LOGINNATIGILAN man si Miri ngunit mabilis siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Mukhang hindi na tama pa na manatili siya doon kung ganun ang magiging usapan ng mga ito dahil baka mamaya ay kung anong emosyon lang ang ipakita niya. “Maiwan ko muna kayo.” sabi niya at tinalikuran ang mga ito ngunit nakakaisang hakbang pa lang siya nang marinig niya ang tinig ni Adam mula sa likod niya.“Hintayin mo ako sa taas.” utos nito sa kaniya.Napatigla siya at muling nilingon ito habang nakakunot ang noo. “Bakit?” hindi niya naiwasang tanungin ito. Kung gusto nitong makatabi si Lira ay bakit pa nito kailangang puntahan siya? “Anong bakit? Kailangan mo pa bang tanungin ang dahilan?” balik nitong tanong sa kaniya.Sinulyapan niya si Lira na nasa tabi nito. “Hindi ba at inaalok ka niyang tabihan siya? Bakit hindi ka na lang tumabi sa kaniya?” tanong niya rito ngunit habang sinasabi niya iyon ay tila ba pakiramdam niya ay may tumutusok sa kanyang dibdib.Agad na nanlamig ang mukha nito. Nagsalubong
NAPASULYAP siya sa lalaking nasa harap niya. “Hindi ka ba aalis ngayon?” tanong niya rito nang mapansin na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ito nagbibihis para umalis. Kalimitan kasi kapag ganun ay nakabihis na ito at madalas ay wala na ito kapag nagigising siya. Nasa harap nga pala sila ng hapag ng mga oras na iyon at sabay na kumakain. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito. “Gusto kong magpahinga ngayon.” sabi nito sa kaniya.Hindi siya nagsalita. Ilang sandali pa ay muling nagtanong. “Bakit hindi ko yata nakikitang umuuwi rito ang kapatid mo?” curious na tanong niya rito. Kung kanilang dalawa naman ang bahay na iyon ay bakit hindi niya nakikitang umuuwi doon ang kapatid nito. Natigilan ito at agad na nagsalubong ang mga kilay. “Bakit mo naman tinatanong?” tanong nito sa kaniya.Nagkibit balikat lang siya. “Wala naman. Curious lang.” sagot niya rito.“Mas prefer niyang tumira sa condo niya.” sabi nito sa kanya.“Ah…” napatango-tango siya bago muling sumubo ng pagk
MULI itong napabuntong hininga. “Tyaka mukhang nag-uumpisa pa lang naman ang nararamdaman mo para sa kaniya kaya kung ako sayo ay pag-isipan mo munang mabuti kung mas palalalimin mo pa ito o ititigil na.” Nanatili pa rin siyang tahimik dahil unang-una ay hindi niya naman alam kung ano ang isasagot niya rito. “Alam kong gusto mo rin namang pigilan ang sarili mo na mahulog pa lalo sa kaniya pero dahil nga magkasama kayo sa iisang bahay ay alam kong mahihirapan ka talaga. Pero sa ngayon, ang tanging magagawa mo lang talaga ay ang iwasan siya at dumistansya sa kaniya para hindi ka mahulog lalo sa kaniya.” mahabang sabi nito sa kaniya na may kasamang pagpapaalala.“Hindi naman kami ganun kalapit sa isat-isa sa ngayon. Isa pa, hindi rin naman kami palaging magkasama dahil saka niya lang ako pupuntahan kapag may kailangan siya sa akin. Idagdag pa na hindi naman kami halos araw araw na nagkikita at ilang beses pa lang rin kami nagsabay na kumain. Paano ako nagkaroon ng ganitong feelings para
ANONG oras na ngunit mulat pa rin ang mga mata ni Miri. kanina pa niya sinusubukang matulog ngunit ayaw talaga siyang dalawin ng antok. Hanggang sa mga oras na iyon kasi ay ginigulo pa rin ang isip niya ng mga bagong natuklasan niya sa sarili niya. Inabot niya ang kanyang cellphone at pagkatapos ay agad na idinial ang numero ng kanyang kaibigan na si Vanessa. Nakailang ring lang ito nang sagutin nito ang tawag niya at hindi niya akalain na gising pa rin ito hanggang sa mga oras na iyon. “Miri… anong problema?” mahina at halatang naalimpungatan pa ito.“Vanessa, tulungan mo ako…” mahina niyang bulong.Napabalikwas naman ng bangon si Vanessa nang marinig ang sinabi ng kaibigan. “Anong problema Miri? Sabihin mo, sinaktan ka ba niya? Gusto mo bang tumawag na ako ng pulis? Sandali lang magbibihis lang ako at—” “Huminahon ka Vanessa, hindi. Hindi iyon tulad ng iniisip mo.” putol ni Miri sa sinasabi nito.“E anong ibig mong sabihin? Ayaw mo na tumawag pa ako ng pulis? Para makatakas ka n
PABALIBAG na isinara ni Adam ang pinto ng silid na halos ikagulat ni Miri. halata sa mukha nito ang labis na galit habang nakatingin sa kaniya. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso niya at muling inamoy ang leeg niya na parang baliw. Nang mag-angat ito ng ulo ay agad niyang nasalubong ang nag-uumpaw sa galit na mga mata nito. “Ano, hindi ka ba magsasalita?” nagtatagis ang mga bagang na tanong nito sa kaniya.Naging marahas ang mga paghinga nito na para bang pinipigilan ang labis na galit nito. Napalunok siya. “U-umalis ako…” nauutal na sabi niya rito.Mas lalo lang humigpit ang hawak nito sa braso niya. “Umalis ka? Sinong kasama mo?” mahina ngunit nakakatakot ang paraan ng pagsasalita nito. Hindi siya sumagot dahil unang-una ay hindi niya alam kung ano ang isasagot niya rito. Tiyak na magagalit ito kung sakali man na magsabi siya ng totoo.“Tinatanong kita Mirabella, sinong kasama mo?!” mariin nitong tanong sa kaniya. Nanatili pa rin siyang tahimik. “Hindi ka ba talaga magsasalita
PUMARADA ang kotse si Damon sa tabing dagat kung saan ay may mga bench sa gilid. Dahil madilim na ng mga oras na iyon ay wala ng gaanong tao idagdag pa na medyo maginaw doon. Lumabas siya ng sasakyan at sumanda dito bago niyakap ang kanyang sarili. Napapikit siya nang tumama sa kaniya ang napakalamig na simoy ng hangin. Ibang-iba ang hangin sa lugar na iyon. “Medyo kumalma na ba ang nararamdaman mo?” tanong ni Damon pagkalipas ng ilang sandali. Ilang metro ang layo nito sa kaniya dahil naglabas ito ng sigarilyo at sinindihan ito. Nilingon niya ito at napabuntong hininga. Habang tinitingnan niya ito ay napaisip siya na mukha naman itong hindi masamang tao, talagang hindi lang naging maganda ang first impression niya rito. Kahit papano ay may utang na loob siya rito dahil kung hindi sa kaniya ay hindi na niya alam pa kung anong ginawa niya doon kanina. Parang bigla tuloy siyang nagsisi sa naging desisyon niya noong una. Paano kaya kung pumayag na lang siyang magpakasal rito? Baka nag







