Share

FIRST MEET

Author: Miss Briannah
last update Huling Na-update: 2025-07-13 20:47:12

AV ➭ 002

LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †

“Who are you?”

Saglit akong nag-panic sa narinig kong boses pero mabilis ko rin kinalma ang sarili ko.

Tinabig ko ang kamay niya na may hawak na baril. Hinawakan niya ako sa kanang balikat gamit ang kaliwang kamay niya, hinawakan ko naman ng madiin ang kamay niya at mabilis itong pinilipit kasabay ng pagharap ko sa kanya. Bumaliko ito pero hindi ko man lang siya nakitaan na nasaktan. Gamit ang kanang kamay niya, tinulak niya ko pasandal sa nakasarang pinto. Inipit niya ako sa pagitan ng katawan niya at ng pinto na halos wala ng dumaan na hangin sa pagitan namin.

Masama ang tingin niya sa akin at nagngangalit ang panga. “Ikaw ba ang nagtangkang pumatay kay uncle Danilo?” Sinubukan ko siya itulak pero parang tolenada ang bigat ng katawan niya, hindi man lang natinag.

“At kung ako nga?” Hamon kong tanong. Mabuti na lang hindi niya agad naisip tanggalin ang facemask kong suot. Tanging mata ko lang nakikita niya.

“Then run for your life.” Malamig niyang togon.

“Nope. I'll fūck your life and your uncle, Danilo Verdad, I will give him the finality he deserves.” Walang emosyon kong babala.

Hindi ko na hinayaan na makapagsalita pa siya. Tinodo ko ang pagpilipit sa isang kamay niya kasabay ng pagtuhod ko sa pagka lalaki niya. Dito na niya ako nabitawan.

“Kagaya ka lang din ng ibang lalaki, malaki lang ang pangangatawan pero sensitive ang pinaka iingatan. Weak.” Nang iinsulto kong sabi sa lalaki habang namimilipit sa sakit.

Hindi na ako nag tangka pa na pumasok sa kwarto ng target ko. Mabilis akong bumaba sa fire exit pero pagdating ko sa 5th floor may mga nakasalubong akong 5 na mga nakaitim na kalalakihan na tila nagmamadaling umakyat.

“Hulihin siya!” Sigaw ng isang lalaki sa iba niyang kasama.

Humawak ako sa railing ng hagdan at pinaangat ko ang katawan ko. Sinipa ko ng sabay ang dalawang lalaki na nasa unahan kaya natumba sila. Hindi nila napaghandaan nag ginawa ko kaya ang dalawa nasa likuran nila ay kasama sa natumba at gumulong-gulong.

Sinipa ko sa ulo ang isang lalaking naiwan pero agad niya nasalag ang paa ko at hinawakan ito. Hindi ko mabawi ang paa ko kaya kinuha ko ang maliit na kutsīlyo sa gilid pantalon ko at tinarak ko sa isang mata niya. Nabitawan niya ako dahil hinawakan niya ang mata niya habang sumisigaw sa sakit. Mabilis dumanak ang dūgo sa katawan niya.

Sināksak ko din ang dalawang lalaki na humila sa ‘kin. Ang isa ay tinarakan ko sa gilid ng leeg niya at ang isa ay hinīwa ko ang mukha. Ang dalawa naman ay biglang natakot na lumapit sa ‘kin dahil sa sinapit ng mga kasama nila.

Mula sa 5th floor, tinalon ko ang hagdan papunta sa 4th floor. Tinakbo ko na muna mula 4th floor pababa habang hinuhūbād ang damit ng madre para mas malaya ako makagalaw. Ginamit ko na rin ito pamunas sa katawan ko na natalsikan ng dūgø kanina.

Kinagat ko ng mariin ang labi ko para mamula habang nilulugay ang buhok ko. I walked confidently na parang wala akong tinapos na buhay kani-kanina lang.

Basta ko na lang tinapon ang damit ng madre sa basurahan na nadaanan ko. Hanggang sa tagumpay akong nakalabas ng ospital ng walang nakakapansin sa akin.

Nang makauwi ako sa condo unit ko tsaka ko pa lang tinignan ang cellphone ko. Of course, naka-silent ito para walang istorbo. Napakaraming tawag at messages ang natanggap ko lalo na kay Kohen.

“Feeling jowa naman ang isang ‘to.” Asar na kausap sa sarili.

Muling tumawag si Kohen kaya sinagot ko na lang dahil baka mapanot na siya sa sobrang kunsimisyon sa ‘kin.

“Wala sa ‘kin ang kaldero niyo.” Bungad kong sagot para inisin ang isa sa pinaka gwapong miyembro ng OOTA. Syempre labas sa ilong ‘yon.

“Bwisit. Bakit bigla kang nawala after ng trabaho mo? Hindi ka man lang nag-iingat sa kilos mo!” Pikon na sabi ni Kohen tandang.

“Hindi naman ako nawala, tandang. Sinundan ko lang ang grupo ng target ko para siguraduhin na natapos ko ang trabaho ko para kung sakaling hindi siya natuluyan, doon ko na siya tuluyang tatapusin sana.” Balewala kong paliwanag habang naghuhūbad ng kasuotan ko. Ang lagkit na ng balat ko dahil sa dūgo at pawis kaya maliligo na muna ako.

Buhay pa ang target ko. Kailangan ko mag-isip ng plano kung paano ako makakalapit kay Danilo.

“Buhay pa ba?” Muling tanong ni tandang.

“Mukhang buhay pa ang alagad ni demuning. Kailangan ko siya tapusin sa lalong madaling panahon. Pwede mo ba alamin ang tungkol sa malalapit na tao sa kanya? With pictures sana.” Pumasok ako sa loob ng banyo. Huminto muna ako sa harap ng malaking salamin dito sa loob at tiningnan ang mga pasa at galos na nakuha ko sa pakikipag laban kanina.

“Demuning? As in demōnyø? Sige aalamin ko. Consider it done. Also, expect that one of these days, ipapa tawag ka ni Mr. Hadisson dahil sa nangyari.”

“Expected ko na ‘yon. Please send me the details right away kapag nakuha mo na.”

“Anong plano mo?”

“Wala pa akong solid na plano. Kailangan ko muna alamin kung sino ang lalaking tumawag kay Danilo na uncle. Pinagbantaan niya ako na papatāyin kung sakaling ako daw ang nagtangka sa uncle niya. Magiging balakid siya sa ‘kin.”

“Alright. Sabihan mo ako tungkol sa magiging plano. Tutulungan kita.”

“Thanks. 'll hang up the call na tandang. Pagselosan na naman ako ng girlfriend mo.” Pang-iinis ko pa.

“You, brat! Stop calling me tandang!” Tumawa lang ako kay Kohen bago pinatāy ang tawag.

Si Kohen ang kadalasan nagsasabi ng job orders or assignment namin mula sa itaas. Gwapø naman siya kahit papano, hindi halatang mamatāy din ng kriminal.

Matapos ko maligo, natanggap ko na sa email ko ang hinihingi ko kay Kohen. “Maaasahan talaga ang tandang na ‘yon. Napakabilis.”

Sinuri ko ang lahat ng larawan na naroon, na patigil ako sa isang larawan na pamilyar. “ZACH FEITAN HUXLEY.” May kakaiba akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag nang banggitin ko ang pangalan niya habang nakatitīg sa larawan niya.

“Handsome.” Tinuktukan ko ang sarili ko ng ma-realized ko kung ano ang sinabi ko.

“Stop it, Levana Heididea! Hindi ito ang tamang oras para lumandi.” Pinag-aralan ko ang impormasyon ni Feitan. Siya ang CEO ng Huxley Enterprises mula pagtuntong niya sa tamang edad. Maagang naulila sa mga magulang kaya napilitan siya pag-aralan ang takbo ng kumpanya nila sa gabay at pangangalaga ni Danilo Verdad-ang pinakamatalik na kaibigan ng kanyang ama na si Favian.

Si Danilo ang tumayong magulang at legal guardian ni Feitan ayon na rin sa nakasaad sa last will and testament ng mga magulang niya kung sakaling mawala sila ng hindi inaasahan.

Mula sampung taong gulang, sinanay na siya ni Danilo sa kalakaran ng cargo shipping at sa mga pasikot-sikot sa negosyo. Pagsapit niya ng disi-ostso dito na pinaubaya ni Danilo kay Feitan ang pagpapatakbo sa naiwan ng mga magulang niya.

Ang isa pa sa nahagip ng mata ko, ang kanyang secretary. Ito ang kasama niya sa pang araw-araw. Mula dito ay nakaisip ako ng plano.

Agad ko pinaalam kay Kohen ang plano ko kung sakaling wala na sa ospital na ‘yon ang target ko. Malakas ang kutob ko na itatago nila si Danilo. Sinabihan niya lang ako na mag-iingat dahil isang maling galaw ko lang, mababalewala lahat ng plano ko.

Tinawagan ko ang matalik kong kaibigan para humingi ng tulong sa kanya. Miyembro din siya ng OOTA. After ng ilang ring ng cellphone, sinagot niya din sa wakas ang tawag ko.

“Hikain…” Bungad ko.

“Hikaru, Levana. It's Hikaru Ryosuke Yoshida.” May gigil niyang sabi. Asar talo talaga siya lagi kapag tinatawag ko siya na hikain instead na Hikaru.

“Edi Hikaru! Hindi ka pa nasanay sa hikain.” Pilosopo kong sabi.

“Ewan ko sa ‘yo. Ano ba ang kailangan mo bakit istorbo ka sa tulog ng tao? Inatake ka na naman ng pagiging aswang mo.” Humihikab niyang tanong.

Tumingin ako sa orasan, it's already 3 a.m. na kaya pala masungit itong isa.

“Kailangan ko ang tulong mo. I need to disguise myself.” Seryosong sabi ko.

“Disguise as what?” Curious niyang tanong.

“Disguise as a not so beautiful but brainy secretary ng isang CEO.”

“In short, matalino pero pangīt na sekretarya. So, anong ambag ng isang gwapong katulad ko?” Kung makaka lusot lang sana ang kamay ko sa screen ng cellphone, binūsalan ko na ang bibig ng lalaking ‘to. Pasmado na, hambog pa.

“Wow! Signal number 3. May namumuong sāma ng hangin diyan sa utak mo.” I rolled my eyes kahit hindi naman niya nakikīta.

“I'm just stating the fact, Levana. Tanggapin mo na lang ang katotohanan na gwapo ang boy bestfriend mo. Ano ba ang gagawin ko?” Hambog niyang sabi.

“Whatever! Diba lately may mga naimbento ka na devices? Ipagamit mo sa ‘kin ang ilan kagaya ng eyeglass na kahit tama ng bala ay hindi ito kayang sirain. Kailangan ko din ibang color ng contact lenses na kaya takpan ang kulay asul kong mata at the same time kaya maka kita kahit sa napaka madilim na lugar at malayo. Isama mo na rin ang ilang tracking devices at voice changer.” Mahaba kong paliwanag.

“Woah! For your information hindi biro ang halaga ng mga nabanggit mo huh? Basta babayaran mo ko ng tama, mapapa sa iyo lahat ‘yan. Dahil best friends tayo, bigyan kita ng 10 percent discount. Galanti na ko niyan. By the way, para saan mo lahat gagamitin ‘yan?”

“Maraming salamat sa pagiging galanti mo. Létse ka!” Asar talo kong sabi bago ipinaliwanag sa kanya lahat ng nangyari pati na rin ang mga plano ko.

Pang-front ko lang ang salamin sa mata para mag mukha akong matalinong nerd kaya kailangan ko pa rin ng contact lense para takpan ang kulay ng mga mata ko upang hindi ako makilala ni Feitan.

“Alright. Send ko na lang sa email mo ang bill mo para sa lahat ng ito.” Natatawang sabi ni Hikaru.

“Siguraduhin mo lang talaga na hindi palpak ang mga invention mo na ‘yan. Pasasabūgīn ko talaga ‘yang invention lab mo.”

Matapos namin mag-usap ni Hikaru, pinakatitīgan ko ang larawan ng target ko at ni Feitan.

“This isn't over, Danilo. I’ll return, and when I do, your life will be the prize.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   SECOND NAME

    AV ➭ 007❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †Dito sa isang mamahalin na restaurant ko nakitang huminto ang sasakyan ni Feitan. Pinarada ko ang motor ko sa hindi kalayuan. Pumasok si Feitan sa restaurant matapos may sabihin sa dalawa niyang bodyguard. Base sa galaw ng bibig niya, sigurado ako na sinabihan niya ang mga ito na dito na lang sa labas maghintay. Ilang sandali pa ako naman ang pumasok sa loob. Kampante naman ako na hindi niya ako makikila bilang secretary at bilang nagbanta sa buhay ng uncle niya. Malayong-malayo ang itsura ko sa pagiging old fashion na secretary at suot ko pa rin ang dark brown contact lense ko kaya hindi niya makikilala ang asul kong mga mata. I am wearing a black form-fitting tank, high-waisted leather pants, and a pair of ankle-length boots na pwede kahit mag-drive ako ng motor. Hindi gaya ng araw-araw na nakikita sa akin ni Feitan na maluwag na blouse na patay ang kulay at mahabang palda na pang manang. Wala din akong make-up at lalong wala akong malaking

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   Illegal Recruiter

    AV ➭ 006❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †“Hikain, para sa anong sakit ba ang honeymoon tea?” Biglang na ibuga ni Hikaru Ryosuke ang kapeng hinihigop. Narito kami ngayon sa coffeeshop ko-LH Café Noir. Wala akong pasok sa Huxley Enterprises ngayon dahil araw ng sabado. “What's funny?” Inosenteng tanong ko. Nagpipigil kasi siya tumawa. “Pūtā! San mo nalaman ang tungkol diyan?” Natatawa niyang tanong habang pinupunasan ang bibig. “Sa kaibigan ni Feitan. Honeymoon tea lang daw kasi ang dapat inumin ng kaibigan niya kasi may sakit ito.” Dito na lumakas ang tawa ng kaibigan kong baliw. Nakahawak pa siya sa tiyan habang natawa. Pinagtitīnginan na kami ng ibang customers. “What the fūck! Ilang taon na ba ang boss mo na ‘yan? Nasa 60’s na ba?” Tumigil na siya katatawa at pinunasan ang munting luha. “Nope. He's just 30 years old.” Seryosong sabi ko. Napanganga si Hikaru at hindi makapaniwalang nakatingin sa ‘kin. “King ina! Seryoso ka?” Tia gulat na gulat niyang tanong. “Oo nga! Bakit ba

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   The Blacksheep

    AV➭005 ❀ ❀ ❀ THIRD PERSON’S POINT OF VIEW “Damon, kumusta ang location mo?” Tanong ni Lance sa binata. “Buhay pa at paalis na sila.” Casual na sagot nito. Hindi maiwasan na napabalikwas ang binatang si Damon ng sumigaw si Ken dito. “Tarantado ka ba? Pinatakas mo?! Bakit hindi mo pinatay?” Tanong ni Ken sa kanya. Nagkamot ng tenga si Damon dahil sa sigaw ng kaibigan. “Kasi hindi niyo naman sinabi na papatayin sila. Wala akong dala na kahit ano.” sagot nito. “Hindi talaga nakatulong ‘yang sagot mo!” Gigil na sabi ni Ken sa kaibigan. Hindi naman maiwasan na matawa ni Kohen. “Ngayon alam ko na kung bakit siya sinasabihang black sheep.” Makahulugan na wika ni Kohen. Matapos sumabog ang barko na binabantayan ni Damon na may kargang mga paputok, hindi na rin nagtagal at nag-alisan na sila. Tapos na ang trabaho nila kahit wala naman talagang ginawa si Damon bukod sa nakamasid lang sa dagat habang kumakain ng mani. Ilang araw matapos ang huli nilang trabaho, nagpa

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   Honeymoon Tea

    AV ➭ 004❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †Ilang araw matapos ang insidente ng silipan sa office ni Feitan, napansin ko na iniiwasan niya ako. Kahit dapuan ng konting tingin ay hindi niya ginagawa. Hindi ko matyempuhan ang makapasok sa office niya ng ako lang. Kahit uwian na kasi ng mga empleyado ay narito pa rin siya. Hindi niya rin kami pinapayagan ni Ruby na mag-overtime pa. Bagay na nagpalakas ng hinala ni Kohen na baka narito sa mismong opisina ni Feitan o sa loob lang ng building na ito isinasagawa ang transaksyon sa illegal business ni Danilo. Kailangan ko malaman ito sa lalong madaling panahon baka sakaling may impormasyon akong makuha kung saan nila tinago ang target ko. Kailangan ko pa yata maging mas malapit kay Feitan. “Ms. Levana, wag mo po kalimutan ang kape ni Sir Zach ha? Aalis na muna ako para bilhin ang pinabibili niya.” Bilin sa akin ni Ruby bago nagmamadaling umalis. Saktong pag-alis ni Ruby, tumunog ang intercom, agad ko naman itong sinagot. “Bring me coffee.” Do

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   FIRST DAY

    AV ➭ 003 ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † KINABUKASAN☘︎ Maaga akong bumalik sa ospital kung nasaan si Danilo. Dahil private hospital ito, I dressed in refined, luxurious clothing to present an image of wealth. Mag papanggap ako na may dadalawin. Nakakataka na kahit maraming tauhan ni Danilo ang nakapalibot sa labas ng ospital, mabilis lang ako nakapasok. “May mali dito. Mukhang tama nga ang hinala ko.” Bulong ko sa aking sarili. Umakyat ako sa ika-limang palapag kung saan siya naroon pero this time sa elevator na ako sumakay at sinadya ko sumabay sa marami. Sigurado ako na pinaghandaan nila ang pagbabalik ko para tuluyan ang amo nila kaya kung tama ang hinala ko, may trap silang hinanda dito. Paghinto sa 5th floor, saglit lang ako lumabas at mabilis inikot ang paningin. Pasimple kong dinikit sa pader ang isang napakaliit na spy camera bago pumasok ulit sa elevator. “Sorry, hindi pala ito ang floor kung saan naka-confine ang kapatid ko.” Napansin ko ang pagtitig sa a

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   FIRST MEET

    AV ➭ 002 ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † “Who are you?” Saglit akong nag-panic sa narinig kong boses pero mabilis ko rin kinalma ang sarili ko. Tinabig ko ang kamay niya na may hawak na baril. Hinawakan niya ako sa kanang balikat gamit ang kaliwang kamay niya, hinawakan ko naman ng madiin ang kamay niya at mabilis itong pinilipit kasabay ng pagharap ko sa kanya. Bumaliko ito pero hindi ko man lang siya nakitaan na nasaktan. Gamit ang kanang kamay niya, tinulak niya ko pasandal sa nakasarang pinto. Inipit niya ako sa pagitan ng katawan niya at ng pinto na halos wala ng dumaan na hangin sa pagitan namin. Masama ang tingin niya sa akin at nagngangalit ang panga. “Ikaw ba ang nagtangkang pumatay kay uncle Danilo?” Sinubukan ko siya itulak pero parang tolenada ang bigat ng katawan niya, hindi man lang natinag. “At kung ako nga?” Hamon kong tanong. Mabuti na lang hindi niya agad naisip tanggalin ang facemask kong suot. Tanging mata ko lang nakikita niya. “Then run for yo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status