Share

BOOK2: Chapter 22

Author: Luffytaro
last update Huling Na-update: 2025-11-27 12:03:38

NABIGLA si Adam sa ginawa ni Miri kaya natigilan ito at hindi nakagalaw ng ilang segundo, ngunit mabilis din naman itong nakabawi. Para itong nabitin sa kanyang ginawa kaya dali-dali nitong itinaas ang kamay at inilagay sa likod ng kanyang ulo at biglang yumuko para halikan siya sa kanyang labi. Nanlalaki ang kanyang mga mata dahil hindi niya ito inaasahan.

Umakyat ang kanyang kamay sa dibdib nito upang itulak palayo sa kaniya ngunit hindi ito gumalaw. Sa halip ay mas naging mariin ang paraan ng halik nito at halos hindi na siya makahinga pa. Mabuti na lang at naisipan din nito na bitawan siya kaagad bago pa man siya maubusan tuluyan ng hininga.

Nanlilisik ang mga mata niyang tiningnan ito, plano na talaga siya nitong patayin. Sa halip ay nakataas lang ang sulok ng labi nitong nakatingin sa kaniya at mukhang natutuwa pa. “Halik pa lang yun ah.” sabi nito na nakangisi. “Paano na lang kung mas higit pa doon? Baka hindi ka na makatayo pa ng lubusan? Tyaka sigurado ka ba talaga sa sinasa
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 61

    NAPAIKTAD si Miri nang bigla na lang kagatin ng marahan ni Adam ang kanyang tiyan. “Bakit ayaw mong sumagot?” Tumitig ito sa kanyang mga mata, may apoy pa rin ang mga mata. “Kung may gusto ko sa akin ay bakit mo pa kailangang pumunta sa ganung klaseng lugar?” tanong nito sa kaniya. Akala niya ay nakalimutan na nito iyon ngunit mukhang hindi pa rin pala. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Napalunok siya. Alam niya na kapag hindi niya ito sinagot ay siya lang din naman ang mahihirapan. Pumikit siya ng mariin. “Dahil, dahil… ayoko sa nararamdaman ko! Ayokong, ayokong kontrolin mo ako dahil lang sa kung ano ang nararamdaman ko.” sagot niya rito. Hindi niya sinabi ang lahat ngunit totoo pa rin naman iyon.Ayaw niyang mabaliw siya at lamunin ng nararamdaman niya dahil baka hindi na niya tuluyan pang makontrol ang sarili niya, natatakot siya. Natatakot siya sa totoo lang. Tumaas ang sulok ng labi nito. “Hindi pa ba kita nakokontrol?” balik nitong tanong sa kaniya.Natahimik siya sandali.

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 60

    NATAHIMIK siya sandali. Dahil na rin sa sobrang saya niya na inisin ito ay halos nakalimutan na niya ang tungkol sa bagay na iyon. “Sa tingin mo ba ay matutuwa ang iyong ama kapag napabalita na ang nag-iisa niyang anak na babae ay pumupunta sa ganitong klaseng lugar?” muli niyang narinig ang tinig ni Adam.“Wala siyang pakialam sa akin. Tyaka pwede bang huwag mo na siyang isali sa usapan?” sabi niya na may halong hinanakit ang tinig. Kapag naalala niya ang kanyang ama ay mas lalo lang sumasama ang loob niya. Kung hindi dahil sa kaniya ay wala sana siya sa sitwasyong katulad nito. “Wala siyang pakialam sayo? E bakit mo pa ginagawa ang lahat ng ito?” tanong nitong muli sa kaniya. Natahimik na lang siya. Isang mahabang buntong hininga ang muli nitong pinakawalan. “Gusto mo bang subukan kung may pakialam siya sayo o wala?” tanong nito sa kaniya na para bang may naisip ng plano ngunit mabilis siyang umiling.“Ayoko.” “Kung ganun naman pala ay huwag na huwag ka ng babalik pa sa ganitong

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 59

    BIGLANG tumunog ang cellphone ni Miri dahilan para tumingin siya rito, nakita niya ang ilang chat ni Adam sa kaniya na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya. “Layuan mo ang lalaking katabi mo ngayon din Mirabella.” “Kapag hindi ka pa lumayo sa lalaking yan at baka kung ano ang gawin ko sa kaniya.” Nang mabasa niya ang mga iyon ay dali-dali siyang lumayo rito. Ilang sandali pa ay naramdaman niya nang may tao sa likod niya kaya nang lingunin niya ito ay nakita niyang si Adam na ito. Mabilis nitong hinawakan ang braso niya at pagkatapos ay biglang hinila patungo sa tabi nito. Ang mga mata nito ay tumingin sa kaniya habang nag-aapoy sa galit. “Anong pumasok sa kokote mo at nagpunta ka sa ganitong klaseng lugar?” salubong ang makakapal na kilay na tanong ni Adam sa kaniya. Napalunok lang siya at sinubukang pakalmahin ang sarili niya. “Na-bobored kasi ako sa bahay.”Nagtagis ang mga bagang nito. “Sapat na ba iyong dahilan mo para pumunta sa gantong klaseng lugar?” tanong pa r

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 58

    NAPABUNTONG-hininga na lang si Vanessa dahil sa sinabi ni Miri. napasulyap ito sa cellphone na nasa ibabaw ng mesa na kanina pa tunog ng tunog. “Bakit hindi mo sagutin yang cellphone mo? Kanina pa tunog ng tunog.” sabi nito sa kaniya.Ngumiti lang siya rito at umiling. “Para ano? Para sermonan lang niya ako?” balik niyang tanong sa kaibigan.Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan nitong muli. “Hindi talaga kita maintindihan Miri. masyado mong ipinapahamak ang sarili mo.” napailing na lang ito.Alam kasi nito na magagalit na naman si Adam sa kaniya kapag nalaman nito ang ginawa niya. Ginagawa niya lang naman iyon para malaman nito na kahit may nararamdaman siya para rito ay hinding-hindi siya magpapakontrol. Gagawin pa rin niya ang lahat ng gusto niya. Ilang sandali pa ay tuluyan nang nagsilapitan ang mga lalaking binayaran niya sa kanilang mesa. Sinubukan siyang kausapin ng isa ngunit mabilis siyang tumanggi. “Gusto mo bang dalhin kami sa ibang lugar Miss?” tanong nito sa ka

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 57

    KAGABI ay sa kwarto ni Miri natulog si Adam ngunit pagkagising nito ay kaagad itong nagbihis para magtungo sa kumpanya. Pagkaalis ni Adam ay kaagad din siyang nagbihis para magtungo sa condo ni Vanessa dahil ayaw niyang makasalamuha ang babaeng iyon. Baka mag-away lang silang dalawa kaya siya na lang ang iiwas. “Ano?!” hindi makapaniwalang bulalas ni Vanessa nang marinig nito ang sinabi niya. “Nababaliw ka na ba talaga Miri? Anong pumasok sa isip mo at sinabi mo iyon sa kaniya?” nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya pagkatapos ay napatampal na lang sa noo. Para itong problemadong-problemado sa sinabi niya idagdag pa ang mabigat nitong paghugot ng malalim na buntong hininga.Huminga siya ng malalim at tumingin sa kanyang kaibigan. “Vanessa, huminahon ka nga okay?” Sinamaan siya nito ng tingin. “Sa tingin mo paano ako hihinahon?! Miri ang sabi ko sayo ay dumistansya ka sa kanya para hindi ka mahulog lalo sa kaniya diba? Umuo ka pa nga sa akin e diba?” Napakagat labi siya

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 56

    HALOS kalahating oras ang lumipas ay bumukas ang pinto ng silid ni Miri. pumasok si Adam na may hindi maipintang mukha. Hindi niya alam kung ano ang pinag-usapan nito at ng ama ngunit kung ang mukha nito ang pagbabasehan niya ay mukhang hindi maganda ang kinalabasan. Bumuntong hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. “Dito siya titira ng isang buwan.” sabi nito sa kaniya. “Saan ang magiging kwarto niya?” tanong niya rito. “Sa third floor.” mabilis na sagot nito kung saan ay hindi siya nakamik nang marinig niya ang sinabi nito.Ang third floor ang pinaka-off limits sa lahat ng palapag sa bahay na iyon. Nakapunta na siya doon pero wala pa yatang limang beses ngunit nang marinig niya na doon ito magkakaroon ng silid ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng inis. Ngunit kahit na ganun ay nanatili siyang tahimik. Idagdag pa na alam naman niyang wala siyang karapatan na magreklamo. Nang dahil sa pananahimik niya ay muli itong nagsalita. “Ayoko sana kaso pinilit ako ng Daddy k

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status