannah. Nakita ko rin ang litrato nito kanina at hindi ito ang babaeng kaharap ko ngayon.Sumasagot ako sa mga tanong ng mag-asawa subalit ang aking mata ay nakapako sa dalagang kaharap ko. Ayaw ko ng niloloko ako, pero ngayon ay walang kaso sa akin yon. Gusto ko ang babaeng kaharap ko, o mas tamang sabihin na tinamaan agad ako sa kanya.Napailing na lamang ako habang hindi namamalayan na napapangiti na pala. Pero nawala ang ngiti sa labi ko ng mapansin ang namumulang pisngi ng dalaga. Hindi ko gusto ang nasa isip ko ngunit may duda akong sinaktan ito. Maging ang kamay nito na may hawak na kubyertos ay nanginginig din. Gusto kong makita ang kanyang mukha subalit yumuko ito bigla ng magsalubong ang aming tingin."Gusto kong maikasal agad kami ng apo mo, Mr. Gustin." May ngiti sa labi na wika ko. Napangiti ako ng mag-angat ng mukha ang dalagang kaharap ko. Halata ang pagkagulat sa reaksyon nito."K-Kasal?" Namimilog ang magandang mata na tanong nito bago bumaling sa katabing si Mrs. Gustin. "S-Sandali lang, Senyoraβββ"Nagsalubong ang aking kilay ng hawakan ng matandang babae sa braso si Maya at tinayo. "Sandali lang, Mr. Montemayor, mag- uusap lamang kami ni Maya."Napatiim-bagang ako ng makita ang madiin na paghawak nito sa dalaga. Nang mapatingin ako sa paa ni Maya ay saka ko lamang napansin na naka-paa lamang ito.Tinabig ko ang wine glass para matapon ang laman nito sa aking suot."Would you mind If I use the restroom?" Tanong ko pa habang pinapunasan ang aking suot kunwari."Sandali lamang at pasasamahan kitaββ""No need, Mr. Gustin, I can manage." Pigil ko rito. Agad na tumayo ako para kunwari ay magtungo sa restroom, subalit ang totoo ay gusto ko lamang makita si Maya at kumpirmahin ang hinala ko. Nakatayo na ako ngayon sa gilid ng pinto kung nasaan nasa loob sina Mrs. Gustin at Maya."S-Senyora, maawa po kayo sa akin. A-Ayoko pong makasal sa lalaking hindi ko mahal. H-Hindi po ako papayag sa gusto niyong mangyari." Umiiyak na pakiusap ni Maya sa matanda.Napapikit ako at kumuyom ang kamao ko ng makarinig ng tunog ng isang malutong na sampal. Tama ang hinala ko, ang pula sa pisngi ni Maya ay bakas ng pananakit."Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala kang karapatan na suwayin ko? PunyΓ¨ta ka! Ang tagal mo pang lumabas kanina! Pinahiya mo kami!"Nang sumilip ako ay nakita kong nakaluhod na si Maya sa harapan ng matanda."S-Senyora, hindi ako pwedeng magpakasal dahil hihintayin ko pa ang pagbabalik ni nanay.""Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kailanman ay hindi na babalik ang nanay mo! Iniwan ka na niya dahil pabigat ka lamang sa kanya!"Tila pinunit ang dibdib ko ng marinig ang mahinang paghagulhol ng iyak ni Maya. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito sa isang babae. Naghahalo ang aking awa at simpatya para sa kanya."H-Hindi yan totoo, babalik po si nanay.""Sige ganito nalang. Magpakasal ka kay Mr. Montemayor para sa pagbalik ng nanay mo ay hindi namin siya ipakukulong dahil sa ginawa n'yang pagnanakaw sa amin. Hindi lamang iyon, Maya, baka nakakalimutan mo na pinalamon ka namin sa kabila ng ginawa ng iyong ina!!!"'Tusong matanda' Ani ng utak ko."S-Senyoya...""Ano? Sumagot! Gusto mong makulong ang nanay mo sa pagbalik niya rito? O magpapakasal ka bilang kabayaran sa ginawa ng ina mong walang silbi?!"Tumingin ako sa relo ko. Kailangan ko ng bumalik dahil baka magtaka na si Mr. Gustin at hanapin pa ako.Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Maya. Alam ko na ang magiging pasya niya. Saka kung sakali man na hindi pa rin siya papayag ay gagawa din naman ako ng paraan para maging asawa ko siya.Inabala ko kunwari ang aking sarili na makausap si Mr. Gustin kahit ang totoo ay hinihintay kong lumabas muli si Maya para makapagpaalam na akong umuwi. Gusto kong isama si Maya sa aking pag-uwi pero hindi pa pwede.Nang lumabas si Maya kasama si Mrs. Gustin ay agad na napatingin ako sa kanya. Katulad kanina ay nakayuko lang si Maya sa harapan ko. Ni hindi ito kumain."Tungkol sa kasal na binaggit ko kanina, I want it to happen in just one month. Hindi naman siguro kayo tututol?" Walang paligoy- ligoy na sabi ko sa dalawang matanda. Hindi nakaligtas sa aking mata ang pagtitinginan ng mag- asawa na mayro'ng ngiting tagumpay sa labi."Kung ano ang napagpasyahan mo, Mr. Montemayor, wala kaming tutol. Yon din naman ang nais ng aming apo na si Maya." Hinawakan ni Mrs. Gustin ang kamay ni Maya at madiin na pinisil. "Hindi ba, Maya?""O-Opo." Maikli lamang na sagot ng dalaga.Tumayo ako at lumapit kay Maya. Nagulat hindi lamang si Maya, maging ang matandang mag-asawa ng hawakan ko ang kamay ni Maya na medyo magaspang.Hinalikan ko yon ng walang pag-aalinlangan. "Nice to meet you, Maya. Soon to be my wife... Magkikita pa tayong muli." Wika bago ngumiti sa kanya.Nang gabing yon ay umuwi ako ng hindi nawawala ang ngiti sa aking labi. Hindi ko akalain sa mansion ng mga Gustin ko lamang pala matatagpuan ang babaeng magpapatibok ng puso ko ng ganito.Hindi na ako makapaghintay na maging asawa si Maya...(Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa
(Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag
(Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kayaβ¦ kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala naβ¦βKarla!β Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak
(Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si
(Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii
(Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. βTeka, saan ka ba nagtatrabaho?β Tanong sa akin ni Jelay. βPara madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?β Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayroβng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko