Share

FIRST DAY

Author: Miss Briannah
last update Huling Na-update: 2025-07-13 21:48:05

AV ➭ 003

LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †

KINABUKASAN☘︎

Maaga akong bumalik sa ospital kung nasaan si Danilo. Dahil private hospital ito, I dressed in refined, luxurious clothing to present an image of wealth. Mag papanggap ako na may dadalawin.

Nakakataka na kahit maraming tauhan ni Danilo ang nakapalibot sa labas ng ospital, mabilis lang ako nakapasok.

“May mali dito. Mukhang tama nga ang hinala ko.” Bulong ko sa aking sarili.

Umakyat ako sa ika-limang palapag kung saan siya naroon pero this time sa elevator na ako sumakay at sinadya ko sumabay sa marami. Sigurado ako na pinaghandaan nila ang pagbabalik ko para tuluyan ang amo nila kaya kung tama ang hinala ko, may trap silang hinanda dito.

Paghinto sa 5th floor, saglit lang ako lumabas at mabilis inikot ang paningin. Pasimple kong dinikit sa pader ang isang napakaliit na spy camera bago pumasok ulit sa elevator. “Sorry, hindi pala ito ang floor kung saan naka-confine ang kapatid ko.” Napansin ko ang pagtitig sa akin ng dalawang lalaki pero hindi ako nag pahalata na napansin ko sila.

Pumunta muna ako sa ibang floor at pumasok sa isa sa mga kwarto na para bang kilala ko kung sino man ang nasa loob. Alam ko na may sumusunod sa akin ngayon.

Nagulat ang isang ginang na nasa loob ng private room sa pagpasok ko habang nagbabantay ito sa natutulog na pasyente. Sinenyasan ko siya na ‘wag lumikha ng ingay.

“Wag po kayo matakot, pinagtataguan ko lang kasi ang matandang manliligaw ko. Masyadong makulit eh ayaw ko nga sa kanya. Lalabas din po ako maya-maya.” Mukhang naniwala naman ang matandang babae dahil para siyang nakahinga ng maluwag. Nakipag kwentuhan pa siya sa akin.

Hindi ko na tinutukan ng barīl ang ginang para manahimik lang, baka atakihin pa siya sa puso at mamatāy pa. Kriminal na halang ang kaluluwa lang ang pinapatāy ko, hindi ang mga namumuhay ng marangal. Minsan lang talaga kailangan ko manindak kagaya ng sa madre kahapon.

Wala na dito sa hospital si Danilo at tanging mga trap na lang narito kaya minabuti ko na lang na umalis na.

Nakaalis ako ng walang problema sa ospital at pagkauwi ko, agad ko na ako naghanda para sa plan B ko-ang mapalapit kay Feitan. I'm pretty sure na siya ang pinaka nakakaalam kung nasaan ang target ko dahil ayon sa record, mag-isa na lang sa buhay ang senador at tanging si Feitan lang ang nag-iisa na itinuturing niyang pamilya. At ang kasalukuyan na humahawak ng finances nito.

MAKALIPAS ANG ILANG ARAW𖤝

“Magandang umaga. Ako ang bagong secretary ni Mr. Huxley at ngayon ang unang araw ng training ko. I'm Levana Órtiz” Tiningnan ako ng babae sa reception area mula ulo hanggang paa. Maging ang ibang tao na nasa paligid, nakatingin sa akin ng may pangungutya at panghuhusga sa mga mata.

What’s wrong with these people? Kapag baduy o pangit ka, hindi ka tanggap sa lipunan. Sarap na lang talaga pagbabarilin.

“Sigurado ka ba, miss? Ikaw na ‘yon?” Diskumpyado pa yata sa ‘kin. Tiningnan ko rin siya mula ulo hanggang paa, ang masasabi ko lang ay mukha naman siyang mabait.

“Yes. Paki-inform na lang si Ms. Ruby Surrega na narito na ko. Salamat.” Seryoso kong wika. Tumawag naman ang babae sa telepono kaya naupo muna ako sa sofa dito sa waiting area. Hotel style ang itsura pagpasok sa unang palapag nitong building. Naghuhumiyaw ng karangyaan.

Si Ruby ang kasalukuyang secretary ni Feitan. Hindi na ko dumaan sa pag-a-apply, simpleng tricks lang ang ginawa ko para makuha ko ang pwesto niya.

Kasama sa email na sinend ni Kohen tandang ang background ni Ruby kaya ginamit ko ang kahinaan niya. Malaki ang problema niya ngayon sa financial dahil sa nanay niya na kailangan operahan at siya din ang breadwinner ng pamilya niya. Ang tatay naman niya ay limang taon ng baldado. Binayaran ko siya ng malaking halaga kapalit ng pag-resign niya sa trabaho at ako ang i-recommend niya kay Feitan bilang kapalit.

Dahil trusted person ni Feitan ang secretary niya at immediate ang pag-alis nito, pumayag din siya kalaunan na ako ang maging kapalit at hindi na dumaan sa matinding pagsasala kagaya ng isang normal na procedure.

“Excuse me, Ms. Órtiz, tuloy na daw po kayo sa Chairman’s office sa 20th floor. Pasensya na po pala kayo sa inasal ko kanina. Hindi lang ako sanay makakita ng ganyang klase ng pananamit sa panahon ngayon.” Alanganin siyang ngumiti. Tipid lang akong ngumiti at tumango sa kanya.

“Salamat, Miss Jhoy.” Basa ko sa nameplate niya.

Inayos ko ang suot ko na malaking salamin sa mata at mahabang palda na abot hanggang talampakan sa haba. Ang baduy ng outfit ko in short.

Nakasuot din ako ng dark brown contact lense na customized ni Hikaru. Pareho walang grado ang contact lense at salamin ko kaya hindi naman iritable sa mata.

Nang makarating sa taas, umakto lang kami ng normal ni Ruby. Tanging ang mga mata lang namin ang nag-uusap. Wala pa si Feitan nang dumating ako kaya pumunta muna ako sa banyo. Inaayos ko ang pagkakadikit ng pekeng malaking nunal sa kanang pisngi ko. Ayaw ko sana mag lagay nito pero pinagpilitan ni Hikaru para talagang hindi daw ako madaling makila.

Fine!

May katwiran naman siya pero ‘yong way kasi ng pagkakasabi niya parang pinagtitripan lang ako eh.

May naka-inplant din na maliit na device sa loob ng isang ngipin ko para mabago ang boses ko.

“Good morning, Sir Zach narito na po pala ang kapalit ko. Ito po si Ms. Levana Órtiz.” Nakatalikod sa amin ang lalaki.

“Good morning, Mr. Huxley.” Pormal na bati ko rito.

Tsaka pa lang ito humarap at sandaling nagtagpo ang mga mata namin. At sa sandaling ‘yon, nakaramdam ako ng kakaibang bilis na pagtībok sa puso ko. Hindi ko masabi kung dahil ba sa kaba dahil wala naman akong nararamdaman na takot. Basta hindi ko mapangalanan.

“Mayroon ka lang isang buwan para matutunan lahat ng gawain ni Ms. Ruby, kakayanin mo ba?” Mapanghamon na tanong nito.

Seryos siyang nakatingin sa akin, nakatukod ang dalawang siko sa lamesa at magkadaop ang mga kamay.

“Yes, Sir. Makakaasa ka sa ‘kin.” Buong kumpyansa kong sabi.

Tumango-tango siya. “Good. You can start your training now. Si Ruby na ang bahala sa mga dapat mo matutunan. Ayaw ko na malamya kumilos at makupad.” Nakatitig ako ng husto sa mga mata ni Feitan at ganun din siya sa akin.

Naiinis ako sa sarili ko dahil napansin ko pa ang bagay na ito, sa lahat ng mga tao na nakasalubong ko ngayong araw, si Feitan lang ang hindi ko nakitaan ng panghuhusga sa mga mata.

Bago kami tuluyan lumabas ng office ni Feitan, pasimple kong ini-scan ang kabuuan ng lugar. Ayon kay Kohen, posible na may sekretong opisina dito si Feitan tungkol sa illegāl transactions ni Danilo. Sigurado na ito ang papalit sa senador habang wala si uncle niya.

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·

ZACH FEITAN HUXLEY ⚜︎

Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas na si Ruby at ang bago kong secretary. Kahit nakasuot siya ng pang manang at baduy na damit, hindi niya maitatago sa matalas kong mga mata ang magandang hubog ng katawan niya lalo na ang dibdib niya. Those curves are perfect! Parang isang scanner ang mga mata ko na kayang makakita ng kurba ng katawan ng babae kahit pa pinaka tago-tago pa ito sa makapal at malaking damit.

Ang kutis niya, masyado itong maputi at makinis para sa isang ordinaryong babae lang. And her lips? It’s tempting. Manipis at light pink ang kulay nito at kung hindi ako nagkakamali, wala siyang kahit anong make-up.

“Ugh! Feitan, kailan ka pa nagkaroon ng pagnanasa sa mga babae?” Kastigo ko sa aking sarili.

Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero isa akong maimpluwensyang tao, mayaman, gwapo at maganda ang pangangatawan na pinagnanasaan ng mga kababaihan pero mayroon akong isang problema. Isang problema na nakakahiya na kahit ipatingin sa doktor ay ayaw ko gawin dahil nahihiya ako lalo na kung kakilala ko ang doctor dahil baka tuksuhin ako o kaya makarating sa ibang tao ang kapintasan ko. Nakakahiya man aminin na sa batang edad kong ito, impotent ako dahil sa hormonal imbalance ko. Hindi ako tinatayuan ng pagka lalaki kahit super hot na babae pa ang nasa harapan ko.

“Fūck this life!” Inis kong sinuklay ang kamay ko sa buhok. Ang bagay na ito talaga ang pinaka nagbibigay stress sa ‘kin.

Inalis ko na muna sa isipan ko ang bagong secretary ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nagkaroon ako ng interest sa kanya. Bigla-bigla na lang din kumakabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Ngayon lang nangyari sa akin ang bagay na ‘to.

Tiningnan ko na lang ang report na binigay ng imbestigador na kinuha ko tungkol sa mga nakaaway ni uncle Danilo. Gusto ko malaman kung sino ang nagtangka sa kanya at ano ang motibo nito. Nasa kritikal na kalagayan ngayon si uncle dahil sa taong ‘yon. Sa hugis ng katawan niya at sa boses, sigurado na sigurado ako na isa siyang babae. Matapos ko makipag laban sa kīller ni uncle, agad kong inilipat siya ng ibang lugar kung saan mas safe siya at hindi basta mapupuntahan ng kahit sino.

Habang binabasa ko ang reports, hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko. Ito ba ang dahilan kaya hinahabol si uncle? Totoo ba talaga ang lahat ng ito?

“I can’t believe na ang taong nirerespeto ko na sobra at tinitingala ko ay may mga ilegal na gawain na gaya nito. What the fūck! Baka mali lang ang binigay sa akin na report!” Base sa nakalagay dito, nagpapasok sa bansa si uncle ng mga ipinagbabawal na gamot at karamihan sa mga sinusuplayan nila ay mga kilalang universities. Ang mga suki nila ay hindi ang mga guro kundi ang mga mayayaman na estudyante.

“I need to verify this. Hindi ako naniniwala na kayang sirain ni uncle ang buhay ng mga kabataan. Sa kanya na ako lumaki at minsan na siyang nawalan ng anak kaya tiwala ako na hindi niya gugustuhin masira ang kinabukasan ng mga kabataan.” Tinawagan ko ang kaibigan kong si Brent Ethan para umupa ng magaling niyang secret agents. Sa tauhan niya ko na lang ito ipapatrabaho.

Ilang sandali pa may kumatok sa pintuan. “Come in.” Wika ko ng hindi tinitingnan kung sino. Alam ko naman na secretary ko lang ‘yon.

“Coffee, Sir.” Dito pa lang ako napa angat ng ulo sa malamig na boses na narinig ko.

Naninibago ako sa pananalita ng bago kong secretary, nasanay ako kay Ruby na masigla ang boses, kay Levana ay parang walang emosyon.

“Ayaw ko sana magkape ngayon pero sige, palapag na lang diyan. Iinumin ko.” Nilapag naman niya agad ito pero sa hindi sinasadya nasagi ko ang isang files dahilan para mahulog ito sa sahig.

“Ako na, Sir.” Tatayo pa lang ako ng yumuko na agad siya para damputin ang isang file.

Ganun na lang ang bilis ng kabog ng dibdib ko ng sa pagyuko niya, nakita ko ang napaka puti at malusog niyang mga dibdib dahil may kaluwagaan ang blouse niya. Napalunok ako at parang magnet ang mga mata ko na hindi ko magawang alisin ang tingin dito.

At sa unang pagkakataon, tumigas ang pagka lalaki ko. Gusto ko sana humiyaw sa tuwa pero hindi ko na lang ginawa.

“Sir?” Tawag ni Levana sa akin.

“Y-yes?” Sagot ko ng hindi tumitingin sa mukha niya. Natatakam lang ako na nakatingin sa dibdib niya. Nasisiyahan ako dahil ngayon lang tumagal ng ganito ang katigasan ng alaga ko.

“May ipapaalis sana ako sa inyo sa dibdib ko.” Walang emosyon niyang sabi.

“T-talaga? A-ano ‘yon?” Excited kong tanong habang naglalaway na nakatingin pa rin sa dibdib niya. Pinunasan ko pa ang gilid ng labi ko.

“Pakialis naman ng mata mo sa dibdib ko.” Bigla naman ako napatingin sa mukha niya. Nakataas pa ang isang kilay niya sa akin. Tumikhim ako at umiwas ng tingin sa kanya.

“Ehem… S-sorry…” Nagkunwari ako na muling naging abala sa mga documents na binabasa ko at pasimple na niluwagan ang necktie ko.

Nakakahiya! I’m drooling over her.

Fūck!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   SECOND NAME

    AV ➭ 007❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †Dito sa isang mamahalin na restaurant ko nakitang huminto ang sasakyan ni Feitan. Pinarada ko ang motor ko sa hindi kalayuan. Pumasok si Feitan sa restaurant matapos may sabihin sa dalawa niyang bodyguard. Base sa galaw ng bibig niya, sigurado ako na sinabihan niya ang mga ito na dito na lang sa labas maghintay. Ilang sandali pa ako naman ang pumasok sa loob. Kampante naman ako na hindi niya ako makikila bilang secretary at bilang nagbanta sa buhay ng uncle niya. Malayong-malayo ang itsura ko sa pagiging old fashion na secretary at suot ko pa rin ang dark brown contact lense ko kaya hindi niya makikilala ang asul kong mga mata. I am wearing a black form-fitting tank, high-waisted leather pants, and a pair of ankle-length boots na pwede kahit mag-drive ako ng motor. Hindi gaya ng araw-araw na nakikita sa akin ni Feitan na maluwag na blouse na patay ang kulay at mahabang palda na pang manang. Wala din akong make-up at lalong wala akong malaking

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   Illegal Recruiter

    AV ➭ 006❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †“Hikain, para sa anong sakit ba ang honeymoon tea?” Biglang na ibuga ni Hikaru Ryosuke ang kapeng hinihigop. Narito kami ngayon sa coffeeshop ko-LH Café Noir. Wala akong pasok sa Huxley Enterprises ngayon dahil araw ng sabado. “What's funny?” Inosenteng tanong ko. Nagpipigil kasi siya tumawa. “Pūtā! San mo nalaman ang tungkol diyan?” Natatawa niyang tanong habang pinupunasan ang bibig. “Sa kaibigan ni Feitan. Honeymoon tea lang daw kasi ang dapat inumin ng kaibigan niya kasi may sakit ito.” Dito na lumakas ang tawa ng kaibigan kong baliw. Nakahawak pa siya sa tiyan habang natawa. Pinagtitīnginan na kami ng ibang customers. “What the fūck! Ilang taon na ba ang boss mo na ‘yan? Nasa 60’s na ba?” Tumigil na siya katatawa at pinunasan ang munting luha. “Nope. He's just 30 years old.” Seryosong sabi ko. Napanganga si Hikaru at hindi makapaniwalang nakatingin sa ‘kin. “King ina! Seryoso ka?” Tia gulat na gulat niyang tanong. “Oo nga! Bakit ba

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   The Blacksheep

    AV➭005 ❀ ❀ ❀ THIRD PERSON’S POINT OF VIEW “Damon, kumusta ang location mo?” Tanong ni Lance sa binata. “Buhay pa at paalis na sila.” Casual na sagot nito. Hindi maiwasan na napabalikwas ang binatang si Damon ng sumigaw si Ken dito. “Tarantado ka ba? Pinatakas mo?! Bakit hindi mo pinatay?” Tanong ni Ken sa kanya. Nagkamot ng tenga si Damon dahil sa sigaw ng kaibigan. “Kasi hindi niyo naman sinabi na papatayin sila. Wala akong dala na kahit ano.” sagot nito. “Hindi talaga nakatulong ‘yang sagot mo!” Gigil na sabi ni Ken sa kaibigan. Hindi naman maiwasan na matawa ni Kohen. “Ngayon alam ko na kung bakit siya sinasabihang black sheep.” Makahulugan na wika ni Kohen. Matapos sumabog ang barko na binabantayan ni Damon na may kargang mga paputok, hindi na rin nagtagal at nag-alisan na sila. Tapos na ang trabaho nila kahit wala naman talagang ginawa si Damon bukod sa nakamasid lang sa dagat habang kumakain ng mani. Ilang araw matapos ang huli nilang trabaho, nagpa

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   Honeymoon Tea

    AV ➭ 004❀❀❀LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX †Ilang araw matapos ang insidente ng silipan sa office ni Feitan, napansin ko na iniiwasan niya ako. Kahit dapuan ng konting tingin ay hindi niya ginagawa. Hindi ko matyempuhan ang makapasok sa office niya ng ako lang. Kahit uwian na kasi ng mga empleyado ay narito pa rin siya. Hindi niya rin kami pinapayagan ni Ruby na mag-overtime pa. Bagay na nagpalakas ng hinala ni Kohen na baka narito sa mismong opisina ni Feitan o sa loob lang ng building na ito isinasagawa ang transaksyon sa illegal business ni Danilo. Kailangan ko malaman ito sa lalong madaling panahon baka sakaling may impormasyon akong makuha kung saan nila tinago ang target ko. Kailangan ko pa yata maging mas malapit kay Feitan. “Ms. Levana, wag mo po kalimutan ang kape ni Sir Zach ha? Aalis na muna ako para bilhin ang pinabibili niya.” Bilin sa akin ni Ruby bago nagmamadaling umalis. Saktong pag-alis ni Ruby, tumunog ang intercom, agad ko naman itong sinagot. “Bring me coffee.” Do

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   FIRST DAY

    AV ➭ 003 ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † KINABUKASAN☘︎ Maaga akong bumalik sa ospital kung nasaan si Danilo. Dahil private hospital ito, I dressed in refined, luxurious clothing to present an image of wealth. Mag papanggap ako na may dadalawin. Nakakataka na kahit maraming tauhan ni Danilo ang nakapalibot sa labas ng ospital, mabilis lang ako nakapasok. “May mali dito. Mukhang tama nga ang hinala ko.” Bulong ko sa aking sarili. Umakyat ako sa ika-limang palapag kung saan siya naroon pero this time sa elevator na ako sumakay at sinadya ko sumabay sa marami. Sigurado ako na pinaghandaan nila ang pagbabalik ko para tuluyan ang amo nila kaya kung tama ang hinala ko, may trap silang hinanda dito. Paghinto sa 5th floor, saglit lang ako lumabas at mabilis inikot ang paningin. Pasimple kong dinikit sa pader ang isang napakaliit na spy camera bago pumasok ulit sa elevator. “Sorry, hindi pala ito ang floor kung saan naka-confine ang kapatid ko.” Napansin ko ang pagtitig sa a

  • ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration   FIRST MEET

    AV ➭ 002 ❀ ❀ ❀ LEVANA HEIDIDEA LAMBRIX † “Who are you?” Saglit akong nag-panic sa narinig kong boses pero mabilis ko rin kinalma ang sarili ko. Tinabig ko ang kamay niya na may hawak na baril. Hinawakan niya ako sa kanang balikat gamit ang kaliwang kamay niya, hinawakan ko naman ng madiin ang kamay niya at mabilis itong pinilipit kasabay ng pagharap ko sa kanya. Bumaliko ito pero hindi ko man lang siya nakitaan na nasaktan. Gamit ang kanang kamay niya, tinulak niya ko pasandal sa nakasarang pinto. Inipit niya ako sa pagitan ng katawan niya at ng pinto na halos wala ng dumaan na hangin sa pagitan namin. Masama ang tingin niya sa akin at nagngangalit ang panga. “Ikaw ba ang nagtangkang pumatay kay uncle Danilo?” Sinubukan ko siya itulak pero parang tolenada ang bigat ng katawan niya, hindi man lang natinag. “At kung ako nga?” Hamon kong tanong. Mabuti na lang hindi niya agad naisip tanggalin ang facemask kong suot. Tanging mata ko lang nakikita niya. “Then run for yo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status