Share

PART 2-SIX, ANOTHER CHANCE

WALA sa log cabin si Jim nang dumating doon kagabi sina Doreen at ang bago niyang bodyguard na si Carmela. Ayon kay Jannica ay ngayong araw pa lang daw ang balik ni Jim sa cabin. Karaniwan ay sa condo nito sa Manila daw ito nagpapalipas ng gabi sa tuwing nagpupunta ito sa monthly therapy session nito sa isang psychiatric clinic sa Manila.

     Nag-inat si Doreen at wala sa loob na napasulyap sa suot na wristwatch. Napabulalas siya nang makita ang oras. Lampas alas-otso na. Sa sobrang pagkawili niya sa pinanonood na zombie series sa Netflix ay nawala na sa isip niya ang plano niyang pagluluto ng hapunan nila. Napatili siya sa inis sa sarili. Ano na ang kakainin nila ng binata? Paano na ang plano niyang pagpapasikat dito?

     Paborito ni Jim ang luto niya ng sinigang na baka at pesang lapu-lapu. Kaya nga kaninang umaga ay pinilit niya si Carmela na bumili sila ng mga ingredients na gagamitin niya. Kasehodang magsuot pa sila ng dis

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status