AV ➭ 001
❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † Gamit ang L96 AWP Bolt-Action Sniper na rifle ko, sumilip ako sa lense scope at tinutok ko ang baril sa direksyon kung nasaan ngayon ang sasakyan ng target ko na si Danilo Verdad-isang senador na may mga ilegal na gawain. Siya ang trabaho na binigay sa akin ni Mr. Hadisson na dapat ko tapusin. Tamang hawak ng trigger ang bilin sa ‘kin. Huwag agad iputøk kung hindi pa tapos. Ang kailangan si Danilo Verdad lang ang target ko. Nakita kong bumaba ng itim na van si Danilo, sinalubong ito ng hindi ko kilalang tao na mukhang katransaksyon nito. Nang makalapit, agad nagkamayan ang dalawang tao sa magkabilang panig. Sumenyas ang lalaking katransaksyon ni Danilo sa tauhan nito para ipakita ang case na naglalaman ng libo-libong pera. Matapos masuri na hindi peke ang dalang pera, sumenyas naman si Danilo sa tauhan para ipakita ang laman ng briefcase nila. Binuksan ito ng kanyang bodyguard at pinakita sa kabilang grupo ang laman nitong hinihinalang drøga. Nang mag pakitaan sila ng hawak, binitawan ko na ang hawak kong Binoculars at umayos ako ng pagkakaupo. Maganda ang klase na pinalit ni Ásvaldr sa unang pinili ng lahat na T-5000. Magaan ito at madali akong makaka takbo in case na tapos na ako sa dapat ko gawin. Nakatago ako sa mga puno. Binilin din ni Ásvaldr na itago ko ang baril ko sa mga sanga ng puno at mga dahon. Nag suot din ako ang puro itim upang hindi ako makita agad. Takip-silim na ngayon. Ganitong oras nila napili magsagawa ng transaksyon, palagay ko ay para mabilis sila makapag tago sa dilim kung sakaling magkaroon ng aberya. Binigyan ako ni Mr. Hadisson ng contact lenses kung saan pwede ako makakita sa dilim. Hindi ko alam paano sila nakakakuha ng ganitong klase, ang alam ko sa mga ganito ay napaka mahal at masasabi ko na high class ang gamit ko ngayon. Tumigil ako sa pag nguya ng bubble gum at unti-unti kong dinidiin ang daliri ko sa trigger. Hanggang tumalikod na si Verdad at pinutok ko ang unang bala ko sa kanya. Agad kong nilipat ang atensyon ko sa mga kasama nito, pinatamaan ko sila sa ulo. Muli kong binalik ang atensyon ko kay Verdad at nakita kong nakahiga na siya. Pero pakiramdam ko humihinga pa ito, kaya ng babarilin ko na siya ay agad kong binitawan ang gatilyo. Binuhat siya ng kasamahan niya at napuno na ng mga bodyguard si Verdad. “Bwiset!” Bulong ko, kaya bago pa maka sakay ang ibang kasamahan ni Danilo at katransaksyon nito ay pinaulanan ko na sila ng bala kahit ang van na sinasakyan nila. “Ashen Veil! Ano ba ang ginagawa mo?! Sa ginawa mong ‘yan, magagawa na nila malaman saan ka nagtatago!” Narinig kong wika ni Ásvaldr sa suot kong earpiece. Pakialamera din ang babaeng ‘to. Hindi ko siya pinansin hanggang tumigil ako sa pagbaril ng sunod-sunod. “Hindi ka nag iisip! Ang unang ginagawa ng sniper sa unang putok ay ang mismong target lang! Ngayon, delikado ka dahil kaya na nila malaman kung saang direksyon ka naka pwesto! Umalis kana dyan.” Paliwanag ni Ásvaldr sa akin. Nakakainis! Pero dahil sa sinabi niya, kinabahan ako. “Alam ko. Aalis na ako dito.” Wika ko at hindi ko mapigilan hindi murahin ang sarili ko dahil nakalimutan ko ang rules na sinasabi nila ng paulit-ulit. Na overwhelmed ako dahil sa kagustuhan ko na tapusin agad ang target ko at ang grupo niya. Pinaghalong excitement at kaba ang nararamdaman ko kaya hindi ko mapigilan ko ang sarili ko gawin ang bagay na ‘yon. Nakakagigil! Kailangan ko masigurado na wala na ngang buhay si Verdad kundi, malalagay ako sa alanganin. “Great, Ashen Veil! Just great!” Sarkastiko kong kausap sa sarili tsaka mabilis na niligpit ang mga gamit ko. Imbes na lumayo at magtago, tahimik kong sinundan ang grupo ni Danilo gamit ang motor ko. Nagsuot muli ako ng facemask at tinanggal ko ang earpiece na suot ko dahil ayaw ko makarinig ng kahit anong panenermon nila. Inalis ko na rin ang lense na suot ko kaya lumitaw na ang kulay asul kong mga mata. I admit it, nagkamali ako on that part pero hindi ko ‘yon aaminin sa harapan nila lalo na kay Ásvaldr. Si Ásvaldr ay isang āssāssin rin kagaya ko at wala naman katungkulan pero mukhang marami din nalalaman. Dinala nila sa isang pribadong ospital si Danilo, nakita ko pa ang paglalagay nila sa senador sa isang stretcher tsaka mabilis na pinasok sa loob. Napapalibutan agad ang ospital ng mga tauhan ni Danilo sa lahat ng pwedeng pasukan kaya kailangan ko makapag-isip ng paraan paano ako makakapasok sa loob ng hindi ako paghihinalaan. Tumingin-tingin ako sa paligid hanggang sa napangiti ako sa nakita ko. “Kung sinuswerte ka nga naman.” Nakangising sabi ko sa sarili. May nakita ako na isang madre na nakatayo malapit sa ospital na tila naghihintay ng masasakyan. Tumingin muna ako sa paligid kung may mga CCTV. May nakita akong dalawa sa magkabilang kanto na sa palagay ko ay pagmamay-ari ng ospital. Kinuha ko ang baril ko na may silencer tsaka inasinta ang dalawang CCTV. Nang masira na ito at masiguro na walang ibang tao sa paligid, tahimik akong lumapit sa likuran ng madre. Agad kong tinakpan ng mariin ang bibig niya para hindi siya makalikha ng ingay at tinutok ko sa ulo niya ang nguso ng baril ko. “Hindi kita papatayin kung hindi ka lilikha ng ingay. Sumama ka ng tahimik sa ‘kin, wala akong ibang kailangan sa ‘yo kundi ang kasuotan mo lang. Naiintindihan mo ba?” Takot na tumango ng sunod-sunod ang madre. Dinala ko ang umiiyak na madre sa madilim na lugar. Inutusan ko siyang hubarin ang pang madre niya na uniporme habang nakatutok pa rin sa kanya ang baril ko. May matino naman siyang suot na panloob kaya hindi ko naman siya iiwan ng naka hubo. Nanginginig na hinubad ng madre ang kasuotan. Habang abala ang madre, kinuha ko ang dala nitong bag. Kinuha ko ang isang ID card niya at pinicturan ito gamit ang cellphone ko. “Wag ka magkakamali na magsumbong, kayang-kaya kita hanapin kahit nasaan ka pa.” Seryosong banta ko. Kailangan ko itong gawin para hindi ma bulilyaso muli ang plano kong pagpasok sa ospital. Baka makapag sumbong siya sa mga naka duty na guards. Nakita niya ang kulay ng mga mata ko kaya siguradong makikilala niya ako kapag nagka ipitan. Binalik ko din ang ID ng madre at mabilis na sinuot ang kasuotan na pang madre. Saktong-sakto lang ito sa akin, parang sinukat. “Lumakad ka ng normal. Susunod lang ako sa likuran mo. Wag ka magkakamali ng kilos mo kung ayaw mo mapaaga ang pagpunta mo sa langit.” Takot na tumango lang siya at sinunod lahat ng sinabi ko. Agad akong dumiretso sa hospital. Limited lang ang oras ko, kailangan magmadali. “Good evening po, sister.” Magalang na bati sa akin ng isang hospital guard. “Good evening din, hijo.” Sunod-sunod na umubo ako ng peke para magmukhang may sakit at hindi na ipatanggal ang suot kong facemask. “Mukhang malala na ang ubo niyo, sister. Pasok na po kayo sa loob. Malamig dito sa labas.” Napangisi ako sa loob ng mask ko. That's it? “Salamat, hijo. Pagpalain ka ng Diyos.” Lumakad lang ako ng normal at pasimpleng nag obserba sa paligid. Matsaga akong naghihintay sa kabilang bahagi ng emergency room. Sigurado ako na dito nila idadaan palabas si Danilo. Hindi nga ako nagkamali, makalipas ang ilang oras ay natanaw ko na si Danilo. Sinakay nila ito sa private elevator. Kahit may kalayuan ang pwesto ko sa elevator, nakita ko pa rin na huminto ang pagbilang ng numero sa 7th floor. Pasimple akong umakyat sa hagdan ng walang nakakapansin, hindi na ako nag elevator pa dahil maraming naghihintay makasakay sa bawat elevator. Magaan at maliksi ang katawan ko kaya mabilis lang ako nakarating sa ikapitong palapag. Sa unang tingin ko pa lang, alam ko na agad kung saang room naka-confined si Danilo. Kapansin-pansin dahil ito lang ang pinto na may bodyguards. Naiiling na lang ako, “Tsk. Hindi man lang ako pinahirapan ng mga ‘to. Very easy to find.” Bulong ko sa aking sarili. Lumapit ako sa 4 na bantay, “Mga sir, pinapunta ako dito para kay senator Danilo Verdad.” Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ng isang bantay na mukhang sanggano. “Mawalang galang na po, sister pero sino ang nag papunta sa inyo dito dahil walang nagsabi sa amin na darating kayo at sa ganitong oras pa?” Malumanay pero may halong pagdududa niyang tanong. Ngumiti ako kahit hindi naman nila makikita, “Edi ang sarili ko.” Sarkastiko kong sagot Tinaas ko ang mahabang saya ko tsaka mabilis na sinipa ang sikmura nito gamit ang kaliwang paa sabay suntok ng malakas sa mukha niya. Nahugot nila ang mga barīl na nakalagay sa baywang nila pero bago pa nila ito maitutok sa ‘kin, mabilis ko na nasipa ang mga ito. Nabitawan nila ang baril na hawak at humagis sa dulo ng pasilyo. Sabay-sabay silang apat na sumugod sa akin para suntukin at tadyakan ako pero dahil maliit ako kaysa sa kanila, mabilis lang ako nakaiwas. Umupo ako kaya sa hangin napunta ang suntok nila at sa hindi nila inaasahan, mula sa ilalim, pinuntirya ko ng napaka lakas na suntok ang kahinaan nilang mga lalaki-their balls. Napahawak sila sa kanya-kanya nilang bayāg at namilipit sa sobrang sakit. Ginamit ko ang pagkakataon na ‘yon para barilin ang mga binti nila. Umupo ako sa tiyan ng isa ng nagtangka itong bumangon at sunod-sunod ko siya na pinag susuntok sa mukha hanggang mawalan ng malay. Ang iba ay iniinda pa rin ang mga bayág nilang napuruhan. Pipihitin ko na sana ang door knob ng kwarto ni Danilo pero napatigil ako ng may parang kulog na boses ang bigla nag salita mula sa likuran ko at naramdaman ko rin ang malamig na nguso ng baril sa batok ko. “Who are you?”AV ➭ 007❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †Dito sa isang mamahalin na restaurant ko nakitang huminto ang sasakyan ni Feitan. Pinarada ko ang motor ko sa hindi kalayuan. Pumasok si Feitan sa restaurant matapos may sabihin sa dalawa niyang bodyguard. Base sa galaw ng bibig niya, sigurado ako na sinabihan niya ang mga ito na dito na lang sa labas maghintay. Ilang sandali pa ako naman ang pumasok sa loob. Kampante naman ako na hindi niya ako makikila bilang secretary at bilang nagbanta sa buhay ng uncle niya. Malayong-malayo ang itsura ko sa pagiging old fashion na secretary at suot ko pa rin ang dark brown contact lense ko kaya hindi niya makikilala ang asul kong mga mata. I am wearing a black form-fitting tank, high-waisted leather pants, and a pair of ankle-length boots na pwede kahit mag-drive ako ng motor. Hindi gaya ng araw-araw na nakikita sa akin ni Feitan na maluwag na blouse na patay ang kulay at mahabang palda na pang manang. Wala din akong make-up at lalong wala akong malaking
AV ➭ 006❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †“Hikain, para sa anong sakit ba ang honeymoon tea?” Biglang na ibuga ni Hikaru Ryosuke ang kapeng hinihigop. Narito kami ngayon sa coffeeshop ko-LH Café Noir. Wala akong pasok sa Huxley Enterprises ngayon dahil araw ng sabado. “What's funny?” Inosenteng tanong ko. Nagpipigil kasi siya tumawa. “Pūtā! San mo nalaman ang tungkol diyan?” Natatawa niyang tanong habang pinupunasan ang bibig. “Sa kaibigan ni Feitan. Honeymoon tea lang daw kasi ang dapat inumin ng kaibigan niya kasi may sakit ito.” Dito na lumakas ang tawa ng kaibigan kong baliw. Nakahawak pa siya sa tiyan habang natawa. Pinagtitīnginan na kami ng ibang customers. “What the fūck! Ilang taon na ba ang boss mo na ‘yan? Nasa 60’s na ba?” Tumigil na siya katatawa at pinunasan ang munting luha. “Nope. He's just 30 years old.” Seryosong sabi ko. Napanganga si Hikaru at hindi makapaniwalang nakatingin sa ‘kin. “King ina! Seryoso ka?” Tia gulat na gulat niyang tanong. “Oo nga! Bakit ba
AV➭005 ❀ ❀ ❀ THIRD PERSON’S POINT OF VIEW “Damon, kumusta ang location mo?” Tanong ni Lance sa binata. “Buhay pa at paalis na sila.” Casual na sagot nito. Hindi maiwasan na napabalikwas ang binatang si Damon ng sumigaw si Ken dito. “Tarantado ka ba? Pinatakas mo?! Bakit hindi mo pinatay?” Tanong ni Ken sa kanya. Nagkamot ng tenga si Damon dahil sa sigaw ng kaibigan. “Kasi hindi niyo naman sinabi na papatayin sila. Wala akong dala na kahit ano.” sagot nito. “Hindi talaga nakatulong ‘yang sagot mo!” Gigil na sabi ni Ken sa kaibigan. Hindi naman maiwasan na matawa ni Kohen. “Ngayon alam ko na kung bakit siya sinasabihang black sheep.” Makahulugan na wika ni Kohen. Matapos sumabog ang barko na binabantayan ni Damon na may kargang mga paputok, hindi na rin nagtagal at nag-alisan na sila. Tapos na ang trabaho nila kahit wala naman talagang ginawa si Damon bukod sa nakamasid lang sa dagat habang kumakain ng mani. Ilang araw matapos ang huli nilang trabaho, nagpa
AV ➭ 004❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †Ilang araw matapos ang insidente ng silipan sa office ni Feitan, napansin ko na iniiwasan niya ako. Kahit dapuan ng konting tingin ay hindi niya ginagawa. Hindi ko matyempuhan ang makapasok sa office niya ng ako lang. Kahit uwian na kasi ng mga empleyado ay narito pa rin siya. Hindi niya rin kami pinapayagan ni Ruby na mag-overtime pa. Bagay na nagpalakas ng hinala ni Kohen na baka narito sa mismong opisina ni Feitan o sa loob lang ng building na ito isinasagawa ang transaksyon sa illegal business ni Danilo. Kailangan ko malaman ito sa lalong madaling panahon baka sakaling may impormasyon akong makuha kung saan nila tinago ang target ko. Kailangan ko pa yata maging mas malapit kay Feitan. “Ms. Levana, wag mo po kalimutan ang kape ni Sir Zach ha? Aalis na muna ako para bilhin ang pinabibili niya.” Bilin sa akin ni Ruby bago nagmamadaling umalis. Saktong pag-alis ni Ruby, tumunog ang intercom, agad ko naman itong sinagot. “Bring me coffee.” Do
AV ➭ 003 ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † KINABUKASAN☘︎ Maaga akong bumalik sa ospital kung nasaan si Danilo. Dahil private hospital ito, I dressed in refined, luxurious clothing to present an image of wealth. Mag papanggap ako na may dadalawin. Nakakataka na kahit maraming tauhan ni Danilo ang nakapalibot sa labas ng ospital, mabilis lang ako nakapasok. “May mali dito. Mukhang tama nga ang hinala ko.” Bulong ko sa aking sarili. Umakyat ako sa ika-limang palapag kung saan siya naroon pero this time sa elevator na ako sumakay at sinadya ko sumabay sa marami. Sigurado ako na pinaghandaan nila ang pagbabalik ko para tuluyan ang amo nila kaya kung tama ang hinala ko, may trap silang hinanda dito. Paghinto sa 5th floor, saglit lang ako lumabas at mabilis inikot ang paningin. Pasimple kong dinikit sa pader ang isang napakaliit na spy camera bago pumasok ulit sa elevator. “Sorry, hindi pala ito ang floor kung saan naka-confine ang kapatid ko.” Napansin ko ang pagtitig sa a
AV ➭ 002 ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † “Who are you?” Saglit akong nag-panic sa narinig kong boses pero mabilis ko rin kinalma ang sarili ko. Tinabig ko ang kamay niya na may hawak na baril. Hinawakan niya ako sa kanang balikat gamit ang kaliwang kamay niya, hinawakan ko naman ng madiin ang kamay niya at mabilis itong pinilipit kasabay ng pagharap ko sa kanya. Bumaliko ito pero hindi ko man lang siya nakitaan na nasaktan. Gamit ang kanang kamay niya, tinulak niya ko pasandal sa nakasarang pinto. Inipit niya ako sa pagitan ng katawan niya at ng pinto na halos wala ng dumaan na hangin sa pagitan namin. Masama ang tingin niya sa akin at nagngangalit ang panga. “Ikaw ba ang nagtangkang pumatay kay uncle Danilo?” Sinubukan ko siya itulak pero parang tolenada ang bigat ng katawan niya, hindi man lang natinag. “At kung ako nga?” Hamon kong tanong. Mabuti na lang hindi niya agad naisip tanggalin ang facemask kong suot. Tanging mata ko lang nakikita niya. “Then run for yo